Chapter 21

Ingrid’s Point of View:

“Ingrid!”

Natigilan ako sa pag takbo nang marinig ang boses ni Cassy. Napalunok ako at mabilis s’yang hinarap at nakita si Camilla na hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko at tinignan si Camilla. 

“Bitawan mo si Camilla,” mahinahon na sabi ko. 

Biglang dumating si Ian na nakangisi. Wala na s’yang suot na maskara at nakikita ko na ang tunay niyang mukha. Nanliit ang mga mata ko nang makita ang sugat sa kaliwa niyang mata at nag-iwan ng marka. Tinignan ko si Camilla na nakatingala habang may kutsilyo sa kanyang kamay. Ngayon, dalawa na silang nasa harapan ko. 

“Anong pakiramdam na unti-unti nawawala sa ’yo ang lahat? Una… si Kenzo.” Napasinghap ako. “Pangalawa ang mga tao sa loob ng school na ’to at pangatlo…” Tinignan niya si Camilla. “Ang matalik mong kaibigan.”

“Marami ng nawala sa buhay ko Cassy at lahat ng ’yon ay wala sa akin dahil alam mo kung bakit?” Ngumiti ako. “Mayroon akong pamilya na masasandalan… hindi katulad mo na ginamit at ginawang laruan.”

“Manahimik ka!” Napasigaw si Camilla dahil mas lalo pang nilapit ni Cassy ang kutsilyo sa  leeg ni Camilla. “Wala kang alam sa kung anong pinagdaanan naming lahat! Wala kang alam sa kung ano ang naranasan namin sa buhay na meron kami!”

Tinignan ko lang s’ya at kahit umuulan ay kitang-kita ko si Detective Clara na nasa likod ng malaking puno. Ngumiti ako at umatras nang maglakad papunta sa akin si Ian dala ang isang kutsilyo. Hindi pa rin kami natatapos sa habul-habulan habang umuulan at hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa loob ng school at kampante ako dahil nandoon ang mga Dela Torre. 

“Wala ka ng matatakbuhan pa Ingrid!” Tumawa si Ian. 

“Sigurado ka?” Ngumiti ako. 

Mabilis akong umilag ng iwasiwas sa akin ni Ian ang kutsilyo. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at sinikmuraan dahilan para mapaatras s’ya. Mabilis akong tumalon sa puno at dumiretso sa kanya ang malakas kong tadyak. Mabilis kong hinawakan ang kutsilyo at tinapon sa kahit saan. Tumayo s’ya at nasampal ang kaliwa kong pisngi pero wala sa akin ’yon. 

“Hindi mo ba matanggap na ginamit lang kayo ni Dr. Isaac? Na ginamit niya lang kayo para makalapit sa aming mga Dela Torre? Na ginamit niya lang kayo para gawing tulay para sa pangarap niya!” sigaw ko.

“Tumigil ka na!” sigaw ni Ian at nahawakan ang buhok ko. “Tumigil ka na sa kakasabi ng walang kwenta dahil hindi ’yan totoo!”

Tumawa ako at hinawakan ang kamay niya na nasa buhok ko at malakas na siniko ang tiyan ni Ian. Mabilis kong sinipa ang mga hita niya at nahawakan ang braso niya para paikutin papunta sa likod. Rinig na rinig ko ang pag tunog ng mga buto niya kaya mas lalo kong binanat ang braso niya sa likod. Ngumisi ako at mabilis na kinuha ang handcuff na nasa bulsa ko. 

“Totoo ang mga sinasabi ko, Ian ginagamit niya lang kayo para sa pangarap niya…” hinihingal na bulong ko. 

“T-Tama na! M-Manahimik ka!” sigaw ni Ian. 

Hawak ko si Ian nang biglang may sumabunot sa akin at kinalmot ako. Napasigaw ako at mabilis na umatras. Tinignan ko silang dalawa at mabilis na hinila si Ian at tinignan si Camilla na tumakbo para puntahan si Cassy na nasa likod ko. Nagtagis ang panga ko habang hila-hila ko si Ian habang sa likod ko ay si Camilla at Cassy. Buhat ng kalakasan, mabilis kong nilagay kay Ian ang handcuff at napasigaw ako nang bumaon ang kuko ni Cassy sa pisngi ko papunta sa gilid ng mga mata ko pero hindi ako nagpatalo. 

“Camilla!” sigaw ko at binigay ang handcuff sa ilalim.

“Wait!” sigaw ni Cassy at pilit na hinawakan ang kamay ni Cassy para tanggalin sa pisngi ko ang kuko niya. “Yuko!”

Yumuko ako at mabilis na umikot at kinabit kay Cassy ang isa pang handcuff. Ngayon, apat na kaming nakasuot ng handcuffs. Tumawa ako at hinihingal na napatingin sa aming apat. Ako, kay Ian at si Camilla kay Cassy na nanlaki ang mga mata. 

“A-Ano ’to?!” sigaw ni Cassy. “Kuya Ian!”

Tumawa ako at ngumisi sa kanilang dalawa nj Ian na nagulat sa mabilis naming ginawa ni Camilla. Tinignan ko si Camilla na may sugat sa leeg na nakangiti sa akin. 

