Chapter 41
Confused. Iyan ang tamang salita para i-describe ang nararamdaman ko ngayon. Mahal ko si Rose Ann. Ramdam ko na mahal ko siya pero parati kong naaalala si Verity tuwing maaalala ko na mahal ko si Rose Ann. Para niyang inaagaw ang pwesto ni Rose Ann sa puso ko at pilit niyang inaagaw ang atensyon ko. Ang gusto kong itanong ay kung ang nararamdaman ko para sakanya ay totoo ko bang nararamdaman sa totoong buhay o dahil lang sa panaginip ko?
Hinatid ko pauwi si Rose Ann kanina. Masaya siya sa nangyari sa amin ngayong araw. Halatang halata sa mukha niya na hindi niya pinagsisihan na bigyan pa ulit ako ng chance. Napaka-genuine ng mga ngiting ibinigay niya kanina at para akong pinapalo ng sarili kong konsensya dahil yung kasiyahan niya ay hindi ko mahihigitan.
"Please don't let me down.. pangako ko sayo na magiging masaya ka sa piling ko Greg. If you'll fight with me, we will win the battle together."
Iyon ang sinabi niya kanina bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi man lang siya naghintay ng isasagot ko pero ayos lang yun dahil wala naman akong maisasagot.
Habang nagmamaneho ako ay inuusig ako ng konsensya ko. Na sana itinigil ko nalang ang relasyon namin para walang masasaktan dahil sa huli may masasaktan talaga. Ang kaso, ayaw ko siyang pakawalan dahil kumakapit pa rin ako sa mga paano ko. Paano kung kami nga sa huli? Paano kung pagsubok lang ito sa amin na magpapatatag sa relasyon naming dalawa?
Binuksan ko ang pinto ng bahay namin at nadatnan ko si nanay na nagpapatulog sa kapatid ko. Nagmano ako sakanya at hinalikan sa noo ang baby.
"Bakit parang matamlay ka Greg? May problema ba?"
Nginitian ko lang si nanay ng tipid tsaka sumagot. "Napagod lang sa pagmamaneho Nay."
Kung alam lang siguro ni Nanay na kami ang magkasama ni Rose Ann kanina at umuwi ako ng matamlay ay siguro sunod sunod ang mga tanong niya sa akin.
Dumeritso ako sa kusina tsaka binuksan ang refrigerator para kumuha ng pineapple juice in can at tinungga yun. Napaka-refreshing talaga ng pineapple. Matapos kong uminom ay pumasok na ako sa kwarto ko, nagbihis at nag-toothbrush.
"Greg?" Tawag sa akin ni Nanay kaya tumayo ako para buksan ang pinto.
"Bakit Nay?" Nasa sala lang siya habang ako ay naka-sungaw lang ang ulo sa pinto.
"Dadating na yung Tatay mo. Magpapasama siya sa'yo sa hospital para bisitahin yung Ninang Rosita mo na inatake kanina."
"Ay hindi ko po yan kilala Nay. Wala akong naalalang namigay siya sa akin noong pasko," matamlay kong sagot.
"Sinusukat ba yan sa pamimigay ng regalo Greg? Nagbantay yun sayo noong bata ka pa! Tumae ka pa nga sa kandungan niya e."
"Joke lang Nay!"
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin para tignan kung ayos lang bang ipunta sa hospital itong suot ko. Pero syempre pag-uwi magbibihis ako dahil alam niyo na hospital ang pupuntahan ko. Maraming mga bacteria ang lumilipad, naglalakad, nagswiswimming at nag-cra-crawl kaya kailangang disinfected.
"Ako na po ang magtatanong sa nurse's station kung saan ang room niya Tay," pagprepresenta ko.
"Okay na. Tinext na sa akin kanina kung saan ang room. Nasa second floor. Doon kasi naka-confine ang mga hindi pedia."
Madali lang namin nahanap ang kwarto. Isa siyang ward na may pitong kama pero tatlo lang ang okupado tsaka irconditioned siya. Nagmano ako sa ninang ko. Sa tingin ko ay okay lang ang lagay niya dahil pagpasok namin chika siya ng chika sa mga kapwa niya pasyente. Nagkumustahan lang kami at si Tatay na yung kumausap talaga sa kanya.
Bored na bored ako sa loob kaya nagpaalam muna akong lumabas. Nakakapagod kaya yung hindi ka makarelate sa pinag-uusapan. Gusto ko na sanang matulog.
Kanina pagpasok namin dito ay may nakita akong parang sala sa gilid ng nurse's station kaya doon ang punta ko. May dalawang matandang lalaki lang ang naka-upo kaya okay lang. Umupo ako na naka-de kwatro at itinukod ang siko sa may tuhod habang nakahawak ang kamay ko sa noo ko para makatulog ng kaunti.
Ilang sandali pa ay nadisturbo ako dahil nasagi ang paa ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at muling bumalik sa ginagawa kanina. Kaso na-distorbo ulit ako ng maramdaman ko ang iilang hibla ng buhok na dumadampi sa pisngi ko. Pagbuka ko ng mata ay nadatnan ko ang isang babaeng nakatalikod sa akin na hindi nakatali ang buhok. Nakaharap pala siya sa electric fan kaya ang direksyon ng buhok niya ay papunta sa akin. Walang konsiderasyon sa ibang tao ang babaeng ito.
