Chapter 38

Kaunting Paalala:

Mga ka-Greeeg! Wag sana kayong malito at ang chapter na ito ay tungkol pa rin kay Past Verity. Habang si Present Verity naman ay nakikita niya ang buhay ni Past Verity. Hindi pa tayo nakakabalik kay Present Verity baka sa susunod pa. At kung makikita niyo mamaya na may nakalagay na VERITY (meaning pov ni Verity) ay si Past Verity pa rin po iyon. Okay? Okay!

--
CHAPTER 38

Sa sitwasyon nila ngayon, alam na ni Peterson ang gagawin. Nagtama ang paningin nila ni Dr. Radaza at tumango ito na ibig sabihin ay umalis na sila. Ini-start na niya ang kotse at matapang na tinapakan ang gas pedal upang makalayo sa kapahamakan. Nagbabasakali na ang paglayo ay solusyon para maligtas silang dalawa.

"I need you to keep calm Verity okay? Being freaked out is not good to your health. Bear it in your mind."

Nakinig naman si Verity at mas minabuting matulog nalang siya kaysa pakiramdaman ang kung anong nangyayari sa kanyang paligid na kahit anong pilit niya, hindi niya maiintindihan.

Nagising siyang nakaandar pa rin ang sasakyan pero pagtingin niya sa labas ay madilim na.

"Papa.. bakit nag-dadrive ka pa rin? Aren't you tired?" Inosenteng tanong niya at tsaka humikab. Mapupungay pa rin ang mga mata niya at halatang inaantok pa rin.

"I'm an avenger Verity.. I won't be tired. So just keep sleeping. Papa will sing a lullaby for you." Pakikiusap ng kanyang ama habang tinitignan siya sa rearview mirror.

Pilit iniisip ni Peterson na walang masamang nangyayari at isa lang itong normal night drive nilang mag-ama. Na walang peligrong nagbabadya sa kanilang buhay at malaya lang silang mabuhay.

"Mary had a little lamb.." awit ni Peterson. Sa hindi inaasahan, umagos ang mga luha niya sa kanyang mga mata at humihikbi pa. Naalala niya kasi ang kanyang ama. Ngayon nga lang ulit sila magkakasama pero hindi umayon ang tadhana.

"Mali bang nanghingi ako ng tulong kay daddy? Hindi ko alam na buhay ang magiging kapalit sa pagka-galing ni Verity!"

Hininto muna niya ang sasakyan sa isang eskinita na naiilawan ng iilang mga lamp post. Kailangan muna niyang makapag-isip at makaginhawa para maayos niyang maidadala sa tamang lugar ang kanyang anak.

Tinignan niya ang mala-anghel na mukha nito na payapang natutulog. "Sana ay may guardian angel ka anak para kapag naiiwan kita, may magbabantay sa'yo.. at ang hiling ko rin sana na sa susunod mong buhay hindi na kailangang may magbuwis ng buhay para lang mabuhay ka."

Tulog na tulog kanina si Verity ng makauwi sila sa bahay. Iniwan niya lang ito sa loob ng sasakyan para makuha niya ang mga importanteng papeles nilang dalawa at mga damit na rin dahil alam niyang hindi na sila magiging ligtas. May ilang minuto rin siyang ginugol sa pagreresearch tungkol sa mga Monsanto. Totoo ngang nagdedevelop ito ng isang vaccine para makapagligtas ng buhay sa kahit na anong sakit. At ang kanyang daddy ang president sa research. Yun nga lang.. may mga review siyang nababasa na para lang ang gamot na iyon sa mga Monsanto at sa kanilang mga partners at kung ibebenta man ito sa market at sobrang taas ng halaga. Ramdam na ramdam niya na kaagad ang kasakiman ng mga Monsanto.

"Paano kaya napapayag si dad ng mga Monsanto?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Matapos maimpake ang lahat ng mga importanteng kailangan nila, bumalik siya sa kotse upang mailagay iyon lahat. Nagpapasalamat siya at hindi nagising ang kanyang anak dahil nasisiguro niya na magtatanong ito ng sangkatutak.

