Chapter 37
Bumaba ako sa hagdan mula sa aking kwarto. Papa knocked earlier because he wants to end the confusion I'm feeling. Dapat lang. I deserve to know the horrifying truth!
Naabutan ko siyang nakaupo sa sala habang umiinom ng tea. There's another cup of tea too. My forehead creased upon seeing it.
"Are we expecting a visitor?" I asked. Tea is not my cup of tea so I'm wondering who's coming.
Umupo ako sa pang-isahan na sofa at pinatong ang kanang legs sa kaliwa.
"Greg," he said shortly.
My heart suddenly becomes excited. When I expected him to see me, he didn't come. Pero ngayon pupunta siya rito ng hindi ko in-expect. Tuluyan na sana akong nalunod sa pag-iisip tungkol kay Greg when suddenly a memory pops up.
"You don't even know his existence!" May halong gulat ang pagkasabi ko. I never introduced Greg to him and it never crossed in my mind that Greg and him will meet and do shakehands.
"Akala mo lang yun anak," matipid na sagot niya. Now, this is going to be ridiculous.
"Darating na siya rito after one hour," dagdag na sagot niya. My father's weird. Nagtimpla ng tea pero one hour pa darating si Greg.
"It's your tea anak."
"You know I don't like tea."
"Yeah.. akala ko lang mag-iiba na ang taste mo."
I don't want to be a killjoy so I sipped on the tea to show my gratitude.
"As usual I don't like the taste," binaba ko ang cup sa platito nito kaya gumawa ito ng kaunting ingay.
"Everyday I'm hoping that eventually, you'll like tea. But I guess once you don't like a thing, you will never like it."
He may sound normally like talking about me and the tea pero alam kong dito na mag-uumpisa ang usapan namin.
"Years ago.. noong limang taon ka palang, namatay ang mama mo dahil sa sakit." Tumango ako bilang tugon sa sinasabi niya dahil alam kong may sakit siya. It was leukemia.
"And after the burial of your mother, you got sick.."
Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Matapos ang paglibing kay mama, hindi pa kami nakakauwi, ay bigla nalang akong nahimatay and after that I was confined in the hospital for months.
"You stayed months in the hospi until one day, you suddenly smiled and jumped out of bed."
"Papa naman, paano ko iyon makakalimutan? Kinabukasan nagpaparty ka kaagad! May limang lechon kang hinanda para sa akin but why are we talking about it?" I looked at him with confusion. It's just so random!
"Kasi yun ang dahilan kung bakit ka hinahabol ngayon." Mariing pagkakasabi niya.
"What's wrong with it? Can't I just live my life to the fullest because I'm already leukemia free? Did I hurt them because I'm fine?" I said with great irritation. Fcking people. Why are they after me? Envy?
"Because you got the antidote on your body flowing in your veins. I want you to listen carefully, I'll tell you what happened seventeen years ago.."
Mabibigat ang mga hininga ni Peterson dahil tinakbo lang niya ang opisina ng kanyang ama na nasa 15th floor mula sa groundfloor. Nawala sa isip niya ang elevator dahil sa pagmamadali at walang ibang inisip kundi ang kalagayan ng limang taong anak niyang si Verity.
Iyak at sigaw. Yan ang ginawa niya habang kinakausap ang sekratarya ng kanyang ama.
"Please please! Nakikiusap ako sayo. Gusto kong makausap si daddy!"
"Wala si Dr. Thomas dito, sir. Kung gusto niyo'y maghintay nalang muna kayo."
Kilala siya ng sekretarya dahil nasa puder pa lang siya ng kanyang ama ay nagtratrabaho na ito. Lumipas ang sampung minuto, narinig niyang tumunog ang elevator at iniluwa rito ang kanyang daddy na matagal na niyang hindi nakikita habang pinapalibutan ito ng mga body guards.
"Dad!" Walang pag-aalinlangang sinigaw niya ang tawag sa ama. Dumaan ang maraming taon bago niya ulit ito matawag na Daddy.
Halatang kumislap ang mata ni Dr. Thomas Radaza nang makita ang anak na si Peterson ngunit pinanatili pa rin nitong nakablanko ang ekspresyon.
