Chapter 43

Tatlong oras lang ang itinagal at nakatanggap ako ng mensahe mula kay Greg.

9pm Saturday. The Satellite.

Yan ang nakalagay sa message niya. Agad ko namang sinet ang alarm ko para hindi na ako mahirapan pa. I called Frinco if he will be free on that night dahil gusto kong may kasama ako. Annabelle is not a good choice baka pa magtanong siya ng marami. I just need to tell him everything dahil alam kong kailangan niyang malaman. Besides he may be a hope para malutas ang problema na ito.

Dumating ang araw ng Sabado. 7 pm pa lang ay handa na kami ni Frinco. I'm wearing a color peach knitted tube, a ripped denim white short shorts and a strapped sandals. Naglagay ako ng eyebrow na color soft brown to define my eyebrows and smooth-glide waterproof liner and a mascara to magnify my lashes. Liquid lipstick matte na nude vibes ang nilagay ko sa labi ko and a cream cheek blush for my cheeks. Nakalugay lang ang buho ko pero nilagyan ko ito ng isang malaking pearl clip.

"You're so ready. Getting laid for tonight?"

Pinalo ko si Frinco gamit ang purse na dala-dala ko. Medyo nasaktan ko ata siya dahil umaray talaga siya.

"Mas bata ka pa sakin but your mind is already polluted. Gosh Frinco!"

Bago pa ako pumasok sa sasakyan ay nagpaalam muna ako sa mga kasambahah namin. Mamita's not around again so I'm free. Pinatunog ko ang sasakyan at pumasok na sa driver seat agad namang sumunod si Frinco.

"It's your treat tonight ha? I don't have any cash or cards in my pocket. Just my handsome and sexy self."

Inirapan ko siya at pinaandar na ang sasakyan. Nakalabas na kami ng subdivision namin at nabaybay na sa highway.

"Shut up or I'll gonna kick your ass off." Pagbananta ko dahil putak lang siya ng putak. Kalalaking tao napaka-wordy!

"Do you want me to talk in Bahasa?"

"Do you want me to kick you out?"

Puro bangayan lang ang ginagawa namin sa loob ng sasakyan. He can't stop talking nonsense. I guess he's warming up his mouth for later purpose. Turning on the radio was a bad idea because he keeps on complaining.

"Just use the goddamn spotify app!" Bulyaw niya sa akin. Tinuro ko ang dashboard kung saan ko inilagay ang purse.

Kinuha niya ang purse ko na nasa dashboard at hinanap ang cellphone ko. I told him my password after that he was already on the spotify app.

"Let's just play some random song."

The start of the song gives off a Kpop vibe and I was not wrong. Maganda ang beat at ang flow nito.

"I Wanna Breathe
Just Set Me Free"

Kapag bumabalik ang linyang yan, nakakasabay ako dahil yan lang ang English word na naiintindihan ko.

Napatingin ako kay Frinco na katabi ko. He was banging his head like he's enjoying the song.

My watch says it's still 7:43 PM. We're too early kaya wala pang masyadong tao. There are few tables that are occupied. Mas pinili ko ang medyo malayo sa stage kung saan doon tutugtog ang banda dahil siguradong hindi kami magkakarinigan.

Tumawag si Frinco ng waiter. "One Red Horse please and fries."

Sinabihan ko na siya kanina na huwag munang mag-order ng hard drink dahil napakabata pa ng gabi pero he insisted. Pinanlakihan ko siya ng mata bilang banta. Nilagay niya lang sa ere ang dalawang kamay niya.

"I won't drink it immediately. I just thought it's a shame that we're sitting here without ordering."

He has a point and I don't want to argue anymore. His orders arrived and he indulge the fries right away.

"No thanks," sagot ko nang iminuwestra niya ang fries. Di ko trip kumain tonight.

I glanced at my watch and it's exactly 8 PM. The Satellite already garnered enough people that made the disc jockey to start. The blaring of the music hyped the people and they're starting to jam.

"Gonna use the restroom," tinuro ko ang restroom na malapit lang sa amin. "Make sure you won't go away and give me problems."

