Chapter 49

Masugid na nagmamasid ang mga tauhang nakatoka sa panonood ng cctv feeds. Kapag may makita silang importante ay sinasabi kaagad nila ito kay Officer Castro at Greg.

"Sir, hindi naman makita kung saang floor sila papunta dahil wala kaming nakita sa iba pang cctv feeds."

Napasipa sa pader si Officer Castro at napabunot sa buhok. Habang si Greg ay napatigil sa pagtatakbo. Alam niyang mag-aaksaya lang siya ng oras kung tatakbo lang siya para mahanap si Verity. Kailangan nilang magsama ni Officer Castro upang mas madali.

"Sa tingin namin sir ay may hidden hideout po sila na hindi nalalagyan ng cctv at maaring nasa basement lang po ito o di kaya'y nasa basement ang daanan patungo rito."

Nagpasalamat si Officer Castro at agad na tinawag ang pangalan ni Greg sa kabilang linya. "Greg, magkita tayo sa basement dahil doon natin sisimulan ang paghahanap ni Verity. Tama sila at siguradong may hideout sila na hindi agad nating mahahanap."

Unang nakarating sa basement si Officer Castro at agad na nagmasid sa buong paligid. Nakita nga niya ang limang suv na naka-park at sigurado siyang may iilan pa na nakasakay doon kaya pinanatili niya ang pagiging doctor kuno. Nagbigay na rin siya ng warning kay Greg na maghinay hinay lang.

Ilang sandali lamang ang hinintay ni Officer Castro sa paghihintay kay Greg. Hinahangos pa ito ng makarating sa kinaroroonan niya.

Akma na sanang isisigaw ni Greg ang pangalan ni Officer pero bigla niyang naalala ang warning nito. Naging natural ang paglalakad niya papalapit kay Officer at tinignan ang relo niya.

Napansin niya ang iilang lalaking sakay ng suv dahil nasisinagan ito ng headlight ng isang bagong dating na sasakyan.

Alam niya na sa layo nila sa suv ay hindi sila nito maririnig pero ayaw niyang magtake ng risk kaya nagsimula siyang magsalita.

"Good noon Doc! Kanina pa kita hinahanap."

Naramdaman kaagad ni Officer ang arte ni Greg kaya sinabayan niya ito.

"Tara, tara. Ang tagal mong dumating e."

Iyon lamang ang naging pag-uusap nila at pumasok na sa loob ng elevator.

***

Sa kabilang banda ay pumasok nga sa elevator ang iilang lalaking nakablack suit habang nakasunod sa isang naka-unipormeng nurse na nagtutulak ng stretcher. Tama ang hinala nila na si Verity ang nakahiga sa stretcher. Nang makapasok sila, imbes na pindutin ang isang floor ay may ginawa ang isang lalaki na makakapag-open sa isang parte ng elevator. Bumukas ito at pumasok sila sa loob. Isang lagusan ito papunta sa isang kwarto kung saan walang ibang nakakaalam, tanging sila lang at ang matandang Monsanto at si Raphael.

Pagkarating nila ay agad na nag-umpisang magsikilos ang mga taong nasa loob na ng kwarto bago pa man sila dumating. Mahimbing na natutulog si Verity dahil in-inject sakanya kanina ang isang dose na pampatulog kaya hindi niya alam kung anong nasa paligid niya. Inihiga siya sa isang hospital bed at tinalian kung sakaling magwawala siya.

"In a few minutes, darating na dito ang doctor na magpeperform ng surgery. Double up the security and make sure everything will go smoothly!" Utos ni Tony. Maliban sa mga nurses at doctors sa loob, ang iba ay may hawak na mataas na kalibreng baril.

Sa kaawa-awang posisyon ay unting nagkakaroon ng malay si Verity. Gusto niyang ibuka ang talukap niya pero mabigat ang mga ito. Naigalaw niya ng kunti ang kanyang daliri at sa awa ng Diyos ay hindi ito napansin ng nasa loob. Kahit na hindi pa bumabalik ng tuluyan ang malay niya ay alam na niya kung anong pwedeng mangyari sakanya sa anumang segundo.

Naramdaman niyang nakabusal ang bibig niya kaya mas lalo lang siyang naghirap. Nakatali sa kadena ang mga kamay at paa niya kaya napaka-imposibleng makatakas siya na siya lang ang tutulong sa sarili niya.

