Chapter 4
GREG
Paulit ulit kong inuuntog ang ulo. Bakit ko ba ginawa yun?
"Ahhhhhhhhh!!!" Sinabunutan ko ang sarili ko. Gusto kong magwala! Hindi nila nagustuhan ang ginawa ko. Hindi nila nagustuhan yung LA KAYONG MAMA! Baka hindi sila updated sa kung anong uso ngayon? Hindi ako faddist pero maganda naman yun. Kahit wala akong sns ay updated pa rin naman ako ah?
Paano na ako haharap sakanila? Baka magkatotoo yung mga bulungan dati. I want to live longer!
Mag-apologize kaya ako? Mas mabuting gawin yun. Inaamin ko na may kasalanan ako pero mas malaki ang kasalanan ni Evianna. Wala siyang karapatan na pagsalitaan ng hindi maganda ang isang matanda. Sabagay, makakarma naman siya kasi matanda iyon at hindi na ako nag-abala pang sumali sa gulo nila. Pero nakakaawa naman kasi yung matanda.
Hinawakan ko ang panga kong may bangas. Ang lakas ng pagkakasuntok niya. Paniguradong pati siya nasaktan sa ginawa niya. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa ginawa niya.
Ginawa kong salamin ang camera ko at tinitigan kung lahat ng ngipin ko ba ay nakatayo pa. "Mabuti nalang at maayos pa kayo."
Bigla kong naalala ang salamin kong tinapakan niya kanina. "Nakakainis siya! Hindi dapat ako mag-apologize dahil wala naman akong ginawang masama. Hindi ako pisikal na nanakit at siguradong hindi naman masakit yung LA KAYONG MAMA kasi nga uso yun."
Sana hindi ko nalang sinuot pabalik yung salamin na yun at yung bago ang isinuot ko. Lagot ako kay nanay nito! Ang mahal pa naman nun. Ayokong mabawasan ang baon ko. Huhuhuhu. Speaking of baon, sayang yung pera kong binato kay Evianna. Kahit na tig pipiso at 25 cents yun marami naman yun at nagbato pa ako ng bente pesos. >________<
Simula makabalik ako sa bahay ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto. Panigiradong makikita nila tong pasa at sugat ko ngayon. Kung maglalagay naman ako ng band-aid ay hindi sapat ang isa kaya mahahalata nila na may hindi magandang nangyari. Hindi pa naman ako marunong magsinungaling.
7 pm na kaya paniguradong tapos ng magluto si nanay o matatapos pa lang. Saktong paglabas ko ay nakahain na lahat sa lamesa. Nagtaka ako kung bakit nasa dining area nakahanda ang pagkain namin at madami pa ito. Dati kasi ay sa dirty kitchen lang kami kumakain.
Isang long table ang nasa dining area namin na pwedeng mag-okupa ng limang na tao sa bawat gilid at tig isa naman sa dulo. Hinanap ko kaagad si nanay at nakita ko siyang nakaupo sa terrace kasama si tatay. May kausap siya sa cellphone niya.
Sino kaya ang bisita namin?
Chineck ko ang pocket notebook ko kung may gawain ba kami bukas. Wala namang assignment o reporting o quiz kaya hindi na ako nag-abalang tumingin sa mga libro ko. Pagkalabas ko ay nasa sala na silang dalawa.
"Nay, Tay, bakit ang daming handa? Tsaka ikaw lang ba ang naghanda ng lahat na yun nay?"
"Malalaman mo rin mamaya Greg. Hehehe. Nag-order lang ako sa labas tsaka pupunta ang lolo at lola mo dito kasama ang mga tita at tito mo. Malapit na silang dumating."
Ano ka yun?
Kumuha ako ng plato at kutsara para maunang kumain kasi paniguradong hindi ako makakakain mamaya kapag nandito na sina lolo at lola. Ang grandparents ko na pupunta dito ay ang mama at papa ni nanay. Patay na kasi ang grandparents ko sa side ni tatay.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para hindi nila ako maabutan baka pagalitan ako. Nagbihis din ako para magmukhang presentable sa harapan nila.
"Magandang gabi po." Bati ko sa kanilang lahat at isa isang nagmano.
