Chapter 50 - Final Chapter

-Present Time-

VERITY

Para akong nagising sa isang bangungot. Ramdam na ramdam ko ang takot at pagod ng makita ko ang aking past life. Wala akong lakas para bumangon kaya nanatili pa rin akong nakahiga. Nasaan si Greg?

Biglang bumalik sa alaala ko ang huling ginawa ko bago kami bumalik sa nakaraan. I invited him to The Satellite and kissed him so we can travel back. Now I wonder kung nasaan ako?

Wala akong presensyang nararamdaman and I guess I'm all alone kung nasaan man ako ngayon. I scanned the whole room and this is really not familiar.

"Thank G you're awake!" I heard footsteps coming to my direction and I recognized it was Annabelle's voice.

"Gosh, you left me dumbfounded when the both of you fell down on that cold surface! Mabuti't di kayo nahulog sa dagat kung hindi ay may fiestang nagaganap ngayon sa dagat!" She ranted at halatang na-stress nga.

Sa dami ba naman ng nakita ko sa past sa pagod, I think I was asleep for days. Three days maybe?

"Where's Greg?" Tanong ko sakanya and she frowned.

"You got me worried to hell tapos si Greg ang hahanapin mo? Gooosh. Okay, okay. Umuwi na siya."

"Siya lang mag-isa?"

"I called his family at pumunta rito si sir. I can't explain what happpened so
I just told him that he was hella drunk," bored na sagot niya.

I'm really curious where am I and how many days I slept. "Hindi ba ako hinanap sa bahay?"

"Two hours just past friend. I don't think they'll make a drill on finding you. Anong bang nangyari? Well, I saw you two kissing. May lason ba ang mga laway niyo?" She was full of disgust at hindi ko naman iyon mapupuna.

But, two hours? I just slept for only two hours when it felt forever?

"Are you serious Chakadoll? I'm gonna clout your face!"

"Anong mapapala ko sa pagsisinungaling? I am really telling the truth!" Sigaw niya sa akin pabalik.

Nababagot na ang mukha niya at nakasalubong pa ang kilay. I can't blame her though. Sana nagpasalamat nalang ako kaagad sakanya.

"You're in great debt! Alam mo bang ako yung nagdala sa inyo dito sa kwarto?"

"Nakaya mo kami?"

"Syempre hindi! I'm a strong woman pero hindi literal. Nagtawag pa ako ng rescue team para sa inyong dalawa!"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil medyo out of the line na ang sinasabi niya. I'll take note na ilibre siya sa paborito niyang clothing line kapag nakapag-recover na ako.

I sighed bago ko siya sinagot. "May sasabihin ako sa'yo but I'm not sure if you'll believe me. Hayaan mo lang akong magkwento at makinig ka lang please?"

Naging soft ang mukha niya at nilapitan ako. Umupo siya katabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. I can sense that she's really eager to know what's inside my head and it feels like she will believe me. Hindi ako mahihirapang kumbinsihin siya dahil nasabi ko na dati sakanya ang tungkol sa pagtanaw ko sa aking past life.

Sa bawat pagkwento ko ay nagbibigay din siya ng reaksyon na karapatdapat sa mga sinasabi ko.

"Kaya pala.."  bulong niya sa sarili. Natapos ko na kasing ikwento ang mga kababalaghang nangyari sa buhay ko at ang pagkakaroon ko ng connection kay Greg at kay Ogre. Ang mga kwentong hindi ko pa nai-kwekwento ko sakanya.

Tinanong ko siya kung anong sinabi niya dahil may kutob akong may alam siya.

"Anong kaya pala?"

"Hindi ako nag-fefeeling ha at nakikisabay sa mga kababalaghang nangyari sa inyo ni Kuya Greg. Kasi noong na-ospital ka, may naramdaman akong kakaiba e. Parang may sumusunod sa akin at sure ako na meron talaga. Kaya nga piniga talaga kita dati kung bakit ka nagka-ganon dahil may something talaga."

"Anong something naman yan?" Tanong ko dahil wala rin akong ideya.

"May kaluluwang sumusunod sa akin! Siguro yun 'yong ikaw sa past life mo," may halong takot boses niya. Sino kaya iyon?

"Huwag ka ngang manakot!"

"Totoo talaga ang sinasabi ko pero feeling ko hindi siya babae e dahil naramdaman kong may connection kaming dalawa. Parang future ko siya? Hihihi.." sabi niya habang nakatingin sa bubong ang mata niya. She's like dreaming of being with a ghost. Kanina takot siya ngayon naman ay kinikilig. Hay ewan.