"Greg please save me.." sabi niya sa kanyang isipan. Sigurado siyang hindi siya pababayaan ni Greg at gagawin nito ang lahat para maligtas siya. May tiwala siya dito na kahit mahirap ang sitwasyon niya ngayon ay maliligtas siya.

Nagsimulang bumaha ang luha niya at humihikbi siya. Napansin ito ng mga isang nurse sa loob pero nanatili itong natihimik lamang at nakamasid. Ang nurse ay isa sa mga tauhan ni Officer Castro na sanay na bilang undercover. Kanina pa niya napatulog ang doctor namagsasagawa ng surgery kay Verity kaya maghihintay lang sa wala ang mga Monsanto.

Hindi lang siya ang nag-iisang undercover kundi halos silang lahat. May isang totoong nurse at doctor lang sa loob. Ang problema nila ay mas marami ang nagbabantay kesa sakanila. Naghihintay lang siya ng signal ng mga nagbabantay sa cctv feeds.

Walang kaalam-alam sina Officer Castro at Greg na kanina pa pala nakagawa ng paraan ang back-up nila yun nga ang mga nag-undercover. Pagpasok nila sa elevator ay tsaka pa nila natanggap ang mensahe na may nagbabantay na para kay Verity.

"Bilib talaga ako sa mga tauhan mo Officer, napaka-advance at napakatalino. Alam na alam nila kung ano ang dapat gawin. Pati nga ikaw ay wala ring alam sa ginawa nila."

"Ganyan talaga sila Greg. Namamangha ako parati kapag bigla nalang ibalita sa akin na nandoon na pala sila sa lugar kasama ang biktima."

"I'm so grateful that I know you Officer. Maaasahan ka talaga pati ang mga nasasakupan mo. You all deserve praise and recognition!" Wika ni Greg na puno ng admiration sa ginawa ng buong pulisya.

"Mamaya na ang usapan na 'yan Greg. Hahaha.. ililigtas pa natin si Verity at kailangang mapatumba na rin natin ang mga Monsanto." Sagot ni Officer at tsaka sinenyasan niya si Greg na pumasok na sila.

Binuksan nila ang isang lagusan na nasa elevator papasok ng ibang kwarto. Sumunod na rin sakanila ang iba pang tauhan kaya nagiging kampante na sila. Naiparating na rin sa CIDG at NBI ang tungkol dito at nakaantabay na rin sila ngayon. Pati Airforce at Army ay naging kakampi rin nila.

"Mga sir, pasensya na po at kailangan niyo nang lumabas ng kwarto," sabi ng isang undercover na nagpapanggap bilang nurse. Naalerto ang isang tauhan ni Tony at agad na nakipagsagutan.

"Kabilin-bilinan sa amin na bantayan ang pasyente! Wala kayong magagawa kung mananatili kami rito!" Sabi nito. Umalis kasi si Tony dahil ipinatawag ng nakakataas.

Ngumisi ang nurse at nagsalitang muli. "Parating na po ang doctor at kailangan na naming magprepare. Bawal po ang mga taong kagaya niyo po rito at baka ma-infected ang pasyente. Lalong-lalo na't may dala pa kayong baril at palagi kayong nag-uusap. Kaya pasensya na kung yun ang desisyon namin." Pagpapaliwanag nito at pinagdadasal na sana ay maniwala ito sa sinabi niya.

Dumating na nga ang doctor kasama si Tony. Ang doctor ay hindi kakampi ng kahit na sinong panig at napilitan lang siya. Natatakot sana siya para sa kanyang sarili dahil baka mawala ang license niya bilang doctor.

"Sir, bawal po kayo dito sa loob. Napaka-critical ng gagawin naming operasyon and we can't risk na madapuan ng bacteria, viruses at fungi ang pasyente habang ginagawa ang operation. In 20 minutes, we will start to perform the operation. We still need to disinfect the room first. I hope you don't mind." Sabi ng doctor kay Tony at wala siyang naging problema rito. Napagsabihan na rin kasi siya na bawal talagang may ibang tao sa loob bukod sa mga medical staff.

"Siguraduhin niyo na lamang na magiging maayos ang gagawin niyong operasyon dahil kung hindi, pasensya na lang sa mga buhay niyo," pagbabanta ni Tony sa mga ito. Sinenyasan na niya ang kanyang mga tauhan na lumabas na.

Ang doctor ay walang kaalam-alam kung sino ang mga kasama niya. Sadyang gusto niya nalang talagang iperform ang operasyon para isalba ang sarili sa kapahamakan at ang kanyang pamilya.

