Chapter 8
This chapter is dedicated to TG_AOT. Basahin mo nalang Alps 😂
Tsaka sa mga nagbabasa nito thank you! At sa iba kong mga naging kakilala dito sa watty bluexleo and YourAngelKnight. Salamat! ❤
--
Habang nasa kalagitnaan ng klase ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa puson. Magkakaperiod ata ako. Nag-excuse muna ako para pumunta sa cr. Dala-dala ko ang maliit na bag na may laman na underwear, sanitary pad at sanitizer.
Pagpasok ko sa cubicle ay umupo kaagad ako para ma-icheck ang dapat icheck. Meron nga! Mabuti nalang at naramdaman ko agad dahil kung hindi magkakamantsa pa ang palda ko. Dali-dali kong hinubad ang underwear ko tsaka sinuot ang malinis at may sanitary pad na underwear. Cool!
Tinupi ko ng maayos ang nagamit na underwear at tinapon sa basurahan ang panty liner na ginamit ko.
Nagtungo ako sa sink upang maghugas ng kamay. Ang galing lang talaga ng function ng utility kasi napapanatili nilang malinis at kaaya-aya ang mga comfort rooms dito. Pati na rin ang mga estudyante kasi mga responsable sa paggagamit.
"Good morning, sir George!" Bati ko sa history teacher namin. Napatingin ako sa relos ko at 20 minutes nalang ay history subject na.
"Saan ka nanggaling miss Deza? Class hours pa ah." Seryoso niyang saad. Ganyan talaga ang mga teacher maaalahanin sa kanilang estudyante.
"Kagagaling ko lang po sa cr kasi. Hehehe." Naalala ko bigla na anak pala ni sir si Greg. Ano kayang reaksyon niya nung nakita niya yung anak niyang puno ang bugbog? At alam din kaya niya na nasali ang anak niya sa gulo? Hmm.. ano kayang klaseng ama si sir? Hehehe.
"O baka naman ay nakikipagtagpo ka sa boyfriend mo na nasa kabilang section?" Biro niya.
"Naku sir! Wala po. Bata pa po ako para sa mga bagay na yan." Sagot ko. Nasa harap na pala kami ng classroom namin. Nagpaalam akong mauna ng pumasok. Si sir ay siguradong mamaya pa yan papasok at makikipag-usap pa sa ibang teachers na nag-aabang katulad niya.
Nag-didiscuss pa rin si mam sa harapan ng makabalik ako. Lahat sila ay nakatuon ang atensyon kay mam. Nakakatuwa lang ang section namin kasi nakikinig lang kay mam Maglangit pero kapag ibang teacher na ay hindi masyadong nakakapagseryoso.
"There will be two kinds of exam next meeting. Oral and written so prepare yourselves everyone. Zero or perfect lang ang irerecord ko kaya ayus ayusin niyo ang pag-aaral."
Napuno ng reklamo ang buong classroom sa sinabi ni mam. Wala naman kaming magawa kundi ang matakot. Hays. Bakit ba may mga teacher na katulad niya na nag-eexist?!
Tumabi kaagad sa akin si Belle. Naka-seating arrangement kasi kami. De Guzman siya at ako ay Deza kaya medyo malapit. Nasa likuran sa kabilang side naman si Evi.
"Nakapag-aral ka ba kagabi? Jusko! Hindi ko binasa yung libro eh. Sana magbigay ng oras si sir na makapag-aral tayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at dun lang napagtanto kung ano ang ibig sabihin.
Hindi na ako nagkaroon ng oras para sumagot sakanya kasi biglang pumasok si sir. Ang seating arrangement lang ni mam Maglangit ang sinunod naman para sa buong araw. Nakakapagod naman kasing iba-iba ang upuan sa bawat subject.
"Good morning class. May usapan tayo last meeting diba? I'll give you ten minutes to scan your book. 20 items lang naman ang quiz kaya paniguradong makakapasa kayong lahat. Maging tahimik lang sa pag-aaral."
