Chapter 20
Kenzo’s Point of View:
Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may nangyayaring hindi maganda sa labas ng sports area. Huminga ako ng malalim at tinignan si Sir Lucian na naglalakad papunta sa amin.
“Sir Lucian… manong nangyayari?” nag-aalala na tanong ko.
“Ingrid plans to trap Ian and Dr. Isaac here in Du Mort University. Gustong tapusin ni Ingrid ang lahat dito sa school na ’to para bigyan ng hustisya ang ate niya. Pumayag akong gawin niya ’yon kaya naman—”
“Sir bakit ka pumayag?!” Tumaas ang boses ko. “Alam nating lahat kung gaano kadelikado si Dr. Isaac at Ian! Pwedeng mamatay si Ingrid sa ginagawa niya!” Tinignan ko ang mga kaibigan ko bago tinignan si Sir Lucian. “Sasama ako.”
“Hindi!” Mabilis niya akong tinignan. “Dito ka lang, Kenzo. Hangga’t maaari ay dito lang kayong lahat.”
Umiling ako. “Hindi ko na hahayaan na may mangyaring masama kay Ingrid. Nangako ako sa ate niya at tutuparin ko ’yon.”
Tumakbo ako at hindi pinansin ang tawag ni Sir Lucian. Naririnig ko ang mga sigawan at putok ng baril kaya natigilan ako. Napasinghap ako at mabilis na tumakbo papunta sa gitna. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ingrid na pinagtutulungan ng mga sindikato. Napatingin ako sa gilid nang makitang naglalakad si Ian kasama si Dr. Isaac palabas ng school.
“Ingrid!” malakas kong sigaw.
Napatingin sa akin si Ingrid at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Mabilis akong tumakbo at tinuro si Ian at ang kanyang daddy. Tumango si Ingrid at mabilis kaming lumabas ng school. Du Mort University is surrounded by a forest that’s why no one likes to be here. Tumakbo kaming dalawa ni Ingrid at mabilis kong hinampas si Ian at sinuntok sa panga. Napaatras si Ian at napatingin sa akin.
“Saan kayo pupunta?” tanong ko.
“Kenzo…” Mariin na tawag ni Ian. “Kung ayaw mong mapahamak lumayo ka!”
“Hindi! Matagal na akong nanahimik sa pagkamatay ni Ivory. Matagal akong naging duwag dahil lang pinagbantaan mo ang mga magulang ko pero ngayon…” Umiling ako at seryoso s’yang tinignan. “Hustisya para kay Ivory.”
Ngumisi si Ian. “Hindi mo gugustuhin na maging katulad ni Ivory, Kenzo. Alam nating lahat na hindi ka kailanman minahal ni Ivory dahil kaibigan ang turing niya sa ’yo. Ngayon, kung ayaw mong—”
Mabilis kong sinuntok ang mukha niya kaya nagtagis ang panga niya. Umatras ako at mabilis na umilag sa mga suntok niya at agad na hinawakan ang mga kamay niya. Nagpagulong-gulong kami hangga’t sa umibabaw ako kay Ian.
“Lahat ng ginagawa ko ay para kay Ivory! Lahat ng ginawa mo sa kanya ay ibabalik ko tarantado! Una pa lang… dapat pinatay kita nang makita kita sa harap ni Ivory!” Pinagsusuntok ko ang mukha ni Ian. “Sana mamatay ka na lang! Buong buhay ko—”
Natigilan ako nang tamaan ako ng bala ng baril sa braso. Napahiga ako at mabilis akong sinuntok ni Ian sa mukha at napasigaw nang tapakan niya ang sugat ko. Tumawa nang malakas si Ian.
“Putang ina nag-aalala kayong lahat kay Ivory na walang ginawa kundi maging sunod-sunuran ng mga tao! Bakit niyo ba ipinagtanggol ang babaeng ’yon samantalang wala naman s’yang pakialam sa inyo!” Napailing si Ian at mas lalong tinapakan ang sugat ko.
“D-Dahil iba si Ivory sa mga katulad mong drug addict!” sigaw ko. “N-Nalaman… niya na gumagamit ka ng droga!” Napapikit ako sa sakit. “N-Nalaman ni I-Ivory…ang mga kalokohan mo k-kaya—” Napasigaw ako nang mas lalo niyang tapakan ang sugat ko.
“Kenzo!” sigaw ni Ingrid.