Nag-iisa lang ako nang makapasok sa loob ng restroom. Bago pa kasi dumating ang mga tao kaya hindi pa nila kailangang maglabas at mag-retouch. Matapos kong gamitin ang banyo ay humarap ako sa salamin upang tignan kung kailangan bang mag-retouch. I'm satisfied with my look but I think I need more kaya mas pinili kong lagyan muli ng palamuti ang mukha ko.

The salty air touched my skin as I got out of the restroom. Mas lumakas pa ang hangin ngayon kesa kanina. I traipsed my way back to our table. Nadatnan ko si Frinco na may kausap na grupo ng lalaki sa kabilang table. Inaalukan din siya ng inumin at hindi naman niya ito tinanggihan.

"Girlfriend mo bro?" Tanong ng isa ng maka-upo na ako. Tumango lang si Frinco at tumawa. I guess naintindihan nila ang ibig sabihin ni Frinco. I'll take note na dadagdagan ko ng Jack Daniels ang inumin niya mamaya.

Dahil sa hangin may lumipad na dahon at pumunta sa buhok ko. Napagpasyahan ko na bumalik ulit sa restroom at nashock sa nakita ko sa salamin. Mukha kasing nest ang buhok ko ngayon! May iilang maliliit na dahon at sticks. Matyaga ko itong kinuha tsaka inayos muli ang buhok. Pinagpawisan pa ako kaya natagalan talaga ako sa loob.

Natatanaw ko si Frinco na may lalaking kasama sa table namin. Si Greg iyon. Maaga ng sampung minuto sa usapan namin. Frinco handed him a glass of drink and he poured it to his mouth right away. Nagmamadali akong lumapit para pigilan ang ginagawa ni Frinco. We're here to talk not to get wasted!

Ewan ko ba pero naging mabagal ang paglalakad ko imbes na magmadali. The song played by the disc jockey is a famous song that everyone went crazy. Naging mahirap ang paglusot ko sa mga tao. They were blocking my way back to out table. Nang makarating ako ay lumaklak ulit si Greg ng isang baso.

Frinco noticed my arrival. Wala muna siyang sinabi kay Greg at hindi ko kaagad pinansin si Greg. I raised my brow to Frinco at tinuro si Greg, waiting for an explanation why he did offer him a couple of drinks. He just shrugged his shoulder and stood up to blend with the crazy crowd.

"Hi!" I waved my hand to Greg and seated opposite to him. He waved back. Messenger lang?

The Red Horse was already emptied that made me frown. I'll forget the Jack Daniels!

"Ilang baso ang na-inom mo?" Tanong ko kay Greg na mukha pa namang okay. Na parang wala pang signs na uminom siya.

"Three glasses. Full." Sagot niya at napatingin ako sa basong ginamit nila. Sa tingin ko ay hindi siya malalasing. I hope he has a high alcohol tolerance.

Mas lalong lumakas ang music na sa palagay ko'y hindi na kami magkarinigan. I called a waiter para sabihan bigyan ulit ng inumin si Frinco kung ano ang gusto niya.

"Let's get out of here." Tumayo ako at hinila siya. Sa gilid ng beach bar ay may sea wall kaya doon ko naisipan na mag-usap kami. It's more convenient.

"Saan tayo pupunta?" There was no signs that he's getting drunk kaya naging kampante ako na magiging madali lang itong usapan namin. I told him where at tumahimik na siya.

Sometimes I lead the way. Sometimes we're walking together and there are times I'm behind him. Tinuro ko ang may hagdanan paakyat. Inalalayan niya ako sa paakyat namin dahil medyo nakakalilyo ang taas ng seawall.

Maganda ang seawall ng The Satellite dahil nilagyan nila ito ng railings na gawa sa hardwood. Kung iron kasi ang ginamit ay may posibilidad na mag-rust ito agad due to the salty air. The railings served as a protection para walang lasing na malaglag. Luckily, low tide ngayon kaya there's no chance na malunod kami kung sakaling mahulog man.

This is my first time coming here. I realized that I'm with Greg. So this is a first time together with him?

Standing is not comfortable so I decided to sit down. Inilabas ko ang dalawa kong paa sa pagitan ng railings tsaka tinawag si Greg para maupo. I am very confident that our talk will go smoothly kahit na naka-inom siya.