Nakahinga ako ng maluwag. Hindi lang pala ako kundi pati na rin ang iba kong kaklase. Matapos ang sampung minuto ay nagbigay na ng kanyang quiz si sir. Nakakuha naman ako ng 13 out of 20. Siguro kung nag-aral ako ay baka mas mataas pa ang nakuha ko. Si Belle ay 12 habang si Evi ay 18. Nakapag-aral ata siya kagabi hindi man lang nagsabi.
Napagdesisyonan namin na pumunta munang cafeteria upang magrecess. Medyo malayo-layo rin ang lalakarin namin.
"Evi, may gusto kang sabihin saming dalawa ni Verity diba? Sabi mo kahapon ngayon mo sasabihin."
Medyo nawala sa kanyang sarili si Evi kaya alam ko na kung ano ang gusto niyang iparating. Tahimik lang siya nang makarating kami. Umorder na kami't lahat ay tahimik pa rin siya.
"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na Evi. Wag kang mag-alala sa amin." Pag-oopen ko para magkaroon naman siya ng lakas ng loob. Pilit siyang ngumiti dahil siguro kinakabahan siya at ramdam ko iyon.
"Ano ka ba Evi! Kagabi mukha kang excited sa sasabihin mo dahil ang laki laki ng ngiti mo nung kausap mo ko. May pathrill-thrill ka pang nalalaman pero hindi mo naman masabi!"
"Ano ka ba chakadoll wag mo siyang ipressure." Siniko ko siya dahil dada na naman ng dada.
"May nanliligaw kasi sa akin.." pag-uumpisa niya at wala naman akong pinakitang reaksyon ganun din si Belle.
"Eh ano naman ngayon? Nakaka-shock ba yun? Nakakakilabot ba yun? Nakakain ba yun?" Sarkastikong sabi ni chakadoll.
"Itong plastik nakakain to. Sige isubo mo." Nag-act ako na isusubo ko yung plastic sakanya kaya napailag siya. Ang kaso nga lang ay nang makailag siya nabangga niya ang tray ng isang estudyante kaya natapon ito.
Mabilis siyang tumayo at nag-sorry.
"Omg! I'm so sorry. Bibilhan nalang kita ulit. Okay lang ba yun? Sorry talaga kasi medyo magalaw ako kaya nagkasala tuloy ako." Sumang-ayon ang babaeng estudyante at sinamahan siya ni Belle sa nagtitinda.
Tumawa kami ni Evi sa nangyari. Bigla kasing nag-pop up sa mga utak namin ang nangyari sa mall kung gaano siya ka-high blood nung araw na yun.
"Kung ikaw siguro yun baka nakagawa ka na naman ng scandal. Hahahaha."
"Siguro? Hahahaha pero magbabago na ako no! I should act like a lady, not a high schooler. Hahahahahaha."
"Sa bibig mo na mismong lumabas yang high schooler. Hahahaha pero tama ka hindi nga magandang pakinggan."
Dahil sa pagtawa ko ay napahampas ako sa lamesa kaya nahulog ang water bottle ko. Yumuko ako para pulutin ito pero naramdaman kong may taong natapilok dahil nakaharang ako. Naramdaman ko pa ang dalawang paa niyang nakapatong pa sa likod ko. Ewan ko lang kung sumubsob ba ang mukha niya sa tiles or what.
Umaksyon kaagad ang ibang estudyante para tulungan siya.
"Okay ka lang po ba?" Rinig kong tanong ng isang babae sa natapilok. Hindi ako nakatayo agad dahil nga nasa likod ko pa ang kalahating paa ng lalaki.
Nang naramdaman ko ng walang nakadagan sa likod ko ay agad akong lumapit sa nagawan ko ng kasalanan para humingi ng tawad. Laking gulat ko kasi si Greg ang nagawan ko ng kasalanan. What a life!
"Hala si La Kang Mama boy pala yan. Ang tanga naman niya!"
"Lampa pala si kuyang la kang mama eh. Hahahahaha."
Gusto kong matawa sa reaksyon ng mga tao.