Tumayo ang doctor at sinalubong ng yakap ang anak.
"I'm glad you come to see me son. Akala ko'y kinalimutan mo ng may ama ka." Mapait nitong sabi at nag-aabang na ang mga luha sa pagpatak.
Nakatanggap kaagad siya ng yakap pabalik kay Peterson at lubos na lubos ang pasasalamat nito sa doctor dahil binigyan siya ng pagkakataon para makita ito.
Pumasok sila sa opisina. Sinenyasan ng doctor ang kanyang mga tagapagsilbi na wag na silang sundan pa at ikansela ang lahat ng gagawin niya sa araw na yun.
Naupo silang dalawa sa magkatapat na one seater na sofa. Umiiyak pa rin si Peterson at ngumiti ang doctor. Naalala niya kasi noong bata pa ito.
"Pangit mang pakinggan pero hindi ko pinagsisihan na hindi kita pinigilan sa pag-alis. Maaring naiisip mo na ganoon ka nalang kadaling palayain kung ikaw lang naman ang natatanging tagapagmana ko Peter. Sa mga oras na yun, napagtanto ko rin na kailangan mong maniwala sa iyong sarili at hindi na ako dapat mangialam pa dahil buhay mo yan. Buhay na ikaw mismo ang magpapatakbo at kung nasa puder pa kita ay baka wala kang matutunan sa sarili mong pagsisikap. Hindi ko maipagkakaila na nagtanim ako ng galit sa puso ko anak, pero noon lang iyon. Sino bang hindi magagalit kung iiwan ka ng nag-iisang anak mo? Sino bang hindi magtatanim ng sama ng loob kung alam mong matanda ka na pero nagawa ka pa ring iwan sa lahat ng ginawa at sinakripisyo mo para magkaroon lang siya ng magandang kinabukasan?"
Ngayo'y napahikbi na ang matandang doctor. Ang mga mata nito'y puno ng lungkot dati at kailanma'y hindi nagtagal ang galit sa puso nito matapos malaman kung anong kalagayan ng anak.
"Pagkaalis mo, sinabi ko sa sarili ko na babalik ka rin sa akin kung may kailangan ka. Pero matapos lumipas ang mga taon, narinig ko na isa ka sa mga tinitingalang propesor ng isang nangungunang unibersidad. Sana ay hindi pa huli ang lahat para masabi ko sa'yo na I'm proud of you son. I'm proud to be your father and I'm proud that you're my son."
Lubos ang galak na nararamdaman ng mag-ama. Hindi akalain ni Peterson na mapagtatanto niya na nangungulila pala siya sa kanyang ama.
Tinawag ng doktor ang sekretarya upang makapaghanda ito ng makakain nila.
"Maya-maya'y darating na rin iyong pagkain. Kumusta ka na? Ilang apo na ba ang meron ako?" Biro nito kay Peterson kaya muli niyang naalala ang kanyang pakay.
"Isa lang po ang anak namin ni Precious dad."
"Oh? Ilang taon na ba?"
"Five years old pa po."
"Ba't hindi niyo sinundan? Pwede na yang sundan! Kung hindi lang sana maagang binawi ang mommy mo ay magkakaroon ka pa ng kapatid. Baka basketball team pa ang nabuo ko!" Natatawang sabi ng doktor.
Hindi naman insensitive si Peterson kaya nakitawa ito pero madali lang natapos.
"Nasa lahi na po siguro natin na maagang bawian ng asawa dad.. kinuha po sa amin si Precious ilang buwan palang po ang nakakaraan dahil sa breast cancer."
Naging tahimik sila saglit bago nagsalita muli ang doktor. "Nasaan ang apo ko? Bakit hindi mo sinama?"
"Yan po talaga ang pakay ko sa inyo. Nabalitaan ko po ang bagong gamot na kayo mismo ang gumawa at kayo pa ang unang nakakagawa kaso hindi niyo pa ito inilabas sa market. Noong nagbigay kayo ng slot para sa sampung pasyenteng may leukemia , agad ko pong pinalista ang pangalan ng anak ko subalit sa kasamaang palad, hindi siya pinalad para maturukan. Ngayon po ay naka-confine siya sa ospital po na ito. Tatlong buwan na po kaming pabalik balik dito at ngayon ko lang napagpasyahang humingi ng tulong."
