Chapter 18

Ingrid’s Point of View:

Sinulatan ko ang white board na nakadikit sa pader. The dots are now connected to each other. Si Ian ang killer ng ate ko at s’ya ang huling kasama ni Ivory nang magpunta s’ya sa likod. Bumuntong hininga ako at sa wakas, malapit ko ng mahanap ang hustisya para sa ate ko. Ang hustisya na matagal ko ng hinahanap para kay Ate Ivory. 

“Ingrid?” Tawag ni Camilla. “May gustong bumisita sa ’yo.”

“Sino?” tanong ko. 

“Hindi ko kilala pero sabi niya gusto ka raw niyang makausap,” sabi ni Camilla. “Nasa lobby s’ya ngayon.”

Bumuga ako ng hangin at tinignan ang whiteboard bago lumabas ng dorm. Pumunta ako sa lobby at nakita ang isang babae na nakasuot ng itim na polo at itim na pants kaya nagtaka ako. Naglakad ako papunta sa kanya na agad tumayo nang makita ako. 

“Gusto mo raw akong makita?” tanong ko. 

“May importante akong sasabihin at may kailangan kang malaman,” seryosong sagot niya. 

Mabilis kaming pumunta sa third floor ng Luna Center. Pumasok kami sa restaurant at agad akong umupo at ganun rin s’ya bago um-order ng pagkain. Ngumuso ako at tinignan s’ya na kakaupo lang pagkatapos mag-order. 

“First, I’m Detective Clara.” Natigilan agad ako. “Pinadala ako dito ng Lolo Thomas mo para bantayan at tulungan ka pero mukhang hindi ko na kailangan na bantayan ka.”

“P-Pinadala ka ng Lolo Thomas ko?” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak sa sinabi niya. “A-Alam niya ba ang mga ginagawa ko dito?”

Tumango s’ya. “Una pa lang pinapasok ka na niya dito dahil bilang Dela Torre, nasa dugo mo ang pagiging detective. You are assigned to do the task about your sister’s cold case that happened years ago. First, kampante si Sir Thomas na magagawa mo ang mag-imbestiga pero lalong lumalaki ang kalaban mo Ingrid kaya kailangan niyang magpadala ng agent.”

Napa kurap ako at hinayaan s’yang magsalita sa harapan ko. 

She sighed. “Alam ng mga Dela Torre na matagal ng patay ang ate mo hindi dahil wala silang pakialam… kundi dahil nag-imbestiga din ang Lolo Thomas mo and based on the investigation, Dr. Isaac has a lot of records of illegal gambling, drugs, harassment, and physical abuse to his wife.”

“W-What?” gulat kong tanong. 

Nilapag niya ang isang picture kaya napatingin ako doon. Natigilan ako nang makita sina Cassy, Manuel, at dalawang Ian na nakilala ko. Kumunot ang noo ko at tinignan si Clara. 

“Mga ampon ’yan ni Dr. Isaac at ginagawa niyang laruan ang mga batang ’yan. Dahil elites silang apat, nakapasok sila dito hindi dahil mag-aral kundi mag-recruit ng mga taong magagamit nila sa pagbebenta ng droga. Nagkataon na nakilala ng Ate Ivory mo si Israel…” Tinuro nito ang isang lalaki na maputi at nakangiti. “At is Ian.” Tinuro naman nito ang may hati sa gitna ng kilay. 

“K-Kilala ni Lolo Thomas ang mga ’yan? Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin? Bakit hinayaan niyo lang akong manghula kung sino ang killer ng ate ko?” sunod-sunod na tanong ko.

“I’m sorry, Ingrid. Akala ko ay alam mo na dahil may lead ka na,” sabi niya. “Pero anyways, nandito ako para ibigay ang impormasyon ng mga batang estudyante na ’yan. Tandaan mo, si Israel at Ian ay kambal at malinaw na mangyaring pwede ka niyang lituhin.”

“Sino ang killer ng ate ko?” tanong ko. 

Ngumiti s’ya. “It’s for you to find out, Ingrid. Binigay ko lang ang kaya at inutos sa akin ni Sir Thomas.”

Naglakad-lakad ako habang pinaglalaruan ang pictures ng apat. Ngayon, hindi ko na kailangan pang manghula kung sino ang pumatay sa ate ko. Lolo Thomas trust me with this one. Napangiti ako ngunit natigilan nang makita si Cassy na nakaupo at umiiyak sa bench.

“Cassy?” nagtatakang tawag ko. “Anong ginagawa mo at… bakit ka may dugo?”

“Leave me alone!” sigaw ni Cassy. 

“Anong nangyari sa ’yo?” tanong ko. Tinignan ko ang paligid at walang tao dahil tapos na ang klase. 

“H-Hindi ko s’ya pinatay…  lumaban lang ako!” nanginig ang boses ni Cassy. “I swear! Wala akong pinatay!”

“Pinatay?” Natigilan ako. “Anong nangyari, Cassy?”

Umiiyak na yumuko si Cassy habang nakatingin sa mga kamay niya. Mabilis akong napatingin sa kanya na tumakbo kaya agad ko s’yang sinundan. Nakarating kami sa rooftop at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may apat na lalaki. 

