Chapter 4
Kenzo’s Point of View:
Natawa ako nang maalala ang nangyari kanina. Hawak ni Ingrid ang pusa na pinaka importante kay Ivory. Nang makita kong hawak niya ’yon, pakiramdam ko nakita ko ulit si Ivory at pakiramdam ko, s’ya ’yon.
“Grabe! Pakiramdam ko anytime sooner, may mangyayari na hindi maganda,” sabi ni Timothy.
“What if… pinadala si Ingrid ng mga magulang niya dito para mag-imbestiga? Na kahit tayo, hindi natin alam kung ano ba talaga ang nangyari. Ni isa isa atin, walang alam. Paano pala kung sinadya ni Mr. Lucian na ipadala si Ingrid dito para maging spy at investigator?” Sabi ni Lance.
Umiling ako. Naalala ko pa ang nangyari noon. Ang bagay na naiwan sa tabi ni Ivory nang makita namin s’ya sa garden. I saw the black colibri lighter when we saw Ivory in the garden. Ang bagay na ’yon ay naiwan sa tabi ni Ivory na hindi namin alam kung sino ang gumawa o nag-iwan non pero nakita ko ang lalaking naka side view noon. Hindi ko nakita ng buo ang mukha niya pero natatandaan ko ang usok ng sigarilyo.
“Hindi natin alam, baka mamaya in iisa-isa na tayo ni Ingrid. Palihim na—”
“Stop, overthinking, Lance!” Napailing ako. “Wala tayong ginawang masama. Lahat tayo dito e, inosente. Hindi lang natin alam sa iba nating mga kaklase.”
“He’s right, Lance,” sabi ni Timothy. “Hindi nga natin alam sino ang tunay na pumatay kay Ivory o sino ang huli niyang kasama pagkatapos niyang makipag kita kay… Kenzo.”
Napalunok ako. Ayaw ko na itong pag-usapan pa pero sa tuwing iniisip ko na nandito si Ingrid para sa kapatid niya, kinikilabutan ako.
“Ilan sa atin ay mayroong lighter na katulad nung nakita natin kay Ivory,” sabi ni Timothy.
“Yeah. Lahat ata ng lalaki ay mayroon noon at ang iba sa kanila… hindi close si Ivory,” sabi ni Lance. “You have the Colibri lighter, Kenzo ’di ba?”
“Yes, I have. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong ginawa kay Ivory. She's my best friend,” sabi ko. "The last time I’m with her is… may gusto s’yang sabihin sa akin. Hindi ko s’ya pinakinggan dahil… ayaw kong lumapit s’ya sa akin, which is naging pagsisisi ko dahil dapat nakinig ako sa kanya.”
Natigil lang kami sa pag-uusap nang makita namin si Ingrid. Nakangiti s’ya habang kausap ang pusa at naglalakad papunta sa ’min. Umupo kami nang maayos at agad na napatingin sa akin si Ingrid. Kagaya kanina, napawi rin ang ngiti niya at dumiretso kaagad sa kanyang upuan.
“Saan mo nakita si Luna?” Tanong ko.
“Nakaharang s’ya kanina sa hallway. Hindi ko nakita ang dinadaanan ko kaya ayon, nabangga ko s’ya,” sabi ni Ingrid.
“Gusto mong ampunin?” Tanong ko.
Tumango si Ingrid. “Ayaw niya ng lumayo sa akin kaya naman dadalhin ko na lang s’ya sa dorm. Pwede pala dito ang animals?”
Tumango ako. “Simula ng maging principal si Mr. Lucian nagagawa namin ang lahat ng gusto namin. Pwede kaming magdala ng pusa, aso, at iba pa. Pwede rin magdala ng matulis na bagay para depensahan ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda.”
“Bakit? Tuwing gabi ba may gumagala na masamang tao?” Tanong ni Ingrid at hinaplos ang collar ni Luna.
“Hindi pwedeng lumabas sa gabi. Mahigpit na ipinagbabawal ’yon dahil laganap rin ang mga gangster dito. Delikado kasi ang university na ’to at para lang sa malakas ang loob ang pwede dito,” paliwanag ko.
Tumango si Ingrid. Gusto ko sana sabihin ang lahat ng alam ko ngunit pinagbawalan kami ng principal. Mananatiling malaya si Ingrid na gawin ang lahat ng gusto niya basta nandito kami ng principal para manood. Sinabi sa ’kin ng principal na magiging mata ako ni Ingrid sa lahat. He wants to protect Ingrid, bagay na hindi niya nagawa noon kay Ivory.
