Chapter 48

THIRD PERSON POV

Lumapit ang dalawang lalaki sa nakahandusay na si Verity at binuhat para isakay sa isang van.

"Hawak na po namin siya boss.." sabi ng isa na naka-upo katabi ni Verity. "Nahimatay po siya kaya naging mas madali ang trabaho namin. Natakot ata," pagsusumbong nito.

Natawa ang kanyang kausap sa kabilang linya. "Very good. Mahina pala ang bata na 'yan sa emotional. Dalhin niyo na 'yan dito para walang masayang na oras at siguraduhin niyo na walang makakasunod sa inyo."

Mabilis na minaneho ang van ng driver at pinaharurot ng mabilis. Ang lalaking katabi ni Verity ay pasulyap-sulyap sa kanya para tignan kung ano ang kalagayan niya. Pumasok sila sa isang makitid na daan na may signage na NO TRESPASSING. PRIVATE PROPERTY.

Ngayon ay kaharap na nila ang isang 2 storey building na nagliliwanag sa gitna ng dilim. Katabi kasi ng building ay mga nagtataasang puno. May iilang armed guards sa gate na nagsisilbing bantay at taga-bukas ng gate.

Bumusina ang van at walang ano-ano'y binuksan ang gate at nagpark sa garahe. Malaki ang garahe ng building at sampung sasakyan ang kasya rito. Sa kasalukuyan, pang pito ang kadarating na van.


"Kakargahin ko nalang ba ito?" Tanong ng lalaking katabi ni Verity sa driver.

"Lagyan mo ng piring at itali mo ang kamay niyan baka magising at manlaban," sagot ng driver.

Kinuha ng katabi ni Verity ang piring at pantali na nasa loob ng box na katabi niyan. Dahan dahan niyang isinuot kay Verity ang piring para hindi ito magising. "Nakakatakot baka matuluyan 'to e."

"Nahimatay lang naman 'yan. Maganda ang kwartong paglalagyan niya kaya magiging okay siya."

Nakasunod lang ang driver sa lalaking bumuhat kay Verity. Walang katao-tao sa unang palapag. Sa pangalawa ay may iilan ng tao. Iginiya sila ng isang tao papasok sa isang kwarto at inihiga sa isang malambot na kama roon si Verity.

Lumabas na sila na walang sinabi. Tanging si Verity lang ang nag-iisa sa kwartong iyon. May bintana sa loob ng kwarto pero isa lang at naka-grills. Ini-lock ng nakabantay sa kwarto ang pintuan kaya kung magigising si Verity at gustong tumakas ay hindi niya magagawa.

Nag-umaga na tsaka pa bumalik ang malay ni Verity. May agahan na sa lamesang katabi ng kanyang hinihigaan. Nalilito man, tumayo siya at lumapit dito para kumain. Alam na alam niya kung anong nangyayari sa kanya. Kailangan niyang kumain para magkaroon ng lakas lumaban. Habang kumakain ay napansin niya ang pamumula ng kanyang palapulsuhan at may kaunting sugat din. Naramdaman niya ang hapdi pero tiniis nalang niya.

Sa kabilang kwarto ay may dalawang taong nagmamanman sa ginagawa ni Verity habang nakatingin sa cctv. May camera sa bawat sulok ng kwartong nilalagian ni Verity pati banyo kaya walang kawala talaga siya.

"Bakit ang kalma lang niya? Hindi siya umiyak o nagulat man lang?" Tanong ng isa.

"Siguro ganun talaga kapag sa una pa lang, alam mo na nanganganib ang buhay mo. Tinatanggap mo lang ang mga ganitong bagay sa buhay para less stress." Sagot ng isang kasama.

Tinungga nila ang natitirang beer sa kanilang baso at sabay na lumabas para makapag-cr. Sa kalagitnaan ng pagkain ni Verity ay nagbreak-down siya. Hindi nakita ng dalawang lalaki kanina ang pag-iyak at pagwala niya ngayon. Mali ang sinabi ng lalaki kanina na tinanggap na lang ni Verity ang kapalaran niya. Alam na niya ang kahihinatnan niya pero mabigat parin sa kanyang kalooban ang nangyayari. Nararamdaman niya na literal siyang itinali at kinuha ang kakayahan niyang lumaban.

Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa nakatulog siya. Basang basa ang kanyang damit kahit naka-airconditioner at bakas sa kanyang mukha na galing siya sa matinding pag-iyak dahil namumula ang kanyang mukha.

***

"Mahihirapan po tayong ipasok dito si Verity, sir. Marami na po ang nagmamasid mga police, NBI at CIDG. Baka magtawag pa sila ng airforce at military." Wika ng isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mga Monsanto. Kaharap niya ngayon ang taga-pagmana ng Monsanto, si Dr. Raphael Monsanto ang panganay na anak ng nakakatandang Monsanto.

