Chapter 6
VERITY
"Evi are you fine?" Tanong ni Belle. Nasa kotse na kami ngayon at ihahatid na pauwi. Matapos ang nangyari, iyak lang siya ng iyak.
"I guess he doesn't mean what he said at nabayaran na naman niya ang ginawa niya sayo." Sabi ko para gumaan ang pakiramdam niya. But I guess it's not helpful. Gaya niya ay mabigat din ang loob namin ni Belle. How come he can easily said those words?
Nasa iisang village lang kami ni Evi pero malayo pa rin ang bahay namin sa isa't isa.
"Please stop crying now. Baka mapagalitan ka sainyo." Pag-alala ni Belle. Patuloy lang siya sa pag-iyak at alam na namin ang dahilan. Bukod sa mga kasambahay ay siya lang mag-isa sa bahay nila ngayon.
"How can I be frightened if I know that there will be no one at home that will ask me why I'm crying?" Napatahimik kami ni Belle. Tanging ang tunog ng sasakyan at iyak ni Evi ang maririnig.
Huminto ang kotse sa tapat ng bahay ni Evi. "Ayaw mo bang magpasama muna sa loob?"
"Wag na. It's almost late baka pagalitan pa kayo. Thanks for today."
Mabilis lang din kaming nakarating sa bahay ko. Nagpaalam na ako kay Belle.
"I hope you're okay too Belle. Good night!"
"Good night Riri!" Napangiti ako sa tinawag niya sa akin. Minsan lang kasi nila ako tawagin sa nickname ko kaya napapangiti ako tuwing nababanggit nila.
Maingat akong pumasok para hindi makagawa ng ingay. Maayos naman akong nakapasok sa kwarto ko. Nagbihis muna ako bago hinanap si mamita, ang lola ko sa side ni mama.
"Ate Dina nasan si mamita?" Hindi ko kasi siya nakita sa kwarto niya. Tsaka si ate Dina ay isa sa mga kasambahay namin.
"Umalis siya mga bandang alas dos ng hapon Riri. Sabi niya rin sakin kanina na gagabihin siya. Hindi ka ba niya ininform?"
"Yes po. Who's with her?"
"Yung asawa ko lang. Makikipagkita daw siya sa isa sa mga amiga niya. May pag-uusapan ata tungkol sa negosyo." Nakahinga ako ng maluwag ng malaman na asawa niya ang kasama ni mamita who is our family driver.
"Si Belle ba ang naghatid sayo ngayon?"
"Opo. Magkasama kaming tatlo ni Evi. Hmm, hindi po ba umuwi ang mga kapatid ko?"
"Ewan ko ba dun sa ate at kuya mo. Sumasakit din ang ulo ko sakanila, hindi lang ang mamita mo ang binibigyan nila ng sakit sa ulo."
Haaays. Wala ba silang balak na bisitahin ako?
"Si Dora at Diego kasi yun. Panay lakwatsa ang nalalaman. Sige po, matutulog na ako. Kumain na kami sa mall nina Evi at Belle. Good night po."
Bumalik ako sa kwarto at humiga sa kama. Wala namang assignments o quiz bukas kaya okay lang.
Pagkagising ko kinabukasan ay nadatnan ko na si mamita sa dining table na kumakain. Nagulat ako kung sino ang kasama niya. Ang kambal kong kapatid, si kuya Diego at miss Davien aka DORA. Ayaw niyang tawagin ko siyang ate, nandidiri daw siya. Simula pagkabata ay yun na ang tawag ko sakanya.
Lumapit ako kay mamita upang bigyan siya ng morning kiss na nakasanayan ko but she avoided me. This isn't the first time na tinanggihan niya ako and I know the reason. I did something terribly wrong. Hindi na ako magugulat kung nalaman na niya. Lumapit ako sa dalawa kong kapatid para mag-good morning. Binigyan lang nila ako ng matipid na ngiti. We are not that close kaya sanay na ako sa ugali nilang hindi matantsa but one thing is for sure, mga lakwatsera silang dalawa.
"Verity Mireille Deza do you know how disgusting you are?" Papaupo pa lamang ako ay sinalubong na niya ako ng tanong kaya bumalik ako sa pagkakatayo.
