Chapter 12
Ingrid’s Point of View:
“Bakit mo tinago sa akin na patay na ang Ate Ivory ko?”
Gulat na napatingin sa akin si Mr. Lucian kasama ang kanyang administrator. Tinignan nila ako at nabitawan ang nilalaro na chess sa lamesa.
“Ms. Dela Torre!” Tawag ni Mr. Lucian. “Anong sinasabi mo?”
Nilapag ko ang mga pictures at gamit ni Ate Ivory sa lamesa. Natigilan silang dalawa nang makita ang mga gamit ni Ate Ivory. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanilang dalawa.
“Some evidence I took from that old basement. Hindi totoong nasa ibang bansa ang Ate Ivory ko at hindi totoong may sakit s’ya. She died years ago and this university is the cause of her death! Kaya ba inimbita niyo ako dahil gusto niyong maging katulad ako ng ate ko?” tanong ko.
“No, Ms. Dela Torre. Hindi namin gagawin ’yon sa ’yo. We invited you because you’re part of the elite family. Isa ang pamilya mo sa pinakamayaman na tao sa lugar natin kaya naman naisip namin na ipadala ka dito para sa pag-aaral mo,” sagot ni Mr. Lucian.
“Liar.” Ngumiti ako. Naglakad ako sa kanilang dalawa at ngumiti. “So, tell me? Bakit niyo tinago sa akin ang kaso na ’to? Kung hindi ko pa malalaman ay para akong tanga na naghihintay ng graduation, umaasa na makakapunta ang kapatid ko? Where in fact, wala na pala akong hihintayin?”
Hindi sila nagsalita at nanatiling nakatingin sa akin. Nangilid na naman ang luha sa mga mata ko kaya mabilis akong nag-angat ng tingin at bumuntong hininga. This is so hard for me, knowing that I need to face this and need to solve this mystery. This is so difficult for me because I need to endure all of this, alone.
“I was waiting for my ate… I’m always hoping to meet her. Please, I’m begging. I want to know everything. Kung sino ang pumatay sa ate ko at bakit kailangan niyong itago sa akin ang lahat ng ’to,” nanginig ang boses ko.
“Ms. Dela Torre, this is very confidential. Matagal ng sarado ang kaso ng kapatid mo at maayos na nag-aaral ang mga estudyante ng Du Mort University dahil limot na nila ang nangyari. ’Wag na natin hayaan na buksan ulit ang kaso dahil gusto mo,” sagot ni Mr. Wesley sa seryosong boses.
“I’m sorry, what?“ Natawa ako. “Kung ayaw niyong sabihin sa akin, uuwi ako! Kakausapin ko ang mga magulang ko tungkol dito! Baka alam nila… baka may alam sila sa nangyari sa ate ko.”
“Fine.” Napatingin ako kay Mr. Lucian Du Mort nang magsalita ’to. “We will tell you—”
“Lucian!” sigaw ni Mr. Wesley. “Ipapahamak mo ang sarili mo! Alam nating lahat na pinoprotektahan mo lang sila. Hindi mo kailangan—”
Umiling si Mr. Lucian at may kinuha sa cabinet. Isang gamot at isang lighter na katulad ng nakita ko sa basement. Nilapag niya ’yon sa lamesa at seryoso akong tinignan.
“Matagal kong tinago ’to sa loob ng dalawang taon pagkatapos mamatay ng ate mo. Ito ang nakita ko nung panahon na nag-imbestiga kami sa pagkamatay niya. Hindi namin alam kung sino ang tunay na may-ari nito pero biglang nagkaroon ng iba’t ibang disenyo ang lighter na ’to,” sabi niya. “Itong gamot ay nakita namin sa bag ni Ivory. Nag-t-take s’ya ng pills na hindi namin alam kung para saan dahil walang nakalagay sa lalagyan. We tried to talk to the doctors pero kahit sila, hindi nila alam.”
“M-May nakita akong lalaki sa basement nung nagpunta ako. Nakatalikod s’ya… nakasuot ng itim na gloves at hawak niya ang lighter na ’yan,” kwento ko. “Possible na isa ring estudyante ang pumatay sa ate ko.”
Tumango si Mr. Lucian. “It is but our problem is, who? Sino sa mga estudyante ng Du Mort University?”
Pagkatapos naming mag-usap ni Mr. Lucian ay agad akong lumabas. Napatingin ako sa malayo at nakita si Kenzo. Pinagmasdan ko s’ya at napailing dahil mukhang bad boy si Kenzo pero imposible na s’ya. His skin type is moreno. I think he’s 6'2 and he has a low fade haircut. Mapungay at itim ang kanyang mga mata, matangos na ilong, maganda ang hugis ng panga, at mapula ang mga labi. He has a cross pendant necklace na laging nakatago sa kanyang polo.
Is he?
“Ingrid,” tawag ni Camilla.
“Bakit?” sagot ko.
“I’m sorry,” mahinang sabi ni Camilla. “Alam ko na hindi ko dapat itago sa ’yo ang nangyari kay Ivory pero bilang kaibigan ng ate mo, natakot lang ako na gawin nila ang ginawa sa ate mo. Lagi ka kasing kin-kwento sa akin ni Ivory at alam niya na balang araw, dito ka rin mag-aaral.”
“Kin-kwento niya ako? Ni hindi pa nga kami nagkikita simula nung mag-aral s’ya dahil lagi s’yang nasa hospital,” sagot ko.
“Sabi niya lang sa akin, kahit anong mangyari, wala akong sasabihin sa ’yo at nangako ako… sa kanya na kahit kailan, mananatiling nakatago ang lahat,” sagot ni Camilla.
Nagtagis ang panga ko at yumuko. Ubos na ubos ang pasensya ko pero gusto kong unti-untiin. Simula sa lighter, bullies, at pumatay sa ate ko. Kailangan ko silang isa-isahin at kung kailangan dumanak ang dugo? ’Yun ang mangyayari.
“Wag ka sana magalit sa akin,” nanginig ang boses ni Camilla. “Kahit ako ay hindi rin alam sino ang pumatay sa kanya… pero may isang lalaki s’yang laging pinupuntahan sa likod ng school na ’to.”
“S-Sino?” tanong ko.
“H-Hindi ko kilala,” sagot niya. Bumagsak ang mga balikat ko sa narinig. “Pero nahuhuli ko si Ivory na umaalis tuwing gabi pero hinahayaan ko lang s’ya dahil may tiwala ako sa kapatid mo.”
“Hindi niya sinabi sa ’yo kung sino ang lagi niyang pinupuntahan?” tanong ko.
Umiling si Camilla. “Pero… ’yung—” Napatingin si Camilla sa hawak kong lighter. Nanlaki ang mga mata niya. “Ayan! N-Nakita ko ’yan doon sa lalaki!”
Napatingin ako sa lighter na hawak ko at pinakita sa kanya. Tumango s’ya at nanginginig na hinawakan ang lighter na hawak ko.
“Ito… ito ’yung nakita ko. Hawak ’to ng lalaki b-bago s’ya umalis noong natagpuan namin si Ivory sa garden,” nanginig ang boses ni Camilla. “Hindi ako pwede magkamali. Itong-ito ’yon.”
Natigilan ako at napalunok habang nakatingin kay Camilla. Lighter?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top