Chapter 45

Safe na nakarating sa isang medyo secluded at hindi kilalang lodge sina Verity at Greg. Isang aircon room ang kanilang kinuha na may dalawang kama.

"Tatawagan ko muna si papa." Paalam ni Verity kay Greg at akma na sana siyang lalabas nang pigilan siya nito.

"Dito mo nalang siya sa loob kausapin. Hindi magandang maglagi ka sa labas." Sabi ni Greg tsaka lumabas.

Ni-long press niya ang speed dial number two kung saan niya in-assign niya ang number ng papa niya.

"Bakit ba lumabas kayo ng walang pasabi ha?!" Mataas ang tono ng papa niya nang marinig ang nangyari sakanila kanina. Sa kabilang telepono ay alalang-alala ang kanyang ama. Nawindang siya kanina ng malaman na umalis ang dalawa ng walang pasabi kaya walang body guards na kasama.

Guilty na guilty si Verity at gustong yakapin ang ama para huwag na itong mag-alala. Imbes na mag-explain kung bakit sila lumabas ni Greg ay binigyan nalang niya ang kanyang ama ng pampanatag loob.

"Pa, ang importante ay ligtas kami ngayon. Hindi po nila kami nahawakan o nasaktan man kaya wala po kayong dapat na ipag-alala. Nasa mabuting lagay po kami ngayon at pangako na bukas na bukas din ay makaka-uwi kami ng walang galos."

Alam ni Verity na hindi mapapanatag ang kanyang ama sa kanyang sinabi dahil sobrang nakakatakot talaga ang sitwasyon nila.

"Kailangan kayong mag-ingat pero hindi yun sapat. I'll send body guards there tonight!"

"Wag na pa! Kailangan din nila minsang matulog. Tsaka magtataka ang may-ari. Baka magtanong ng kung ano-ano. I can really assure you that we're safe!"

Her father sighed in defeat. "Okay. Rerespetuhin ko ang desisyon mo. Always be alert."

Matapos ang paalala ng kanyang ama ay pinutol na niya ang tawag tsaka tinawag si Greg na nasa labas.

"Kailangan na nating magpahinga Greg." Sabi ni Verity ng makapasok na sila sa loob ng kwarto.

"Mauna kang matulog. Babantayan kita," makahulugang sabi nito.

Umalma kaagad si Verity. "You don't have to do it. Kailangan mo rin ng tulog! At sigurado akong walang mangyayaring masama sa atin ngayong gabi na ito. Ibang pangalan ang ibinigay ko kanina sa receptionist."

"Cool. Sige matulog na tayo para hindi ka na mawindang pa. Hahaha. Good night love."

---

At full speed, the time flies. It's exactly 7 am in the morning at hindi pa gising silang dalawa. Their night was peaceful at tanging tunog lang ng mga hilik nila ang maririnig at nang umaandar na aircon. First time nilang makatulog ulit ng walang nagbabantay.

Nagising lang si Verity nang tumunog ang cellphone niya. Pati si Greg ay naalimpungatan din pero nakatulog lang ulit.

"Bakit ngayon mo lang nasagot ang tawag ko? Nasaan kayo?"

Bakas sa boses ng papa niya ang pag-alala. Mas nag-alala pa ito kesa kagabi. Humikab muna siya bago sumagot. "Ngayon lang po ako nagising pa. Masarap po ang tulog ko."

"Kung walang nangyaring masama sa inyo, mabuti. Kayong dalawa ni Greg huwag kayong gumawa ng masama. Inaasahan ko yan!"


Napakunot ang noo niya at nang mapagtanto ang ibig sabihin ng kanyang papa ay natawa siya.

"Napakalawak po ng isipan niyo! Magkasama man kami sa isang kwarto pero wala po kaming ginagawang masama." Pag-eexplain niya. Akala niya ay huhupa ang tensyon ng kanyang papa pero nagkamali siya.

"Nagsama kayo sa isang kwarto?!" Sigaw nito. Sigurado siyang dinig ang sigaw ng papa niya sa buong bahay nila. Tsaka pa lang niya na-realize kung gaano kamali ang sinabi niya.

VERITY

"K-kailangan po kasi akong bantayan diba? Paano po kung may taong masama ang balak? I need Greg too para siya ang makipag-basag ulo at hindi ako!" I explained. We may be on the right age pero hindi pa kami umaabot sa ganyang level. Mygod!