****
GREG
Kung mamalasin ka nga naman! Puro sakit sa katawan ang nakukuha ko sa mga araw na ito. Anong akala niyo punching bag ako?
Ayoko ng mapagalitan. Hindi na kasi ako nakapagsinungaling kina nanay at tatay nung umuwi akong puno ng bugbog. Sino pa nga ba ang maglalakas loob magsinungaling kung may ebidensya naman talagang nakikita?
Mabuti nalang at natukod ko ang dalawa kong kamay kundi facefloor talaga ako. Baka nga mabali pa ang ilong ko at mabungi. Pero hindi pa rin ako nakaligtas sa sakit. Kamay ko yata ang mababali!
Mabilis lumapit sa akin ang mga estudyante para ata malaman kung anong nangyayari. Tulungan niyo naman ako oh? Lahat kasi sila ay puro nakatingin lang sa akin. May mga humahagikhik pa!
"Okay ka lang po ba?" Mabilis akong umiling para iparating sakanya na hindi ako okay. Namimilipit na ako sa sakit eh.
Klaro sa mata ng babae na natataranta siya at hindi alam ang gagawin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pilit na ipinatayo. Nakayanan naman niya akong itayo sa awa ng Diyos.
"Thank you miss." Bulong ko sakanya pero hindi ata niya narinig kasi dali-dali niya akong hinila palabas ng cafeteria. Gusto ko sanang makita kung sino yung dahil kung bakit ako nagkaganun pero hila-hila na niya ako.
"Miss teka lang!" Sigaw mo para huminto kami sa paglalakad ng napakabilis. Para siyang may tinatakbuhan eh. Tumingin ako sa kamay niyang hawak ang kamay ko at tsaka kami parehong natauhan at binitawan ang kamay naming dalawa.
"Sorry! Nataranta lang kasi ako at gusto kitang dalhin kaagad sa clinic para mabigyan ka ng first aid." Pagpapaliwanag niya. Tumango naman ako bilang sagot.
"Salamat sa pag-alala mo. Mukha ngang kailangan kong pumunta sa clinic. Wag mo nalang hawakan ang kam-- I mean wag mo nalang akong hilahin hehehe. Medyo masakit kasi ang braso ko baka madagdagan pa sa paghila mo."
"Ay oo nga pala! Pasensya na talaga madali kasi akong mataranta. Tara na sa clinic."
Nauna siyang naglakad kesa sa akin kaya sumunod nalang ako.
"Good morning nurse." Bati niya sa school nurse namin kaya binati ko rin ito.
"Anong atin?" Tanong ng nurse. Agad naman akong lumapit sa table niya at umupo sa harapan niya.
Nagkamot pa ako ng ulo bago magsalita. "Eh kasi po na.. na ano ako.. nadulas! Opo nadulas ako sa cafeteria ngayon ngayon lang at tsaka natukod ko ang dalawa kong kamay." Hindi ko maintindihan kong ba't ako nagsinungaling. Ay bahala na nga si batman.
"Patingin ng dalawang braso mo baka may minor bruises ka." Inextend ko naman ang braso ko. Sinipat niya talaga kung meron nga at parang pinipindot ang skin ko para siguro malaman kung mayroong pamamaga.
"A-aray ko po!" Napasabi ako bigla nang pindotin niya ang bahagi malapit sa siko ko.
"May iilan kang minor bruises pero hindi naman dapat ipag-alala at may pamamaga ka rin. Mabuti at hindi mo binigyan masyado ng weight ang kamay mo dahil baka madali ito at mabuti rin kasi hindi mo nadamay ang siko mo. Pilay ka panigurado." Pagliliwanag niya. Nakahinga ako ng maluwag at tumingin sa babaeng tumulong sa akin para ngumiti.
"Thank you po nurse." Pasasalamat ko. "Mabuti nga rin po dahil may tumulong kaagad sa akin eh. Hehehe." Sabi ko habang nakatingin sa babae para iparating sa nurse na siya ang ibig kong sabihin.
