Chapter 19
Ingrid’s Point of View:
Nagising ako sa masamang panaginip. Bumangon ako at napatingin sa kisame, napagtanto na nasa dorm na ako. Napapikit ako nang maalala ang nangyari kagabi lang at kitang-kita ko si Manuel at Israel na nakahandusay sa sahig. Huminga ako ng malalim at napatingin sa katabing kama ng wala si Camilla.
“Gising ka na pala,” sabi ni Camilla.
“Sino nagdala sa akin dito?” tanong ko at uminom ng tubig na dala niya.
“Si Sir Lucian… kasama ang isang babae na Clara ang pangalan,” sagot niya. “Kumusta ang pakiramdam mo?”
Imbes na sagutin si Camilla ay napatingin ako sa bintana. Tahimik at normal na araw lang para sa mga estudyante. Tinignan ko si Camilla na nakatingin sa akin.
“Kayo-kayo lang ang nakakaalam sa nangyari kagabi. Sinabi ni Sir Lucian sa mga estudyante na hindi kailangan pag-usapan ang pagkamatay nila Manuel at Israel. Nakakatawa na mas natutuwa pa ang mga estudyante na malaman na wala na ang dalawang bullies,” sabi ni Camilla.
Natigilan ako at naalala ang sinabi ni Clara sa akin. Ang war sa pagitan ng Dela Torre at ng school. Ngayong alam na ng mga Dela Torre ang nangyari sa kapatid ko, sigurado akong pupunta sila dito. Mabilis akong bumangon at agad na nagbihis dahil kailangan kong puntahan ang principal.
“Ingrid!” sigaw ni Camilla.
Mabilis ang lakad ko kahit pa masakit ang mga paa ko. Nakarating ako sa principal’s office at agad na binuksan ang pinto upang makita ang mga magulang ko. Napasinghap ako at natigilan nang makita si mommy na napatingin sa akin.
“M-Mommy…” tawag ko.
“Ingrid,” mahinahon na tawag niya at mabilis na tumayo para yakapin ako. “I’m so sorry that you experienced this inside this school.” Binitawan niya ako at tinignan ang mga sugat sa pisngi at leeg ko tsaka s’ya umiyak at niyakap ako. “I’m so sorry, Ingrid.”
Tinignan ko si daddy na tumayo at hinaplos ang buhok ko. Mabilis akong umupo at napatingin kay Lolo Thomas na seryosong nakatingin sa principal.
“Bigla na lang nawala si Dr. Isaac at ang dalawa niyang anak ay wala na rin kaming balita. Balita ko ay nagtatago sila pero malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama bukas o sa araw na ’to. Gusto ko lang na maging handa kami sa lahat, Mr. Dela Torre,” sabi ni Sir Lucian. “Ayaw kong madamay ang mga inosenteng estudyante na gusto lang mag-aral sa school na ’to.”
“Wag kang mag-alala dahil handa kami kung sakali man na bumalik si Isaac.” Tinignan ako ni Lolo Thomas. “Are you okay?”
“Yes, lolo…” mahinahon na sabi ko. “Ano pong pinag-uusapan niyo?”
“Nakatanggap ng death threat ang Du Mort University galing kay Isaac,” sabi ni lolo. Natigilan ako at napatingin sa principal. “Anuman sa mga oras na ’to ay kailangan nating mag handa. Tumawag na kami ng mga NBI para tulungan tayong mahanap ang tatlong ’yon. After Ingrid’s investigation here in school, kailangan ng magbayad ng may kasalanan sa pagkamatay ni Ivory. Nang matahimik na ang bata sa kakahingi ng tulong sa amin sa panaginip.”
Napalunok ako at maya maya lang ay nag-usap sila tungkol sa mangyayari. Kailangan lang namin na makuha si Dr. Isaac at sila Manuel para dalhin sa NBI at makulong sa patong-patong na kaso. Nag plano rin kami na gumawa ng patibong na kung saan, kami ang mag-d-desisyon sa mga mangyayari para mahuli namin sila. Ako, bilang patibong ay kailangan nandoon. Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na ako sa klase at sinabihan si Kenzo.
“Bago pumatak ang gabi gusto kong lahat ng estudyante ay nasa sports area. Lahat sila, walang lalabas doon hangga’t hindi pa tapos ang away,” sabi ko kay Kenzo. “Lilinisin ang buong school pagkatapos kaya lahat ng estudyante ay dapat nasa iisang lugar lang.”
“Ano bang mangyayari, Ingrid?” tanong mo Kenzo.
Umiling lang ako at ngumiti. “Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko.”
Pagkatapos ng klase ay um-attend agad ako ng susunod na klase. Rinig na rinig ko ang tunog ng orasan ko at pakiramdam ko palapit na nang palapit ang mangyayari sa gabing ’to.
“Malapit na ang midterm exams niyo kaya gusto kong mataas ang score niyo pero ’wag niyo pa rin kalimutan na mag-aral at the same time, mag pahinga,” sabi ng prof. “For now, ibibigay ko na lang muna sa inyo itong mga materials to review.”
Napalunok ako at nagbasa ng libro. Palipat-lipat ang tingin ko sa orasan at sa libro na binabasa ko nang makarinig ako ng malakas na tunog. Lahat ng estudyante ay lumabas at pinakinggan ang boses ng aming principal.
“All students must be in the sports area! Now!” Sir Lucian said.