"I'm so sorry mamita. The truth behind it was ihing-ihi na po talaga ako. I can't prevent it anymore kaya my only choice is to enter the boys comfort room. I picked the last cubicle assuming that there might be no one occupying that cubicle but I was wrong. The one who spread the photo was the boy with me inside the cubicle. I guess he's crushing on me kaya nagawa niya iyon. You already know about these things mamita. Boys around me really tried hard to get my attention. I am really sorry mamita for disappointing you again." I explained while my head is down. Hindi ko kita ang reaksyon niya kasi nakababa ang ulo ko. The issues that are always stringed with me is about boys. I never flirted with anyone nor let anyone flirt me. Basta ay bigla bigla nalang sumasabog ang issue ko na hindi ko nalalaman. I'm raised to be a fine lady not to be a whore.
"He's a college student right? How come you where there in the college building when you have your own building? Don't you dare lie to me because I made my investigation already."
"My teacher asked me to get her things on that building. I was there with a reasonable purpose. You can ask her if you want inorder to free my name from your suspicions. I am not guilty from your alleged suspicions but I am guilty because I made you feel like I am worse."
"Heads up Verity. Eat your breakfast."
The thing that I really like about my mamita is that she will not conclude things na hindi pa niya na-iimbestigahan. She will really try to know something before she will give you her words. Hindi siya padalos-dalos na ato kaya parati akong kampante sa gulong napapasukan ko kasi unang una palang alam na niyang wala akong kasalanan. She will let me explain everything inorder to clear her mind.
I started to eat my breakfast silently. Mamita and my siblings were talking about random things. Casual lang din ang pakikitungo ni mamita sakanila just like how she treated me. While us, we look her up with great respect.
"Mamita haven't you heard the latest news?" I chewed the food inside my mouth while suddenly eavesdropping their talk. My miss Davien was the one who spoke.
"I know. Your bank account is almost zero Davien. While Diego always adds up money on his account. What's wrong with you Davien?"
Napasimangot siya sa tanong ni mamita. I guess hindi yun ang ibig niyang sabihin.
"Mamita you're so rude!" Biro niya dito but it's not funny anyway kaya walang tumawa bukod sakanya.
"You two are always together all the time. How come your account only got three zeroes now?"
"Diego digs up my money everytime. He's the one who should be on the hot seat mamita not me." Sabi niya sabay irap.
"Siya kasi itong yaya ng yaya na magtravel mamita. Alangan namang gastusin ko ang sarili kong pera diba? Siya ang nagyaya kaya siya ang maglibre at mamita, hindi siya umayaw." Pagdedefend ni kuya Diego sa sarili niya.
They are already 25 years old at parehong nakapagtapos bilang civil engineer. May trabaho naman silang dalawa pero si miss Davien ay magastos talaga. Hanggang dun lang ang alam ko.
Mabilis akong nagpaalam sakanila dahil ako'y papasok na. Tanging tango lang ang binigay sakin ng dalawa kong kapatid at si mamita namin ay binilinan akong umiwas na sa gulo.
"Wait Verity! I'll give you a ride." Though hindi rin kami masyadong close ni kuya ay may mga times na hinahatid niya ako.
"Okay po."
Sumakay na kami sa kotse niyang bago na BMW M5 na kulay blue. Wala pa siguro tong isang buwan?
"Do you mind if we give your friend a ride?" Oh? Alam niyang may kaibigan ako?
"Who's friend?"
"Maria Evianna Saavedra?"
What? He knows her? "How did you know her kuya Diego? I didn't introduce her to you or to miss Davien. You barely know me."
"HAHAHAHA. Kapatid kita alangan namang hindi ko alamin ang mga bagay tungkol sayo? We're not just acquaintances Riri, magkapatid tayo. Minsan man lang tayong magkita but I'm trying to know you. Just your miss Davien don't give a damn. But I'm sure mahal ka nun."
I barely know him too. Kaya why does he know Evi? I called Evi to let her know na kukunin namin siya. She sounds too excited from the other line.
Bumusina si kuya Diego ng makarating kami sa bahay nila. Lumabas kaagad si Evi na may malawak na ngiti sa labi.
"Good morning Evi!" Humalik siya sa pisngi ko. Pumasok siya sa backseat at binati si kuya Diego.
"Hi kuya Diego! Hehehe. Mabuti at nakauwi ka ah." Sabi niya. Hindi naman sila magkakilala ni kuya pero bakit feel ko na mas close sila?