Nang maka-upo siya gaya ng ginawa ko ay agad akong nagsalita. "You already know the reason why we're here right?"

He nodded. "Hindi siya panaginip lang Verity. Nasisiguro kong totoo ang lahat ng nakita ko sa panaginip ko."

"'Yon din ang tingin ko. I'm just wondering kung bakit. I don't want to engage with medical people because I'm afraid of their judgments. This is not about my health."

"Sana matulungan tayo ni Ogre pero wala rin siyang alam." Bumuntong hininga siya at tumingala sa langit.

I didn't notice the scattered stars in the firmament. Their twinkles made my self at ease. It's comforting mixed with the sounds of waves coming from the sea. Sana ganito nalang parati.

Dahil hindi ako naka-ponytail, nagiging sagabal ang iilang hibla ng buhok ko sa mukha.

"May panyo ako," sabi ni Greg at kinuha ang panyo niya sa bulsa. Tatanungin ko na sana siya nang hawakan niya ang buhok ko at ipunin ito. "Ginagawa ko ito minsan kay Nanay."

Akala ko i-memention niya ang pangalan ng girlfriend niya dahil hindi ako magdadalawang isip na tanggihan siya. Wala rin kasing lamang panyo ang purse ko. Wet wipes meron.

"Thanks," sabi ko at hinawakan ang buhok ko kung ayos lang ba ang pagkakatali and he never failed me. Maayos niyang nagawa ang buhok ko.

"Mali ang iniisip mo Verity hindi ako bakla." Natawa ako sa sinabi niya. Bakit niya naisip ang bagay na yun?

"Honestly, hindi ko naisip yang sinabi mo."

Bigla akong nakaramdam ng lamig. Isang beer in can pala.

"Sa'yo nalang ito tutal ay tapos na akong uminom kanina. Isa lang kasi ang nadala ko."

Iniling ko kaagad ang ulo ko biglang pag-disagree. "I don't feel like drinking. Sa'yo na yan."

Wala siyang ibang sinabi at in-open niya ang beer at tinungga iyon.

"Kailan natin masasagot ito?" Napatingin ako sakanya. Nakatingin lang siya ng diretso. Kailan nga ba?

Gustong-gusto ko na na masagot ang mga gulo sa utak namin. Bakit ba kami yung binigyan ng ganitong klaseng problema? Anong koneksyon namin? Was it really our past life because I'm scares that it will repeat again in our present life.

"Darating din tayo sa oras na 'yan. I'm confident but I'm having no enough patience. It's running out."

"S-sa tingin mo ba magkakatuluyan sila?" Bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. Binalik ko ang tingin ko sa dagat dahil hindi ako komportable sa tanong niya.

"S-siguro?" Nauutal kong sagot. Awkward kasi ang tanong niya. Tinatanong kung magkakatuluyan ba ang Verity at Greg sa panaginip namin.

"Grabe rin no? Parehas ang pangalan nila sa atin. Sobrang creepy kung pati surname ay parehong-pareho." Pag-iiba ko ng usapan. Nakakapanlamig kasi yung mga salitang lumalabas sa bibig ni Greg e.

Narinig ko ang pagtunog ng pag-flatten niya ng tin can kaya medyo napatingin ako sakanya.

"Sorry for the noise."

"Wala yun."

Bumalik ulit ang katahimikan sa pagitan namin. I was expecting for our talk to be more. Hindi yung ganito.

"Hmm.. napanaginipan mo rin ba ang tungkol sa akin? I mean.. yung ako? Nakita mo ba ako sa panaginip mo na ako lang?" Binasag ko ang katahimikan namin sa pagtatanong ko. I was really curious if we shared the same dream.

"Hindi e. Ang napanaginipan ko ay yung mga moments lang na kasama kita.. I mean.. yun na nga."

"Akala ko kasi parehas tayo. Kaya pala nakatulog ako ng 3 days straight dahil buong-buo ang napapanaginipan ko."

"Baka sa susunod na pagtulog natin ay malalaman na natin ang kasagutan."

