Epilogue

RAZIEL

Lumapat ang malamig na hangin sa aking pisngi habang nakapikit akong nakasandal sa punong kahoy na mahogany. Ngumiti ako ng makita kong masayang nagkwekwentuhan ang mga taong nasa ilalim ng puno.

"Akala ko talaga iiwasan mo kami Kuya Greg nang binasted ka ni Verity!" Wika ni Annabelle na hawak ang kanyang libro habang nakatingin kay Greg.

Si Greg naman ay nagpakita lang ng awkward na smile. As usual, weak pa rin siya. Hehehe.

Hinampas ni Verity ng libro si Annabelle tsaka sinabihan na maging maayos ang pakikipag-usap niya kay Greg para hindi ito ma-awkward sakanila.

Nalulungkot lang ako kay Greg dahil hiniwalayan niya si Rose Ann para kay Verity pero basted pa rin siya. Wala ata siyang swerte sa lovelife e.

Sa malayo ay nakita ko ang nakatayong si Rose Ann habang pinagmamasdan si Greg. Isang linggo na siyang ganito at hindi kayang lapitan si Greg. Nararamdaman ko ang tunay niyang pagmamahal sa binabantayan ko pero mapait talaga ang tadhana. May mga tao talagang akala mo na para sa'yo pero darating ang panahon na bigla itong lalayo dahil nakita na niya ang taong para sakanya at hindi ikaw iyon.

Kahit saang banda at aspeto tignan, masalimoot talaga ang buhay. Naalala ko ang mga sinabi nina Greg at Verity sa akin na iniligtas ko sila kapalit ng buhay ko. Wala man akong maalala sa nakaraan ko ay naramdaman ko pa rin ang mga ginawa ko para sa kanila dati. Lugod akong nagpapasalamat sakanilang dalawa na nadiskubre nila kung sino talaga ako dati noong buhay pa ako. Isa lang akong bagong pulis noon, ayon sakanila, at kahit maikling panahon pa lang akong nagsilbi para sa bayan ay nakagawa ako kaagad ng mabuti. Iyon ay ialay ko ang aking buhay sa taong kailangan ng tulong ko dahil iyon ang serbisyo ko, ang gawin ang lahat para sa kapakanan ng nakararami.

Nakangiti akong pumasok sa opisina ng Ruler. Alam kong alam na niya ang nangyari dahil gaya ko ay nakangiti rin siya. Hindi na ako umupo at nagbigay galang na kaagad bago nagsalita.

"Ruler, ngayon ay alam ko na kung sino ako dati. Lubos akong namangha sa katapangang ginawa ko noong nabubuhay pa ako. Hindi ko na kailangang aalahanin pa sa mismong utak ko ang nangyari, sapat na sa akin ang sinabi nila. Salamat dahil binigyan niyo po ako ng pagkakataong makasama at muling makita ang mga tinulungan ko noon. Kahit ibang tao na sila ngayon, masaya po ako."

"Nagagalak akong marinig ang kasiyahan mo Raziel. Higit na mas importante ang ngayon pero kailangan din nating aalahanin kung ano ang nakaraan para mas maintindihan natin ang ngayon." Nakangiting wika ng Ruler sa akin.

"Ngayong alam mo na.. may kakayahan ka nang ipakita ang iyong sarili sa mundo nila. Pwede ka nang mag-anyong tao pero sa panahon lamang na kinakailangan," pag-eexplain ng Ruler.

Paglabas ko ng silid ay labis akong nasisiyahan. Magkakaroon na rin akong kakayahan na ipakita ko ang sarili ko. Magagawa ko na ang dati kong ginagawa noong nabubuhay pa ako. Makakapaglakad, makakatakbo at makakalipad pa ako. Sobrang sobra na ito kaysa sa nga kahilingan ko dati.

Ngayon ay hindi ko pa naipapakita sakanila ang tunay kong anyo pero naririnig parin nila ang boses ko.

"Gwapo ka ba Raziel?" Tanong sa akin ni Annabelle kaya napadungaw ako sakanila. Kunot-noo naman ang kaibigan niyang si Evianna.

Bukod kasi kay Greg at Verity, nararamdaman din ako ni Annabelle pero hindi niya ako maririnig. Wala kasi kaming koneksyon o ugnayan kaya hindi pwede.

"You're such a psycho! Tayo lang ang nandito like duh? Who's Raziel by the way?"

Muling napuno ng tawa nila ang tainga ko. Wala pa silang nagagawang group study dahil puro kalokohan ang naiisip ni Annabelle. Kaya nga nasa kanila ngayon si Greg ay upang magpaturo ng lessons.

Tinignan ko ang kinaroroonan ni Rose Ann kanina at wala na siya roon. Alam kong mabigat ang dinadaanan niya pero ganoon talaga e. Kailangan nating maranasan ang hirap bago tayo tuluyang lumigaya.

Ang buhay natin sa mundo ay hindi natin hawak. Sabi nila kumain daw ng masusustansyang pagkain para mas humaba ang buhay pero kahit na gawin ang lifestyle na iyon, hindi pa rin natin nasisigurado na hahaba talaga ang ating buhay. Gayunpaman, ang kailangan nating gawin higit sa lahat ay maging mabuting tao. Hindi lamang sa ating sarili at pamilya kung hindi pati na rin sa ibang tao at ang tungkulin ng bawat isa bilang tao.

Masaya akong naging guardian angel dahil magsisilbi itong alaala sa magagandang ginawa ko noong ako'y buhay pa. Na mayroon pa palang magandang maghihintay sa'yo sa kabilang buhay kung magiging mabait ka lang.

Bumaba ako sa puno ng umalis na ang tatlong babae at si Greg nalang ang naiwan.

"Raziel.. akala ko ay may chance ako kay Verity pero mukhang malabo.. tanging friendship lang daw ang maibibigay niya sa akin," malungkot na saad ni Greg. Halata sa mukha niya na nasasaktan siya.

Kahit hindi niya ramdam ay inakbayan ko pa rin siya tsaka nagsalita. "Greg, kung kaya mo pwede ka pang maghintay. Malay mo diba? At kung hindi talaga, dapat tanggapin mo na lang ang pwede niyang ibigay sa'yo. Huwag mong gawing mindset na gusto mo siyang maging girlfriend. Baka mas masaya pa ang relasyon niyo kung magiging magkaibigan kayo. This is not the end of your life Greg. You still have a long way to go. Make it significant. Hayaan mong maging masaya ang sarili mo kasama ng mga taong pinapahalagahan mo at nagpapahalaga sa'yo. Huwag mong tuluyang lagyan ng gap ang relasyon niyo ni Rose Ann. Make her understand at sa ganoon ay magiging okay kayong dalawa."

Ngumiti siya ng maliit sa akin habang nakatanaw sa malayo. "Maraming salamat talaga at nandiyan ka sa aming dalawa ni Verity. If it weren't for you, I will not be aware that I was drunk of her. And I will not become sober from my drunkness if you didn't help me realize things."

At sa unang pagkakataon ay nag-anyong tao ako. Nagulat man siya ay binigyan ko kaagad siya ng isang tapik para mahimasmasan sa gulat.

"Walang anuman Greg. Parehas tayong gustong magpasalamat sa isa't isa pero kailangan din nating tulungan ang isa't isa."

Inakbayan ko siya at naglakad kami palabas ng school na nagtatawanan at pinagtitinginan ng mga tao. Sana ay makuha nila ang positive energy sa mga tawa namin para maging masaya ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top