Sa buong byahe namin nakakunot lang ang noo ko at nagmamatyag sa interaction nilang dalawa. Puro tawanan ang ginagawa nila at hindi ako makarelate.
"Thanks for the ride!" Naunahan pa ako ni Evi sa pagpapasalamat sa kapatid ko. I just smiled to my brother at nagpaharurot kaagad sya.
"Di ko alam na close pala kayo no?"
"Yup! We're--" Nagulat siya sa sinabi niya. I noticed her being edgy.
"Why are you so edgy?"
"Uhm.. can we talk about it later Riri?" Riri? May mali nga.
"Okay." Wala naman akong balak na masama kung magkakilala silang dalawa. Ang sa akin ang ba't di sinasabi si Evi sakin?
Naunang dumating si Annabelle sa aming dalawa. Iilang minuto na rin lang ang natira para sa unang klase pero sapat na yun para makapagkwento sakanila. I sensed that they were anxious about my story dahil nag-alala sila sa akin pero nakahinga sila ng maluwag matapos ang kwento ko.
They weren't able to give reactions to what I said kasi dumating na ang teacher namin sa History who is the father of Greg. Nalaman ko dahil sinabi sa akin ni chaka doll.
The class went smoothly hanggang sa pang hapon. May quiz kami kanina at okay naman ang score ko.
Nagpaalam si Belle na mauuna nalang daw siya kasi something came up ganon din si Evi. Pagkalabas ko ng gate ay may nakita akong hindi inaasahan. Si Joshua at si Greg nagtatalo. Sumandal muna ako sa pinakamalapit na puno at tinitignan lang ang ginagawa nila. Bakit hindi marunong lumaban 'tong isang 'to?! Ako yung na-stress sa pagiging loser niya! Kunot noong tinitigan ko siyang naglakad at umupo sa isang kahoy. Wala sa sariling nilapitan at kinausap ko siya. Naalog ata utak niya kanina kasi tinawag akong grim reaper! Wala akong maramdaman na awa sakanya pero grabe na yung ginawa ni Joshua sakanya. Tsk. Binalaan ko siya na wag nang lumapit sa amin o di kaya'y wag ng sumali sa gulo na involve kami.
Eksaktong pagkauwi ko sa bahay ay nandun si mamita sa labas.
"Good afternoon mamita."
"I invited someone Verity." Sabay kaming naglakad papuntang living room at nandun si Joshua na nakayuko.
"Why is he here mamita?"
"Ask him." Iniwan niya kaming dalawa sa sala. Umupo ako kaharap siya.
"Verity.. I'm so sorry. Dinelete ko na yung picture natin at ginawa ko talaga ang lahat para hindi na yun kumalat."
"Marunong ka palang magsorry? Hindi ko inaasahan 'to ha. Alam mo bang you put a scar on my name? Akala ng mga tao isa akong malanding babae at easy to get! Paano mo ma-chachange yun? But it's okay kasi wala naman talaga akong ginagawang masama. Bahala na kayo kung anong gusto niyong isipin basta I know to myself that I'm not doing anything stupid that can ruin my image."
"Please accept my apology Verity. Kung hindi mo ko mapapatawad ay hindi makikipag negotiate ang lola mo sa daddy ko at yun lang ang tanging paraan para masalba ang negosyo namin. Nagmamakaawa ako sa yo Verity."
Hindi ako umimik. It has nothing to do with me anymore. Kasalanan nila kung bakit pinabayaan nila ang kanilang negosyo.
"Wala ka bang awa Verity?!" Sabi niya full of anger. Simula palang his sincerity is fake.
"I don't know. Thanks for apologizing pero I doubt if it's real. And your problem clearly has nothing to do with me. Kung ayaw ni mamita ay di ko na problema yun. Baka nakita niya na hindi naman kaganda ang negosyo niyo at wala siyang mahihita dito?"
"Siya lang ang pag-asa namin Verity!"
"Edi siya ang kausapin mo at magmakaawa ka sakanya. Senior high palang ako. Anong alam ko jan sa negosyo? Bobo ka ba?"
Iniwan ko siyang nakanganga sa sala. Wala akong pake kung maghirap sila. Kapag tinanggap ko ang sorry niya ay magkakaroon ng chance na gawin niya ulit yun sa akin. I don't know what's inside his head kaya I better not to be involved with it. It's their family's problem not mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top