Dahil sa ayaw ko nang marinig ang rants ni papa ay pinutol ko na ang tawag. Walang patutunguhan ang usapan namin kaya mas minabuti kong pintol.

I grabbed the face towel na nasa drawer ng bed side table ko when I realized na wala kaming spare clothes. Oh geez. Hindi pa naman ako komportable kapag hindi nakakaligo at hindi nakakapagbihis. Sa halip na magreklamo pa ay tumuloy ako sa banyo tsaka naghilamos at nagmumog. Greg's presence is nowhere to be found kaya tinawagan ko siya. Nasa labas lang pala siya at tinawagan ang papa niya.

"Susunduin nila tayo. We can't opt to use the public utility vehicles for our safety because we can't risk ourselves. Naglakad-lakad din ako kanina and I found a blind spot kung saan walang gusali na malapit."

Bago pa man kami makarating sa lugar ay tanaw ko na ang isang kotse. Alam kong hindi lang ito ang kotse na susundo sa amin. The body guards convoyed us. Baka nasa malayo lang para hindi halata. Sa backseat kami sumakay ni Greg. Inihilig ko ang ulo ko sa shoulder niya nang umandar na ang sasakyan.

"Glad to see you whole!" Pagbati sa akin ni papa nang makita niya akong papasok ng bahay. Greg runs some errand kaya hindi kami magkasama ngayon.

"Masaya rin po kitang makita Pa!" Maligaya kong sabi. Iminwestra niya sa akin ang dining area at nakita ko ang mga pagkaing nakahanda.

"Let's eat our breakfast. Hinihintay talaga kita anak," sabi niya at ngumiti.

Napakabuting ama talaga ni Papa. Bata pa lang ako ay alam kong sobrang pag-aalaga na ang ibinigay niya sa akin. He was selfless rather than selfish. Mas gusto pa niyang maging okay ako kahit okay na ako. Now that I'm capable of caring him, I think it will not be enough for all the good things he did for me. Kapakanan ko lang ang iniisip niya. Ang iba ngang nabalo ay naghahanap ng pwedeng maging katuwang sa buhay pero si Papa kinaya niya lahat - ang maging Mama at Papa sa loob ng maraming panahon.

"Thank you Pa," wika ko sa gitna nang pagkain namin. "Mahirap po ang pagpapalaki niyo sa akin dahil palagi tayong tumatakbo at tumatago. You're a devoted father at hanga po ako sa abilidad ninyo. You will do eevrything to protect me at all cost even if it means risking your life."

Our breakfast turned into a melodrama after my heartful confession. At mas lalong naging madrama nang magsabi rin ng saloobin si Papa.

"A jewel that I don't want to lose and I'll protect at all cost is you Verity. You tripled up the meaning of felicity when you were born. Dahil sa'yo naramdaman ko ang higit pa sa maging masaya. You're my happiness and I don't want to forfeit it. Losing you might be the end of me too. Kaya habang humihinga ka pa, buhay din ako. Ikaw ang oxygen ko sa mundo anak. Kung wala ka, mawawala rin ako."

Isang makahulugang tingin ang ibinigay ko kay Papa tsaka umagos ang mga luha ko. Tumayo siya para yakapin ako ng mahigpit. I never felt this to anyone, even to Greg. Ang yakap ni Papa ay hindi mahihigitan ng kung sinong tao. Alam kong kapag nasa tabi ko siya ay ligtas ako.

Natapos ang mga pagkaing inihanda ni Papa kahit na naging madrama ang agahan namin. Pumasok ako sa kwarto ko upang maligo at magbihis. Nang matapos ay napagpasyahan kong manatili sa sala.

Isang body guards ang hingal na hingal nang pumasok sa bahay.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Ang mga Monsanto po! Ipinapalabas nila na ang lolo niyo ay ninakaw ang kanilang produkto para gumaling kayo. Tignan niyo po sa tv dahil live ngayon."

Halos kumulo ang dugo ko nang makita ang matandang Monsanto na nagsasalita. Buhay pa pala ang matandang ito! Ka-edad lang sila ni lolo at nalulungkot ako sa nangyari sa kanya. Kung hindi dahil sa gahaman ng matandang ito ay buhay pa siguro siya hanggang ngayon.