Napatayo sa gulat ang doktor dahil sa hindi inaasahan na narinig.
"Bakit ngayon ka lang lumapit Peterson?! Buhay ng apo ko ang nakasalalay! Hindi ako magdadalawang isip na ibigay sakanya lahat ng iyon!"
"Nahihiya po ako noong una at akala ko ay kakamuhian niyo po ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob upang lapitan kayo. Baka.. baka naman po mayroon pa kayong extra diyan na pwede niyo pong ibigay kay Verity, ang apo ninyo."
"Umupo ka muna.. may titignan lang ako."
Bumalik ito sa table niya at tinignan ang kanyang computer. Napangiti ito ng may makitang magandang progreso sa kanyang ginagawa.
"Ang sampung ibinahagi namin ay gamot lamang para pahabain ng buhay ang pasyente. Maswerte tayo at ang isa pa naming ginawa ay maayos na at malapit ng ilabas sa market pero limitado lamang."
Nakapaskil pa rin ang malaking ngiti sa mukha nito na nagbigay ng lakas kay Peterson.
"Maswerte ka anak dahil may bagong development ang vaccine na ginagawa ng research team namin.. subalit hindi ako ang may malaking kapangyarihan para makuha ito. Ang mga Monsanto ang may kapangyarihan dahil sila ang nagfund sa amin."
"Ibig sabihin wala po kayong magagawa? Hindi ko maintindihan dad."
"May napagkasunduan naman kami na may bahagi kaming pera pero dahil nga kakailanganin ng apo ko, hindi ako tatanggap ng pera at ang vaccine lang ang hihingin ko. Sa case ng leukemia, isang dose lang naman ang kailangan kaya wag kang mag-alala. Bukas na bukas din ay nasisigurado ko na magagamot na natin si Verity. Gusto ko na rin siyang makita."
Nakahinga si Peterson ng maluwag dahil sa narinig at nagkaroon din siya ng pag-asa na magagamot ang kanyang anak na si Verity. Nagpaalam siya sa kanyang ama at nagpasalamat matapos nilang mag-exchange ng phone numbers para madaling ma-contact ang isa't isa.
Pumasok siya sa isang pribadong kwarto na kinalalagyan ng anak niyang si Verity. Sa loob ng ilang buwan na pag-atake ng sakit nito, palagi na itong natutulog para hindi mapagod sa pamamagitan ng pag-iinject ng pampatulog.
"Kunting tiis nalang anak.. gagaling ka. Papagalingin ka ng gamit na dinevelop ng lolo mo. Ang swerte natin kahit na sinuway ko siya noon ay hindi siya nagdalawang isip na tulungan tayo. Makikilala mo siya bukas anak kapag naiturok na sa'yo ang gamot."
Hinalikan niya ito sa noo at naging mapayapa ang araw na iyon.
***
"P-pa.."
Halos nanginginig ang kamay ni Peterson ang tinig ng boses ng anak niya. Katatapos lang iturok ang gamot na dinala mismo ng kanyang ama na si Dr. Thomas Radaza. Napansin naman ito kaagad ng doktor kaya inalalayan niya ito sa mga balikat.
"I'm very confident of my medicine anak. My granddaughter deserves nothing but the best in this world. Itataya ko ang buhay ko para lang sa inyong dalawa. You're my family and I can't afford to lose an innocent child who deserves to see the beauty in this world." Isang makahulugang ngiti ang binigay ng doktor.
Matapos ang ilang minuto ay nagising na ng tuluyan si Verity kaya tinawag kaagad ni Peterson ang doktor na naka-assign sa kanyang anak. Sinekreto lang ang ginawa ni Dr. Thomas para sa apo kaya gulat na gulat ang doktor ng mag-run ito ng ilang tests at nakitang unti unti na itong gumaling.
"Doctor Radaza, magandang araw po," bati ng doktor ni Verity na si Dr. Jumawan. Nagulat pa ito dahil nakita niya ito sa loob ng kwarto. Na-explain naman ni Dr. Radaza na apo niya ang pasyente.
