Chapter 13

Kenzo’s Point of View:

Napapikit ako nang marinig ang sigaw ni Cassy dahil may naglagay ng patay na daga sa kanyang pagkain. Tinignan ko ang kabilang table at nakita si Ingrid na nakangisi habang hinahaplos ang pusa ni Ivory. Napalunok ako at napatingin kay Cassy na umiiyak habang kino-comfort ng mga kaibigan. 

“She’s starting,” bulong ni Lance. 

“And she’s dangerous now,” sabi naman ni Timothy. 

Tinignan ko si Ingrid na walang emosyon na nakatingin sa aming lahat. Her hazel brown eyes are so cold and the way she looks at us, there is something or a sign that we should be ready for her revenge. Huminga ako ng malalim at napatingin kay Camilla na bumibili ng pagkain. 

“Sinong naglagay ng patay na daga dito?!” Sigaw ng kaibigan ni Cassy. 

“Ako,” malamig na sabi ni Ingrid. 

“Ikaw?” Gulat na tanong ni Cassy. 

Tumango si Ingrid at tumayo. Lahat kami ay nakatingin sa kanya na dire-diretso ang lakad papunta sa gitna. Hindi ko alam ang gagawin niya o ano ang nasa isip niya. Ang alam ko lang, sobrang delikado ni Ingrid. 

“Why did you do that?” tanong ni Cassy.

“Kasi bagay sa ’yo?” Nagkibit balikat si Ingrid. “Bagay sa kagaya mong basura.”

“Anong sabi mo?!” sigaw ni Cassy. “Porque ba nalaman mo na patay na si Ivory sa amin ka gumaganti? Hindi mo ba naisip na lahat kami dito—”

“Ay kaaway ni Ate Ivory.” Pagputol ni Ingrid sa mga sasabihin ni Cassy. Natigilan si Cassy at napatingin kay Ingrid. “This is my revenge, Cassy. This is who I am. Wala kang magagawa kundi aminin kung sino ang pumatay sa ate ko.”

Nanlalaki ang mga matang nakatingin si Cassy. Lahat ng estudyante ay nakatingin kay Ingrid. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang braso ni Ingrid kaya s’ya napatingin sa akin. 

“Tama na ’yan,” mahinahon na sabi ko. Tiningnan ko si Cassy. “Wala kang mapapala kay Cassy.”

“Pin-protektahan mo ba s’ya?” tanong ni Ingrid at natawa. “Akala ko ba maski ikaw ay hinahanap ang sinong pumatay kay ate? Alam mo, Kenzo? Hindi ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan.”

Kinagat ko ang labi ko at tumango. “Hindi mo naman ako kailangan pagkatiwalaan, Ingrid.” Ngumiti ako. “You shouldn’t trust anybody here in this school.”

Naglakad ako palayo at mabilis na pumunta sa principal’s office. I want to make things right and to make things straight according to my plan. Mabilis akong pumasok at naabutan si Sir Lucian na nakaupo. 

“Hindi ko na kaya!” singhal ko. Natigilan s’ya at napatingin sa akin. “Ingrid is dangerous now! Parang anytime papatayin niya ang lahat ng estudyante dito! Iniisa-isa niya lahat ng nakasalubong ng ate niya, naging kausap, at naging kaibigan. Ano ang dapat nating gawin? Nakausap mo na ba ang mga magulang niya? The Dela Torre’s?”

“You should calm down,” kalmadong sabi niya. 

“No!” Umiling ako at lumapit sa table. “I won’t calm down! Kung nakikita kong ganto si Ingrid. She’s taking her revenge for Ivory na hindi natin alam sino ang pumatay o baka naman… alam mo?”

Natigilan s’ya kaya natigilan ako at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya na umiwas ng tingin. 

“Sir Lucian,” nagbabanta kong tawag. 

“H-Hindi ko rin alam kung sino, Kenzo.” Umiling s’ya. “Ingrid can do whatever she wants. Kung kailangan niyang pumatay ng tao ay gawin niya. Iligtas niya lahat ng estudyante dito sa Du Mort University. Ilabas niya ang sikreto na malalaman niya at ang krimen na matagal ng tapos, wala akong pakialam!” Hindi niya alam ang gagawin niya. Palakad-lakad si Sir Lucian sa harap ko. 