Kasama nina lolo at lola ang tatlong kapatid ni nanay. Magkasunod lang silang dumating ng dalawang kapatid ni tatay.
"Greg kumusta ang pag-aaral mo dito?" Bungad kaagad sa akin ni lola. Si lola ay hindi na nagtratrabaho. Bago siya magretire ay naging Division Superintendent siya. Habang si lolo naman ay nagretiro narin bilang isang Municipal Engineer.
"Maayos naman po ma. Hindi naman po ako nahihirapan sa mga subjects namin at madali ko naman pong maintindihan lahat." Isa sa pagmamayabang pero totoo ang sinasabi ko. Tsaka mama ang tawag ko kay lola habang papa kay lolo.
"Kaya naman pala mayroon kang pasa at sugat kasi maayos ang pag-aaral mo." Sagot niya sa akin. Nakalimutan ko nga palang itago to! Huhuhu life.
"Ma, hindi naman po sa ganun. Totoo pong maayos ang pag-aaral ko. Sa P.E ko po ito nakuha."
"Sige ikaw bahala. Pag-igihin mo lang ang pag-aaral mo. Bukod sa mga lupa ay ang pag-aaral lang din ang mamanahin mo sa amin. Dala-dala mo ang apelido namin Greg."
Napakamot ako sa ulo ko. Ayokong mapahiya ang pamilya ko kaya gusto kong umiwas sa gulo pero huli na kasi nakisali ako sa gulo.
Umupo na kaming lahat sa long table. Binati rin ako ng mga tita at tito ko at kinumusta ang aking pag-aaral. Katulad ng sagot ko kay lola ang sagot nila.
Si lolo ang nag-lead ng prayer. Pagkatapos naming magdasal ay kumain na kami. Kunti lang ang nilagay kong pagkain sa plato ko.
"Ano ba yang balita niyo ate Josephine? Napromote ka na ba bilang Division's Superintendent?" Biro ng aking tita na kapatid ni nanay. Tawa lang ang sagot ni nanay sa kanya at nagpatuloy kami sa pagkain.
"George, baka ikaw ang na-promote? Associate Professor 3 ka di ba?" Tanong ni lolo kay tatay.
"Hindi po pa pero isang malaking balita po ang sasabihin namin." Sagot ni tatay na ikinapuzzled naming lahat. Wala naman akong nabalitaan tungkol kay nanay at tatay kaya ano kaya ang ibabalita nila sa amin?
"Ikaw Greg? May maganda ka rin bang balita?" Tanong ni lolo na parang may gustong usisain. Posible ba kayang nalaman niya ang nangyari? Napahawak ako sa sugat ko tsaka lumunok. Ganun nalang ang ikinagulat ko nang matawa si lolo.
"HAHAHAHA! Itong anak niyo mukhang nagbibinata na George. May bangas na sa mukha. Marunong ng makipaglaban! Ganyan nga apo, ang mga lalaki sa lahi natin ay hindi nagpapatalo, lumalaban. Paniguradong tulog ang kaaway mo."
Kung alam mo lang pa na babae ang gumawa sakin nito baka sandamakmak na ang negatibong salita ang tinapon sa akin dahil hindi naman ako nakipaglaban. Nakipagsalitaan lang ako. Extemporaneous speech in short!
"HAHAHAHAHA!" Nakitawa na rin ako. "Sa P.E ko po ito nakuha pa at hindi sa pakikipaglaban. Tsaka wala po akong balak makipag-away dahil wala iyon sa bokabularyo ko." Pagsisinungaling ko. White lies kumbaga.
"Yan ang sabi mo apo ha? Baka nakipag-away ka dahil sa babae. HAHAHAHAHA." Tawa ulit ni lolo. Binibigtime ata ako nito eh! Sarap sabihan ng LA KANG MAMA. Hehehehe.
"Akala ko nga rin pa eh marunong na itong anak ko. Dalawa kong magagandang estudyante sa senior high ay kilala si Greg! Hindi ko akalaing friendly pala itong anak ko. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA."
Lahat sila ay nagtawanan habang ako ay pilit na ngiti ang pinapakita.