"I know you can do everything. I trust you Tony," maikling paalala nito at sumenyas na pwede nang makalabas si Tony.

"Let's make everything smooth men. This is the biggest mission that we have. Kahit isang mali ay pwedeng ikabagsak nating lahat. We are trained to meet their satisfaction so let's not disappoint our boss." Pagpapaalala ni Tony sa kanyang mga nasasakupan.

Nakipagkita siya sa ibang mga pinagkakatiwalaan din at nag-usap sila ng masinsinan. "Let's transfer Verity on 12 noon sharp. Dapat ay nasa Monsanto Research Lab na siya sa oras eksaktong oras na yan. This is the best time dahil sa tingin ko'y hindi aasahan ng kabilang panig ang pagtransfer natin sa oras na yan."

Walang pag-aatubili na sumunod sa kanya ang mga iba pang kalalakihan na kasama sa conference room. Agad silang nagmando sa kanilang mga tauhan.

Paikot-ikot sa kanyang swivel chair si Dr. Raphael na para bang hindi mapakali. Panay din ang tingin niya sa kanyang computer. Nandoon ang lahat ng impormasyong tungkol kay Verity at ang gamot na ibinigay ni Dr. Radaza sa apo. Kahit anong gawin nilang pagkopya sa ginawang medisina ng namayapang doctor ay hindi nila magawa. Ang nag-iisang pag-asa nila ay si Verity. Kailangan nilang mapag-aralan ng maayos ang katawan ni Verity para malaman kung ano-anong medicine components ang nasa katawan nito.

Malaki ang pagkakamali ng kanyang ama kay Dr. Radaza, inaamin niya iyon. Bukod sa bigla nitong pagkawala ay sinayang lang ng kanyang ama ang kakayahang mayroon si Dr. Radaza. Isang exceptional ang nasabing doctor at napakadalubhasa. Sa pagkamatay ng doctor ay ang pagkamatay din ng pag-asa niyang magkaroon ng mahabang buhay ang kanyang anak. Matagal na itong comatose at isa ito sa mga dahilan kung bakit nila kinuha si Dr. Radaza para makagawa ng gamot na pwedeng mag-cure sa sakit nito.

Kinuha niya ang frame na nakalagay sa table niya at hinaplos ito. Kuha ito 10 years ago kung saan biglang nagising ang kanyang anak pero bumalik din ito sa pagkakatulog.

"Daddy we'll do everything for you Star," mahinang bulong nito.

***

Napasuntok sa pintuan si Greg ng magising siya at nakitang wala sa loob ng kwarto si Verity kinaumagahan. Pagtingin niya sa cellphone ay hindi na niya ma-itrack ang kinaroroonan ni Verity.

"Officer! Kailangan ko ng tulong niyo!" Nagmamakaawang sabi ni Greg sa kabilang linya.

Hindi na nagulat si Officer Castro pero hindi niya inaasahan na mangyayari talaga ang kinatatakutan niya. Ang daming bantay sa bahay nina Verity paanong walang nakakita sa paglabas niya?

"Tatawag ako ng back-up at mag-fifile ng case na kidnapping sa mga Monsanto. Greg, ayusin mo ang sarili mo para magiging maayos ang lahat. Keep your temper." Sagot ni Officer Castro sa kabilang linya at nagmamadaling minaneho ang sasakyan.

"Naitrack mo na?" Tanong ni Greg sa ekspertong kinonsulta niya para malaman kung nasaan ang huling lokasyon ni Verity.

"Noong 3:20 am nasa lokasyon pa siya ng mga oras na yan sir. Malapit ito sa isang building ng isang shipping line. Bakanteng lote po ito ayon sa google map."

"Sige sige. Ako mismo ang pupunta roon para malaman kung tama ang sinasabi mo. Mag-standby ka lang," sabi niya at umalis na.

Kasunod ng sasakyan ni Greg ang iilang tauhan din nila. Pagdating nila sa bakanteng lote, kung saan ang huling lokasyon ni Verity, nakita nila ang sasakyan nito na nakabukas pa ang pintuan driver's seat. Nasa upuan din ang cellphone ni Verity. Mabuti nalang at hindi lowbatt.

"Palibutan niyo ang buong area at lagyan ng yellow tape! Huwag niyo ring hayaan na may iba pang makapasok. Find evidence that will take us to Verity!" Bakas sa boses niya ang determinasyon na mahanap si Verity. Sa ngayon ito pa ang lead niya pero sa tulong ni Officer Castro, alam niyang uusad sila kaagad.

"Itago niyo rin ito sa media." Huling utos niya.

