Chapter 44
THIRD PERSON'S POV
Nakabihis na ng pantulog, umupo si Annabelle sa kama niya para mahiga na. Bago pa man siya makahiga ay tumunog ang cellphone niya hudyat na may natanggap siyang notification. Matapos mai-swipe ang cellphone ay tumambad sa kanya ang mensahe ng hindi kilalang tao. Video ng naka-ngising Frinco habang sumasayaw ang nakita niya. Si Frinco ang may hawak ng cellphone at sa kalagitnaan ng video ay sumigaw ito.
"ANNABEEELLE! GET OUT OF YOUR HOUSE AND COME HEEERE!!"
Humalakhak si Annabelle matapos makita ang video. Alam na niya kung nasaan ito kaya lang nagdadalawang-isip siya kung pupunta ba o hindi dahil nakapag-bihis na siya para matulog.
"Nakaka-inggit si Frinco.." sabi niya sa sarili. Nag-isip muna siya ng ilang minuto tsaka nakapag-desisyon na pumunta.
Nagpahatid siya papunta sa The Satellite dahil wala siyang ibang kasama. Hindi rin niya ma-contact si Evi habang si Verity ay hindi sumasagot.
Lumabas siya ng sasakyan at hinanap kaagad ng mga mata niya si Frinco. The beach bar was packed with people kaya medyo nahirapan siya. She decided to contact the unknown person and fortunately, the person messaged back.
Nang mahanap na niya ang table nito ay binati niya kaagad si Frinco na naka-cross legs at ang dalawang braso ay naka-stretch sa sofa. Nag-hello rin siya sa iba pang mga kasama nito and she bet na sa mismong gabi pa nakilala ni Frinco ang mga taong kasama nito.
"You alone?" Bulong na pasigaw sakanya ni Frinco dahil kung normal lang silang mag-uusap, huwag nang umasa na magkakarinigan sila.
"Yup! Ikaw?"
"Verity dragged me here.. so yeah."
"E, nasaan siya?"
"Probably talking with Greg right now. Let's go!"
Hinila si Annabelle ni Frinco patungo sa mga taong masayang nakikipag-jam. Masaya siyang sumama dito. She's all smiles to everyone. Nagulat pa ang mga kasama ni Frinco kanina dahil sobrang hype niya. She's not drunk yet she has this ability to be all hyped up at a maximum level. Kaya halot lahat nang nakakakita sakanya ngayon ay natutuwa.
"You just want attention, you don't want my heart
Maybe you just hate the thought of me with someone new
Yeah, you just want attention, I knew from the start
You're just making sure I'm never gettin' over you"
"Giginhawa muna ako!" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko. She used up her energy and she feels like draining. "I'm gonna refill first guys!"
Matapos niyang magpaalam ay bumalik siya sa kina-uupuan kanina. Her breaths were heavy and she was too exhausted. Tila ay nawala ang lahat ng enerhiya na naka-stock sa katawan niya.
Tumawag siya ng waiter para mag-order ng lemon drink. "Two glasses please. Keep the change!"
Mabilis niyang ininom ang unang glass dahil sa sobrang dehydrated. Pinagsisihan niya tuloy na naging excited masyado e kakarating pa lang niya.
"Recharge. Recharge. Recharge." Sabi niya sa kanyang sarili. Nang mainom na niya ang pangalawang glass ay tumayo siya at pumunta sa comfort room.
"Hindi pa naman ako haggard.." tinignan niya ang repleksyon sa salamin pero bakas na sa estado ng kanyang buhok kung gaano siya naging magalaw kanina.
Kinuha niya ang suklay sa maliit niyang shoulder bag na Hermes at isinuklay sa kanyang buhok.
"What the f?" Sambit niya nang maramdaman ang kakaibang pakiramdam na halos katulad noong pumasok siya sa comfort room ng kwarto ni Verity sa hospital.
Mahigpit ang kapit niya sa kanyang suklay na nasa buhok pa niya. Dali-dali niya itong tinapos at matapang na tumingin sa salamin.
"Can you please show up?" Mahinahon niyang sabi. Nagbabasakali na ngayon ay magpapakita na ito.
May mumunti siyang naaninag na pigura pero nagbli-blink lang ito. Hindi pulido at steady ang pigura na nakikita niya. Nasisiguro niyang ito yung nagpaparamdam sa kanya noon.
Umismid si Annabelle matapos ang ilang minuto dahil wala siyang nakitang totoo. Tanging pag-wala at balik lang nito. "Kung ayaw mo edi wag! Pa hard to get. Che!"
Gamit ang shoulder bag ay pinalo niya ang pigurang nakita niya. Alam niyang walang panama ang ginawa niya pero ginawa niya pa rin.