“Detective Clara.” tawag ko. “T-Tapos na.”

Lumabas si Detective Clara hawak si Dr. Isaac na walang malay. Napasinghap sila Cassy at Ian nang makitang walang malay ang kanilang magaling na ama. Naglakad kaming apat papunta sa loob at nakita si Sir Lucian at ang mga Dela Torre na naliligo sa ulan. Hingal na hingal akong napaupo at sabay na umupo si Cassy at Ian. 

“Lolo…” Nanghihina na tawag ko. “I made it. N-Nakuha ko na ang hustisya para—”

Napapikit ako at kusang nandilim ang paningin ko kasabay nun ay ang pagbagsak ko sa lupa.

Nagising ako sa malambot na kama kaya napabangon ako. Tinignan ko ang paligid at nakitang nasa kwarto ako. Napa kurap ako at napatingin sa katawan ko at natigilan nang makitang may cast ang braso ko. Hindi ’yon panaginip?

“Gising ka na.”

Napatingin ako sa boses na ’yon at natigilan nang makita si Ivory. Napa kurap ako at napatingin sa kanya na nakaupo sa sofa na paborito niya. 

“A-Ate?” tawag ko. 

“Nagawa mong maging isang detective…” Nakangiting sabi niya. “Nagawa mong hanapin kung sino ang pumatay sa akin at nagawa mong  iligtas ang mga estudyante. Proud na proud ako sa ’yo.”

“Ate!” Umiiyak na sigaw ko at natawa s’ya habang nakaupo. Suminghap ako at tinignan s’ya na mukhang masaya at walang kahit anong sugat sa katawan. “B-Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? B-Bakit…”

Huminga s’ya ng malalim at tumayo para umupo sa gilid ng kama. Ngumiti s’ya at hinawakan ang kamay ko kaya nangilid agad ang luha sa mga mata ko. 

“Alam kong nahihirapan ka… alam kong hindi naging madali ang lahat ng ’to sa ’yo pero maniwala ka man o hindi ay gusto kong ikaw mismo ang maging detective ng sarili kong kaso. I’m sorry if I leave you behind without knowing na hindi magiging madali para sa ’yo ang lahat. Alam ko na sobrang bigat ng nararamdaman mo ng malaman mong wala na ako…” Nanginig ang boses niya at pinigilan ko naman na umiyak. “Pero ganun ang buhay, Ingrid… hindi mo man ako kasama pero lagi mong tatandaan na lagi lang akong nasa tabi mo at please? ’Wag mong sisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyari.”

“Ate, nagawa ko,” ngumiti ako. “Nahanap ko ang killer at niligtas ko ang mga estudyante sa Du Mort University.”

Ngumiti s’ya sa akin. “Alam ko at ikaw ang pinaka matapang na nakilala kong Dela Torre.”

Ngumiti ako at agad s’yang niyakap. Sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. Mahigpit akong niyakap ni Ate Ivory kaya mas lalong lumakas ang hikbi ko. 

“T-Teka…” Humiwalay ako. “Si Kenzo!”

Natigilan si Ate Ivory at napatingin sa akin. Huminga s’ya ng malalim at tinignan ang mga mata ko. 

“Si Kenzo ang pinaka matalik na kaibigan ko sa school at gusto ko sana na sa pamamagitan mo… masabi mo sa kanya kung gaano ko s’ya kamahal. Kung gaano s’ya ka-importante sa akin.” Ngumuso si Ate Ivory. “Ngayon ko lang na-realize ang lahat ng ginawa niya sa akin pero hindi non matutumbasan ng kahit na ano. Alam kong malaki—”

“Ate.” Ngumiti ako. “Mahal na mahal ka ni Kenzo. Lahat ginawa niya para protektahan ka sa lahat ng tao at lahat ginawa niya para bigyan ka ng hustisya.”

Napangiti ako ng makita ang nagkikislapan na luha sa mga mata ni Ate Ivory. Hinawakan ko ang kamay niya at tumango s’ya at suminghap. 

“Sige na… graduation niyo na, Ingrid,” nakangiting sabi ni Ivory. “Sasamahan kita at ’yun ang pambawi ko sa lahat ng nagawa mo sa akin. Mahal na mahal ka ni ate. Mahal na mahal…”

Ngumiti ako. “I love you, ate.”

Maya maya lang ay napatingin ako sa pinto ng bumukas ’yon at nakita ko si mommy. Napatingin ako sa kama at nakitang wala na si Ate Ivory. Ngumiti ako kay mommy at niyakap s’ya na niyakap rin ako pabalik. 

“Are you ready?” tanong niya. 

Tumango ako, magaan ang puso dahil sa nangyari kanina. Napangiti ako at tinignan ang kama at tignan si mommy. 

“Graduation day na po pala,” nakangiting sabi ko. “Parang kahapon lang nangyari.”

Tumawa si mommy. “Salamat, anak.” Hinaplos niya ang buhok ko at pinakatitigan ako. “Bago pa ako umiyak tutulungan na kitang maghanda.”

Natawa ako at tumango na lang. Huminga ako ng malalim at mabilis na nag-asikaso para sa graduation.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top