“I will tell her everything,” seryosong sagot ko.

“No! Mas lalo lang s’yang magagalit kung sasabihin mo ang totoo! Kilala ko si Ingrid Dela Torre. Minsan ko na rin s’yang nakasama noong bata pa s’ya at sasabihin ko sa ’yo…” Umiling s’ya at napahawak sa buhok. “Delikadong tao si Ingrid kapag galit kaya mas gusto ng mga Dela Torre na kalmado si Ingrid. Please—”

Umiling ako. “Hindi magbabago ang desisyon ko, Sir Lucian. Ito lang ang magagawa ko para kay Ivory at ito lang ang kaya kong gawin para sa imbestigasyon. I’m sorry.”

Mabilis akong lumabas at napatalon sa gulat nang makita si Ingrid. Seryoso niya akong tinignan kaya napatingin ako sa kanya bago bumuntong hininga. 

“I will tell you everything,” seryosong sabi ko.

“Sure.” Ngumiti si Ingrid. 

Mabilis kaming pumunta sa likod ng school at magkaharap sa isa’t isa. Huminga ako ng malalim. 

“Ivory is my long term best friend. Nagkakilala kami noong high school s’ya hanggang sa mag-college s’ya. Sabay kaming nag-college at napansin ko na madalas ang pag sama ni Ivory sa mga lalaking elites. Lagi niyang kasama ang gangster, grupo ng mga estudyante, at lagi s’yang pinagtutulungan dito sa university.” Huminga ako ng malalim. “Not until I found out na lagi s’yang bin-bully ng mga tao dito. Lahat ng estudyante dito ay ayaw sa kanya dahil tinatawag nilang… “pick me” si Ivory. I tried to stop her but we always ended up arguing kaya hindi na ako nakialam pa sa kanya.”

“Hindi mo alam kung sino ang pumatay sa kanya?” tanong niya. 

Umiling ako. “Bago s’ya namatay ay kami ang magkasama. May gusto s’yang sabihin sa akin pero hindi niya natuloy at bigla na lang umalis. Pero napansin kong umiiyak s’ya at napansin kong nagmamadali s’ya. The other day, nalaman ko na lang na patay na si Ivory at sinabing suicide. Sir Lucian made an excuse na suicide nga ang nangyari pero hindi ako naniniwala. I investigate—”

Naputol ang mga sasabihin ko nang may lumipad na kutsilyo malapit sa akin. Mabilis akong umatras at napatingin sa paligid. Tinignan ko si Ingrid na yumuko habang nakaupo. Napa kurap ako at napatingin sa paligid. 

“A-Ano ’yon?” natataranta na tanong ni Ingrid. 

“Hindi ko rin alam,” sabi ko. Napangiwi ako sa hapdi na nasa tagiliran ko kaya napapikit ako at bumuga ng hangin. 

Tumayo si Ingrid at tinignan rin ang paligid. Ito na ang sinasabi ko pero kailangan kong panindigan ’to. I want justice for Ivory, duwag ako noon pero ngayon, alam kong makukuha ni Ingrid ang hustisya. Tinignan ko si Ingrid at hinawakan ang braso niya. 

“Whatever happens, alamin mo sino ang pumatay kay Ivory. Kahit anong mangyari, kailangan mong mabuhay,” seryosong sabi ko.

“Ano bang sinasabi mo?” nagtatakang tanong ni Ingrid. “N-Natatakot ako!”

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago dinilat ang mga mata. “You’re here because your parents told Sir Lucian that you were one of the Dela Torre’s spies.”

Nanlaki ang mga mata ni Ingrid. 

“Pinadala ka dito para mag-imbestiga sa pagkamatay ng kapatid mo, Ingrid. You’re the key to Ivory’s justice.” Tinignan ko ang sugat sa tagiliran ko at huminga ng malalim para mapawi ang sakit. Tinignan ko si Ingrid na nakatitig sa akin, nagtataka at gulat. “I will help you.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top