Chapter 14

Ingrid’s Point of View:

Tulala pa rin ako habang nakatingin sa litrato ni Ate Ivory. Nagsisimula na ako maghiganti para sa ate ko. Nagsisimula na rin akong hanapin kung sino ba ang pumatay sa Ate Ivory ko. Huminga ako ng malalim at napatingin sa litrato ng itinuturing kong pamilya.

“Ingrid? Hindi ba masyadong delikado ang paghihiganti mong ’to?” Tanong ni Camilla. 

“Camilla, ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na nagsisimula pa lang ako?” mariin kong tanong. “Hindi ako pwedeng manahimik na lang! Unti-unti ko ng nalalaman ang lahat, Camilla. Unti-unti ko ng nakukuha ang mga gusto kong impormasyon.”

“I understand you, Ingrid, I do. Nag-aalala lang naman ako sa ’yo. Nag-aalala lang ako dahil hindi mo kilala ang mga tao dito. You even skipped class dahil diyan. Nag-aalala lang naman ako sa pag-aaral mo. You’re almost graduating,” sabi ni Camilla. 

Fourth year na kaming dalawa ni Camilla. Lahat ng nangyari sa pag-aaral ko ay naging mabilis lang. Parang isang ihip lang ng hangin at fourth year na kaagad ako. Napailing ako, ni hindi ako pumapasok sa klase para lang hanapin kung sino ang pumatay kay Ivory at ano ang dahilan?

“Ian…” biglang sabi ko. “Naalala mo ba ’yung lalaki na nakasalubong natin sa Luna Center? ’Yung lalaking naninigarilyo?”

“O-Oo… bakit?” tanong ni Camilla. 

“Wala lang. Ka-boses niya kasi ’yung lalaking narinig ko sa basement…” sabi ko. “Hindi ako sigurado pero ka-boses niya ang lalaking ’yon o baka hindi ’yon.”

Napailing ako at agad na tumayo para pumunta sa susunod na klase. Natigilan ako nang makita ang lalaking nakita ko sa basement. Nakangisi s’ya at pinaglalaruan ang sigarilyo at umupo sa unahan kung saan nandoon ang upuan ko. Huminga ako ng malalim at naglakad papasok ng hindi tinitignan ang lalaki. Iba ba s’ya sa Ian? O magkaiba talaga silang dalawa?

“Business organization law refers to the numerous ways a business may be legally formed under state laws,” sabi ng prof na nasa unahan. “In addition to incorporating as a corporation, businesses may also be formed as partnerships, limited liability companies, and other business forms.”

Wala doon ang atensyon ko kundi sa lalaking nasa unahan ng upuan ko. Hindi ko alam kung s’ya ba ang lalaking nakita ko sa basement noong nakaraan o hindi. Tinignan ko ang hawak niyang sigarilyo na pinaglalaruan niya sa kamay. Napailing ako. Hindi s’ya ’yung lalaking nakita ko. Walang tattoo sa kamay ang isang ’to.

“There are several types of business entities, including sole proprietorships, partnerships, and corporations. Each type has its own advantages and disadvantages in terms of liability, taxation, and management structure,” pagpapatuloy ng prof. “Mr. Ian? Hindi pwede ang sigarilyo sa klase ko.”

“Ma’am, hawak ko lang ang sigarilyo,” natatawang sabi ni Ian. 

“Kahit na. Kung gusto mong manigarilyo, lumabas ka. Hindi pwede—”

Napatalon ako sa gulat nang padabog s’yang tumayo. Napalunok ako at napatingin sa kanya na galit na galit na nakatingin sa prof na nagulat. 

“Lalabas ako! Ang ingay-ingay mo!” sigaw ni Ian. “Bwisit na buhay ’to!”

Napa kurap ako at tinignan ang lahat ng estudyante. Tinignan ko si Ian na lumabas at nagmamadaling bumaba. Huminga ako ng malalim. Tama ba ang gagawin ko? Hahayaan ko ang sarili kong makalapit sa delikadong taong ’yon? Paano kung hindi pala s’ya? Paano kung… wala dito ang pumatay sa ate ko?

“Let’s continue our discussion,” sabi ng prof. 

Nagpatuloy kami sa pag-l-lesson at nakinig ako sa prof. Pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa dorm ko. Nilagay ko ang picture ni Ian sa ginawa kong drawing sa whiteboard. Tinignan ko isa-isa ang mga pictures nilang dalawa. Sa itaas ay si Ate Ivory at sa ibaba niya, ang mga nakasalamuha niya at mga naging kaibigan niya. 

“Cassy, Manuel, Ian, Kenzo… at ang lalaking naka side view.” Nanliit ang mga mata ko. “Sino sa inyo?”

Nilagay ko ang picture na may question mark sa ibaba. Huminga ako ng malalim at umupo sa upuan ko. Tinignan ko sila isa-isa at napapikit at bago pa sumakit ang ulo ko ay agad akong lumabas papunta sa library para mag-aral.

“You’re Ingrid?” Biglang may humintong lalaki sa harapan ko. 

“Ako nga po,” sabi ko. “Sino po sila?”

Ngumiti ang lalaki. “I’m Dr. Isaac at naging kaibigan rin ako ni Ivory.”

Natigilan ako at napatingin sa paligid at tanging kami lang dalawa ang nasa hallway ng library. Ngumiti ako at tumango. 