Lumabas siya ng comfort room at bumalik sa pagka-uupo. Nawala na ang gana niya dahil sa nangyari. Halos murahin niya sa kanyang isip ang pigura na yun.
Niyaya siya ng ilang bagong kakilala pero tinanggihan niya. Sinasabing pagod pa siya. Naintindihan naman siya nito dahil sila mismo naka-witness kung gaano siya ka-hype kanina.
"Saan kaya nag-uusap si Verity at Kuya Greg?"
Tumayo siya at nilapitan si Frinco para sabihing magpapahangin muna siya para mamaya ay balik na naman siya sa pagkabaliw.
"Gusto kong makinig ng chismis ngayon. Hehehe," sabi niya sa sarili at naglakad na papunta kung saan man niya sila mahahanap.
Naging mahirap ang paglalakad niya dahil maraming aso sa unang direksyon na tinahak niya. May isang asong hinabol siya mabuti nalang at may security guard ng isang inn ang tumulong sa kanya. Hindi lang kasi ang The Satellite ang naroroon sa lugar na iyon. Kunting lakad pa ay may mga inn at beach front na pwede mag-stay.
"Nakakatakot kapag ganitong oras dito hija. Lalo na kung mag-isa ka lang. May mga stray dogs kasi na namamasyal dito."
"Uh, hehe.. first time ko po kasing magliwaliw dito. Gusto ko lang po ng fresh air dahil napagod ako kaka-jam sa The Satellite."
"Ganoon ba? Doon ka nalang sa may sea wall malapit sa The Satellite. Pwede pasyalan 'yon."
"Thank you for the information po! God bless!"
Binilisan niya ang paglalakad dahil medyo nahiya siya sa security guard kanina. Baka akalain na makikipag-eyeball siya doon. Yucks!
Nang natanaw niya ang seawall ay napangiti siya. "Atlast!" Tinakbo niya ang pinakamalapit na hagdanan at doon umakyat. Wala siyang napapansing tao sa una niyang tingin at nang sipatin niya ng maigi ay may nakitang siyang babae na nakatalikod. Nagulat siya dahil sa posisyon nito ay halatang may kababalaghang ginagawa ito. May kasama itong lalaki. Nakita niya dahil may isa siyang ulo na nakita sa may leeg ng babae.
"Sht! My eyes! Bakit dito pa nila naisipan na mag-make out? Nakuuuu parang gusto ko nalang matulog!"
Dahil sa kalayuan ay hindi niya maaninag ang mga mukha nito. Hindi niya alam na sina Verity at Greg ito.
"Kailangan nilang tumigil! Baka may ibang makakita sa kanila at kung saan pa hahantong ang ginagawa nila."
Pinagpawisan siya kahit na sobrang lakas ng hangin at kinakabahan sa gagawin. Halos hindi niya masikmura ang nakita nang napatayo ang lalaki at hinilig ang babae sa railings.
Mas binilisan niya ang paglalakad at ready na ready siyang sigawan ang mga ito. "Distorbo kayo sa ibang taong gustong magpahangin dito! Malamig dito at hindi ito oven na pwede kayong magpa-init!"
She mentally practiced her supposed to be lines that she will use later. She fished her hand on her shoulder bag, and when she found her black mask, she wear it right away.
Nahihiya siyang magpakita ng mukha kaya mag-mamask nalang siya. May limang metro ang layo niya sakanila and she was very ready. She was about to take a fast run when suddenly someone gripped her wrist to halt her action.
Her eyes widened in surprise and she was shaking in horror. Sino bang hindi matatakot kung may nakahawak sa iyo pero hindi mo nakikita?
"Hayaan mo lang sila. Please." Napalingon si Annabelle sa kung saan nang marinig ang boses. Nakahawak pa rin sa kanyang palapulsuhan ang kung ano mang nasa harapan niya. Ang hindi niya maintindihan ay narinig niya ito sakanyang isipan hindi sa kanyang tenga.
"Bitawan mo ako!" Mahinag sigaw niya para hindi madistorbo ang kung sino mang tao ang gumagawa ng kababalaghan.
"Sorry!"
Niyakap niya ang sarili ay nagmadaling bumaba ng hagdan. This is unbelievable! Someone gripped my wrist and talked to me!
Nang makababa niya ay hinanap niya kaagad ang numero ng driver niya para ma-tawagan ito. Gusto na niyang umuwi dahil sobrang creepy na. Wala siyang paki kung lalaki ito at bahala na kung nag-iisang pogi ito sa earth.
🌸🌸🌸
THIRD PERSON'S POV
(Past Life)
Malalim na ang gabi at tanging liwanag na nagmumula sa bilog na buwan, kumikinang na mga bituin, ilaw ng mga street lights at mga buildings ang nagpapaliwanag sa gabi.