Natapos namin ang pagkain at hindi pa sinasabi nila nanay at tatay ang gusto nilang sabihin. Busy pa kasi sila kaka-catch up sa isa't isa.
Pumasok muna ako sa kwarto para tignan ang mukha ko. Kailangan ko talagang takpan to bukas baka maraming magtanong. Nilagyan ko ito ng ointment para papaano eh mawala ang pamamaga at magdry.
"Greg bakit hindi ka nag engineering? Puro na tayo mga guro ang angkan natin. Pwede mo namang simulan ang pagka-engineer ng ating angkan." Sabi ng isa kong tito.
Sa totoo lang, option ko rin naman ang engineering kaso HUMSS ang kinuha ko nung senior high at tsaka mas gusto kong maging guro kesa engineer.
"Hmm.. marami pa naman pong pagkakataon. Tsaka pwede rin po akong pumasok sa law school kapag nakapagtapos na ako." Sagot ko at natuwa naman nila.
"Ahem. Ahem." Napalingon kami kay tatay nang tumikhim siya. Hawak kamay sila ni nanay na nakapatong sa lamesa. "Buntis po si Josephine. Limang buwan na kung tutuusin. Pasensya na at ngayon lang namin ito nasabi."
Bigla akong nabilakuan ng laway. Buntis si nanay? Ilang taon na nga siya? 38? Hindi naman yun masama diba?
"Bakit ngayon niyo lang pong naisipan na bigyan ako ng kapatid kung kailan matanda na kayo at malaki na ako?" Napatanong ako kay nanay.
"Anak, ito yung tinatawag na biyayang hindi inaasahan. Katulad nung ikaw ang dumating sa buhay namin ng tatay mo. Kaya sana tanggapin mo ang magiging kapatid mo."
"Hindi ko naman po sinasabi na hindi ko siya matatanggap, ang akin lang po kasi kung bakit ngayon. Edi sana malaki na ang kapatid ko."
"Ang sabihin mo Greg ayaw mong magbantay! Kaya pala hindi ka na pumupunta sa amin kapag bakasyon at weekend kasi ayaw mong magbantay ng bata!" Panunukso sakin ng isa kong tita. Sino ba naman ang may gustong magbantay ng bata diba? Kung ang alam lang ay maglaro, mag-iyak, tumae, iiihan ka at magkalat. Nakakapagod kaya yun.
"Tita naman. Syempre gusto kong magkaron ng kapatid para may katuwang ako sa pag-alaga kay nanay at tatay in the future." Pagpaliwanag ko. Nginitian niya ako tsaka bumaling kay nanay.
"Nalaman niyo na po ba kung lalaki ba sya o babae?"
"Tatlong linggo lang nung nalaman ko na buntis pala ako. Hindi namin kaagad sinabi ni Greg dahil gusto namin masurprise kayo. Hehehe. Last week kami nagpa-ultrasound at nalamang babae ang dinadala ko. Huhuhuhu Greg magiging kuya ka na!" Emosyonal na sabi ni nanay. Kaya pala hindi niya na ako inuutusan na bumili ng napkin sa tindahan.
Ang galing naman. May kapatid na ako at tsaka babae pa! Sana hindi sya matulad nung EVA. Gusto kong lumaki siya ng maayos tulad ko.
Nagpaalam na ako na maagang matulog kasi maaga ang pasok ko bukas, 7 am. Naintindihan naman nila kaya pumasok na ako sa kwarto ko.
"Hmmm.. gumawa kaya ako ng facebook?"
Naalala ko yung sinabi ng kaklase ko noong nakaraan.
"Gagawa ako ng group chat para sa doon na natin ididiscuss kung ano ang gagawin natin." Sabi ng leader ng grupo namin.
"Pwede bang itext niyo nalang ako o di kaya'y tawagan? Wala kasi akong kahit isang social media account eh. Gmail lang meron ako." Sabi ko kasi mukhang mahihirapan ako sa desisyon nila.
"Sige. Naiintindihan ka namin baka pinagbabawalan ka. Kami pa ang maging dahilan kapag pinagalitan ka. Sa school niyo ba dati hindi kayo pinapasagot sa facebook? O di kaya'y pinapapost?"