Sa kasalukuyan, tinatahak nila ang daap patungong pantalan. Naisip niya kasing mas maigi ang sumakay ng barko kesa eroplano kasi madadala niya ang kanyang sasakyan. Tulog pa rin ang kanyang anak kaya nagtungo siya sa booth ng isang shipping lines para makabili ng ticket. Sa katunayan ay hindi siya makakapos sa pera dahil parating nilalagyan ang bank account niya ng pera kada buwan. Take note, 100,000 kada buwan simula noong umalis siya sa kanilang bahay.

Binyahe na niya ang sasakyan patungo sa barko. Nag-alala siya para kay Verity dahil maalon-alon. Baka mamaya ay mahilo pa ito at magsuka. Napagdesisyonan niya na lumabas nalang ng sasakyan at magtungo sa itaas kung saan nakaupo ang mga pasahero. May pwedeng upuan na nasa loob ng aircon room pero mas pinili niyang maupo sila ni Verity sa hindi aircon. Mga isang oras lang din ang byahe sa karatig isla na pupuntahan nila.

"Bakit amoy dagat papa?"

"Magbabakasyon tayo anak.. kasi magaling ka na."

"Kasama ba natin si lolo?"

"Tayo lang muna.. baka sumunod din siya sa atin."

"Thank you papa," ngumiti si Verity ng malaki kaya ang ibang mga pasahero ay nakyukyutan din sakanya.

"Para saan naman?"

"Dahil pinasakay niyo na po ako ng barko.. hehe," maliliit na halakhak ang binigay ni Verity kaya napangiti naman ang kanyang ama pati na rin ang iba pang pasahero na kanina pa nawiwili kay Verity. Nakatanggap siya ng iba't ibang papuri kaya mas lalong naramdaman ni Verity ang halaga niya.

Nakalimutan kanina ni Peterson na magbook online ng hotel room nila sa Santo Lorenzo kaya pakiramdam niya ay mahihirapan siya sa paghahanap at mas time consuming. Nagtanong siya sa iilang pasahero at maswerte siya dahil ang isa sa mga nakausap niya ay may-ari ng isang apartment.

9:30 pm silang dumating sa pantalan ng Santo Lorenzo. Gising na gising ang diwa ni Verity habang si Peterson ay inaantok na at wala pang hapunan. Pagkain lang para kay Verity ang pinack niya kanina sa bahay nila dahil hindi ito pwedeng kumain ng kung ano-ano.

"Ma'am, may drive thru po ba tayong madadaanan?"

"Yup.. at sobrang lapit lang sa apartment na pinamamahalaan ko. Don't worry at 24 hours ang service nun."

Sinundan niya ang kotse na lulan ng may-ari ng apartment at nang medyo malapit na ito sa Chowking na may drive thru huminto ito at lumabas ng kotse.

"Hindi na kami mag-ddrive thru. Dito nalang kami maghihintay."

Dumiretso sila sa drive thru at sinabi ang order. Matapos nilang makuha ang order ay sinundan na nila ang sasakyang lulan ng may-ari. Limang minuto lang ang binyahe nila at dumating na sila sa isang apartment na halatang bago pang gawa.

"Halatang pagod na pagod na kayo kaya magpahinga muna kayo. Bukas nalang tayo mag-usap."

Nagpasalamat sila dito dahil sa magandang pakikitungo nito at sa paghatid mismo sa kwarto nila. May sariling cr ang kwarto kaya naligo muna sila bago kumain.

Natutuwang tinignan ni Peterson ang kanyang anak. Napaka-inosente talaga dahil masaya nitong kinakain ang chicharon nito habang hawak sa kabilang kamay ang manok. Parang walang kapahamakang naghihintay sa kanila. Parang okay lang ang lahat. Parang totoong masaya talaga sila.

"Darating din ang araw na makakalimutan nila tayo at mabubuhay tayong mapayapa.."

Dumaan ang dalawang linggo at napagdesisyonan ni Peterson na bumalik upang malaman kung ano ang nangyari sa kanyang ama. Inihabilin niya muna si Verity sa may-ari dahil komportable na ito at kumuha siya ng yaya para mas matuonan ito ng pansin.

