xii. Mirrored


Kada room ay may listahan ng mga estudyanteng nag-aaral sa iisang section o batch. Sa college room naman ay may master list ng mga estudyante sa bawat course. Ilang araw nang iniisa-isa nina Ynar ang bawat year para hanapin si Allea Han. Pero maliban sa record nito noong junior high school sa Du Mort na makikita sa university year book, wala na silang mahanap pang record nito sa kasalukuyan.

"Hindi ba tayo niloloko ng Alfonce na 'yon?" nagdududang tanong ni Irish, iniisa-isa ang pahina ng hawak na yearbook.

"Baka nag-transfer na ng school," ani Ardelle na may sarili na ring yearbook na hawak.

"We don't know, guys," tugon ni Ynar. "We can't tell yet. Sabi naman ng admin assistant and assistant sa registrar, wala pa naman daw record na may nagpa-process ng pag-transfer mula pa noong limang taon."

Hawak ni Bryan ang phone habang iniisa-isa ang nakaipong record niya roon. Inabutan na sila ng gabi sa library para sa paghahanap ng record ni Allea Han pero maliban sa mga lumang record nito, wala pa silang nahahanap na latest.

"Polly, samahan mo nga ako sa third floor. May kukunin lang ako sa locker," aya ni Bryan.

"Sure!" Dala ni Polly ang video camera at kasalukuyan pa ring nagpe-play para mag-document ng mga ginagawa nila. Maliwanag naman sa pasilyo ng fourth floor at third floor nang daanan nila kahit alas-otso pasado na ng gabi.

"Sobrang daming mystery na puwedeng i-unveil dito sa Du Mort," pagkausap ni Bryan sa camera na hawak ni Polly. "We're documenting the case of Death's chain letters. And apart from the black notes I got, wala pa tayong solid evidence to prove that it's a myth or it's a fact."

Dumeretso sila sa locker area na nasa corridor ng ikatlong palapag ng gusali. Unti-unting tumatahimik habang nababawasan ang mga estudyanteng may night class sa kabilang building na katabi ng lokasyon nila.

"Okay, guys, it's been four days since I got this letter," sabi ni Bryan, ipinakita sa camera ang itim na papel na hawak niya. "Death is still busy, I guess. I'm perfectly fine. And I'm planning to create a chain with this decoy." Ngumisi siya at ini-lock uli ang locker niya.

"Babalik na ba tayo sa library?" tanong ni Polly.

"Yeah, we should."

Tumango si Polly at muli nilang tinahak ni Bryan ang daan paakyat ng fourth floor para mabalikan ang ibang kasama.

Nag-e-echo ang tunog ng sapatos nilang dalawa sa pasilyo. Lalong lumalalim ang gabi. Nasa hagdan pa lang sila paakyat nang may makitang babaeng estudyante na umiiyak sa hagdan. Nakasubsob ang ulo nito sa mga brasong nakapatong sa mga tuhod.

Ngumiwi naman si Polly nang lingunin sa tabi si Bryan, naaartehan sa nakita nila. Nilampasan lang nila ang estudyante bago nagsalita si Polly.

"Drama, tss," palatak ni Polly sabay paikot ng mga mata.

Pagtapak nila sa fourth floor, nagpatay-patay na naman ang mga ilaw.

"Bry," pagtawag ni Polly nang hawakan sa braso ang kasama.

"Ito na naman tayo," sabi ni Bryan at hinanda na ang sarili sa mga susunod na mangyayari.

Umaasa silang dalawa na mauulit at mare-record na nila nang maayos ang nangyari noong unang gabi nilang nagpunta sa library, ngunit wala namang babaeng estudyante na nagpakita sa hallway.

"Is that it?" tanong ni Polly nang bumukas uli ang mga ilaw.

Mabilis na tinawagan ni Bryan ang mga kasama gamit ang phone. Humakbang sila nang dahan-dahan ni Polly para hindi guluhin ang kahit anong kayang i-record ng camera.

"Guys?" mahinang tawag ni Bryan nang sagutin ni Irish ang tawag.

"Bry, saan na kayo?"

"Nasa pinto na kami ng library," pabulong na sagot ni Bryan at itinapak na ang kanang paa sa loob ng bukas na pinto ng library. Sinilip niya ang loob at inaasahang maaabutan pa ang ibang kasama nila roon. "Bumaba na ba kayo?"

"Ha?"

Sinilip pa ni Bryan ang loob at lumingon-lingon sa mga mesa ng aklatan. "Guys, nasa library na kami ni Polly. The lights went on and off again, nakita n'yo ba kanina?"

"What do you mean by that?"

"The lights. Sa hallway. Nagpatay-patay ulit. Fourth floor? Library area? The scary hallway shit like the last time?" asiwang tanong ni Bryan, hinahanap ang grupo niya sa loob ng library.

"Bry, the lights are okay."

Natigilan si Bryan at nalingon si Polly.

"What?" tanong ng dalaga.

"The lights were okay, sabi ni Irish," mahinang paliwanag ni Bryan.

"The lights are okay now," sagot ni Polly.

"No, I mean hindi raw namatay-matay ang ilaw a while ago."

Bahagyang umawang ang bibig ni Polly, naguguluhan. Hinanap na rin ng dalaga ang ibang kasama nila sa loob ng library, ngunit tahimik na roon at walang ibang tao maliban sa kanila.

"Where are they?" tanong ni Polly.

Binalikan ni Bryan ang tawag. "Saan na kayo, Irish?"

"Library," sagot ng kabilang linya. "Inside. Kayo. Nasaan kayo?"

"Nasa pinto kami ng library."

"Dude, are you joking? Nasa harap namin mismo ang pinto ng library. Nasaang library ba kayo?"

"Oh sh-" Napatakip na lang ng bibig si Bryan nang lingunin si Polly.

"What?" nalilitong tanong ng dalaga.

"We need to leave ASAP."

Muling nagpatay-patay ang mga ilaw at umalingawngaw ang sigaw nilang dalawa sa pasilyo.


♦♦♦


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top