Nang matapos linisin ang kwarto ay tinignan muna niya ang vital signs ni Verity. Hindi niya napansin na ini-lock ng isa sa mga nag-undercover ang pintuan para hindi sila kaagad mapasok.

"Sir, sir.. we're getting ready here. Nasa twenty pong mga armado ang nasa labas. Mag-ingat po kayo ganun rin po kami." Pagpapaalala ng isa sa mga undercover sa paparating na sina Officer at Greg.

Buong buo na ang malay ni Verity at gusto na niyang magwala. In-on na ang ilaw sa tapat niya at pinaandar ang makina at inilapit na rin ang mga kinakailangang mga gamit.

"Go.." mahinang sambit ng leader ng mga undercover sa loob. Tinusokan nila ng pampatulog ang dalawang nurse at ang doctor in a swift move. Wala silang naging reaksyon dahil sa bilis ng pangyayari. Si Verity ay mas lalong kinabahan dahil hindi na niya alam kung anong nangyayari. Tanging mahihinang iyak nalang ang kanyang nagawa dahil wala na siyang lakas pang umiyak at sumigaw ng malakas.

"Ma'am! Huwag po kayong mag-alala, kakampi niyo po kami," sabi ng isa para maging kampante si Verity at mawala ang kabang nararamdaman niya ngunit hindi ito naging epektibo dahil mas lalo lang nanginig sa takot si Verity. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang paniniwalaan. Masyado nang maraming hindi magahanda sa buhay niya at wala na siyang panahon para i-entertain ang sinasabi ng iba.

"Kumalma po kayo Ma'am.. ililigtas po namin ang buhay niyo at yun po ang ginagawa namin ngayon sa inyo. Tumahan na po kayo at kailangan niyong humugot ng lakas para makatakbo papalabas sa impyernong ito." Muling sabi niya kay Verity at hinawakan ang kamay nito bilang paraan para kumalma si Verity. Naramdaman niyang mahigpit din ang kapit ni Verity sakanya at hinayaan lang niya ito. "Ililigtas ka po namin Ma'am.. handa po akong iligtas ka."

Habang hawak niya si Verity ay kinalas ng kasamahan niya ang nakakadenang paa ni Verity habang ang iba ay nakabantay na sa pintuan.

Walang kaalam-alam ang mga tao sa labas at kanina pa hindi umaandar ang cctv sa loob ng operation room.

"Ma'am.. hindi pa po tayo lalabas dito hangga't hindi po kayo kumakalma at hangha't hindi pa niyo kayang tumakbo. Maniwala po kayo sa amin dahil sinisigurado po namin ang kaligtasan niyo sa pangunguna ni Officer Castro at sir Greg. Paparating na po sila at lalabas na po tayo kung kaya niyo na. Sabihin niyo nalang pong kaya niyo na." Wika ni Joshua. Siya ang palaging kumakausap kay Verity para kumalma ito.

Pinainom niya ng tubig si Verity at binigyan ng vitamins para bumalik ang lakas tsaka pinakain ng prutas. Naririnig na nilang nagkakagulo sa labas kaya hudyat na na dapat na silang lumabas. Tapos na ring isuot ni Verity ang sapatos para mas madali siyang makatakbo papalabas.

"Salamat ng marami sayo.." sabi ni Verity sa mahinahon na paraan kay Joshua. Nakatakip man ng medical mask ang mukha ay nginitian niya si Verity kahit hindi ito nakikita.

"Lalabas na po tayo Ma'am.. ako pong bahala sa inyo.."

Nang nakatanggap na ng mensahe na makakalabas na sila ay kinuha kaagad nila ang pagkakataon na iyon. Si Joshua ang gumabay kay Verity papalabas habang busy sa pakikipaglaban ang ibang mga tauhan. Agad silang sinalubong ni Officer Castro at Greg. Yumakap si Verity ng makita si Greg pero ilang sandali lamang iyon.

"Pakidala si Verity sa loob ng sasakyan dahil nandoon na ang iilang NBI agents. Kailangan pa naming hanapin si Raphael Monsanto. Greg sumama ka na sakanila at kami na ang bahala rito." Sabi ni Officer Castro. Walang pagdadalawang-isip si Greg at sinunod ang sinabi ng Officer.

Hindi naging madali sakanila ang pagtakbo sa parking lot kung nasaan ang kanilang sasakyan dahil may ibabg mga tauhan pa rin na gustong kunin si Verity.