"Ang creepy mo! At bakit multo ang gusto mong jowain?"

"Kasi walang mang-aagaw sa akin?" Sagot niya na parang kinukumbinsi pa ako kaya tinampal ko ang braso niya para magising siya sa kanyang ilusyon.

***

2 days na magmula ang nangyari ang insidente na iyon. Greg and I haven't talk yet at palaging si Annabelle lang ang nakaka-usap ko. Si Evi kasi panay paganda lang. Narinig ko kasing may chismis tungkol kay Kuya Diego. I can't blame her though.

"Evi sasama ka ba sa caf?" Tanong ko nang idismiss kami.

"Sa restroom muna ako and I don't know kung makakahabol pa ako sa inyo. Just don't mind me." Tumayo na siya at naglakad palabas.

"Sarap sakalin din niyan minsan e! Bakit pa siya magpapaganda kung maganda na siya? Pwede na nga siyang itapat kay Catriona Gray na naka-make up habang siya wala." Reklamo ni Annabelle.

"Ayan kasi walang lovelife kaya bitter," biro ko sakanya at nauna ng naglakad.

"Whatever. Wala ka rin naman ah? At tsaka dating boys older than me aren't my type. No offense to your brother pero wala akong tiwala sa mga katulad nila. Handsome and rich guys older than me are a no-no."

Wala akong sinabi sakanya pabalik. Ayaw ko lang magsalita kasi hindi ko trip. Nagtataka pa rin ako kung sino yung lalaking nabaril sa past life ko e at si Officer Castro.

"Earth to Verity!" Sigaw niya sa akin matapos akong makabangga ng isang student.

"Ano ba kasi ang iniisip mo?"

"Alam mo na yun.." matamlay kong sabi. Kumuha na kami ng tray at pumili ng pagkain.

"Well, magkwento ka sakin baka makatulong ako?" Suhestyon niya nang maka-upo kami.

"Wala akong mai-kukwento sa'yo. Ubos na ang kwento ko." Sabi ko tsaka ininom ang in-order na wintermelon flavored milk tea. May stall kasi dito ng Bubble Tea Shop.

"Pero siya mukhang meron.." turo niya sa likod ko. Tinignan ko iyon at nakita si Greg na humahangos pa. Siguro'y nagmamadali para makita ako.

"Huwag mo akong itaboy please. I need to know too.. hehe!"

Inubos muna namin ni Annabelle ang biniling pagkain. Bawal kasi ang left over sa cafeteria namin.

Unang umalis si Greg at sumunod nalang kami. Imbes ako yung masyadong curious ay si Annabelle pa. She looked so puzzled and eager. Hinayaan ko nalang tsaka hinawakan ang kamay niya.

Nadatnan namin si Greg na naka-upo sa isang concrete bench sa ilalim ng isang puno. Walang masyadong tao rito kaya mas magandang mag-usap.

"Pasensya na kung sinama ko si Annabelle. I think she needs to know too."

Umupo kami at may isang ruler ang agwat ko kay Greg habang magkadikit kami ni Annabelle.

"Kamusta ka?" Tanong sa akin ni Greg. Bakit ako lang ang kinamusta niya? Hahaha

"Ayos lang naman pero palagi akong binabagabag tungkol sa nangyari. Bakit ba pinakita sa atin yun? Para saan?" Bumuntong hininga ako at paulit-ulit pa ring bumabalik sa akin ang mga tanong na iyon na hindi ko alam ang sagot.

"Alam mo bang naka-usap ko si Ogre kagabi?"

"Bakit niya malalaman Greg? Di mo naman siguro siya tinext ah?" Biglang sabi ni Annabelle. Kita mong hindi siya ang kinakausap ng tao e.

"Shut up ka nalang kaya?" Bulong ko sakanya at sinimangutan ako.

"I need fresh air!" Sigaw niya sa amin at naglakad tsaka tumigil 5 meters away from us at doon umupo.

***

Third Person POV

Dahil na-badtrip si Annabelle sa dalawa ay umalis siya roon. Mas gusto niyang mapag-isa kesa makisali sa dalawa. Gusto niya sana ng mga chika kaso napaka-boring naman ng dalawa.

"Hay naku! Sarap niyong pagbuhulin.." sabi niya habang bumubunot pa ng damo. Na-iimagine niya sa Evi na binubunot niya ang buhok nito. "Badtrip! Ghosty ghost where are you? Ikaw nalang ang thrill sa buhay ko!"

