xviii. Hang


"Dude, nagtanong na kami sa ibang year kung may idea ba sila sa killing incidents sa Du Mort dati. Familiar lang daw sila, pero wala silang direct connection sa mga victim," balita ni Ynar.

"I think, mas okay kung aalamin natin kung bakit sila ang nakakatanggap ng letters," sabad ni Irish. "Kasi, di ba, nasa iisang group lang sila. They were all writers sa Du Mort Chronicle and sa campus journal. What made them the target of those chain letters?"

Paulit-ulit na umiikot sa isipan ni Bryan ang misteryo ng chain letters at kung bakit namatay o pinatay ang lahat ng gumawa ng mga letter na iyon.

Kalat-kalat na naman ang grupo nila nang dumayo pa sina Bryan, Polly, at Irish sa science building. Si Irish ang nagbibigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa pupuntahan nila roon.

"I'm sure aware na si Bryan dito, but Nova Fererro committed suicide sa isa sa mga room sa fifth floor," kuwento ni Irish.

"Pero nagagamit pa 'yong room, right?" tanong ni Bryan.

"Yes, until now, ginagamit pa rin. But the history of that room is still undisclosed, unless maghahanap ng records sa archive," tugon ni Irish.

Normal na building lang ang pinuntahan nila. Maraming estudyanteng paroo't parito. Hanggang alas-sais ng gabi ang pinakahuling klase roon. Sumakay sila sa elevator at sandaling naghintay hanggang makaabot sa fifth floor.

"Room 503," sabi ni Irish. "Nova hanged herself using school neckties."

Sumilip silang tatlo sa Room 503 na kasalukuyan pang may klase. Pare-pareho silang tumingin sa kisame na patag at walang maaaring pagkabitan ng mga necktie.

"Based dito sa dating interior ng room . . ." ani Irish at ipinakita ang isang kuha sa loob ng Room 503 noon. "Hindi ito classroom before. Isa itong room sa mga computer laboratory dapat, pero hindi natuloy after nitong incident."

Tiningnan nina Bryan at Polly ang mga photo galing sa school paper. Puro announcement iyon na may bagong facility na bubuksan sa Du Mort. Ang Room 503 ay under renovation kaya marami pang bukas na parte at makikita pa ang mga bahagi ng kisame na puro kahoy at malalaking tubo bilang suporta.

"She could definitely hang herself anywhere in this room," sabi ni Bryan, inoobserbahan ang bawat larawan.

Ilang saglit pa ay nag-ring na ang bell. Gumilid sina Bryan para makadaan ang mga estudyanteng tapos na ang klase sa buong floor na iyon.

"Ryan Eusebio hanged himself. Nova died of the same cause." Napahimas ng baba si Bryan. "Ang sabi sa article ni Alfonce, nakagawa ng letter si Nova at na-share ng mga nakakuha ng chain letter. Alfonce got one copy, and another student got theirs. So, bakit niya kailangang patayin ang sarili niya?"

"Iyan ang reason kaya ako sumama sa inyo rito," sabad ni Irish. "Before Nova's death, may na-record na killing incident sa dulo nitong fifth floor. Tara, puntahan natin."

Papalubog na ang araw, at unti-unti nang nauubos ang mga estudyante sa palapag na iyon ng gusali. Sa dulo ng ikalimang palapag, may blangkong espasyo roon na may mahabang upuan sa dulo, pasandal sa malaking bukas na bintana. Mula roon, tanaw nila ang araw na tuktok na lang ang nasisilayan, nilalamon na ng gubat ang natitirang parte nitong maliwanag.

"Okay, guys, listen," panimula ni Irish, itinuro ng palad ang malaking espasyo kung nasaan sila. "Dati, hindi ito tambayan. This place used to be a restroom. Pero giniba nila dahil maraming rape case ang inire-report sa mismong puwesto na 'to."

Itinutok ni Polly ang camera niya kay Irish bago nagtanong. "May chance ba na na-rape si Nova kaya siya nag-suicide?"

"Two or three days yata bago siya napabalitang nagpakamatay, na-involve siya sa isang issue. She used to be a cute high school romance writer sa campus journal. Meron siyang boyfriend, pero secret affair talaga 'yon between Nova and her best friend's boyfriend. Na-report as missing person ang best friend niya, then Nova committed suicide after that."

Natawa nang mapait si Bryan. "That's too obvious."

"I know, right?" tugon ni Irish. "May suspetsa sila noon na baka involved si Nova sa pagkawala ng best friend niya rito sa campus. Pero wala silang nakitang proof kaya isinara na lang nila ang case ni Nova. And her best friend? Ang nakalagay sa admin report, gumala sa labas ng Du Mort at hindi na bumalik."

"Sobrang shady ng sequence. May naniwala pa ba diyan?" natatawang tanong ni Bryan.

"Better sigurong paniwalaan na lang nila kaysa malagay sa kahihiyan ang university," sabad ni Polly.

"Yeah, that's for sure," pagtango ni Irish.

Pabalik na sila sa Room 503. Dumilim pa lalo, na ikinataka nilang tatlo dahil hindi pa naman ganoon kagabi mula nang tumungo sila sa dulo ng palapag.

"Guys . . ." mahinang pagtawag ni Polly.

