Heart of Melody
"I take one step away then I find myself coming back to you...my one and only, one and only you..."
"I love you Melody Policarpio...Happy anniversary, love."
Tumulo ang mga luha ko habang paulit-ulit na pinapanood ang video na dalawang taon na ang nakakaraan nang ipadala sa akin ng boyfriend ko na ngayon ay ex-boyfriend na magiisang-linggo na rin ang lumipas.
Ang hirap pa rin tanggapin na ganoon na lang kadali para sa kanya ang bitiwan ang relasyon namin. Pero hindi nga ba't inasahan ko na ito?
Hindi rin naman kami bagay. Isang napakagandang panaginip lang ang pinatulan ako ng isang Alessander Pierro. Just a beautiful dream.
Kung noon isang tawag ko lang sa kanya ay live ko nang mapapakinggan ang napakagandang boses niya, ngayon ay tanging sa radyo at telebisyon ko na lamang ito maririnig.
"So ang matagal ng tanong ng lahat, ano na nga bang status ninyo ni Klare?"
Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya at mabilis kong pinatay ang telebisyon. Malakas kong ibinato ang remote sa pader na naging dahilan para magkawatak-watak iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at pikit-matang binura ko ang video na nakasanayan ko nang panoorin gabi-gabi.
"I'm sorry Melody, let's break up..."
"Sander dahil ba 'to kay Klare?"
"I'm sorry..."
I will never be enough for a superstar like him. Kaya dapat intindihin ko siya. Minahal niya naman ako, eh. Naramdaman ko 'yon, pinaramdam niya sa akin iyon. Sapat na iyon hindi ba?
Pinunasan ko ang mga luha ko at nanghihinang tinungo ang kusina. May pagmamadali kong inilabas ang mga beer na siyang stock lang ng ref ko.
Nakakatatlong lata na ako nang tumunog ang cellphone ko sa sala. Nagmamadali ko iyong tinungo, umaasang siya ang tumatawag sa akin pero nanlumo ako nang makitang ang 'mabait' kong boss ang tumatawag sa akin.
Ano na naman bang kailangan niya?!
"Hello..." ngongo ang boses kong saad dahil na rin sa walang tigil kong pagngawa.
"Where the f*ck are you?!"
Kumunot ang noo ko sa sigaw niya sa akin. It's Saturday. Off ko malamang ay nasa bahay ako.
"N-Nasa bahay po--"
"Are you crazy?! Hindi ba't sabi ko sa 'yo na pumunta ka sa bar ni Addie at exactly eight o'clock in the evening?!"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ng boss kong ipinaglihi sa sama ng loob.
"Listen to me very well Policarpio, you have ten minutes to be here or else--"
"Or else what? You're going to fire me then do it!" tili ko at ibinaba ang cellphone ko.
Pero napangiwi ako nang makita ang bills na nasa center table. Realization hits me, I can't afford to lose my hell of a job.
Brokenhearted na nga ako, magiging palaboy pa ako? No way!
----
"What are you doing here?"
Napahinto ako sa pagpasok sa loob ng bar nang marinig ang boses mula sa likod ko. Napangiwi ako at huminga muna nang malalim bago lumingon.
Nakaplaster ang pekeng ngiti na hinarap ko ang boss kong pinakamabait sa balat ng ilalim ng lupa.
A Devil Incarnate.
Aiden Gregory Villafionce.
"H-Hi boss," sabi ko na parang tanga pang kumaway.
"I said what are you doing here? I thought--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang mabilis akong lumapit sa kanya at pilit na inakbayan siya at dahil ang laki ng agwat ng tangkad namin. Nakatingkayad na ako para lang maabot siya.
"Boss, matitiis ba naman kita? Siyempre pupuntahan kita. Alam ko namang hindi mo kayang mabuhay nang wala ako eh."
"Are you on drugs?" Naglaho ang pekeng ngiti ko sa kawalanghiyaan na sinabi ng boss ko. Muntik na kong matumba nang marahas niyang alisin ang braso ko. Well, sanay na ko sa pagiging mabait niya kaya napailing na lang ako.
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Napapangiwi siya habang pinagmamasdan ang suot kong hoodie at skinny tattered jeans.
Ayan na naman siya pambabastos sa attire ko.
"And what's with your look? Do you think papasukin ka sa loob? You look like a shit." Naglakad siya papasok sa loob matapos sabihin sa akin iyon.
Naipadyak ko na lang ang mga paa ko sa inis sa boss kong ipinaglihi sa sama ng loob.
Kabaliktaran sa sinabi niya mabilis akong nakapasok sa loob kahit na nga ba high-end bar ang pagmamay-ari ni Addie. Close ko kaya ang bouncer na si George.