Ang ikinatatakot niya sa pagbalik ay ang unang bumungad sa kanya. Kalat na kalat ang pagkamatay ni Dr. Radaza sa newspapers, magazines, radio at tv stations. Lahat ay pareho lamang ang ibinalita. Na namatay ito dahil nagkaheart attack habang nagdedevelop ng gamot. Puyos na puyos siya sa galit dahil alam niya ang totoo. Pero mas minabuti niyang tumahimik na lamang dahil hindi niya pwedeng i-risk ang buhay niya lalo na ni Verity.

Nagkaroon ng pormal na libing ang kanyang ama sa tulong ng mga kasosyo nito lalo na ang mga Monsanto. Gusto  man niyang dalawin kung saan ito nakahimlay, hindi maaari dahil delikado kaya matapos lang ng libing niya ito nabisita. Inilabas niya ang mga emosyong labis niyang tinatago at lumuha hanggang sa sumabay sa kanya ang langit.

Binalikan niya ang bahay ng kanyang ama upang kunin ang iilang importanteng gamit nito at ang mga gamit ng kanyang ina. May nakita siyang sulat na nakatago sa box kung saan nakalagay ang mga alahas ng kanyang ina. Nakasaad dito na kailangan niyang kitain ang family lawyer nila para mailipat kay Peterson ang pangalan sa mga ari arian na naiwan. Sinunod naman niya ito at matapos ang isang buwan, nakapangalan na sakanya at kay Verity ang mga ari-arian. 

Naging madali lang sakanila ang pag-alis ng bansa lalo na't walang kahit sinong nagtangka sa buhay nila. Pumunta sila sa Portugal kung saan may malaking ari-arian din ang kanyang ama. Namuhay sila roon ng maraming taon hanggang sa napagdesisyonan ni Verity na umuwi sa Pilipinas.

Nakalimutan ni Verity ang mga nangyari dahil marami ng taon ang lumipas. Nakalimutan niya na nagkasakit siya ng malubha pero hindi niya nakalimutan ang kaisa-isang memorya niya kasama ang kanyang lolo, noong binigay niya ang picture frame sa kanyang lolo ang parati niyang iniisip at isang ala-ala na labis niyang minamahal.

"Philippines is my home papa. I should go back to my motherland. It's a shame that I don't serve my country yet I call myself a Filipino."

Tumango si Peterson at ayaw nang makipagtalo pa. Knowing her daughter, Verity is unstoppable.. just like him.

Naiwan si Peterson sa Portugal at inaasikaso muna ang ang mga negosyo niya bago bumalik ulit sa Pilipinas para sundan si Verity. Dalawang taon din silang naghiwalay at nang makampante na siya ay bumalik agad siya sa Pilipinas.

Pagbalik niya ay tumira siya sa isa sa mga ari-arian niya na sarili niyang pero mismo ang binili. Habang si Verity ay hinahayaan niyang mag-explore dahil yun din naman ang gusto nito. Hanggang sa mabalitaam niyang may trabaho na ito pero hindi niya alam kung saan. Nasindak siya noong malaman na sa Monsanto pala ito nagtratrabaho at nalaman ng mga Monsanto ang tungkol sa pag-eexist ni Verity sa kompanya nila lalo na't dala niya ang surname na Radaza.

---

VERITY


"That was the story from the past Verity and the story today is connected from the past." My father stated and everything comes smoothly in my head.

"Your grandfather wanted the best for you so he decided to offer his accomplishment- the medicine that can cure your illness. Little did we know, that medicine was one of a kind. It was the only succesful dose and you were a lucky kid. Now, they're hunting you. They wanted to experiment your body to take the medicine away from your body or if they don't.. they will end up transplanting your organs to theirs because that medicine can make your life long or atleast if you'll be in a critical condition.. you'll recover fast like nothing happened."

I blinked twice and felt aghast. "Ayoko pong maging eksperimento nila. I don't want to be like those rats that they experimented!"

My voice was trembling and my whole system was shaking. I'll always be vigilant and I will keep myself from harm.

Tumunog ang doorbell at tumayo si papa para mabuksan ang pintuan. Greg showed up with just himself. Nagkamayan lang silang dalawa while I stay seated.

"Verity.. are you okay?" He asked with worried eyes. I was supposed to see him but I ended up being abducted.

"Everything is not into places Greg." I said with full honesty. Tumango lang siya na para bang naiintindihan niya ang sinabi ko and I hope he does.