Napalingon sakanya si Greg at Verity pero tinaasan niya lang ng kilay. Wala siyang pake sakanilang dalawa.

May naririnig siyang yapak ng tao kaya bigla siyang kinabahan dahil baka SG Officer ito o guard na sisitahin siya sa ginawang pagsigaw. Ayaw na ayaw pa naman niyang magkaroon ng demerit sa record niya.

Hinanda niya ang sarili at lumingon pero wala naman siyang nakitang tao na dumaan. Kumunot ang noo niya at napatingin sa banda nina Verity at Greg. Gulat ang dalawa habang siya ay walang alam sa pangyayari.

Sa kabilang banda ay wala pa sa tamang topic sina Verity at Greg nang maramdaman nilang may kakaiba. Unang nakaramdam nito si Greg. Pangalawang beses na niya kasi itong naramdaman matapos kagabi.

Habang iniisip pa rin ang nangyari ay patuloy pa rin na bumabagabag sa isipan niya kung ano ang dahilan kung bakit nila nakikita iyon. Matagal na niyang tinatawag si Ogre pero walang signs ito sa kanya. Siguro ay busy? Ewan.

"Ogre.. kailangan ka namin baka alam mo 'to," pakikiusap niya kahit medyo imposibleng alam ni Ogre ang nangyayari. Sinabi na kasi nito na wala siyang alam pero nagbabasakali lang naman siya.

Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam siya ng kakaibang lamig. Hindi pa niya na-o-on ang aircon sa loob ng kwarto niya kaya medyo kinabahan siya.

"Ikaw ba ito Ogre?"

Lumipas ang ilang sandali at tumambad kay Greg ang isang malapit na mag-aanyong taong sa palagay niya'y si Ogre.

Pilit itong ngumiti dahil pati rin siya ay naguguluhan. Bagong bago sa pakiramdam ni Raziel ang nararamdaman niya ngayon. Para bang bigla siyang nabuhay pagkatapos ng maraming taon. Hindi man naging taong tuluyan ay nagagalak na siya sa nangyayari sa kanya.

"Ako nga pala si Raziel.." sabi niya sa gulat na gulat na Greg. "Huwag niyo na akong tawaging Ogre simula ngayon ha?"

Napakurap-kurap pa si Greg at inayos ang salamin kung tama ba ang nakikita niya. Medyo parang taong pinakita sa projector ang kaanyuan ni Raziel.

"Anong ginawa niyo ni Verity at naging ganito ako?"

"H-hindi ko alam.." totoong sagot ni Greg. Wala siyang kaalam-alam kung bakit nagkakaganyan si Raziel.

"Kung nagugulat ka Greg.. mas lalo na rin ako pero sa tingin ko simula ngayon ay dapat masanay ka nang makita akong ganito at tawagin akong Raziel."

Tumango lang si Greg kahit nanginginig na siya sa takot. Sa tingin niya kasi ay mukha itong mukto kaysa guardian angel.

"Gumawa siguro kayo ng kabutihan ni Verity para bigyan ako ng upgrade sa life at hindi lang nakakapossess."

Tumawa ng hilaw si Greg dahil wala siyang masasabi. "Uh.. m-matutulog na ako. Oo matutulog na ako! Good night!" Sabay talukob niya ng kumot at ipinikit ang mga mata.

"R-raziel?" Gulat na tanong ni Greg. "Anong ginagawa mo rito?"

Ngumisi lang ito at tinignan si Verity. "Syempre nandito kayo at kailangan ko kayong bantayan. You know guardian angel duties?" Matamis na ngumiti si Raziel habang hindi inaalis ang tingin kay Verity.

"Ogre? Ogre?!" Hindi makapaniwalang bigkas ni Verity. Naprocess niya kaagad sa utak niya kung sino ang nasa harapan nila ngayon. Katulad pa rin ang estado ni Raziel sa estado niya nang nakita siya ni Greg.

"You guess it right! High five!" Inilahad kaagad ni Raziel ang kamay niya para sa high five. Walang balak na makipag-high five si Verity kaya binawi niya nalang ito.

"Nagulat ba kita?"

"S-syempre! Hindi ko akalaing mag-tratransform ka ng ganito!" Sigaw ni Verity at agad na napatingin sa palagid para tignan kung may ibang tao pang nakakakita sa kanila. Hindi nakaligtas sakanya si Annabelle na shock ang reaction at nakanganga pa.

