Chapter 40

---
GREG

Hawak hawak ang g-tech ko ay paulit-ulit ko itong tinatapik sa desk. Bahala na kung hindi na ito gagana may pambili naman ako ng bago. Kanina pa ako.. ay hindi! Palagi pala akong ganito tuwing vacant time namin. Ilang araw ko nang napapanaginipan ang napaka-weird na panaginip. Detalyadong detalyado kasi at kapag nagigising ako hindi ko nakakalimutan. Napapa-isip ako minsan kung anong ibig sabihin nun.
Tinatanong ko si Ogre kung anong nangyayari pero palagi lang niyang sinasabi na wala rin siyang alam. Simula't sapul ay wala talaga siyang alam kaya kapag nagigising ako mula sa panaginip ko ay minamadali ko itong isinulat para maitagpi-tagpi ang lahat at para na rin hindi ko makalimutan.

Natigil lang ako sa pagmumuni-muni nang kalabitin ako ng kaklase ko. "Greg naghihintay sayo si Rose Ann sa labas."

Napatayo kaagad ako dahil hindi ko inaasahan na darating ang oras na ito. "Kanina pa ba siya jan?"

"Ngayon pa lang yan. Swerte mo sa jowa mo ha kasi siya pa ang nag-effort na puntahan ka rito."

Paglabas ko ay nadatnan ko siyang nakahilig sa pader habang pikit ang mga mata. Napangiti nalang ako dahil nararamdaman ko na hindi niya ako matiis. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo.

Nalilito pa ako kung ano ang itatawag sa kanya. Babe ba or Rose Ann? Siguro Rose Ann nalang baka marinig kami ng teacher dito at ipa-guidance pa kami hehehe.

"Napadalaw ka?" Ako ang unang nagsalita at binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Umaasa akong susuklian niya ang ngiti ko pero nanatili lang siyang naka-poker face.

"Good afternoon pala.." mali ata ang una kong sinabi kaya nanatili lang ang expression niya. When will you grow up self?

Magtatanong sana ako kung anong problema nang marealize ko kung ano ang nangyari sa amin. Hindi pala kami okay!

"M-mas mabuti kung bu- .. mahaba ang oras na mag-uusap tayo.." natataranta kong sabi. Kailangan talaga naming mag-usap para magiging maayos ang takbo ng relasyon namin. Nag-explain na naman ako sakanya sa mga nangyari, desisyon na niya talaga ang hihintayin ko.

Nakita kong bubuka na sana ang bibig niya nang mag-ring ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase. Naglalakad na rin papunta sa classroom namin ang subject teacher namin.

"Tatawagan kita Rose.. hintayin mo ang tawag ko ah?"

----

Nasa Calle Amigos kami ngayon ni Rose Ann. Ito kasi ang napili niya para makapag-usap kami. Sampung minuto pa kaming nandito at naghihintay ng order namin.

Awkward na awkward ang atmosphere naming dalawa. Para ngang may naririnig akong crickets e at wala rin akong lakas ng loob para unang magsalita. Matagal na ring hindi kami nagkikita at nagkokontak sa isa't isa. I gave her the space she wanted at eto kami ngayon.. hindi alam kung ano ang gagawin.

Binaba ko ang tingin ko sa puting lamesa at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat gawin, kung anong mga salita ang dapat kong sabihin at kung matatanggap pa ba niya ko ulit. Ayaw kong magsalita na hindi niya magugustuhan dahil yun ang mga nagagawa ko sa nakaraan. Nag-lolook back din naman ako sa mga pinaggagawa ko. I know my mistakes and I'm hoping I won't do the same thing again.

Dumating ang order at nagsimula kaming kumain. Tahimik lang kaming dalawa. Walang imikan at walang pansinan. Ano na nga ba ang gagawin ko?

"Ang sarap pala ng pagkain nila. Thanks for bringing me here," malumanay kong sabi. Sana ay okay ang sinabi ko para mapukaw ko ang atensyon niya.