"It's happening again," sabi ni Bryan.

"What? Why? What's happening—again?" nalilitong tanong ni Irish.

Dinig ang yabag ng mga sapatos nila sa sementadong sahig. Dama sa paanan nila ang bawat pagtapak sa pasilyong iniilawan ng mga puting flourescent lamp.

"Wait, may hagdanan dito," aya ni Irish. Sabay-sabay silang tumalikod, ngunit pare-parehong napaatras nang sabay-sabay ring bumangga ang mga likod nila sa matigas na pader.

"Shoot!" Napatago agad ang dalawang dalaga sa likod ni Bryan.

"Hide! Hide!" nagpa-panic na utos ni Bryan, nagtataka pa kung paano sila napunta sa loob ng restroom kahit kagagaling lang nila sa hallway.

Sabay-sabay silang nagtago sa isang cubicle na nasa dulo. Bahagyang binuksan ni Polly ang pinto para mailabas nang kaunti ang video camera niya.

"Tell me, this is just a fucking dream," di-makapaniwalang sabi ni Irish.

"Welcome to our creepy adventures," biro ni Bryan at nakisilip sa awang ng pinto.

Bukas ang dilaw na ilaw. Nakarinig sila ng umiiyak na babae.

"What the fuck?" bulong ni Irish na nakaluhod na para lang makita ang nasa labas ng cubicle.

"Lance, please . . . don't do this . . ." iyak ng babaeng estudyante.

Nakikita nila ang isang lalaking estudyante, nakasuot pa ng uniform, pero gulo-gulo ang ayos. Nakatalikod ito at hindi nila makita nang malinaw ang repleksyon sa napakalabo at maruming salamin sa harapan.

Nakatali gamit ng makapal na tela ang galang-galangan ang babaeng estudyante. Nakabuka ang mga hita nito habang nakaupo sa mahabang sink na ibaba lang ng mahabang salamin. Puno ito ng dugo sa pisngi, may pasa sa gilid ng mata at noo, at ang daming galos at kalmot sa katawan.

"Sige, subukan mong mag-ingay," banta ng lalaking estudyante.

Napahawak si Irish sa dibdib dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Walang ibang laman ang utak niya sa mga oras na iyon kundi paano sila napunta sa sitwasyong iyon?

Hindi pamilyar si Bryan sa mukha ng babaeng duguan. Hindi rin niya mapangalanan ang lalaking kausap nito. Nakabukas na ang blouse ng dalaga, pero hindi ito lubusang nakahubad. Nakataas na ang palda nitong suot. Bahagya namang nakababa ang pantalon ng lalaki. Ilang saglit pa ay umalingawngaw ang ungol sa loob ng restroom na iyon.

"Bry! Do something!" pilit ni Irish, hatak-hatak ang pantalon ni Bryan.

"How? Ni hindi ko nga alam kung paano tayo napunta rito!" mahinang singhal ni Bryan.

Tumayo na agad si Irish at sapilitang pinaharap sa kanya si Bryan. "Go there and stop that!" malakas niyang bulong.

"Ano'ng gagawin ko? Sasapakin ko 'yong guy?" sarkastikong tanong ni Bryan.

"Why not? Basta! Just stop it! Bilis na!" utos ni Irish at itinulak-tulak pa si Bryan palabas ng cubicle.

"Fine!"

Sinipa ni Bryan ang pinto at buong tapang na lumabas. Sumunod naman sa kanya sina Irish at Polly para sana tumulong, ngunit pare-pareho silang napanganga nang makita na lang nila ang bukas na pinto ng restroom. May guhit ng dugo sa sahig palabas.

"Oh shit—" Nagmamadali silang lumabas para sana maabutan ang kung ano man ang dapat nilang pigilan sa mga oras na iyon, pero pare-pareho silang napahinto nang may ihulog ang dalawang estudyante sa bukas na corridor pababa mula sa fifth floor.

Napakapit si Irish sa braso ni Bryan nang humarap sa direksiyon nila si Nova, tinatanaw ang pinanggalingan nilang restroom.

"A—Ayokong ma-involve dito, Lance," nauutal na sabi ni Nova, bakas sa mukha ang takot dahil sa ginawa nila.

"Tumulong ka, Nova! Hindi lang ako ang may gusto nito! Gusto mo rin 'to!"

"No . . ." umiiyak na umiling si Nova. "Mali itong lahat. Hindi ito tama."

"Let's go!" nagmamadaling utos ni Bryan para pababain na ang dalawang kasama niya.

Kumaripas sila patakbo sa elevator area. Sunod-sunod ang yabag ng sapatos sa maliwanag na pasilyo. Palampas pa lang sila sa Room 503 nang masilip ni Irish ang loob ng kuwarto. May babae sa loob. Nakatayo sa mahabang mesa.

"Guys, may tao sa room!" hiyaw ni Irish, turo-turo ang loob ng silid-aralan.

"Hayaan mo na 'yan!" sabi ni Polly at hinatak na sa braso ang kaibigan.

Huling pagsulyap ni Irish sa loob ng Room 503, may babaeng estudyanteng tumalon mula sa mesa, ngunit hindi tuluyang nalaglag dahil nakasabit na ang leeg nito sa pinagkabit-kabit na necktie mula sa kisame.


◄♦►

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top