"You've got a point there. Pero mula nang magising ako ay hindi na ako binabagabag pa."

Tumingin siya sa akin, particularly sa suot ko. "Lumalamig ang hangin di ka ba giniginaw?"

"Hindi naman.. medyo lang," sagot ko at niyakap ang sarili.

"Isuot mo muna ito," inabot niya sa akin ang polo na suot niya kanina. Tinignan ko siya at nakitang pinailaliman pala niya ito ng white shirt.

Nahihiya man ay tinanggap ko ang polo na ibinigay niya at isinuot sa sarili ko. Narinig ko siyang sinabi na kung bakit ba mahilig ang mga babaeng magsuot ng sinusuot ko ngayon kapag gabi e malamig naman.

"May sinasabi ka Greg?"

"W-wala wala."

Humikab ako at naigalaw ko ang kamay ko kaya nasagi ko ang braso niya. He flinched with my move. Kinabahan ako doon.

"Thank you for lending me your polo," pasasalamat ko dahil hindi ko pala iyon nasabi kanina.

Dumaan ang malakas na hangin at naririnig namin ang pagbagsak ng mga niyog. Tinignan ko ang paligid namin at hindi naman siya danger zone sa mga falling coconuts. Yun nga lang ay may dahon na naman na napunta sa ulo ko. Hindi ko pa malalaman kung hindi pa sinabi ni Greg.

"Ako na ang kukuha baka masira pa yung ponytail mo." Lumapit siya sa akin kaya nagtama ang mga binti namin. In-extend niya yung kamay sa ulo ko. Hindi na ako nag-effort na ibaba ang ulo dahil abot naman niya. Ramdam na ramdam ko ang mabibigat niyang hininga at naamoy ko ang beer na ininom niya.

Masyado siyang nag-exert ng effort sa pagkuha ng mga kung ano sa buhok ko kaya medyo nawalan siya ng balance kahit nakaupo siya. Tumama ang katawan niya sa akin pero hindi tuluyang natumba dahil natukod niya ang kamay niya sa sahig at nahawakan ko naman ang balikat niya.

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Bakit ako kinakabahan e hindi naman kami nalaglag? Maling-mali ang pag-angat ko ng tingin dahil nagtama ang paningin namin. His eyes were fixed to mine and I was too, to his. Blinking is the least I will do now.

Nakita ko siyang lumunok at bumaba ang tingin niya sa labi ko. This is wrong but why does it feels legal? Wake up Verity! This is not a dream!

Iiwas ko na sana ang mukha ko when I realized what will be the benefit if I'll accept his kiss. Maybe it will trigger to make us remember our past life. It might be one of the only way other than sleeping. We're in a rush at hindi dapat palagpasin ang mga pagkakataong kagaya nito. I then relaxed my self and closed my eyes. In a flash, he succeeded in capturing my lips. I was taken aback and my eyes widened. My hands still remained on his shoulders. Mas mabuti iyon para hindi ako mawalan ng lakas. As I closed my eyes, his lips started moving and unknowingly, I give him the privilege. The kiss is slow and passionate. Ramdam ko ang pag-iingat niya sa bawat paggalaw niya. His left hand held my nape and pushed me towards him.

Ang mga kamay kong nakahawak sa shoulders niya kanina ay nakahawak na sa isa't isa ngayon sa likod ng batok niya. I clung to him. Mas inilapit din niya ang katawan niya sa akin. I'm just thankful na hindi malikot ang kamay niya.

I tasted the flavor of the beer he drunk earlier. This is the first time I kissed like this. Another first time with Greg. Naging mapusok ang mga halik niya ganun din ang akin. There was a fire between us. His kisses went to my jaw and my eyes were closed to feel it. Binalik niya ang labi niya sa labi ko for a quick kiss when he suddenly went down on my neck.

"Gr-greg.." sabi ko na lamang dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Dahil nakakapit ako sakanya, nagkaroon ako ng easy access para mas idiin pa niya ang mukha niya sa leeg ko.

Everything went fantasy. Hanggang sa nakita ko ang sarili naming dalawa na nagtatakbuhan sa daan habang tinatakasan ang humabol sa amin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top