"You better stay here Verity para sa ganun ay safe ka. Nandito ang papa mo para mabantayan ka and he offered a room here so I'll protect you too."

Simula ng makabalik ako dito sa Philippines, I had no one. I was a stranger to my country and to my city. Bumalik ako sa syudad kung saan ako ipinanganak at tumira ng limang taon. I want to have infinity memories here but everything went astray in a snap.

As a registered medtech, I applied to the Monsanto's because they are competing internationally and are known abroad too. My confident self was hired right away because of my incredible skills. Pasok kasi ako sa top 10 ng mga nagtake ng medtech board exam sa Portugal. Top 4 to be exact and my records screams excellent.

"I've known Greg after a week when you arrived here in the Philippines. As a caring father, naghanap ako ng pwedeng magbantay sayo. It was not Greg but his father. You already know the capabilities of his father right? Isa siya sa pinakamahusay na agent at may mga kakilala na akong nabigyan niya ng best security."

"Thanks pa, you're such a superpapa. Greg already told me when he found out that his father's eyes are on me."

Our talk didn't lasted for an hour dahil uuwi pa si Greg para kumuha ng mga gamit niya. Simula kasi ngayon dito na siya sa bahay titira.

"What about my things pa?"

"Oh that.. it's already fixed and an hour from now darating na yun dito. Don't worry dahil walang mawawala. Pati nga ang mga alikabok ay pinadala ko." I LOLed at my papa's lame joke.

Umakyat na ako sa kwarto upang makapagmuni muni at para makapag-isip kung anong pwedeng kong gawin. I can't be just a sitting princess here protected by her knights. Kailangan ko ring lumaban. Fighting won't make me less rather it will make me more as a person.

Days passed normally like there's nothing to worry. Our house is secured because of the agents roaming around. Balak din ni papa na kasuhan ang mga Monsanto dahil sa pag-abduct nila sa akin.

"Succesful po ba ang pagfile niyo ng kaso sa kanila?"

"Oo anak pero hindi tayo dapat makampante. Isa silang malaking octopus na maraming galamay. Hindi imposibleng maabswelto sila sayo lalo na't wala tayong hawak na ebidensya."

"Annabelle.." bigla kong naisip si Annabelle at ang ginawa niya. She was the only person I have nang makarating ako dito. We were not really that close until nagtrabaho ako sa mga Monsanto dahil siya ang tumulong sa akin. As a Filipino who lived in Portugal for years, naghanap ako ng pwedeng maging kaibigan thru sns. We always chat and video call. I thought she will protect me by all means like what I thought to her. Siya rin pala ang magpapahamak sa akin.

"We should talk to her pa. Sigurado akong may alam siya!" Paki-usap ko kay papa at tumango siya.

"Every side should be entertained at dahil nga sinabi mo na siya ang nagpa-abduct sayo at nandun siya mismo.. posibleng kasabwat siya or was just a bait that received a blackmail para magawa niya yun sayo."

Papa said leaving me while they're out for the whole day is dangerous kaya isasama nila ako ni Greg papunta kay Annabelle. Nakasunod sa amin ang mga agents na nagbabantay kaya kampante kami.

"It might be awkward to tell but Greg, may gusto sayo si Annabelle. Maybe it was one of her reason why she was capable of hurting me. Mas mabuting ikaw ang kumatok at baka sakaling pagbuksan ka niya."

Nagtago muna kami ni papa sa isang malaking acacia tree para hindi mapansin ni Annabelle na andito kami. Ilang beses kumatok si Greg at tinawag pa ang pangalan ni Annabelle. He tried to do it several times but no one's opening the door.

Greg twisted the doorknob and we were surprised kung bakit hindi iyon naka-lock. He signaled us to follow him inside at sa pagpasok namin, everything is a mess. Parang pinasok ng bagyo ang loob ng bahay ni Annabelle. My feet run and brought me towards Annabelle's room. Kinakabahan akong buksan ito dahil hindi maganda ang naiisip ko. After all we're friends or I don't know.

Rinig na rinig ko ang sarili kong palahaw ng makitang nakahandusay sa sariling kama si Annabelle na naliligo ng sariling dugo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top