Chapter 2
Kenzo’s Point of View:
“Nandito na raw ang kambal ni Ivory.”
I froze when I heard that. Natigilan ako sa pag-g-gitara nang marinig ang sinabi ni Timothy. Tinignan ko s’ya na nasa akin ang tingin at mukhang binabasa ang reaksyon ko. Hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon dahil hanggang ngayon, naalala ko pa rin ang nangyari kay Ivory. Alam kong hindi suicide ang nangyari at kahit kailan hindi ko matatanggap ang dahilan na sinabi sa amin ng principal.
“Kasama niya si Camilla at ibang-iba sa Ivory ang kambal niya. Sinabi lang rin ’to sa akin ni Camilla dahil malakas ang kutob niya na may babalikan ang kambal ni Ivory,” sabi ni Timothy.
“You know we don’t know the person who killed her. Sinabi lang sa atin na suicide ang nangyari,” sabi naman ni Lance.
Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kanilang dalawa. Napatingin ako sa litrato ni Ivory at kapwa kaming nakangiti at masayang-masaya sa litrato. Napapikit ako at bumuntong hininga.
“Bakit s’ya nandito?” Walang kwentang tanong ko. “Hindi na dapat s’ya pumunta dito at totoo bang kambal niya talaga ’yon? Wala namang kambal si Ivory.”
“Sa tingin mo nagsisinungaling si Camilla?” Sabi ni Timothy. “Everyone was shaking because Ivory’s twin sister is here. Alam nating lahat kung gaano kademonyo ang mga tao dito. Everyone is killing each other!”
Hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyari dahil matagal ng binaon sa hukay ang pagkamatay ni Ivory. Ngayon na nandito ang kambal niya, sa tingin ko, magsisimula ng mahalungkat ang nakaraan.
“Alam niyo, let’s not talk about Ivory. Matagal ng patay ’yung tao at hayaan na natin s’yang manahimik. Pumasok na lang tayo at ma-l-late na naman tayong tatlo,” sabi ni Lance.
Tumango ako at napatingin sa picture ni Ivory bago lumabas ng dorm. We walked out and immediately went to the business administration building. I entered the classroom and looked at the empty seat next to me. It was Ivory's chair, and since she died, no one has tried to sit next to me.
“Okay, class. Please settle down. We have another transferee.”
I looked at the door and was stunned to see Ivory—no, the same face with Ivory, and I didn't know that she existed. I sat up and looked at her face. Ivory has a soft face, while this girl has an intimidating aura. She stood in front and watched us before introducing himself.
“I’m Ingrid Dela Torre.” She smiled a bit.
Lahat sila ay natahimik kaya wala sa sariling ngumisi ako. Everyone knows Ivory at alam nila sa mga sarili nila na may masama silang ginawa kay Ivory kaya ganyan na lang ang reaksyon nila. Even the teachers know it but they keep silent.
“W-Welcome to Du Mort University, Ms. Ingrid. You may now take your seat beside…” Tinignan ako ng prof namin. Tinuro ng prof ang upuan na nasa tabi ko. “Beside Kenzo.”
Tumango si Ingrid. “Thank you.”
Hindi ako tumingin o kumibo sa kanya at nanatili akong nakatingin sa unahan. Tahimik ang naging klase namin dahil sa pagdating ni Ingrid. Lumunok ako at pinagmasdan ang ginagawa ni Ingrid and like Ivory, she likes to draw.
“You like to draw?” Tanong ko.
“Yes, a bit. Bakit?” Tanong pabalik ni Ingrid. Hindi man lang ako tinignan.
“Wala lang. May naalala lang ako,” kalmadong sabi ko. “Why did you enroll in this school? Hindi ka ba aware sa pinasok mo?”
Tuluyan na s’yang napatingin sa akin kaya napaatras ako ng kaunti. Her hazel brown eyes bored into mine.
“My mom enrolled me in this school and I heard, demonyo raw ang paaralan na ’to but I’m excited,” sabi ni Ingrid. “Kilala mo ba ang kapatid ko?”
Natigilan ako ngunit agad rin namang sumagot. “Hindi.”
As the prof continues discussing everything in front, hindi man lang nakikinig si Ingrid. She is so busy writing that I don't understand. When the class ended, I was the first to go out. I sighed, and we immediately walked to the center. I sat on the benches with Lance.
“Anong pinag-usapan niyo?” Tanong ni Lance.