Isa sa nga tauhan ni Monsanto ang nakakita sakanila at nagtawag pa ng iba pang tauhan para lapitan sila pero nauhan sila ng mga NBI at nakipagbarilan na ang mga ito. Si Joshua at Greg ay sobrang higpit sa pagproprotekta kay Verity.

"Aray!" Kasabay ng mga putok ay sumigaw ng aray si Joshua. Nabahala kaagad ang dalawa pa niyang kasama lalo na si Verity. "Nasa hita ko lang po ito at nadaplis lang!" Pagpapaliwanag niya na totoo naman.

Nang makapasok sila sa loob ng van ay kumuha kaagad ng first aid kit si Greg para gamutin si Joshua. Mabuti nalang at daplis ang naabot ni Joshua kaya hindi suya mapupunta sa kritikal na lagay.

Pinaandar ng driver ang sasakyan palabas pero nagtaka sila kung bakit sa ibang daanan sila dumaan at wala silang convoy. Lima sila sa loob ng sasakyan at ang ibig sabihin nito ay kalaban nila ang dalawa. Agad na nagpadala ng emergency message si Joshua bago sinuntok ang isa na katabi pa niya mismo.

Hininto ng driver ang sasakyan habang may malaking ngisi. "Kahit anong gawin niyo.. talo pa rin kayo! HAHAHAHA!" Nakuyom kaagad ang kanilang mga palad at muling natakot si Verity.

"Lumabas na kayo diyan kung gusto niyo pang mabuhay!" Bumaba ang driver tsaka sinipa ang sasakyan. Wala silang nagawa kundi sumunod nalang.

Nasa tahimik silang lugar at napansin nilang nasa property ng mga Monsanto. Limang buwan pa lang ginagawa ang hospital na ito kaya wala masyadong tao.

Paglabas nila ay agad silang sinalubong ng patak ng ulan. Mas malakas pa ang pag-agos ng luha ni Verity kaysa sa ulan. Tumambad din sakanila ang hindi pamilyar na mukha.

"Maligayang pagdating! Kung ibibigay niyo si Verity ay lulubayan namin ang buhay niyo." Diretsahang sabi ni Raphael Monsanto.

Pinatayo sa likod ni Greg si Verity habang nasa gilid lang si Joshua. "Dream on sir. Hindi ko ibibigay si Verity."

"Kung gayon ay pasensya nalang sa inyo. Kunin niyo na si Verity." Utos nito sa mga tauhan nito.

"Malapit na po silang dumating sir Greg kaya aasahan niyo pong maliligtas tayong tatlo rito."

Tumango lang si Greg at hinawakan si Verity. "Pumasok ka pabalik ng sasakyan. Kami na ang bahal dito."

"Sir ako na po ang bahala.. dapat po samahan niyo si ma'am Verity sa loob." Sinunod yun ni Greg ng mapansing may mga sasakyang paparating na. Andito na ang back up nila at nagsimula na namang magputukan.

"Proprotektahan ko po kayo. Tara na sa loob ng sasakyan!" Habang tinatakbo ang sasakyan ay panay naman ang pakikipagbarilan si Joshua. Parang walang nangyari sakanya kanina dahil maayos ang mga galaw niya. "Mas bilisan niyo pa po!"

Ngayon ay hindi nalang siya ang nakikipagbarilan dahil may dumating na at tinutulungan sila. Malapit na sila sa sasakyan at pumasok na sa backseat. May driver na naka-abang sakanila kaya mas mabilis silang makakaalis.

Sasampa na sana si Joshua ang mabaril siya sa paa. "Oh my gosh!" Sigaw ni Verity. Tinulungan naman siya ni Greg pero nanatali pa rin ang pagkakabaril ni Joshua. "Pabayaan niyo na po ako! Umalis nalang kayo dito!"

"Di natin siya iiwan Greg!" Hiling ni Verity at sinubukan ulit na tulungan si Joshua pero marami na namang nagpaputok. "Kaya ko na ito sir! Umalis na kayo!" Sabi ni Joshua at kahit na gusto man nila ay wala na silang magagawa. Nakabaril pa ng ilan si Joshua. Nanatiling nakatingin dito si Verity sa binta ng sasakyan at napatulo ang kanyang luha ng makita itong bumagsak. Hindi man lang niya natanong ang pangalan nito at napagpasalamatan ng maayos.

"Salamat kaibigan.." sabi ni Verity habang umaagos ang luha sa kanyang pisngi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top