Chapter 39
Labis ang sakit na nararamdaman ko magmula noong nakita ko ang malamig na bangkay ni Annabelle. My friend was killed after she betrayed me. Sa tingin ko ay hindi niya deserve mamatay matapos niya akong ipinagkanulo. What promises did the Monsantos gave her that she took it even if it will destroy our friendship?
After my abduction that was lead by her, my heart grew hatred towards her. Ang akala kong isa siyang tunay na kaibigan na magiging kaibigan ko pa hanggang matapos ang mundo ay hindi nangyari matapos niya akong traydorin. Kahit sino walang gustong traydorin pero may mga taong ginustong mag-traydor.
Ang akala kong magtatanim pa ako ng galit sa kanya hanggang sa mamatay ako ay hindi na mangyayari. Nag-iwan siya ng sulat sa bulsa niya. Nakita lamang iyon ng mga pulis matapos naming humingi ng tulong. Limang A4 na bondpaper ang nasa bulsa niya at nakasaad doon ang journey namin bilang magkakaibigan. I cried a lot at hanggang ngayon umiiyak pa rin akom
"She betrayed me but she didn't.." bulong ko kay Greg na yakap yakap ako. "I was cursing her to death yet she just want to save herself. I should be more considerate why she just let me slip!"
Buong magdamag na akong umiiyak at ang ulo ko ay sobrang masakit na na parang sasabog anumang oras. Sinisipon na nga ako at namamaga ang mga mata.
"You were actually trying to save her but we were just late. There were signs that she fought her life until her last breath kaya wala kang dapat na ipag-alala. Thinking of her may be so hurtful but please don't make it cover up to all your happy memories. Walang makakatalo sa mga masasayang ala-ala Verity.. keep that in mind."
Nagsalin si Greg ng isang basong tubig at ipanainom sa akin. I was actually thirsty yet I didn't notice. Katulad lang ng pagtraydor sa akin ni Annabelle. Hindi ko napansin na ginawa niya yun dahil may ibang madadamay bukod sa kanya.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ba nakakauwi si papa?"
"Oo nasa police station siya kasama ang ibang mga agents. Balak nilang ibigay sa NBI ang kaso."
And that was a brilliant idea. NBI should collab with the Philippine Army, the Airforce and the Navy.
---
Present Time
---
THIRD PERSON'S POV
Humahangos si Verity pagkagising niya. Napabangon siya bigla kaya naramdaman niyang may sumakit sa kamay niya. Napansin niyang may nakakabit na IV dito at tila naguguluhan siya. Ang kanyang mga mata ay nilibot ang buong paligid. Alam na niya kung nasaan siya pero ang tanong niya ay bakit siya nandito sa lugar na ito.
Nanlumo siya nang mapansing walang kahit isang anino ng tao ang kanyang nakita. Napatulala siya ng biglang bumaha sakanya ang mga ala-alang estranghero. Ramdam na ramdam niya na nandoon siya. Ramdam na ramdam niya na ang mga pangyayari sakanyang ala-ala ay totoo.
Wala siyang ibang nararamdaman bukod sa pagiging pagod. Ang utak niya ang pagod at hindi ang kanyang katawan. Napabalik siya sa pagkakahiga at pilit na sinasantabi ang mga ala-alang sa palagay niya'y hindi sa kanya at pag-aari ng ibang tao.
Naglalakad sa hallway papuntang kwarto ni Verity sina Annabelle at Evianna habang magkahawak kamay.
"Sa palagay mo hindi magseselos ang kuya ni Verity dahil nag-holding hands tayo?" Tanong ni Annabelle sabay ngisi na nanunukso.
"I support the LGBT community but I will disgrace you kapag nilagyan mo ng malisya ang paghahawak kamay natin!" Maarteng pag-alma ni Evianna sa kaibigan na ngayon ay tawang-tawa.
"Heh! Neknek mo! Paano kaya kung ang jowa mo ang may ka-HHWW na lalaki? Anong magiging reaksyon mo?" Pilyang tanong ni Annabelle habang tuwang-tuwa sa reaksyon sa mukha ni Evianna. Busog na busog talaga siya kapag nabwisit ang kaibigan.
Dahil sa iritasyon ni Evianna ay kinabig niya ang kamay ni Annabelle nang napakalakas kaya natumba ito prto ang pagbagsak ay hindi naman malakas na parang naglalaro lang sila.
