xv. Trapped
Napupuno na ng mga photocopy at folder ang maliit na puwesto ng grupo nina Bryan sa loob ng editorial department ng university. Nag-iipon na sila ng mga record ng lumabas na article at ilang column na may kaugnayan sa chain letters. Maliban sa article na inilabas ni Alfonce Guilherme, wala na silang makitang related article na tungkol sa mga itim na papel.
Ngunit ang nagpadami naman ng tambak sa mesa nila ay ang mga inilabas na kuwento nina Julio. Pagkamatay lang nito nalaman ng iba na si Snakey na writer sa campus journal at si Julio ay iisa. Naglalabas ito ng maiikling kuwento patungkol sa ghost at mystery stories na may kinalaman sa Du Mort University. Kahit ang ibang biktima at involved sa chain letters ay puro mga writer ng Du Mort Chronicle at campus journal. Magkakapareho ito ng mga batch at ito ang huling batch na nakapagtapos ng fourth year high school bago pa magbago ng curriculum.
Nasa campus ground ang grupo habang iniisip ang susunod na gagawin patungkol sa chain letters.
"It's almost a week, and I'm still fine," sabi ni Bryan, kunot ang noo habang titig sa malayo.
"Baka tama ang sinabi n'ong Alfonce, dude," sabi ni Ynar. "Baka wala naman talagang something sa letter kundi 'yon lang 'yon—letter."
"Pero may nakita kami ni Polly."
"Yeah," segunda ng dalaga. "At ang weird naman na kung ano ang nakita ni Bryan, nakita ko rin. Possible ba 'yon?"
Napapailing na lang si Bryan dahil hindi nila maintindihan ang misteryong napasukan.
"Ynar, samahan mo nga kami ni Polly mamaya sa music room. Check natin 'yong room kung ano ang puwede nating ma-record doon."
"Sure!"
"Rish and Delle, stay kayo sa library. Baka may kailangan tayong hanaping article about Savannah. Find everything sa archives."
"Copy!" magkasabay na sigaw nina Irish at Ardelle.
Pumasok sila sa panghapong klase at walang kakaiba sa naging araw nila. Normal ang mga teacher, normal ang mga kaklase nila. Maghahabol na sila ng susunod na article dahil malapit nang sumapit ang exam. Pagkatapos niyon ay magpa-publish na naman ng Chronicle para sa third grading period.
Nagsisibalikan na ang karamihan ng mga estudyante sa dorm habang abala naman sina Bryan sa pagpunta sa kabilang building ng Du Mort University. Dinayo pa nila ang College of Arts para lang sa music room kung saan pinatay si Savannah Morel.
Papalubog na ang araw. At kompara sa building kung nasaan ang classrooms, o kahit sa main building kung nasaan ang library, kakaiba ang daan ng hangin at liwanag sa pasilyo ng College of Arts. Mas maraming puno sa paligid niyon ngunit tumatama pa rin sa loob ng bawat silid ng panghapong araw. Umaalingawngaw sa pasilyo ng ikatlong palapag ang bawat yabag ng suwelas nina Bryan, Polly, at Ynar.
"This place is so quiet," bulong ni Ynar.
"Wala ba silang class dito?" tanong ni Polly sa mahinang boses.
"The bulletin board notice says this floor is only open during morning classes. No one's spending their class hours here after lunch," paliwanag ni Bryan.
"May reason ba?" usisa ni Ynar.
"No one answered me. Basta sinabi lang nila ang oras kung kailan may tao rito o wala," tugon ni Bryan.
Paisa-isang lakad silang tatlo sa tahimik na pasilyo. Padilim nang padilim sa parteng hindi na naaabot ng bukas na bintana. Nasa kalagitnaan pa lang silang tatlo nang makaramdam si Ynar ng pagbangga ng mabigat na bagay sa balikat niya hanggang gitna ng braso.
Nangunot ang noo niya nang magtanong. "I felt something . . . kayo rin ba?"
"What do you mean?" tanong ni Polly.
Habang naglalakad sila, nawala naman na ang pakiramdam na iyon.
"Ang sabi sa isang short story ni Snakey sa journal before, ilang student din daw ang nagbigti rito sa floor na 'to. Though it was a so-called true-to-life stories, but the admins are saying otherwise," paliwanag ni Bryan, ngunit iba na ang nasa isipan ni Ynar matapos may maramdamang kakaiba sa pagdaan nila kanina sa pasilyo.
Nakaabot sila sa pinto ng music room. Bukas iyon na ikinataka nila. Kadalasan ay isinasara ang bawat pinto ng kahit anong room tuwing hindi na ginagamit.
Tumapak ang tatlo sa loob. Malawak roon at may piano sa dulo na katabi ng bintana. May cabinet sa dulo na lagayan ng ibang musical instrument. Lumilibot ang tingin ng tatlo habang inoobserbahan ang buong silid.
"Hindi naman creepy rito sa loob," sabi ni Polly.
"Snakey's story said kapag wala nang mga student sa floor na 'to, naririnig daw nila mula sa labas na may tumutugtog na piano."
"I heard that story so many times, Bry," sabi ni Polly, tumapat pa sa piano para kapain ang mga piyesa. Tinipa niya ang ilang keys ng Für Elise. "What now? Iisipin na ba ng mga nasa labas na may ghost dito na tumutugtog ng piano because I played it?"
Hawak ni Bryan ang thickler niya habang binabasa ang ilang notes doon. "Based sa article ni Alfonce at sa news na lumabas sa Chronicle, sinaksak daw rito sa music room si Savannah. The thing is, sobrang close bilang magkaibigan nina Savannah at ng suspect. Kaya nga—"
Natigilan si Bryan. Dahan-dahan silang tumingin sa pintong lumalangitngit habang dahan-dahang sumasara.
Walang malakas na hangin.
Walang tao sa labas o kahit sa likod ng pinto.
"Dude?" tawag ni Ynar.
Pigil ang hininga nilang tatlo nang panoorin ang kahoy na pintong sumara na lang nang kusa.
"Is that normal?" tanong ni Polly. "I mean . . . oh sh—"
Mabilis na napaatras si Polly nang biglang tumugtog nang mag-isa ang piano. Pare-pareho silang napanganga habang pinandidilatan ang instrumentong tumutugtog gaya ng kung paano iyon tinipa ni Polly may ilang minuto lang ang nakalilipas.
"Shit!"
Napahiyaw ang tatlo at dali-daling nagtungo sa pinto. Pinihit pa nang pinihit ni Bryan ang seradura ngunit ayaw na iyong bumukas.
"Help!"
"Tulong!"
Sabay-sabay na sigaw nilang tatlo habang kinakalampag ang pinto, maging bintana upang makagawa ng ingay. Dumako pa si Ynar sa kabilang bahagi ng silid at humiyaw sa mga bukas na bintana, umaasang may makaririnig sa kanila kahit pa puno na ang nakapaligid doon.
"We're trapped! Help!"
◄♦►
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top