"You're welcome.." tipid niyang sagot. Napagdesisyonan ko na mas maigi na ubusin muna namin ang pagkain bago mag-usap dahil ayaw kong nasasayang ang pagkain. Ang dami kayang nagugutom sa buong mundo.

"I'm really sorry.." ibinigay ko ang atensyon ko sakanya at tinignan siya ng maigi sa matatamlay niyang mga mata. Nakokonsensya ako dahil alam ko sa sarili ko na ako ang nagdudulot niyan. Na nakaya kong ibahin ang kislap ng kanyang mga mata. I didn't expect that I can be this fool.

Paulit-ulit niyang kinukurap ang kanyang mga mata at napakagat siya ng labi halatang nagpipigil sa pag-iyak. Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya dahil alam kong nanginginig iyon at gusto kong bigyan siya ng lakas ng loob. Pero.. pero di ko magawa. Her hands are out of reach at ayaw kong gumawa ng hindi niya magugustuhan.

"Kasalanan ko ang lahat. Naging insensitive ako. Nagpadalos-dalos ako sa desisyon ko at hindi man lang inisip kung ano ang magiging reaksyon mo. I was too naïve and I admit it. Maaaring minsan naiisip mo na wala akong kwentang boyfriend dahil napaka-childish at immature ko na hindi ko narealize kaagad. Akala ko kasi normal lang yun sa isang tao. Pasensya na dahil kunti lang ang alam ko sa mundo."

Sa pagkakataong ito, kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinahid sa pisngi niya dahil sa mga luhang umaagos. Naiiyak ako pero nakakayanan ko namang pigilan at isa lang ang ibig sabihin nito. Sa aming dalawa siya ang nasasaktan at hindi ako. Masakit sa parte ko pero mas nangingibabaw ang konsensya.

"M-mahal kita Greg at gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sayo.. pero ang sakit mo palang mahalin?" Natawa siya bigla habang umiiyak. Nanatili lang ang atensyon ko sakanya at nakikinig ng maayos.

"You are so easy to love dahil wala kang sabit plus you're innocent. Sino bang hindi magkakagusto sa lalaking katulad mo diba?"

Sasagutin ko sana siya nang: Wala namang nagkakagusto sa akin maliban sayo. Kaso ay mali ata iyon.

Ang mga salita niyang binibitawan ay tumatagos talaga sa puso ko. Ang swerte ko talaga sakanya dahil minahal niya ang isang katulad ko. Gago ako kung bibitawan ko siya at hayaang makuha siya ng iba.

"Geez.. gising na si Verity!"

"After 4 days she's awake!"

Sa hindi malamang dahilan ay napatayo nalang ako at tinignan ang dalawang babaeng nagsasalita. Anong nangyari kay Verity?

"Ang sakit mo talagang mahalin Greg," madiin niyang sinabi. Napabalik lang ako sa wisyo ko ng marinig ko siyang magsalita. Don't be disturbed Greg! Mag-focus ka sakanya if you want to win her heart back.

Pilit ang ngiting ibinigay ko sakanya kasi wala akong masabi. Nadagdagan na ulit ng 100% ang konsensyang nararamdaman ko para sakanya. Kailan ba ako matututo?

"I'm sorry.. medyo masakit yung binti ko dahil namamanhid kaya kailangan kong tumayo."

"I-it's okay. I just need to go to the rest room."

Napalo ko ang sarili ko dahil sa kahibangan. Paano ko ba maatim na e wala ang focus ko sakanya dahil narinig ko ang pangalan ni Verity? Ano bang meron sa kanya para bigyan ko siya ng pansin?

Bumalik si Rose Ann na namamaga ang mga mata. Alam ko ang dahilan niyan-- ang kagaguhan kong taglay. Tumayo ako at hinawakan siya sa kamay at dinala siya sa rooftop ng mall kung saan ay wala masyadong taong nakatambay. Iginiya ko siya sa pag-upo sa isang bench na gawa sa kahoy at metal habang tanaw ang lungsod ng Pazdeña.

Kinalas niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko kaya naikuyom ko nalang ang kamay kong nagpipighati. Isang ruler ang agwat namin kaya nararamdaman ko na gusto niyang magkaroon ng peaceful na pagkaka-upo.