"Apo niyo pala ito sa anak niyo pong nawalay sa inyo. By the way doc, your granddaughter is going well. I didn't expect this kind of progress. In my 30 years of service, this is the first time I experienced this kind of miracle."
"Thank you doc because you cured my granddaughter," sagot ng matandang doctor.
"Nagkakamali po kayo! I thought she was getting worse yesterday and here comes miracle. She's strong enough to fight. Limang taon pa lang pero marunong ng lumaban. I think it runs in your blood."
Nagtawanan silang tatlo. Nagpaalam na si Dr. Jumawan at naiwan muli silang tatlo. Pinakilala na ni Peterson ang kanyang ama kay Verity. Verity being a smiley person gives her brightest smile to his grandfather. Nagrequest pa nga ito na mag-picture silang tatlo para mailagay niya sa kanilang bahay.
Nakauwi na ang mag-ama sa kanilang bahay. Niyaya sila ni Dr. Radaza pero ayaw din iwan ni Peterson ang bahay na naging tahanan na niya ng ilang taon. Kinumbinsi niya ang kanyang ama na bibisitahin nila ito isang beses sa isang linggo at napapayag naman niya ito.
"Papa, ready na po ba yung picture frame na gift ko kay lolo?"
"Oo, Verity. Nasa bag na ni papa," tinapik niya ang kanyang packbag na nakasabit sa likod.
Nagkwento sila habang bumabyahe sa daan dahil maraming tanong din si Verity tungkol sa kanyang lolo at lahat naman ng tanong ay nasagot ng maayos ni Peterson.
"Ang laki ng bahay ni lolo! Masaya sigurong tumira jan papa.. gusto kong samahan si lolo!"
"Hahaha.. sige anak pag-iisipan ko. Namimiss ko na rin ang daddy."
Walang tanong-tanong ang gwardiya na nakabantay sa bahay at pinapasok sila kaagad.
"Pasok lang po kayo, sir. Inaasahan ko na po ang pagdating niyo sa araw na ito. Nasa loob pa po si Dr. Radaza."
"Salamat po."
Pagpasok nila sa loob ay sobrang tahimik dahil sa laki ng bahay. Mansyon na nga kung tawagin. Wala silang nakikitang serbedora o kahit sino man lang na nasa sala.
"Lolo nandito na kami!" Masayang sigaw ni Verity.
Nang marinig nila ang pag-ticktack ng sapatos ay sinalubong kaagad ito ni Verity. Nakasuot na ito ng suit at mukhang aalis.
"Aalis kayo lolo?"
"No Verity. You will be coming with me!"
"Are we going to a paradise?! Wooooow. But wait lolo, I have a gift for you!" Inabot ni Verity ang picture frame na ikinatuwa ng lolo niya. Inilagay niya ito sa ibabaw ng kanyang mamahaling piano.
"We look amazing on that picture.. thank you Verity because you're already well."
"Dad let's just use my car. Hindi man iyon luxury car pero siguradong aabot tayo sa destinasyon!"
Lumabas sila ng bahay. In-unlock na ni Peterson ang kanyang kotse at agad na pumasok sa backseat si Verity kaya sa frontseat naupo si Dr. Radaza.
Lalabas na sana sila ng gate ng may naghahanap kay Dr. Radaza na nakaabang sa guardhouse.
"Bababa muna ako Peter para puntahan ang naghahanap. Doon nalang kayo sa labas maghintay."
Nang makalabas sila ay nahagip niya ang isang puting SUV na nakapark sa harap ng bahay kaya medyo umuna siya dito. Baka yun yung taong naghahanap sa kanyang ama. Binaba niya ang windshield upang makalanghap ng sariwang hangin si Verity.
"Papa bakit maraming baril?" Nakatingin sa labas ng bintana si Verity habang nakatanaw sa hinihintay niyang lolo. "And look! They are dragging lolo!"
Napatingin kaagad si Peterson sa tinuro ni Verity.
***
Pasensya na kayo at medyo bitin. Hehehehe.. pinutol ko lang kasi medyo mahaba na. Thank you!
#ChoSeungyoun
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top