Chapter 46
Nakadekwatrong umupo si Papa habang ako ay nakasandal lang sa sofa. Malalim ang iniisip niya at nag-alala ako para sa aming dalawa.
"Pa.." mahinang bigkas ko.
"Hindi ko hahayaang makulong tayo ng hindi lumalaban. Gusto kong bigyan ng hustisya ang lolo mo. Wala silang karapatan na kunin ang buhay niya!"
Sampung minuto lang pagkatapos naming mapanood ang anunsyo ng matandang Monsanto sa tv ay may nakarating na mga police.
"May warrant of arrest ba kayo?" Tanong ko at agad nilang ipinakita sa akin ang warrant of arrest. Napatawa ako ng mapakla. Inakusahan pa kaming magnanakaw e!
"Tanging si Peterson Radaza lang po ang kakasuhan dahil siya ang naging kasabwat ni Dr. Radaza sa pagnakaw ng gamot."
"Akala ko ba ay kasali ako?!" Mukha akong timang sa tanong ko. My gosh! Bakit ko gustong magpakulong? Dapat ay maging masaya ako!
"Hindi po kayo pwedeng kasuhan dahil noong mga panahon na yun ay bata pa po kayo. Nasaan na po ba ang inyong ama?"
Lumabas si Papa sa labas ng pintuan at sinalubong ang mga pulis. Binati pa niya ang mga tao. Papa is too good for a criminal.
"Sasama po ako ng mahinahon," wika ni Papa na parang hindi man lang natitinag.
“You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you."
Ang umiyak sa sitwasyon na ito ay hindi makakatulong. Mas mabuti pang manalangin ako na walang masamang mangyari kay Papa. Walang sinasanto ang mga Monsanto. Natatakot akong hindi na siya sikatan ng araw pa.
Tahimik lang akong tinatanaw si Papa palabas at isinakay sa police car. Nagdadalawang isip ako kung tama ba ang ginawa ni Papa na pagsama sa kanila. Hindi ako nilingon ni Papa at ayaw ko namang salubungin ang tingin niya dahil sigurado akong masasaktan lang ako.
Kunot-noo akong tinitignan ang mga dokumentong nakakalat sa higaan ni Papa. Hindi man lang siya nag-ayos bago umalis. Joke! Ayun nga, may mga dokumentong tungkol sa mga Monsanto. Nanggigigil talaga ako tuwing nababasa o naririnig ang pangalan nila. Ang mga dokumento ay nag-s-state na may mga loopholes ang mga Monsanto sa ginagawa nilang mga gamot. Ayon pa dito ay imbes na ibenta sa mga pharmacy ay mas pinili pa nitong ibenta ito sa ibang bansa sa mas malaking halaga. Ang isa ay nakasaad na may ilegal na ginagawang gamot ang Monsanto na hindi naka-rehistro.
I smiled. Bago pa man mahuli si Papa ay may mga alas na pa rin siyang nakuha para kalabanin ang Monsanto.
"Greg these papers will help us in freeing Papa and may panlaban din tayo sa mga Monsanto."
"Saan mo nakuha yan?" Tanong niya na may pag-alala.
"Huwag kang matakot! Magagamit natin 'to para i-blackmail sila. We can't easily bail out my father. This could be the only way para makalaya siya."
"Hahayaan mo nalang bang hindi sila makulong? Nakasaad dito na maraming illegal transactions silang ginagawa and most of their assets ay doon nakukuha."
"Paano kung buhay naman natin ang kapalit? Namatay na si Annabelle at kung hindi pa ako nakatakas doon ay baka ako rin ay bangkay na!"
Pinahid ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. "Okay, okay. Let's plan everything first before we take a full action. We're risking our lives here. Dapat ay tayo ang magwagi sa huli."
Sumang-ayon sa akin si Greg. We contacted a police officer na kaibigan niya. "Isa siya sa mga naniniwalang may ginagawang hindi maganda ang mga Monsanto pero pinigilan siya ng kanilang hepe dahil nga hindi patas lumaban ang mga Monsanto."
---
"Good evening, officer," bati ko sa pulis na dumating sa bahay. There's no a safer place other than our house. The security is tripled and everytime someone will enter, may ginagawa munang pagsisiyasat para malaman kung may pwede bang maging spy o di kaya'y nilagyan ng maliliit na camera at microphone.
"Maganda ang security niyo. Daig pa ang Presidente ng bansa," pagbibiro niya. We laughed in amusement.
"Ako nga pala si SPO1 Alexandro Castro." Inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman ito.
