iv. Eury's Letter
Gusto kong magpakita kay Eury. Naroon na naman kasi siya sa mesa nila at mag-isa.
Kung lalapitan ko siya, mapapansin na niya ako.
Makikita na niya ako.
Makikilala na niya ako.
Siguro, gumagawa na naman siya ng tula.
O kuwento?
O ilang mga istorya?
Kung ano man ang ginagawa niya, gusto ko iyong malaman.
"Yu-yu! Okay na ang sa iyo?" sigaw ng maliit na boses ng babae.
Narito na naman si Hannah. Mabilis akong nagtago sa sulok ng library at sinilip silang dalawa. Hindi puwedeng makita ako ni Hannah. Kapag nakita niya ako, paniguradong . . .
Basta kailangan kong magtago sa kanya.
"Hannah, maganda ba ito?"
Ang itim na papel! Bakit hawak ni Eury ang itim na papel?
Pati ba siya? Kasama ba siya?
Eury . . . bakit pati ikaw? Ano ba ang gusto ninyong mangyari?
"Dagdagan mo ng detalye, Yu-yu. Nabibitin 'yong dulo, e."
Si Hannah. Siguro, si Hannah ang may pakana.
Oo, tama. Si Hannah nga. Sa poetry magaling si Eury. Si Hannah at si Snakey ang nagsusulat sa kanila ng mystery at horror stories sa journal.
Oo, tama. Si Hannah ang may gawa ng lahat.
"Iwan mo na iyan diyan! Kapag nakita ka ni Allea, yari ka."
"O, bakit nabanggit na naman siya?"
Teka . . . darating ba siya?
Binanggit ni Hannah ang pangalang iyon. Hindi puwede.
Itinupi ni Eury ang itim na papel at iniwan lang sa mesa.
"Tara na nga." Hinawakan ni Eury si Hannah sa magkabilang balikat at pumwesto siya sa likod nito.
Aalis na sila.
Ang papel! Gusto kong malaman kung ano ang isinulat niya sa papel.
Hindi ko na kailangang magtago, lumapit agad ako sa mesa nila at kinuha ang itim na papel.
"Ipasa . . . ipapasa? Bakit?"
Nakikita ko pa sila sa bintana ng library. Si Hannah ang may pakana nito, sigurado na ako.
Kung ano man ang balak niya, kailangan ko iyong pigilan.
◄♦►
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top