“Gusto niyang malaman ang tungkol sa kambal niya,” sagot ko.
“Huh? Hindi niya ba alam na wala na si Ivory?” Si Timothy sa gulat na boses. Tinignan ko s’ya nang masama kaya umiwas s’ya ng tingin.
“Anong sinabi mo?” Tanong ni Lance.
Umiling ako. “Sinabi kong hindi ko kilala ang kapatid niya pero nakakapagtaka na hindi ko man lang nababasa ang takot sa mga mata niya nung sinabi kong demonyo ang mga tao dito. Excited pa nga s’ya!”
“Well, let’s see.” Tumayo si Timothy. “Tara na, gusto ko ng kumain.”
Pumunta kami sa kainan dito rin mismo sa school. Umupo ako sa madalas kong inuupuan at nakita sila Cassy na nasa pinto at tila may inaabangan.
“She’s here!” Si Cassy at nagmamadali na pumunta sa upuan.
Napatingin naman ako doon at nakita si Ingrid kasama si Camilla. Pinagmasdan ko si Ingrid na kumuha ng stainless steel divided dinner tray lunch.
“Masama ang kutob ko dito,” sabi ni Lance. “Knowing Cassy… she will do something.”
“Then it’s good. Makikita natin kung paano depensahan ni Ingrid ang sarili niya,“ sagot naman ni Timothy at nilagay ang mukha sa kanyang palad.
Pinanood ko si Cassy na naglalakad papunta kay Ingrid na dala ang tray. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan silang dalawa na nagkasagutan.
“Tabi!,” sabi ni Ingrid. “Wala akong panahon para makipag sagutan sa mga walang kwenta mong rebuttals.”
“So you’re messing with your college life?” Binitawan ni Cassy ang tray niya at lumapit kay Ingrid para hilain ang collar ng damit ni Ingrid.
Napasinghap kaming lahat ng binitawan ni Ingrid ang gatas at nilapit sa leeg ni Cassy ang tray dahilan para mapaatras ito at bahagyang napahiga sa lamesa. Nagtaas ako ng kilay at pinanood si Ingrid.
“I like messing things up, Cassy. Don’t worry, you’re the first one I messed with,” nakangiting sabi ni Ingrid at mas diniinan pa ang tray sa leeg ni Cassy na nangangatog na sa takot.
“How dare you!” Sigaw ng kaibigan ni Cassy ngunit dahil mabilis ang reflexes ni Ingrid, nagawa niya itong sabunutan. “Ouch! Let me go, you witch!”
Bored na tinignan ni Ingrid ang dalawa habang ako naman ay namamangha sa pinakita niya. She knows how to defend herself. Kabaliktaran niya ang kambal niyang si Ivory.
“Next time… I will not give you a second chance to live.” Malamig na tinignan ni Ingrid ang dalawang babae. “And by the way, my college life is actually messed up.”
“Bitawan mo ako kung ayaw mong magaya sa ate mo!” Biglang sigaw ni Cassy na ngayon ay nakahiga pa rin. “Wala akong pakialam kung sira ang college mo dahil mas sisirain ko pa ang buhay mo! Let me go!”
Nagpupumiglas si Cassy ngunit alam kong sinadya niyang sabihin ’yon. To trigger Ingrid. Natahimik ang lahat ng tao at gulat sa sinabi ni Cassy na tumawa lang, parang walang sinabing masama.
“Kilala mo ang ate ko?” Mariin na tanong ni Ingrid. “Anong alam mo tungkol sa ate ko? Kaibigan ka ba niya?”
“Oh, you didn’t notice—”
“Cassy,” mariin kong tawag para mapigilan s’ya. “Stop.” Naglakad ako palapit sa kanilang tatlo at kinuha ang tray. Ngumisi si Cassy at inayos ang school uniform niya. “Bumalik na kayo sa mga classroom niyo pagkatapos kumain.”
Napatingin sa akin si Ingrid. Seryosong-seryoso ang mga mata niya ngunit bakas doon ang pagtataka.
“You should stop messing with these people for your safety,” sabi ko.
“Bago pa ako dumating dito, sira na ang buhay ko.” Padabog niyang binitawan ang tray. “Babalikan ko kayo.” Ingrid stopped when she saw Luna—the black cat but it didn’t stop her, dire-diretso ang lakad niya at kasunod non ang pusa ni Ivory.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top