Nakipagkita siya kay Officer Castro sa pinakamalapit na bistro sa huling lokasyon ni Verity. Pagpasok niya ang nandoon na ito, prenteng naka-upo habang sinisimsim ang iniinom sa tea cup.

"Magandang umaga Officer," bati niya rito at sinabihan siyang umupo. "Ito ang cellphone ni Verity," sabi niya at ibinigay sa Officer ang cellphone.

"Nakatanggap siya ng isang text message kaninang madaling araw. Yun ang dahilan kung bakit siya nawala."

"Paanong walang nakasunod sa kanyang mga tauhan niyo?"

"They were drugged Officer. Masyadong malinis ang plano nila kaya nagiging dehado kami."

"Natrack niyo ba ang number?" Tanong ni Officer Castro habang kinakalkal ang cellphone ni Verity.

"Unfortunately, na-dispose nila ang cellphone na ginamit nila dahil hindi na ito matrack. I got the best I.T pero wala pa rin." Pagpapaliwanag niya. "Saan kaya nila dinala si Verity, Officer?"

Saglit na napa-isip si Officer Castro sa tanong ni Greg. "Nang tumawag ka, naisip ko rin iyan at sa tingin ko ay sa research institution pa rin nila dadalhin si Verity. Mayroon na akong mga tauhan na nakamasid doon. At gagawin ko rin ang dati kong ginawa, magpapanggap akong doctor at ikaw rin Greg."

Ngumiti sa Greg sa narinig na plano ni Officer. "I guess wala na tayong oras Officer at kailangan na nating kumilos."

Sa loob ng kanya kanyang sasakyan ay nagbihis sila at nagprepare para sa kanilang gagawin. May mga back-up na rin sila para maagapan kaagad kung may masamang mangyari. Sa dami ba naman ng tauhan ng mga Monsanto, siguradong hindi nila maiiligtas si Verity kung wala silang maraming kasama.

"Gamitin mo itong radio para mas mabilis ang komunikasyon natin," wika ni Officer Castro at ibinigay ang radio kay Greg.

Nangunguna ang sasakyan ni Officer Castro habang sumunod naman si Greg at ang kanilang back-up. Sa isang binabayaran na parking lot sila nagpark para hindi mahalata na naraming sasakyan silang dala. Ang ibang back up ay sa basement kung saan nandoon ang parking lot ng building ng Monsanto.

"Goodluck Greg! Let's save her!" Sabi ni Officer Castro sa radyo. 11 am na at pumasok na sila sa loob ng mabilis. Mahigpit ang seguridad ng Monsanto kaya hindi madaling makapasok sa loob. Mabuti nalang at nagawan na ng paraan ni Officer Castro ang lahat. Nagpanggap silang doctor na nagtratrabaho sa research lab. Ang kanilang ginamit na mga pangalan ay ang mga hindi pumasok. Masyadong maraming alam at connection si Officer Castro kaya naging madali ang lahat.

Pumasok na rin ang ibang back-up nila na nagtatago lang sa loob para sundan sila.

"Maghiwalay tayo ng daanan Greg ikaw sa kanan ako sa kaliwa. Sundin mo lang ang bluepring sa cellphone mo at huwag kang mag-atubiling humingi ng tulong kapag may nangyari. Sabihin mo rin kaagad kung makikita mo na si Verity."

Pumasok sila sa magkaibang elevator. Mas madali ang mission na ito kay Officer Castro kung ang pagbabasehan ay ang pagiging familiar sa establishment pero isa pa rin itong malaking risk sa kanilang buhay. Nang nasa pangatlong floor na siya ay lumapit siya sa isang glass window na tanaw ang likuran ng building. Wala masyadong dumadaan na sasakyan dito o kahit nakapark man lang pero ilang sandali pa ay may paparating na magkasunod na limang suv.

"May nakabantay sa sa likod ng building? May papasok na limang suv. Alamin niyo kung sino ang nasa loob nito!"

"Roger sir!" Sabi ng ilan sa mga pulis.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isang I.T expert na kasama nila. "Nakuha mo ba ang feeds ng cctv? Sabihin mo sakin kung anong nakikita mo sa parking lot."

Hinanap naman ng I.T expert ang monitor kung saan pinapakita ang feeds ng buong parking lot. Marami ang nakaantabay din sa monitor at hindi lang ang I.T expert. Napansin nila na may limang magkakasunod nga na SUV at nagpark ito na para bang exclusive ang may-ari nito dahil walang ibang nakapark doon tanging ang bagong dating lang.

"Sir, mga lalaking naka-black suit po ang sakay ng SUV at para rin pong may mahalaga silang sakay. Sa tingin ko po'y si ma'am Verity po ito. May stretcher po na inilabas sir."

"Salamat! Sa elevator yan sasakay kaya tignan mo kung anong floor sila pupunta."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top