"Raziel? P-pwede bang.. pwede bang wag mo akong takutin?" Bakas sa boses ni Verity ang takot. Hindi dahil sa anyo ni Raziel ngayon kundi sa taong naaalala niya kay Raziel.

"Ha?" Naguguluhang sabi ni Raziel. Kaya ay umupo nalang siya sa tabi ni Greg. Nakita pa niyang nanginginig ang kamay nito hababg si Verity ay hindi mapalagay ang mata.

Alam niyang mahirap i-proseso ang lahat kasi pati siya ay nahihirapan din.

"Bawal mo pa silang kausapin ngayon Raziel. Alam mo namang dapat magpaschedule ka muna dahil hindi mo sila makakausap agad." Sagot ni Raphael sa tanong niya. Pero hindi siya makapaghintay at gustong gusto na niyang malaman ang nangyayari sakanya.

Habang tinatahak ang opisina ng Ruler ay nakasalubong niya si Zadkiel.

"Zadkiel!" Tawag niya rito at bumati ito pabalik sakanya.

"Saan ang punta mo?"

"Sa ruler sana. May importante talaga akong kailangang i-report sakanya."

"Sabagay.. dapat nga magreport ka kasi hindi ka pa ata nakapagreport sa loob ng limang taon."

"Magpapaschedule pa kasi ako e. Gusto ko pa namang ngayon din maka-usap ang ruler." Nanghihinayang na sabi niya.

"Hmm.. alam ko kasing kung importante nga ang sasabihin mo ay hindi na niya iyon papatagalin pa. Magbakasali ka nalang. Sige una na ako!"

Napaisip siya roon. Tama ang sinabi ni Zadkiel. Isa ngang mahalagang bagay ang sasabihin niya at alam niyang kakausapin siya nito agad.

Pagkatok pa lang niya ay pinagbuksan na siya kaagad ng pintuan.

"Ang sadya mo ba rito ay tungkol sa pagiging malapit mong maging mag-anyong tao?"

Agad siyang sumagot ng oo at hindi na tinanong ang Ruler kung bakit alam niya na ito.

"May mga guardian angel talagang kagaya mo na maswerte. Maswerte ka dahil si Greg at Verity ang binabantayan mo. At sila lang din ang makakasagot ng katanungan mo. Kapag nasagot na nila ay bumalik ka rito. Makakaalis ka na."

Naiwan siyang naka-nganga paglabas dahil hindi siya satisfied sa sinabi ng Ruler.

"Anong klaseng sagot yun? Bakit kailangan pang sina Greg at Verity ang sumagot?" Napa-iling nalang siya at nagplano na kailangan niyang makita ang dalawa na magkasama.

At ngayon ay nasa tabi na niya ang dalawang makakasagot aa tanong niya. Sa tingin niya lang ay hindi pa ito handa dahil ramdam na ramdam niya ang takot at kaba sa dalawa.

Kanina pa niya nararamdaman na may nakamasid sakanya at nakita niyang si Annabelle iyon na nakanganga. Kinawayan niya si Annabelle at nagsmile. Tila ba nagising si Annabelle at tumayo papalapit sakanila.

"Sino siya?" Tanong ni Annabelle kina Greg at Verity habang nakaturo kay Raziel.

"N-nakikita mo siya?" Mautal-utal na tanong ni Greg.

"Oo! Mukha nga siyang sirang 3D robot e!"

"Ha?" Takhang tanong ni Raziel.

"Anong ha? Basta bakit feeling ko ikaw yung nararamdaman ko dati?"

"Oo nga ako iyon. Binabantayan ko lang si Verity e."

"Sa loob pa talaga ng cr?!"

"Gusto ko lang siguraduhin kung anong gagawin mo roon. Baka kasi maghalo ka ng lason at ibigay mo sakanya."

"Gago ka rin pala e! Sarap mong suntukin!" Sigaw ni Annabelle at nag-walk out.

"Ang weird ng kaibigan mo Verity."

"H-hindi naman.. tsaka bakit ka niya nakikita?"

"Ewan ko.." makahulugang sagot ni Raziel.

"Baka dahil may kinalaman ka sa past life namin?" Singit ni Greg at agad na napa-kurap ng marami si Verity.

"Tingin ko nga.." mahinang wika ni Verity pero hindi pa rin ito nakaligtas sa pandinig ni Raziel. "Nakita kita sa past life namin."