"Why am I even friends with a disgusting and hideous person! You make me puke everywhere! Diyan ka na nga!"
Tinapon ni Evianna ang supot ng orange at grapes papunta kay Annabelle bago tumalikod. Inaasahan na ni Annabelle ang magiging kalalabasan ng mga pinaggagawa niya sa kaibigan. Kahit parang baliw na naka-upo sa sahig ay bakas pa rin ang tuwa sa mukha niya.
"Ayos ka lang ba hija?" Lumapit ang isang medtech sa kanya na nasa early 50s. May hawak kasi itong mga paraphernalias na ginagamit ng mga medical technician.
"Hehehe.. I'm totally okay ma'am.. thanks for the care!"
Tumayo siya mag-isa at pinagpagan ang sarili. Mabuti nalang at hindi nabutas ang cellophane na may laman na prutas kundi magiging instant janitor siya.
Ilang pintuan lamang ang layo ng pinto sa kwarto ni Verity kaya tinakbo niya lang ito. Nadatnan niya ang kaibigang mahimbing na natutulog kung kaya't naging maingat siya sa paggalaw.
"Makapaghugas nga ng kamay! Baka yung sahig nahulugan ng tae ni Verity heheheh.." bulong niya sa sarili. Inilabas niya sa kanyang maliit na shoulder bag ang liquid hand soap niya tsaka naghugas ng kamay. Aalis na sana siya ng may mapansing kakaiba sa likod niya. May nararamdaman siyang presensya at sigurado siyang presensya ng tao ang nararamdaman niya.
Pabalik-balik ang tingin niya sakanyang likuran at sa salaming nasa harap niya nagbabasakaling may makita talaga siya. Well.. hindi takot si Annabelle dahil pinalaki siyang strong at nabuhay pa ang isang manikang parehas niya ng pangalan.
"Annabelle is not scared. Annabelle is not frightened. Whoever you are let's be friends and do a high five cause I don't play hide and seek bruh." Nagmumukha mang timang pero totoo ang pinagsasabi niya. Lumapit muna siya sa hand dryer para matuyo ang kamay niya.
"If you were thinking twice to do high five with me because my hands are wet please don't. We've got this pretty stuff that can make your hand dry in a snap so you better touch my softy soft hand!"
Napangisi siya ng may kakaibang nararamdaman sa mga palad niya.
"Annabelle wag kang kiligin magiging broken hearted ka kapag babae yan!" Pag-wawarning niya sa sarili.
Bumuntong hininga siya para kumuha ng lakas ng loob. Sa totoo lang ay nakakaramdam siya ng takot sa kaibuturan niya dahil baka isang grim reaper ang makakasalamuha niya.
"Ahem! Ang mga babae hindi yan pinaghihintay no! Be gentleman and show up!" Wala na siyang pake kung magising niya si Verity dahil sa lakas ng boses niya. Ang importante ay magkita sila ngayon para hindi na siya mag-iisip bukas.
"You little crap show up or I'll kick your balls!" Pagbabanta niya. Nagsimula na rin siyang magsipa-sipa. "Blackbelter ako kaya maghanda ka!"
Nagmumukha mang timang dahil wala naman siyang nasisipa e nagpatuloy lang siya hanggang sa may malabong pigura na nakikita niya pero naglalaho kaagad.
"Aha!" Nilevel niya ang pointer finger niya sa kanyang noo dahil nagkaroon siya ng bright idea.
"This may sound absurd but I think this is the only way so you can show up." Ngumiti siya at slow motion na ipinikit ang mga mata. Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang damit at doon kumuha ng lakas. Ilang sandali pa lamang ay ngumuso siya at naghihintay na may dumamping labi sa labi niya. In short, naghihintay siyang-ikiss!
"Ayan na ayan na.. hindi na magiging virgin ang pouty at soft ang irresistible lips mo self!"
"10 seconds na ang lumipas pero bakit wala pa rin goooooosh pa hard to get rin to no? Ako na nga ang bumigay ayaw pa!"
Ibubuka na sana niya ang kanyang mga mata pero may naramdaman siyang kakaibang papalapit sa mukha niya. Maginaw ito at parang hangin.
"Haba ng hair mo self pati ibang elemento bibigay sayo.. hehehehe.."
---
VERITY
"Nagmumukha kang shunga!"