Nagulat ako ng bigla itong lumingon sa akin at bumungad sa gulat kong mukha si Evianna.
"Oh hi Greg?" Napipilitan niyang sabi na sobrang halata. Pwede namang hindi lang niya ako batiin dahil hindi ko naman ikakagalit iyon.
"Hello," tipid kong sabi at ginawa ulit ang ginagawa kanina. Sorry wala akong panahon sayo Evianna! Lol feeling pogi Greg?
"Verity's confined in the third floor room 405." Bigla niyang sabi at nakatingin sa akin.
"So?"
Iyon nalang ang nasabi ko.
"So what? Duh! Edi pupuntahan mo! You're in the hospital right? If you're not a patient or a doctor, a nurse, a midwife, a medtech, a janitor then you're a visitor. A visitor visits a patient. You're a visitor and Verity's a patient. Gosh Greg.. I'm too stressed because of you."
Padabog siyang tumayo tsaka lumapit sa elevator. Naiwan akong nakanganga dahil napaka-weird ng sinabi niya. Nakakabobo. Promise.
Naalala ko kanina yung narinig ko. So andito talaga si Verity sa hospital at gising na siya. Anong nangyari sa kanya? Pupunta ba ako o hindi? Wala akong dala para ibigay sa kanya.
"Don't be shy Greg. Go! Go! Go!"
Halos lumuwa ang puso ko dahil narinig ko si Ogre.
"Bakit andito ka?"
"Binisita si Verity. Syempre ako guardian angel nun. Mabuti nalang at andito ka rin para isahang bantay nalang hehehe. Tara punta tayo kay Verity."
Wala akong nagawa kundi sundin si Ogre. Walang magawa o gusto lang talaga makita? Naku Greg mga palusot mo. Lagot ka kay Rose Ann!
Nasapo ko ang noo ko dahil nakalimutan ko siyang tawagan o i-text pag-uwi ko. Kaya kinuha ko kaagad ang cellphone ko para magtipa ng mensahe. Matapos masend ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Nasa tapat na ako ng room ni Verity at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Ogre.. what will I do?"
"Open the door syempre. Gusto mo pa ba ng tutorial?"
"Wala kang kwenta kausap!"
"Ikaw ang walang kwenta kung hindi ka papasok sa loob."
Kumatok muna ako. Ayaw kong magpadalos-dalos na pumasok lang. Kung sana ay mayroong magbubukas mas mabuti yun kesa ako ang magbukas. Narinig naman ang hiling ko dahil bumukas ang pintuan at nakita ko ang mukha ni Annabelle.
"Hello Kuya Greg!" Kinawayan niya ako kaya kumaway ako pabalik.
"Pasok ka.. mabuti at napadalaw ka."
Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko si Verity na kumakain ng grapes habang naka-upo sa kama niya. Nakasuot din siya ng hospital gown. Nag-flashback tuloy yung araw na ako yung binisita niya sa hospital.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Ngumiti ako sakanya bago naghanap ng mauupuan.
Kwestyonable muna niya akong tinignan. Well hindi ko siya masisisi kung naguguluhan siya kung bakit ako biglang bumisita sakanya. Sana nalang ay i-appreciate niya ang presence ko ngayon.
"Gonna need sometime alone. Enjoy each other!" Pamamaalam ni Annabelle kaya kaming dalawa nalang ang natira dito. Mas lalo akong hindi komportable. Walang sagot si Verity sa unang tanong ko kaya in-explain ko sakanya kung bakit ako nakabisita sakanya.
"Binisita namin ni Tatay yung ninang ko na nasa second floor. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Evianna sa baba tapos sinabihan niya ako tungkol sa'yo kaya nandito ako. Wala ring sinabi si Ogre sakin."
"Kasama mo pala si sir? Ahh.."
"Oo at tsaka di rin ako magtatagal dito. Dumaan lang talaga ako dahil sinabi sa akin ni Evianna."
"So kung di sinabi ni Evi di ka pupunta?"
"Siguro dahil di ko naman alam."
"Okay."
Natahimik kaming dalawa. Naudlot lang ng nag-offer siya sa akin ng grapes na kinakain niya.
"Thank you," kumuha lang ako ng isa at kinagatan lang yun, hindi sinubo kaagad. Ayaw ko namang ubusin ang grapes niya baka awayin pa ako.
"Di pa ba kayo aalis?"
Tinignan ko ang rolex ko na relo at nakitang tatlong minuto pa lang naman.
"Wala pa namang five minutes. Dito muna ako," pangangatwiran ko.
"Gusto mo pa magstay kasama ako?"
Medyo natigilan ako sa tanong niya. Ganun ba ang ibig sabihin ng sinabi ko? Na gusto ko pang magstay? Nag-aalburoto na tuloy ang puso ko. Hearty heart please stop. Ayokong gumawa ng kasalanan. Nasa ten commandments yun e, "You shalt not covet your neighbors wife."