"Guardian angel niyo ba ako roon at may itsura ako? Hindi ba ako tumanda? Hahaha," pabirong wika ni Raziel at malapit nang i-conclude ang isipan na iyon.

"S-sorry.." walang ano ano'y napahagulhol si Verity at buong lakas siyang lumuhod sa harapan ni Raziel.

Sa pag-iyak ni Verity ang siyang pagrehistro sa utak ni Greg ang mukha ni Joshua.. ang taong sumagip sa kanila ni Verity at nagpakabayani.

Gulat ang unang naramdaman ni Greg tsaka siya nagkaroon ng lakas bago tignan si Raziel upang makompirmang magkamukha nga ang dalawa.

"Ikaw si Joshua.."

"Verity umupo ka ulit.."

Inalalayan ni Greg si Verity at tsaka niyakap si Verity bago nagsalita.

"Ikaw si Joshua. Ang taong sumagip sa buhay ni Verity at sa akin sa past life. May chance sana tayong makaligtas na tatlo kaso ay nagpa-iwan ka para matapos mo ang iyong trabaho. Isa kang tapat na pulis na handang magserbisyo kahit katumbas nito ay kamatayan at ang pag-iwan mo sa pamilya mo. Isang araw lang tayong nagkakilala.." hindi na rin napigilang mapahikbi si Greg. Sa iba siya nakatanaw dahil wala siyang lakas ng loob para harapin si Raziel at sabihin iyon ng face to face.

"Hindi man kami ang totoong iniligtas mo pero ramdam na ramdam namin ang kagustuhan mong tumulong sakanila, sa past life namin. Mali ako sa sinabi ko kanina na isang araw lang kayo nagkakilala ni Greg kasi oras lang pala iyon.. kahit na oras lang kayo nagkakilala ay pinaramdam mo sakanila na matagal mo na silang kilala at handang handa kang ialay ang buhay mo." Si Greg pa rin na unti unti ng guminhawa ang pakiramdam.

Si Raziel ay tila nabuhayan sa narinig. Kaya pala siya naging guardian angel dahil nakapagligtas siya ng buhay. Kaya pala siya ang naging guardian angel nina Greg at Verity dahil kilala na niya ito dati pa at naialay na ang buhay. Naging guardian angel siya nila dahil subok na ang kanyang serbisyo at alam na ng nakakataas kung gaano niya pinapahalagahan sina Greg at Verity sa past life. Kung tutuusin maswerte nga siya sakanila dahil nagkaroon siya ng maraming taon para makilala at makasama ang dalawa hindi katulad sa dati nitong buhay na napagsilbihan niya ng ilang oras lamang.

"You saved me.. you saved her Raziel. Kung hindi sa'yo siguro ay nawala na nga ng tuluyan si Verity sa mundo and I will never be reincarnated. We were so lucky na ikaw ang nagbabantay sa amin ngayon. Salamat dahil niligtas mo sila at ngayon kami naman ang ininiligtas mo. You're duty is to save people and I hope you are happy about it."

Natuwa si Raziel sa narinig kay Verity. Sobrang gaan ng loob niya at hindi man lang siya nalungkot ng malaman na namatay siya dahil sa pakikipagbarilan.

"I was shot not just because I'll die in saving them but to die in order to guide you in this life. Hitting two birds in one stone ika nga. Now I'm happy to know why I became a guardian angel."

Natigil na sa pag-iyak si Verity at nagkaroon na rin siya ng lakas na loob para tignan si Raziel.

"I hope you were happy in guiding us two. You save us a lot of times at hindi namin alam kung anong maisusukli namin sa iyo. Maybe we can wish for you to become a person again?" Bukal sa puso na sinabi ni Verity.

Umiling kaagad si Raziel bilang alma sa suggestion nito. "Kuntento na ako sa pagiging guardian angel ko and I think I am living a luxury life. Now I know that I really deserve to be one. Inaamin kong I had my lapses in looking out for you two. Hindi ko kinaya dahil dalawa kayo at magkalayo pa but I don't regret it. I'm on my extreme happiness now. I don't wish to be a human but I wish to be forever your guardian angel. If you will rest forever, siguro pwede na rin akong makapagpahinga and we will live together with  the Divine in a bliss."

Sa isipan ni Raziel ay hindi na niya kailangan pang bumalik sa Ruler para maintindihan niya ang sinabi niya.

"I am really lucky to be your guardian angel." Wika ni Raziel habang nakatingin ng maligaya sa dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top