"We we're the best team. He lead the research for making the cure of deadly disease. I thought he thinks for the better good of everyone but behind his determination and passion was greed. Thinking about it makes me sad. Hindi lang para sa akin pero para sana sa mga taong matutulungan nitong gumaling. Makakasama pa sana nila ang mga mahal nila sa buhay kung hindi lang tayo trinaydor ni Dr. Thomas Radaza."

Nanggagalaiti na ako sa galit. Kasama ko na ngayon si Papa at iilang body guards na nanonood sa telebisyon. He wants to get the public's attention and put the blame for us!

Nakitang kong ikinuyom ni Papa ang kanyang mga palad. Hinawakan ko iyon para kumalma siya. Bawal siyang sobrang magalit dahil masama sa kalusugan niya.

Tumawa ang pinakabadtrip na matanda sa earth bago muling nagsalita. "Natawa lang ako kasi hindi ko akalaing ang apo ng traydor ay magtratrabaho sa kompanya ko! I can't afford to lose another significant research because of his granddaughter! My human resource team was very sorry for what they had done. I can't afford someone work for me na pinapasweldo ko at binibigyan ng tamang benefits. Wala siyang karapatang bigyan ng sweldo. She should work for free dahil sobrang mahal noong gamot na-itinurok sa kanya! It's not only my money that I invested para sa gamot na iyon. I faced the consequences from the investors' requests! Halos manahimik ako ng ilang taon but what Dr. Radaza has done will never fade in my memory at dapat pagbayaran iyon."

Tiningnan ko si Papa dahil kinakabahan na ako. What he said was almost right! Pero sabi ni Papa ay may karapatan din si lolo sa gamot na iyon because he leads the team and he didn't haul it! The money that was supposed to be his salary ay hindi niya tinanggap at may ibinenta pa siyang ari-arian para ibayad sa mga Monsanto. The vaccine cost really much dahil pati buhay ay kinuha nila.

"Isang malaking kahangalan ang pagbibigay namin ng maayos na libing para kay Dr. Radaza pero hindi naman kami katulad niya na sakim at makasarili."

Muntik ko ng batuhin ang tv namin dahil sa sinabi niya. Lokong matanda!

"He stole the most valuable vaccine in the world and he died without finishing it! We gave him the salary that he deserved but he put it all in vain. Ngayon, we will take legal actions about it. The past will never be over shadowed today." Naging matalim ang tingin niya sa camera at kahit na sa tv lang ay nagka-eye to eye contact kami.

"Peterson Radaza and Verity Radaza, anytime from now you will be arrested!" Iyon ang huling mga salitang binitawan niya bago bumalik sa orihinal na palabas ang tv.

"Double up the security please and call our lawyers! Hindi nila pwedeng gawin ito sa atin dahil alam kong walang maling ginawa ang papa ko. We're running out of time and please check the cctv where Verity was kidnapped para may panlaban tayo sa kanila!" Natatarantang sabi ni Papa at tsaka binalingan ako.

"Anong gagawin natin Papa?!" Pati ako'y natataranta na rin. I don't want to be in jail! I don't want to be behind on that cold bars!

"Tumakas na tayo Pa.. please," naiiyak kong sabi. Escaping is the only resort I could think as of now. His verdict to us is scary! Alam kong hindi lang iyon ang pakay niya. He wants my blood and maybe my organs too!

"Verity wake up! We won't escape because we did nothing wrong. We will face this together at hindi ako papayag na may mangyaring masama sa ating dalawa. We will win the case, I promise!"

"They're manipulative persons plus they're on the top! They have many connections and we only have few! Pa, I don't think we can resolve this by facing it. We need to get out of this country!"

"Mas lalong hindi tayo makakalabas ng bansa. They planned this beforehand. Siguradong hindi pa tayo nakakapasok ng airport ay hinarang na tayo. Let's not make a scene anak. Wag na nating palakihin pa ang sitwasyon natin kasi tayo lang ang magiging kawawa."

Umupo ako sa sofa at doon umiyak. Ayaw kong makitang makulong si Papa dahil wala siyang ginagawang masama. Wala kaming ginagawang masama. Gusto lang ni Papa na mabuhay ako, wala ng ibang dahilan.

Our life is crumpled now.. we might fall anytime.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top