"Wala eh. Gmail lang kasi ang ginagamit namin tsaka ayaw rin ng teachers namin ng ganun. Sa youtube lang pinapa-upload ang videos na gawa namin at sa school na account ang ginagamit." Pagpapaliwanag ko.
"Ah Greg.. wala ka bang cellphone?" Medyo nahihiyang tanong ng isa naming kagrupo. Ngumiti naman ako bago sumagot. "Meron naman akong cellphone." Sabay kuha ko sa cellphone ko na nakalagay sa bag ko.
Kita ang gulat sa mukha nila ng makita ang cellphone ko.
"Wow! Rich kid pala itong si Greg. Naka-iphone x!"
"Hindi naman. Regalo to nung graduation ko."
"Iphone X ang cellphone tapos walang facebook? Messenger? Ano ka Greg? Hindi marunong gumamit? HAHAHAHAHAHA. Jusko! Mabuti pa ako, ZH&K ang cellphone pero may facebook at famous pa!"
Malaki ang ngiti ko habang pumunta sa app store. Agad kong tinype ang facebook sa search bar at ininstall kaagad ito. Sunod naman ang messenger.
In-open ko na ang facebook app tsaka klinik ang create new account. Nagdalawang isip pa ako kung ano ang ipapangalan ko. Greg F. Condez o Gregorio Constantine F. Condez?
Agad kong tinipa ang Greg F. Condez para makilala nila kaagad. Mga kaklase ko lang ata ang nakakaalam ng buo kong pangalan sa school.
May friends suggestion na lumabas at wala naman akong kilala kahit na isa na iyon kaya iniskip ko.
Paano ba 'tong profile picture? Wala pa naman akong matinong selfie kung tawagin. Wala rin akong selfie ng sarili ko. Tsk. Hindi nga ata nababagay sa akin itong mga ganito. At dahil naumpisahan ko na rin naman, naghanap ako sa pinterest ng "cool selfies for boys".
"Hindi ko naman ma-aachieve 'to!" Puro kasi mga gwapo ang lumabas. Tsk. Nagscroll at scroll pa ako hanggang sa may nakita akong may nag-mirror selfie. Napangiti ako kasi iphone yung gamit na cellphone at iphone rin yung akin. Hinubad ko ang t-shirt na suot ko at nagsuot ng sweater. Ginaya ko lang kung ano yung suot sa nakita kong pic at sa tingin ko ay nasa cr ito.
"Thank you nay at tay kasi maganda ang cr natin!" Sabi ko sa sarili ko. Lumabas ako ng cr na may ngiti sa labi. Maganda naman ang kinalabasan ng picture ko. Kaya iyon kaagad ang ginawa kong profile picture.
Sa cover photo, ang ginawa ko ay pinicturan ang kwarto ko at yun ang ginamit ko. Wala akong maisip sa bio at features kaya di ko na nilagyan. Yung sa details naman ay nilagay ko kung saan ako nakatira at ang name ng school na pinapasukan ko.
Namangha ako kasi may nagfriend requests na! Mga sampung tao na nag nag-add sa akin pero hindi ko ina-accept kasi puro arabo.
Sinearch ko ang pangalan ng mga pinsan at kaklase ko para i-add. Marami na ang nag-accept sa akin mga sampu at nakita ko na iyong mga post nila sa newsfeed.
Ganito pala feeling na may facebook. Hehehehe.
May nagnotif at nakita kong may nagheart at comment sa profile picture ko. Isa iyon sa mga kaklase ko.
Divine Monte Wow may facebook
na si Greg! 😂
Hindi na ako nag-abalang magreply sakanya kasi hindi naman kami close. Bumalik ako sa pagscroscroll sa newsfeed at bigla kong nakita na shinare ng kaklase ko ang picture ni Evianna. Profile picture niya ito na nasa 1K+ na ang reacts! Sa akin eh isa lang.
Maria Evianna Saavedra ang pangalan ng facebook niya. Nagdadalawang isip pa ako kung titignan ko ba o hindi. Bigla tuloy ako nakaramdam ng kaba para bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top