Pilit muna akong tumawa dahil naghahanap pa ako ng sasabihin. "Haha.. e.. hehe.. di naman.. medyo nakakahiya diba kapag aalis ako kaagad parang walang respeto?"
Sumubo pa siya ng isang grapes. Ang ganda niyang sumubo at ngumuya ng grapes. Nag-slowmotion, lumiwanag at kumikinang siya sa paningin ko. Never ko pa itong na-experience kay Rose Ann yung kumikinang siya habang may maliliit na stars na nag-bliblink.
"May problema ba tayo sa mukha ko?"
"Kumikinang ka kasi.. hehe.."
Huli na pala ng napagtanto kong nasabi ko ang na-iimagine ko sakanya.
Napakurap siya ng ilang beses at mukhang nabilaukan. Wala akong naitulong dahil may roon namang bottled water sa tabi niya at kinuha niya yun para makainom.
"P-pwede ka nang umalis!"
Tumayo na ako ng walang pagdadalawang-isip at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya.
---
"
Magbibisekleta po ako ngayong araw Tay.."
Ilang araw ko na ring hindi nagagamit ang bike ko dahil na-flat yung dalawa nitong gulong at wala akong time para maiayos iyon. Noong isang araw pa ito naayos at kaninang madaling araw hinatid.
"Sige Greg."
Nagpaalam na ako at pumanhik na. Pagdating ko ay pinark ko kaagad ang bike tsaka pumasok sa loob ng school.
May mga iilang estudyante akong kasabayan sa paglalakad. Medyo maaga pa rin kaya hindi masyadong pack ang grounds ng school. Nagpahinga muna ako sa ilalim ng puno, nakatayo habang nakasandal doon.
"Hi Greg!"
Ngumiti ako at binati si Ogre na hindi sa utak. "Hi Ogre. Hahaha."
"Good mood ah?"
"Ako kasi yung binabantayan mo ngayon e. Kamusta si Verity?"
"Lalabas na yun ng hospital ngayon."
"Good to hear. Ano ba kasing nangyari sakanya? Bakit bigla siyang na-hospital?"
"Ewan din e. Pwede ka bang makausap mamaya? May gusto lang akong sabihin."
"Kung ano man yan, pwede mong sabihin sakin. Pasok muna ako."
---
Hapon na at nasa loob ako ng library. Kunti nalang ang estudyante sa loob. Sa tingin ko'y ang iba sa kanila ay tinatapos ang mga projects at assignments na deadline ngayon.
Napili kong umupo sa pinakahulihang bahagi ng library para hindi ako madistorbo. Okay na okay 'to para makapag-usap kami ni Ogre.
"May problema ba tayo Ogre?"
"Nalilito nga rin ako Greg e. Kahapon lang parang may nararamdaman akong kakaiba."
"Kakaiba? Anong ibig mong sabihin?"
"Naka'y Verity ako kahapon diba? Dumating yung kaibigan niyang si Annabelle at pumasok sa cr."
"HOY OGRE! BINOSOHAN MO SIYA? KAYA KA NAKARAMDAM NG KAKAIBA?!"
Hindi ako nakapagpigil at napasigaw nalang ako ng wala sa oras. Hindi naman masyadong malakas kaya walang sumita sa akin.
"Napakabastos mo namang mag-isip! Sinundan ko siya loob. Bago ka mag-isip ng iba, gusto ko lang sabihin sa'yo na naghugas lang siya ng kamay kaya kumalma ka."
"Sorry naman! Sino ba namang matinong tao ang susundan ang isang babae sa cr diba? It doesn't make sense."
"It makes sense dahil di ako tao Greg! Wala akong katawang lupa kaya pwede kong gawin ang gusto ko. So back to business.. ayun nga nang makapasok ako ay sa tingin ko naramdaman niya ako.."
Boses lang ang naririnig ko kay Ogre. Boses na pwedeng maging instrumento para malaman ng kausap mo ang nararamdaman mo kung nasasaktan ka ba o nasisiyahan.
Base sa boses niya ay nalilito sya at naguguluhan.
"Hindi ko siya ma-explain e. Isa lang ang nasisiguro ko sa nararamdaman ko, yung parang pakiramdam na mayroon kang katawan."
Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Ba't niya alam ang feeling ng may katawan?
"Sa langit ba may physical identity ka? Yung may mukha, mata, kilay?"
"Wala man akong katawan dito pero doon meron. Mas gwapo nga ako sa'yo kung tutuusin."
"Edi mas okay yun! Magiging tao ka na? Pwede kang maging side kick ko."
"Ano ka super hero? Manahimik ka nga Greg! Ganito kasi yan.. wala pa akong nakikilalang anghel na nagiging tao o nagkatawang tao. Wala rin akong mga narinig na chika tungkol doon kaya sobra akong nacucurious."
"Itanong mo sa Itaas baka masasagot niya ang tanong mo o di kaya'y kay San Pedro. Hehehe."
"Wag kang mag-joke Greg baka marinig ka ni San Pedro. Ako ang malalagot pagbalik ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top