"Verity Radaza," sabi ko. "Salamat po dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon para tulungan kami. I hope you will help us until we put them in jail."
"Don't worry Miss Radaza, matagal ko nang gustong isuplong ang mga Monsanto. Lumaki akong may tanim na galit sa kanila," makahulugan niyang sabi. I didn't expect that he has that huge grudge towards them. I guess it fuels him to help us.
Matanda lang siya sa akin ng tatlong taon kaya hindi ko inaasahan na mula pa pagkabata ay may hinanakit na siya sa kanila. At SPO1 na siya, ibig sabihin, mahusay siyang pulis.
"What happened officer?"
Hindi ko na napigilang magtanong. Nasa kusina si Greg at naghahanda ng makakain namin. We can afford housemaids but in our situation, hindi siya maganda dahil baka madamay pa.
"Before I came here, binigyan na ako ni Greg ng mga impormasyon tungkol sa'yo. Pasensya na kung hiningi ko dahil gusto kong malaman kung bakit gusto mo silang panagutin. Mahirap silanh kalaban kaya nagtataka ako."
"Uh.. so marami ka na pong alam sa akin?"
"Yes, pati nga paborito mong kukay but it doesn't matter. Nakita ko sa files mo na masakitin ka pala noong bata ka pa. Labas pasok ka sa ospital, tama ba?" Nahihimigan ko sa boses niya ang pagiging curious. Ganoon naman ata talaga ang mga pulis hindi ba? Tsaka feeling ko ngayon ay ini-interrogate niya ako. Feeling ko isa akong suspect!
I just nodded dahil medyo naiilang ako. Baka posasan niya ako ng wala sa oras e. And I know, may handcuff siyang dala-dala.
"You were kidnapped right?" Paano niya nalaman? Wala kaming pinagsabihan tungkol dun. Ay oo nga pala, alam niya ang tungkol sa akin. So creepy.
"2 weeks ago.. kinidnap ako ng mga Monsanto. Ginamit pa talaga nila ang kaibigan ko para makuha ako pero namatay siya. Pinatay siya." Sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari kay Annabelle. Napakawalang hiya! They're so evil. Mga halang ang kaluluwa. "Kung hindi pa ako nakatakas doon ay nailibing na ata ako."
"Mabuti nalang at nakatakas kayo.. binalewala mo kasi ang tulong ko sa'yo noon," wika niya at natawa kalaunan.
"Tulong? Wala akong maalala na tutulungan mo sana ako and your face is not familiar. Ngayon lang tayo nagkita officer," sagot ko sakanya. Umiling siya tsaka nagsalita.
"Kahit ako'y sarili ko nalang ang iisipin ko sa ganoong sitwasyon. Naalala mo iyong sa fire exit? Ako yung humablot sa braso mo at nag-offer ng tulong pero binalewala mo," he explained. Inalala ko kung saan ako dumaan sa fire exit at bigla kong naalala ang araw na kinidnap ako.
"I-ikaw yun? It was a doctor and you're a police!" Nauutal kong tanong. May nararamdaman akong hiya at dismaya dahil pulis na sana yun e. May ebidensya na sana pero tumanggi ako.
"Oo ako yun.. tinawagan ako ni Greg para sabihin ang nangyari. Wala siyang sinabing lugar pero ang una kung naisip ay doon sa building na yun. Nagpanggap ako bilang doctor to hide my identity dahil kung hindi, hindi ako makakapasok doon. And when you refused my help, nagmamadali akong lumabas para maisakay ka sa sasakyan ko."
"FYI, taxi ang sinakyan ko. I remembered it clearly!" Pagproprotesta ko dahil totoo naman.
"I doubt you didn't. Hindi mo man nga lang ako inabutan ng pamasahe. How rude of you.." may halong pangungutya ang boses niya kaya naiinis ako. Mas lalo lang akong nainis nang marinig ko ang tawa ni Greg na papalapit sa amin.
"You know this all along?" Tanong ko sakanya. Nilagay niya sa table ang hapunan namin. Naka-upo ako at siya nakatayo habang niyayakap ang tray. Sana ako nalang ang tray. Joke!
"Ofcourse.. wala akong time para sabihin sa'yo yun dahil akala ko hindi importante. And sinabi na naman sayo ni Castro kaya okay na yun. May babalikan pa ako sa kusina." He exited like nothing happened. Kalma lang self, this is not a big deal.