“Ano pong kailangan niyo?” tanong ko. “Nawawala po ba kayo?” Tinignan ko ang hallway at binalik ang tingin sa kanya.

“Ikaw talaga ang sadya ko, hija,” sabi nito. “Pwede ba tayo mag-usap?”

Nagdadalawang isip man ay tumango ako at agad kaming naglakad papunta sa isang puno. Umupo ako at agad s’yang tumabi sa akin. Napalunok ako at pinakinggan s’ya. 

“Matagal na ako sa school na ’to at naabutan ko si Ivory. Naging kaibigan niya ang anak ko… at napag-usapan nila ang negosyo na gusto ng anak ko. I heard, nandito ka para hanapin ang pumatay kay Ivory?” tanong niya. 

“Opo, hinahanap ko,” sabi ko. 

Tumango s’ya. “Hindi ba delikado ’yan, hija? Pwede kang ma-spelled sa school na ’to kung ginagawa mo ’yan. Pwede rin—”

“Wala po akong pakialam,” ngumiti ako at natigilan s’ya. ”Ang gusto ko lang po ay makuha ang hustisya para sa kapatid ko. ’Yun ang mahalaga sa akin.”

“I see. Sa tingin mo ba mahahanap mo ang killer ng kapatid mo? Mahirap hanapin ang killer dahil hindi natin alam kung kailan s’ya kikilos o hindi,” sabi niya. 

Huminga ako ng malalim. Masyadong nagiging malalim at walang kwenta ang pag-uusap namin. Ngumiti ako at tumayo kaya napatingin s’ya sa akin. 

“Hindi lang ako nandito para sa ate ko. Nandito rin ako para iligtas ang mga inosenteng estudyante at ilabas silang lahat dito,” ngumiti ako. “Mauuna na po ako at may klase pa ako.”

Yumukod ako at agad na naglakad ngunit natigilan nang marinig ang sinabi niya. 

“Sinasabi ko lang na mag-ingat ka at ’wag ng buksan ang kaso ng kapatid mo. Matagal ng wala si Ivory kaya wala na ring silbi kung—”

Lumingon ako at napatitig sa matanda na seryosong nakatingin sa akin. “Hindi po ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang hustisya ng ate ko.”

Mabilis akong naglakad at napatingin sa hindi kalayuan. Nakita ko si Cassy at Manuel na naglalakad papunta sa basement na nasa likod ng school. Akmang maglalakad ako nang may humawak sa akin. Sa sobrang gulat ko ay nasiko ko ang tiyan niya. 

“Aray!” sigaw ni Kenzo. 

“K-Kenzo!” gulat na tawag ko. Napatingin ako sa damit niya at nakita ang dugo. “Anong nangyari diyan?”

“Wala ’to…” sabi niya at nag-iwas ng tingin.

“Kenzo, natamaan ba ’yan ng kutsilyo na muntik tayong matamaan?” seryosong tanong ko. 

Napalunok s’ya kaya mabilis kong binuksan ang damit niya at napasinghap dahil sa nakabalot niyang sugat. 

“Bakit hindi mo sinabi?!” tanong ko. 

“Dahil kaya ko naman,” mahinahon na sabi niya. 

Napailing ako at mabilis s’yang dinala sa fourth floor ng Luna Center. Mabilis akong bumili ng gamot at iba pa at agad na nilinisan ang sugat niya. 

“Bakit hindi kita nakikita?” tanong ko. 

“Kagaya ng sinabi ko, tutulungan kita sa imbestigasyon,” sabi ni Kenzo. 

“Nagbago na ang isip mo?” nakangising tanong ko. 

Bumuntong hininga s’ya. “Kagaya ng sinabi ko sa ’yo na bibigyan ko rin ng hustisya si Ivory at lahat ng estudyante. Nga pala, nakausap mo si Dr. Isaac?”

Natigilan ako at kalaunan ay tumango. Tinignan ko s’ya na seryosong nakatingin sa akin. 

“Sino s’ya?” tanong ko. “Kinausap niya ako kanina at sinasabi niya na tigilan ko ang pag-iimbestiga.”

Ngumisi si Kenzo. “Anak niya si Ian na dito nag-aaral.”

Natigilan ako at napatingin sa kanya na umayos ng upo. Niligpit ko ang mga gamit at tinignan si Kenzo. 

“Pin-protektahan niya si Ian dahil alam naming lahat na may kinalaman rin silang mag-ama sa pagkamatay ni Ivory. Nandito s’ya para bisitahin at protektahan si Ian dahil nalaman ni Dr. Isaac na nandito ka,” sabi niya. 

“Kaya pala gusto niya akong patigilin sa pag-iimbestiga,” sabi ko at natawa. “As if naman na gagawin ko ’yon ’no! Ni hindi ko pa nga nakikita ang mukha ng killer.”

Ian at ang lalaking naka side view sa basement ay iisa? Hindi ako sigurado pero ang boses? Hundred percent sure akong iisa lang sila unless may kambal rin si Ian na dito nag-aaral. 

“Kailangan natin silang maunahan, Kenzo. Kailangan ko na ng tulong ng principal para dito. Please, para matapos na natin ang pag-iimbestiga,” nakikiusap na sabi ko. Tinignan niya ako at seryoso ko naman s’yang tinignan. “Hustisya para sa ate ko.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top