Sosyal ang bar na pagmamay-ari ni Addie--kapatid ng boss ko. Hindi katulad ng ibang bar walang mga nagkalat na mga lasing at nagwawalang mga kabataan sa dance floor.
Pero siyempre business is business. Alam kong sa kabilang bahagi ng building nandoon ang mga kabataang maliligalig na sumasayaw sa saliw ng maingay na tugtugin. Minsan lang ako pumasok doon nang sunduin ko ang boss ko at hinding-hindi na mauulit iyon.
Pero rito ay chill lang ang mga tao habang nakikinig sa band performer na nasa make-shift stage. Pumanhik ako at malungkot na napangiti nang matanaw ang kinaroroonan ng boss ko.
Isang pabilog na sofa na kinabibilangan ng anim na tao. Si Addie kasama ang long-time boyfriend niya na si Blaze. Ang magbestfriend na boss ko at si Hughson kasama ang flavor of the night nila.
Pero atleast hindi sila nag-iisa katulad ko. Wasak ang puso at nag-iisa.
"Melodyyyyy!" matinis na sigaw ni Addie sa akin nang matanaw ako.
Nang makalapit ako ay pinalipat niya si Blaze sa kanan at pinaupo ako sa tabi niya.
"How are you, Mel? I missed you!"
Eto wasak na wasak bes...
"I'm doing good..." peke ang ngiti kong tugon kay Addie. Nangalay ang panga ko sa pagngiti at pagbati kina Hughson at Blaze.
Adelaida 'Addie' Villafionce.
I've known her for three years. Sa tagal na panahon na 'yon, naging kaibigan ko na rin siya. Six months matapos akong matanggap bilang personal alalay ng Kuya niyang walang ginawa kung hindi pahirapan ako.
Fresh graduate nang mag-apply ako sa Regal Magic--one of the most successful entertainment agency in the Philippines. Siyempre, sino ba namang gugustuhin na magtrabaho bilang personal utusan matapos mong magsunog ng kilay for years?
I applied to be a secretary. Pero ayon sa boss ko--hindi raw ako qualified. Bata pa at walang experience sa pagiging secretary niya. Being desperate to work in Regal Magic, sinabi kong kahit anong trabaho ay ayos lang. The rest is history. Ginawa akong personal julalay ni Aiden the devil.
Pero bakit nga ba gusto kong magtrabaho sa Regal Magic?
Aside sa mataas na sahod.
Merong isang dahilan na nagagawa kong tiisin ang napakasamang ugali ng boss ko.
Si Alessander Pierro.
My ex-boyfriend.
Pero ngayong wala na kami mukhang kailangan ko nang maghanap ng bagong trabaho.
Malayo sa kanya.
"Hey, may problema ka ba?"
Napatigil ako sa pagtungga sa beer at nilingon si Addie na nakapulupot sa boyfriend niya.
Suddenly, I miss him.
Umiling ako. "Nah, wala kong problema, ano bang poproblemahin ng isang katulad ko? Kung iyan ngang kapatid mong pinaglihi sa sama ng loob kinakaya ko, eh. Eto pa kaya? W-Wala 'to...w-wala talaga."
"Huh? So meron nga?"
Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pag-inom ng alak. Nang hindi makuntento sa beer ay napagdiskitahan ko ang tequila na nasa lamesa.
"Hey! Stop drinking! Hindi kita pinapunta rito para uminom. Ihahatid mo pa kami!"
Hindi ko pinansin ang boss ko at nagpatuloy ako sa pag-inom.
"C'mon dude, hayaan mo na nga si Melody. Minsan lang naman." malanding kumindat sa akin si Hughson matapos sabihin iyon kay Aiden. Ngumisi lang ako at muling nagsalin sa shot glass.
"Oo nga naman Kuya, you're KJ talaga..."
"Hoy Adelaida--"
"Isa pang tawag mo sa akin niyan, I swear you'll never enter this bar of mine!"
Nagpatuloy sa pagbabangayan ang magkapatid na nakasanayan na naming lahat. Habang napaparami ang inom ko tawa ako nang tawa sa bawat sinasabi nila kahit wala namang nakakatawa. Ramdam ko ang pag-ikot ng paligid.
Napahinto ako sa paglagok ng alak nang marinig ang pamilyar na musika.
It took one look then forever lay out in front of me...one smile then I died only to be revive by you...
Oh god. Of all songs bakit yan pa?
I don't want to hear it. I don't know what's got into my mind. I just find myself at the stage singing my hearts out. Little did I know that this night will change my life.
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top