"Mukha nga naman siyang anghel. Hahaha. Sige magpahinga ka muna dito. Gagawan kita ng excuse letter para ma-excuse ka sa next subject." Ipinasulat niya ang pangalan ko sa logbook at kung anong dahilan kung bakit ako nandoon. "Ilagay mo tong icebag sa namamaga mong braso."
Ipinahiga niya ako sa isang kama na pinagpaparte ng gamit ang kurtina. Hawak hawak ng babae ang icebag nang makahiga na ako.
"Ayos ka lang ba dito? May klase pa kasi ako eh hindi na kita masasamahan. Pero may 10 minutes pa naman ako."
"Oo ayos lang. Salamat talaga miss. By the way, Greg nga pala. BSED Freshman." Inabot ko ang kamay ko para makipag-shakehands sakanya. Agad naman niyang kinuha. "I'm Rose Ann Tan. First year Human Resource student."
Nahiya ako kasi hindi ko sinabi ang totoo kong pangalan samantalang sinabi niya ang kanya. Pero baka nickname lang din niya yan? Hehehe. Takot lang akong hanapin niya ang pangalan ko sa facebook kung ipapaalam ko sakanya ang apiledo ko.
"Bago ka rin pala dito?" Tanong ko.
"Dito ako ng senior high kaya medyo alam ko na yung school. At di ko akalaing BSED ka pala ha?"
"Hindi ba halata sa mukha ko? Hahaha." Sabi ko at parang gustong sabihin na naka-eyeglass naman ako.
"Wala sa mukha mo eh. Pogi ka kasi akala ko IT ka ganun. Hahahaha." Nice joke kaya natawa ako. May nag-eexist din palang babaeng bolera.
Nang hawakan ko ang mukha ko ay nagtaka ako kung bakit wala akong suot suot na eyeglass!
"Bakit parang natulala ka ata?"
"Nakita mo ba ang eyeglass ko?" Kabadong tanong ko. Lord wag naman sanang mawala yun.
"May eyeglass ka pala? Hindi ko nakita. Baka naiwan mo?"
Ay bansot ka! Ba't yun nawala? Mapapagalitan na naman ako nito. Huhuhu.
"Wag na nga 'ting isipin pa yun. Minamalas nalang ako palagi. Tsk." Pagdradrama ko. Ngayon lang ako nakaramdam na may kasama at may pagsasabihan.
"Hmm.. wag mong mamasamain ha pero nakita ko yung video niyo ni Evianna at Verity sa mall. Ba't mo nagawa yun?"
Bakit hindi ko yun nakita? Kagagawa ko nga lang pala ng facebook hehehehe. At hindi ko naisipang hanapin yun. Bobobobohan lang Greg no?
Kinuwento ko sakanya ang nangyari at sang-ayon naman siya sa ginawa ko.
"Tama nga yung ginawa mo. Ipinaglaban mo yung karapatan ng matanda. Akalain mong may mga tao pa palang nag-eexist kagaya mo? Tsaka tawang-tawa lang ako sa ginagawa mo dun. Para kang bata kasi nagtatapon ka lang ng pera at panay LA KANG MAMA ang bibig mo."
Napuno kami ng tawanan hanggang sa masita kami ng nurse.
"Greg mauna na pala ako. Ah.. sana magkita pa tayo ano?"
"Sure. Libre kita next time kapag magkita tayo. Thank you so much Rose Ann. You saved me."
Ngumiti siya at umalis na. Naiwan naman akong nakasunod ang mata sakanya. Ito lang ata ang malas na araw pero may maganda namang dumating agad. Sinalo ko ata ang London Bridge when it fell down sa past life ko kasi ang ganda ng tumulong sa akin ngayon. Sana nga ay magkita pa tayo ulit Rose Ann dahil alam kong hindi ako magsasawang tignan ang mukha niya.
Humiga ako at pumikit pero siya parin ang nakikita ko. Hinawakan ko ang dibdib ko ng mapansin na parang bumilis ang pagtibok nito. What's happening?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top