Ngumiti ako kay Camilla at mabilis na umalis ng classroom. Mabilis akong napatingin sa labas at nakita si Detective Clara. Tumango ako at mabilis na pumunta sa dorm para magpalit ng damit. Ito ang araw na hinihintay ko. Kailangan naming ma-trapped si Ian sa patibong na ginawa namin. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako at nakita si Detective Clara.
“Sa likod ka dumaan. Naghihintay doon si Sir Thomas. Nandyan na araw sila Dr. Isaac at naghihintay,” seryosong sabi niya.
Tumango ako. “Take care.”
Lumakad ako palabas ng school at hinayaan na mag-ring ang cellphone ko. Mabilis akong tumakbo at hinawakan ang pana at palaso ko. Mukha kaming mga action star pero ito lang ang kaya kong gawin. Napapikit ako at naisip si Ivory kaya napangiti ako.
“Para sa ’yo, Ate Ivory,” nakangiting bulong ko sa hangin.
Malalim na ang gabi at nanatili akong nakatayo sa likod ng puno, naghihintay sa pagpasok nila Ian. Nang makita ko sa hindi kalayuan ang blonde na buhok ni Cassy ay mabilis akong nagtago. Rinig na rinig ko ang mga patay na dahon kaya napapikit ako at hinanda ang palaso ko.
“Susunugin natin ang Du Mort?” tanong ni Cassy. “Paano ang mga estudyante doon?”
“Wala akong pakialam!” sigaw ni Ian. “Pinatay nila si Manuel at Israel! Lahat sila ay mamamatay ngayong gabi! Wala akong pakialam sa kanilang lahat!”
Pumasok sila Ian sa Du Mort University kasama ang ilang mga tao. Mabilis kaming pumasok doon at nakita si Detective Clara na nag-aabang sa loob. Nang makapasok ako ay napatingin ako sa mga puno at nakita ang mga tao ni Lolo Thomas. Tinanggal ko ang maskara ko at binitawan ang pana at palaso ko.
“Dr. Isaac!” tawag ko. “Mabuti at nandito ka na.”
“Ingrid Dela Torre!” Nakangising tawag niya. “Nag-iisa ka lang? Nasaan silang lahat?”
“Isang tanong, isang sagot lang Dr. Isaac…” Nakangiting sabi ko. “Bakit niyo pinatay si Ivory Dela Torre? Anong naging kasalanan niya sa inyo?”
“Matagal ng yelo ang kaso ni Ivory kaya hindi ko masasagot ’yan,” sabi ni Dr Isaac.
“Bakit hindi? Alam nating lahat na hindi lang si Ian ang mastermind sa pagkamatay ng ate ko. Nandoon ka rin Dr. Isaac.” Nagtagis ang panga ko. “Pinahirapan… at minanipula mo ang utak at katawan ng ate ko! Pinagamit ng illegal na gamot at higit sa lahat ni-rape ng dalawa mong anak ang ate ko.” Nanginig ang boses ko sa galit.
“Dahil wala na s’yang kwenta!” Sigaw ni Ian. “Pakialamera ang ate mo! Lahat ng sinabi ko ay hindi niya sinunod at kung sana hindi s’ya tanga-tanga ay sana buhay pa rin sana ang mahal mong ate.”
“So inaamin mong ikaw nga ang pumatay?” tanong ko. Lumapit ako. “Inaamin mong ikaw ang—”
“Oo putang ina! Ako ang pumatay sa tang inang ate mo! Ako… kami ang pumatay sa ate mo!” Malakas na sigaw ni Ian. Kahit na alam kong s’ya ang pumatay ay nagugulat pa rin ako. “Wala s’yang ginawa kundi pigilan kaming lahat sa mga plano namin! Wala s’yang ibang ginawa kundi manipulahin kami ng kapatid ko! Wala s’yang ibang ginawa… kundi ang saktan ako ng paulit-ulit!”
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Galit na galit ang mga mata ni Ian. Mahigpit ang hawak ko sa kutsilyo pero dahil mas gusto kong kausapin si Ian, kinalma ko ang sarili ko.
“Pinipigilan niya kami sa lahat ng bagay na gusto kong gawin sa Du Mort. Ginagamit niya lang ako dahil alam niyang lagi ko s’yang ililigtas sa lahat! Ginamit niya kami para malaman kung anong negosyo ang ginagawa namin! B-Bago pa s’ya magsumbong sa mga pulis…” Tumawa si Ian. “P-Pinatay ko s’ya... nilason ko ang ate mo—”
“Ian!” Sigaw ko at mabilis na sumugod kay Ian.
Galit na galit ako sa mga oras na ’to at ang tanging nagawa ko kundi suntukin ang lahat ng humaharang sa daan ko. Nang makarating ako kay Ian ay bigla niyang tinutok ang baril sa noo ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
“P-Paano ka nakakatulog… na may sinira kang pamilya...” Nanginig ang boses ko. “P-Paano mo nakakayang ngumiti sa amin pagkatapos mong patayin ang ate ko!” Malakas kong sigaw.
“Una pa lang sinabihan ko na si Ivory na sa oras na malaman kong magsusumbong s’ya… papatayin ko s’ya. Nakinig ba s’ya?” Tumawa si Ian at mas tinutok pa sa akin ang baril. “Hindi s’ya nakinig kaya bago pa s’ya makalabas ng school na ’to inunahan ko na ang ate mo. Inuna ko s’yang patayin at kasunod nun ay ikaw.”
“Walang hiya ka!” Malakas kong sigaw. “Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo! Ipinapangako ko na sa gabing ’to ulo mo na lang ang matitirang hawak ko!” Malakas kong sigaw habang umiiyak
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top