Hawak kamay na tumatakbo mula sa mga nagbabalak na tapusin ang kanilang buhay sina Greg at Verity. Silang dalawa ay hindi makapaniwala sa nangyayari dahil nasa sarili pa sila sa kanilang present life. Tila man ay naguguluhan, alam nilang kailangan nilang maghanap ng matataguan para hindi sila mahuli ng mga ito. Laking pasasalamat nila na hindi ito gumagamit ng mga baril sapagkat nasa mismong siyudad sila kung saan may mga taong nagsisimula pa lang ang gabi at may malalapit na mga police stations.
"Dito tayo!" Hinatak papasok ng isang 24 hours na boutique si Verity ni Greg.
Humahangos sila ng makarating sila sa loob at si Greg ay sumusulyap sa labas. Nagtatanong ang mga mata ng sales lady na nakakita sa kanila.
"G-good evening mam, sir.." pagbati sakanila kahit nagdadalawang isip ito. "Looking for rush suites and gowns?" Tanong nito sakanila. Inakala ng sales lady na nagmamadali itong maghanap ng susuotin dahil gabi na at ganitong oras nagsisimula ang iilang party.
Tumango si Verity sa sales lady. "Mag-uusap lang muna kami saglit." Hinila ni Verity si Greg medyo malayo sa destansya ng sales lady.
"I think we need to change our clothes!" Suhestyon niya at mabilis na sumang-ayon si Greg. Nakasuot kasi ng gray dress si Verity kaya masyadong halata habang si Greg ay naka-pantalon at long sleeves.
"Give me this slacks!" Turo ni Verity sa isang mannequin na nakasuot ng pastel pink slacks. "And this vintage blouse."
Matapos sinabi ang naituro ay naghanap siya ng pwede isuot ni Greg. She eyed for something unique.
"Give him this." Turo niya sa isang stylish beige v-neck sweater with buttons na kapag sinuot makikita ang dibdib.
Greg smiled playfully when Verity pointed it. "Gusto mo lang ata akong halayin e."
Verity just snobbed him. Ngayon ay wala ng Verity at Greg sa present life sa system ng katawan nila. Tanging ang normal na Verity at Greg nalang.
May dalang cash silang dalawa at hindi sila nahirapan. Pakiramdam ni Verity ay may kulang kaya nag-isip pa siya.
"Uh.. I think we need a berret and a beanie. Mayroon kayo?"
Tumango ang sales lady at iginiya siya nito sa isang drawer kung saan nakalagay ang mga berrets at beanies. It may not fit on their worn clothes but they need it for hiding purposes.
Kinuha ni Verity ang isang kulay puting berret na may kulay itim sa outline nito na gawa sa leather at isang gray beanie na may knitted vertical lines.
"Don't you think we need an aviators?"
"Sa malalim na gabi? Really Greg?" She said in full sarcasm. Greg just laughed and they slowly walk outside. Tinatanaw kung may taong naghahabol pa rin ba.
They are grateful na ang mga taong humahabol sa kanila ay nakasuot ng black suites with tie dahil madali lang nilang ma-predict kung sino ang mga ito.
"Ang badoy nating tignan!" Reklamo ni Greg ng makita ang repleksyon sa salamin malapit sa pintuan.
"Being badoy will help us in saving our lives! Kaya wag ka ng magreklamo pa."
May nakita silang bagpack kanina na pag-mamay-ari pala ng sales lady at pinilit nila itong binili kahit ayaw ng babae. Pinagpalit naman nila ang shoulder bag na dala ni Verity.
Ngayon ay suot na sa likod ni Verity ang bagpack. Hindi nakalugay ang buhok niya kasi inilugay niya ito kanina. Habang si Greg ay nakapamulsa ang dalawang kamay.
"Saan tayo pupunta?"
"We need a place to stay. Kailangan nating ipaalam sa papa mo ang nangyari. Handa na ako sa mga sermon niya at kay papa din. Sorry dahil pinahamak kita."
Umiling si Verity para sabihin na hindi dapat humingi ng tawad si Greg.
"Greg, you saying sorry is not right. You did nothing wrong. You didn't put me in danger because danger has been always chasing me. It's a privilege that you run with me. Running with me means that your life is at a critical state too. You joined this journey of mine fo a long time and I'm sorry for that. I'm sorry that we're always running and chasing for a safe place. I'm sorry that I can't put you in a full bliss because we need to cut it inorder to survive."
Iminwestra ni Greg ang mga braso niya para sa isang yakap. Walang pag-aatubili at niyakap siya ni Verity.
"Even if we keep on running.. I know that our love for each other will never run out. I don't care if we're always in the danger line and always run like a crazy man, I'm willing to do it if it means being with you. I'm gonna run with you while I got legs and I'm gonna run with you holding your hands."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top