Ang gusto ko lang ngayon ay nakalimutan na ni officer Castro ang reaksyon ng mukha ko noong nangyari yun. Baka sobrang high definition pa ng mukha ko sa alaala niya at gawing memes!
"Back to our topic, you had leukemia when you were young right? At yun ang naging dahilan kung bakit ibinigay sa'yo ng lolo mo ang nag-iisang vaccine na iyon."
"Tama po kayo. Kunti man ang naalala ko noong bata pa ako, yan ang hindi ko makakalimutan. He gave me his hardwork and his life," wika ko.
"According to my research, si Dr. Radaza, ang lolo mo ay may isinasagawang project research ng isang gamot para makatulong sa pagpahaba ng buhay ng isang taong may critical na condition. Their mission was to prolong the life of the sick lalo na kung may gusto pa itong gawin o hinihintay. It was a succesful project but it was concealed from the public. The media were crazy about it because it's a huge scope pero wala silang magawa lalo na't kakasuhan sila kung may magpasiwalat. Iyon lang ang research na affiliated ang lolo mo."
Namangha ako sa narinig ko. I'm so proud of my grandpa. How I wish I had many great moments with him.
"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?"
"I researched everything kaya alam ko. At dahil siya ang nag-lead ng research team, he was recognized not only locally but internationally. Mas namamayagpag ang pangalan niya than the Monsantos. Renowned pharmaceutical companies in the U.S offered him to work with them."
"Woah.. my grandfather was amazing!" Naroon pa rin ang pagkamangha ko. Nakakahiya na apo niya ako at wala man lang akong nagawa para maiangat ang pangalang Radaza.
"Dahil doon ay nasindak ang mga Monsanto. Kung tatanggapin ng lolo mo ang mga offer doon, siguradong mawawalan ng malaking halaga ang Monsanto. He contributed a lot to their wealth. For your information, yun ang mga panahong umalis sa puder ang papa mo sakanya. Ayaw niyang mas lalo silang magkalayo. I heard that the real plan of the Monsanto's. They will threaten him para mapanatili siya pero bago pa man nila magawa iyon, nakapag-decide na siya na tatanggihan iyon."
"Uhaw nga talaga sila sa pera! Lolo could grab that opportunity at baka isa na siya sa mga taong nakasulat sa libro ang pangalan."
"May mga tao talagang ganun. Kahit meron ka na, gugustuhin mo pa ring magkaroon. It's because of greediness. Just be thankful na hindi tuluyang umalis ang lolo mo dahil hindi natin alam ngayon kung buhay ka pa o hindi," sabi niya at uminom ng wine. Naiyuko ko ang ulo ko dahil mukhang iiyak na naman ata ako.
"Imbes na maging full time physician ay mas pinili niyang maging full time researcher sa kagustuhan na makatulong sa iba. He wanted to make something miraculous. Ayaw niyang maging full time physician dahil hindi niya kayang may makitang pasyenteng nawawala dahil hindi niya tuluyang nagamot ito. He would rather make medicine. Kaya nagpatuloy ang pagtratrabaho niya sa Monsanto Research Institution. Ang gamot na ginagawa ay gamot para sa mga taong may leukemia and I consider you lucky dahil leukemia ang sakit na dumapo sa iyo."
I secretly smiled at the thought of my grandfather. It feels like he knew it by heart na kailangan niyang gumawa ng gamot para leukemia and I thank him for that. My life would be in idle if it weren't for him.
"His research for that medicine is progressing and I guess noong kailangan mo na ng ganun ay naging successful kaya nakagawa siya ng isang dose. Little did you know, may VIP patient na kailangan din iyon pero ang alam lang nila ay hindi pa umabot sa full accuracy iyon. They were furious nang malaman nila na ibinigay sa'yo ang gamot na iyon. Simula noon ay mas lalong nanganganib ang buhay ng lolo mo. Tanga ang mga Monsanto dahil imbes na sana ay ipagpapatuloy ni Dr. Radaza iyon ay ginawan nila ito ng masama. I don't really know what happened pagkatapos nun. Kaya hindi natapos ang research at isa pa nag-pull out ng investments ang iilang VIPs dahil sa nangyari sa isang VIP patient. At hanggang doon lang ang nalalaman ko," tunog tagumpay siyang nagsalita. Siguro ay nasisiyahan siya na tapos na siyang magsalita matapos ang isang oras.
"Paano mo nalaman ang lahat? Tauhan ka ba nila? O isa kang Monsanto na tinraydor sila?"
"None of the above. TMI, sa ngayon ay kumain muna tayo dahil wala na akong energy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top