Napaatras ako nang biglang sipain ni Ingrid ang mukha ni Ian dahilan para matumba si Ian at mabitawan ako. Tumayo ako habang hawak ang braso ko. Tinignan ko silang nagpapalitan ng suntok at tadyak sa bawat isa. Huminga ako ng malalim at mabilis na siniko si Ian at nang hindi pa s’ya nakakalingon ay sabay namin s’yang sinipa ni Ingrid sa tagiliran.
“Bakit ka lumabas?!” sigaw ni Ingrid sa akin.
“Hindi ako mapakali kaya ako—” Natigilan ako nang biglang sunod-sunod na pumatak ang ulan. “...lumabas.”
Tumakbo kaming dalawa ni Ingrid para habulin si Dr. Isaac na ngayon ay tumatakas pagkatapos iwan ang batalyon niyang mga kasama sa school. Ngayon lang ako nakaranas ng mala-action star na gawain lalo pa’t napapanood ko lang ’to. Napailing ako at sa gantong sitwasyon ko pa talaga gustong tumawa.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Ingrid kay Dr. Isaac nang mahuli niya ’to.
“Bitawan mo ako!” sigaw ni Dr. Isaac.
“Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan bakit pinatay niyo ang ate ko. Kasama ka sa pumatay sa ate ko…“ sabi ni Ingrid. “Ni-rape ng dalawang anak mo ang ate ko… pinagsamantalahan niyo ang pagiging malambot ni ate sa aming pamilya niya… ano pang kasunod? Hinayaan niyo ang ate ko na mamatay sa lason na binigay mo at pinalabas niyong suicide ang nangyari. Bakit? Anong dahilan bakit niyo ginawa sa ate ko ang mga bagay na ’yon?”
“Wala akong alam sa mga sinasabi mo!” mariin na sabi ni Dr. Isaac.
Sinipa ni Ingrid ang likod ni Dr. Isaac dahilan para mapaluhod s’ya. Napalunok ako at pinagmasdan silang dalawa. Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman ni Ingrid. Ang galit ng nawalan ng mahal sa buhay, galit na kailanman hindi mapapawi, at ang galit ng taong nasasaktan.
“Aminin mo na ang ginawa mo… ginamit mo ang mga anak mo para gawin lahat ng kahayupan sa school Dr. Isaac! Ginawa mong baliw ang mga anak mo at ginamit mo para maghasik ng kahayupan sa buong Du Mort University para ano?” Tumawa si Ingrid at galit na hinawakan si Dr. Isaac sa buhok. “Dahil ang totoo gusto mong angkinin ang pagiging pinakamayamang tao ni Ate Ivory at magpakasal sila ni Ian o Israel… pangarap mong magtayo ng hospital hindi ba?”
Hindi nagsalita si Ingrid. Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa dami niyang nalalaman. Napailing ako dahil hindi naalala ko ang sinabi ni Ivory, detective ang pangarap na maging trabaho ni Ingrid noon at ngayon? Nagagamit niya ’yon sa ibang bagay at sa pag-solve ng kaso ni Ivory.
“Ginawa ko ’yon dahil malapit ang kapatid mo kay Israel at Ian. Ginamit ko ang kahinaan ng ate mo para mapasunod namin s’ya ng mga anak ko.” Tumawa si Dr. Isaac at galit na napatingin kay Ingrid. “Ginamit namin s’ya para gawing—”
“Ingrid!” Mabilis kong tinulak si Ingrid at ako ang sumalo ng injection ni Dr. Isaac. “Ahh!” Sigaw ko nang mamanhid ang kaliwa kong hita dahil sa ginawa ni Dr. Isaac.
“Kenzo!” Mabilis na tumakbo si Ingrid sa akin at napatingin sa hita ko. “Kenzo... oh my God! A-Anong nangyari?”
“M-May injection s’yang dala…” banggit ko. “H-Habulin mo na s’ya.”
“Hindi kita iiwan dito!” sigaw ni Ingrid. “Hindi kita iiwan!” Basang-basa ang mukha ni Ingrid ng ulan.
Umiling ako at hindi ko na maramdaman ang hita ko at pakiramdam ko may napupunit sa mga muscle ko.
“Iwan mo na ako…” Ngumiti ako. “G-Gusto kong malaman mo na m-mahal na m-mahal ko ang ate mo. Higit pa sa nararamdaman niya ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.”
Suminghap si Ingrid kaya tinitigan ko ang mukha niya. Para kong nakikita si Ivory. Nagdidilim na rin ang paningin ko dahil sa tama ng baril at ang gamot na ininject sa akin ni Dr. Isaac.
“B-Bigyan mo ng hustisya si Ivory… sige na!” Tinulak ko s’ya at sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. “Go, Ingrid!” Tinulak ko s’ya at pumikit. “H-Habulin mo sila…”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top