“Hindi ako makapaniwala na pusa ’to ng Ate Ivory ko. Hindi niya man lang sinabi sa akin,” sabi ni Ingrid.
“Bakit? Hindi mo pa ba nakikita ang ate mo?” Tanong ko. Hindi na ako nakinig pa sa sinasabi ng mga prof. “Ang pusa na ’yan ay laging nakadikit kay Ivory kaya naman kinuha niya na dahil gusto niyang… alagaan namin.”
Umiling si Ingrid. “Sabi lang, nasa ibang bansa si ate. She’s recovering from a disease. Alaga niyo pala ’to ’no? Galing.”
Nagulat ako doon. Hindi kailanman sinabi sa amin ang tungkol doon. Kung sa bagay, kuryoso masyado si Ingrid, bagay na delikado para sa kanya. Hindi na lang ako nagsalita at nakinig sa sinasabi ng aming guro.
“Don’t forget to bring your journal sheet for accounting. Bye!” Sabi ng prof namin sa accounting.
Tumayo ako at tinignan si Ingrid na hawak si Luna. Tiningnan ko ang mga kaklase namin ngunit lahat sila ay iwas at takot na madikitan ni Ingrid.
“P.E ang subject natin. Gusto mo ba sumabay?” Tanong ko.
Her hazel brown eyes looked into mine. “Sure!”
Sabay kaming pumunta sa Sports Center at agad nakita ang mga naglalaro. I smiled when I remembered Ivory. Hilig niya ang volleyball at naalala ko na marami s’yang naging kaaway.
“Oops, you’re Ingrid, right?” Tanong ni Kael, ang nang-b-bully noon kay Ivory.
“Yes?” malamig na sabi ni Ingrid at tinignan si Kael.
“Hindi pa ba natin gagawin ang project? Sa library lang naman,” nakangising sabi ni Kael. Tinignan nito ang katawan ni Ingrid kaya nagtagis ang panga ko. “What do you think?”
“We can talk to our phones. Hindi kailangan na magsama tayo sa isang library,” sabi ni Ingrid.
Natawa si Kael. “Ikaw ang gagawa ng group presentation? Ayaw mo sumama ’di ba? You will volunteer to finish our task.” Napatingin sa akin si Kael. Mas lalong lumawak ang ngisi niya. “Another Dela Torre’s boy toy…” Nagtawanan sila.
Natigilan ako at kusang napatingin kay Ingrid na nakakunot ang noo.
“Stop it, Kael,” mahinahon na sabi ko.
“What? Takot ka ba na baka akitin ka rin ng kapatid ni Ivory? Doon naman s’ya mahilig hindi ba? Ang gamitin at akitin lahat ng lalaki dito. She’s such a bitch—”
Napaatras ako nang isang malakas na suntok sa pisngi ang ginawa ni Ingrid kay Kael. Dahilan para mapaatras s’ya at mapahawak sa pisngi.
“Anong sabi mo?” Sigaw ni Ingrid. “Hindi bitch si Ate Ivory kaya bawiin mo ang sinabi mo!”
“Ingrid, calm down.” Hinawakan ko ang braso ni Ingrid.
Natawa si Kael at tinignan si Ingrid. Seryoso ang mga mata ni Ingrid at mas lalo akong natakot sa mga ginagawa niya.
“Hindi ba totoo? Bakit hindi mo tanungin si Kenzo? She flirted with all the boys here in this university at ikaw? Kapatid ka niya ’di ba? Bakit hindi mo rin gawin—”
Isang sampal naman ang ginawa ni Ingrid sa kanan nitong pisngi. Lahat ng estudyante ay nanonood at ang iba pa ang nag-k-kwentuhan sa gilid. Huminga ako ng malalim at hinawakan si Ingrid na halos ilapag na ang kanyang bag.
“Isa pang salita galing sa madumi mong bibig, hindi lang ’yan ang gagawin ko,” malamig na sabi ni Ingrid at binitawan ang braso ko. “Wag na ’wag mong babastusin ang ate ko mismo sa harapan ko o sa kahit na kanino dahil kung hindi...” Ngumisi si Ingrid. “Tatahiin ko ’yang madumi mong bibig.”
Umalis si Ingrid. Naiwan ako sa harap ni Kael na natigilan at nakatulala. Hinawakan ko ang collar niya at tinignan s’ya.
“Isa pang “Ivory” mo... malilintikan ka sa akin, Kael,” bulong ko. “Hindi ko palalampasin ang araw na ’to na hindi ko… nakikitang may gasgas ang mukha mo.” Ngumisi ako at tinapik ang balikat ni Kael na nagtatagia ang panga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top