Bumuntong hininga ako at nagdasal na sana ay bigyan ako ng lakas para bumalik siya sa akin. Lumingon ako sakanya tsaka nagsalita.

"Can I have you back?" Buong sinseridad ang pagbigkas ko sa bawat salita. Bigla akong tinamaan ng kaba hindi dahil natatakot ako na baka ayaw na niya kundi dahil ako ang hindi sigurado sa sinabi ko. Pwede pala yun? Yung sinabi mo ng buong puso pero bigla-bigla kang malilito.

"Natatakot ako kung anong pwedeng mangyari sa atin Greg. Natatakot ako na balang araw ay iiwan mo ako. Natatakot ako na balang araw ay susumbatan mo ako na ayaw mo na at nawala na ang pagmamahal mo para sa akin. Ayaw na ayaw kong dumating tayo sa panahon na iyon pero ayaw ko namang hayaan nalang ang oras na lumipas na hindi ka kasama at hindi namnamin ang pagmamahal mo sa akin. Habang mahal mo pa ako, habang mahal pa kita, habang nagmamahalan tayo ay bigyan natin ng chance ang isa't isa. Mga bata pa tayo, alam ko. Kaya't let's take the risk kahit pa sa huli ay hindi tayo. Kahit pa dumating ang araw na marealize mo na hindi mo pala ako lubusang mahal sa mga araw na sinasabi mong mahal mo ako at ako lang."

Nanginginig ang mga mata kong tumitingin sa kanya dahil natatakot ako na baka magka-totoo ang sinasabi niya. Ngumingiti siya pero sobrang klaro na natatakot siya kagaya ko. Tama siya. Bata pa kami at mahabang panahon pa ang lalakbayin naming dalawa. Parehas man kami ng dinadaanan ngayon, baka sa pagdating ng araw ay makakita kami ng dalawang daan na maaaring makapaglayo sa aming dalawa. At sa huli ay iiwan namin ang isa't isa.

Sa ilalim ng puso ko.may umaapaw na ibang emosyon.. para sa ibang tao. Alam kong maling-mali ang nararamdaman ko ngayon. Bakit kaya kung kailan kailangang patatagin ang isang relasyon doon uusbong ang ibang tao? Pilit kong iwinawaksi ang nararamdaman sa ilalim ng puso ko pero hindi ko na maipagkakaila ngayon dahil kahit nakadilat ako ay nakikita ko ang mga pangyayari naming dalawa na sa panaginip ko nakikita. Oh hell Verity!

Nagmamadali akong kinukurap ang mga mata ko dahil sobrang kalabisan na talaga ang nangyayari ngayon. Sobrang masasaktan ko si Rose Ann at alam kong di niya deserve na masaktan ng sobra dahil mabuti siyang tao.

"Kahit anong mangyari ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa'yo. Hangga't maaari hindi kita bibitawan anumang mangyari. Sana ay tulungan mo ako sa mga panahong nag-iiba na ako ng landas." Hinawakan ko ang pisngi niya at inalis ang mga lumandas na luha. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil ngayon pa lang ay hindi ko alam kung mapapanindigan ko ba ang mga sinasabi ko sakanya.

Unti-unti kong inilapit ang sarili ko sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Naririnig ko ang mga hikbi niyang nagdadala sa akin ng sakit. Guilt is consuming me. Wala akong magawa kundi haplusin lang ang kanyang likod para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

"Promise me Greg.." nakikiusap ang mga mata niya at sobrang hirap hindi-an ang sinabi niya. Imbes na sumagot ay dumako ang mata ko sa mga labi niyang namumula na. Dahan dahan kong ipinikit ang mata ko at doon ko lang talaga ipinikit ng maramdaman kong nasa mapupulang labi niya na ako. Bumaba ang kamay ko sa bewang niya habang ang isa ay nakahawak pa rin sa mukha niya. Ang dalawa naman niyang kamay ay pinulupot sa leeg ko.

Rose Ann.. patawarin mo ako dahil hindi ikaw ang nakikita ko..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top