“Cassy?” tawag ko. 

Tumawa si Cassy nang malakas na akala mo nababaliw na. “You’re here!” 

Napatingin ako sa paligid at anim lang kami dito. Napalunok ako at hinanda ang sarili ko sa gagawin ni Cassy. 

“You’re such a sweetheart…” Ngumuso si Cassy. “Akala mo ba magagawa kong pumatay ng tao? Am I a great actress? Definitely, yes.”

“What are you doing?” tanong ko. “Bakit mo ako dinala sa rooftop?”

“Well, hindi ako nagsabi na pumunta ka dito. Our boss told me to make you come right here,” ngumiti si Cassy at sinuklay ang kanyang buhok. 

Umilag ako nang maramdaman kong may humawak sa akin. Umatras ako at sinipa sa tagiliran ang gustong humawak sa akin. Tumama ako sa isang katawan kaya natigilan ako nang makita si Manuel. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tinapakan ang paa niya dahilan para sumigaw s’ya. 

“Dito ka na mamamatay, Ingrid!” sigaw ni Manuel. 

Napalunok ako. Ang taas-taas ng rooftop kaya naman alam kong delikado. Mabilis akong tumakbo ngunit natigilan nang makita si Ian—hindi, si Israel. Umatras ako nang umatras at napatili nang mahawakan ng kung sino man ang buhok ko. 

“You ruined our plan, Ingrid…” gigil na sabi ni Israel. “Hindi mo ba alam na malaki kang sagabal sa mga plano namin? Nung dumating ka dito nagkakagulo na ang lahat! Imbes na tahimik na ang kaso ni Ivory…nagawa mo pang guluhin!”

“Hindi ako pwedeng manahimik na lang para sa hustisya ng kapatid ko,” galit na sabi ko at nagpumiglas sa hawak ni Cassy. “Lalo pa’t alam ko na kung anong pagkatao niyong apat! Mga ampon… na ginagamit—Ahh!”

Napatagilid ako nang sampalin ako ni Israel dahilan para matumba ako ngunit hinawakan agad ako ni Cassy.

“Israel…” Tumawa ako. “The least favorite kid among the orphans. Anong masasabi mo na hindi ka paboritong anak ng papa mo?”

“Manahimik ka!” sigaw ni Cassy. Mabilis niyang tinignan si Israel na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. “Don’t listen to her because our daddy loves us!”

Tumawa ako nang malakas ngunit natigilan nang sakalin ako ni Israel. Mahigpit kong hinawakan ang mga braso niya at tiningnan s’ya ng mariin. 

“T-Totoo…naman!” Malakas kong sigaw kahit mahigpit ang pagkakahawak niya sa leeg ko. “G-Galing… k-kayo sa bahay ampunan! D-Dinala k-kayo ni Dr. Isaac!” Tumigil ako nang mas lalong humigpit ang hawak ni Israel sa leeg ko.

Napapikit ako at napatayo nang hawakan ako ni Cassy sa magkabila kong kamay para hindi ako makawala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kataas ang babagsakan ko. Tinignan ko si Israel na galit na galit na nakatingin sa akin habang hawak ang leeg ko. Ang mga taong kasama nila ay nagbabantay sa pinto habang si Ian… nakatingin at nakangisi.

“Dapat lang na sumunod ka sa hukay ni Ivory! Pareho kayong pakialamera! Pareho kayong makitid ang utak!” Sigaw ni Israel. “Dapat noon pa lang na magkita tayo sa coffee shop… pinatay na kita!”

Nanlaki ang mga mata ko. “I-Ikaw…”

Tumawa si Israel. “Ako nga…”

Naalala ko nung may nabangga ako sa coffee shop at s’ya nga ’yon. Napapikit ako at huminga gamit ang bibig ko nang mas humigpit pa ang hawak ni Israel. Sabay-sabay silang nagtatawanan habang nakapikit ako at tinutulak si Israel gamit ang paa ko ngunit isang nakakabinging tunog ang narinig ko. Kasabay ng tunog na ’yon ay ang unti-unting pagbitaw sa leeg ko. 

“Israel!” Sigaw nilang lahat.

Napahawak ako sa leeg ko at umupo. Huminga ako ng malalim at umubo dahil sa sakit ng leeg ko. 

“Israel! No, Manuel!”

Napatingin ako sa unahan at natigilan nang makita si Detective Clara na nakipag laban sa mga sindikato. Napatingin ako sa kabilang gilid nang makita si Israel, walang buhay habang nakadilat ang mga mata habang si Manuel ay nakahiga malapit kay Israel. 

“Tara na, Cassy!” Nagmamadaling sigaw ng ibang tao.

Napaatras ako at napatingin kay Detective Clara na agad akong pinuntahan. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ako makapaniwala na patay na ang dalawa. Tinignan ko si Clara na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. 

“It’s okay… it’s okay, Ingrid.” Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko. “It’s fine. Breathe…”

Malakas akong huminga ng malalim at nangilid ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko na nagawa pang tingnan si Manuel at Israel. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.  

“Tatapusin na natin ’to bukas… we will end this war—no, you will end this untold mystery, Ingrid,” bulong ni Detective Clara at mabilis akong niyakap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top