Napadilat si Chakadoll ng batukan ko siya. I didn't expect to see her like that. Mabuti nalang at na-videohan ko muna siya bago siya binatukan.
"You were not supposed to enter this vicinity! You were supposed to sleep and sleep and sleep until you get back all your strenght!" Bulalas niya kaya napataas ako ng kilay. Padabog siyang lumabas ng cr. Akala niya susundan ko siya? Hell no! Kaya nga ako pumasok para maglabas ng sama ng loob.
Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko siyang pumapapak ng apple pero nakatulala. May nagawa ba akong kasalanan?
Inagaw ko sakanya ang apple kaya nabaling ang atensyon niya sa akin.
"You're so kill joy!"
"Really?"
"Definitely!"
"Tumahimik ka nga diyan kung ayaw mong sayo ko itusok 'tong badtrip na 'to." Tukoy ko sa IV.
She just rolled her eyes to me. Ano ba kasing nangyari at badtrip na badtrip siya sa akin? Nagyoyoga ba siya kanina sa loob ng cr?
"Edi sorry for being a kill joy. Nagyoyoga ka ba kanina kaya badtrip na badtrip ka sa akin?"
"Mabuti alam mong badtrip ako sayo. At hindi ako nagyoyoga. I was supposed to meet my other half!"
"You're going crazy dear friend. Not to burst your bubble but you have to get out of this hospital and transfer to a mental hospital!"
Nakita ko na lamang na pareho na kayang tumatawa. Nakaupo ako sa kama ko habang naka-upo siya sa isang stool. Nagtama ang paningin namin at naalala ko na naman ang strange memories na nakikita ko and I saw Annabelle betraying me on that memory.
"Don't dare betray me Chakadoll okay?" Makahulugan kong sabi na naghihintay ng isang genuine na sagot mula sa kanya.
I can't afford to save myself if it will happen. Siguro ay hindi ko kakayanin gaya ni Verity na nakita ko sa mga panaginip ko na matatag dahil may papa pa siyang nasa tabi niya palagi at si Greg.
Tumakas ang mga luha sa mata ko dahil sa pag-iisip. I don't want to be depressed pero sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. I can't even think straight. To think na si Annabelle lang ang nandito para dalawin ako makes me sad. Wala na ba talagang ibang nagmamahal sa akin bukod sa mga kaibigan ko? Mamita is nowhere to be found. I've got siblings but they're always exploring the world and we're not even that close. My parents are both dead and I don't think they're watching and guiding me now. Nakakainis isipin na maraming nakakakilala sa akin pero wala akong makakapitan ng mahigpit sa panahong ganito. Wala akong pangalang matatawag para aluin ako. Annabelle's presence can't ease the pain I'm feeling. She's helping me out but I don't know. Lalo lang akong naguguluhan dahil sa ala-ala na yun. I can't give my full trust to Annabelle. Mali iyon. Maling-mali pero yun ang sinasabi ng gut feeling ko.
"Verity, you need to compose yourself.." malumanay na sabi ni Annabelle. I was too preoccupied at nakalimutan ko ang presensya niya. "Keep your track and no matter what happen, don't let yourself be pull down. Dahil kung bibitawan mo ang sarili mo.. everything will shatter into pieces. Hindi mo maiintindihan ang sinasabi ko pero sana maintindihan mo."
Humihikbi lang ako habang nakikinig sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong kamay.
"Tinitingala kita Riri.. parehas man tayong tatlo na walang mga mommy mas matatag ka naman kesa sa amin. Parang hindi mo iniisip na wala kang madadatnan pauwi mo. Na wala kang masasabihan ng I'm home. Na walang kukumusta sa'yo tungkol sa school. Sa ating tatlo ikaw ang mas kawawa not to offend you ha? Yes you have your mamita pero palagi namang wala. Tinitingala kita dahil sa loob ng maraming taon na wala kang experience sa mga bagay na yun ay lumaki ka paring mabuti at may puso."
Mas lalo tuloy akong naluluha sa mga pinagsasabi niya. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa bawat pagbigkas niya. Annabelle may be a comedian friend of mine but she can pull off her serious side. I'm guilty too of not trusting her.
"I'll say this once and for all.
I may be crazy, I may be a resemblance of that horrible doll but I will never betray you. Even if we will be on a life and death situation, I will be loyal to you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top