Chapter 35

THIRD PERSON'S POV

"Patawarin niyo po ako sa aking matinding kasalanan."

Lumuhod sa paanan ng Ruler ang guardian angel na si Raziel.

"Bakit ba at napakakulit mo at hindi mo kayang bantayan ang isang batang pinapabantayan sayo?"

"A-ayaw ko po kasi sa kanya eh.. ayaw matulog kaya palagi po akong dilat." Reklamo ni Raziel na bago pa lang sa pagiging guardian angel.

Nasapo nalang ng Ruler ang kanyang noo. Kung hindi kasi aayusin ng nasasakupan niya sa third sphere ay mapapagalitan siya sa mas nakakataas. Iba ang batas sa langit at lupa. Magkaibang-magkaiba.

"Raziel.." may awtoridad ang boses nito na ikinakaba ni Raziel. Pangalawang beses pa lang kasi niyang nakita ang Ruler. Noong una ay iyong binasbasan siya bilang guardian angel at ang pangalawa ay ngayon.

Napalunok ng maraming beses si Raziel at nanginginig na ang tuhod nitong nakaluhod.

"Hindi tayo katulad ng tao na binibigyan ng maraming chance para maituwid ang pagkakamali. Alam mo naman siguro na hindi tayo pwedeng magkamali hangga't maaari. Bawal tayong sumuway sa mga batas ng langit dahil magiging fallen angel tayo. Sana ay huwag mo ng ulitin ang ginawa mong palaging pag-iwan sa batang si Greg. Kailangan niya ng gabay dahil malaki ang kapalarang naghihintay sakanya. Siguraduhin mo na walang mangyayaring masama sakanya kapag ang mga magulang niya'y hindi nakabantay sakanya."

Tumango ng isang beses si Raziel bilang senyales na naiintindihan niya ang sinasabi ng Ruler.

"Gustuhin ko mang huwag kang bigyan ng bagong babantayan pero kailangan. Nakasaad na sa rules and regulations niyong mga guardian angels na kapag nagkaroon kayo ng isang pagkakamali, mas bibigat ang responsibilidad niyo."

Naiiyak na si Raziel sa kanyang narinig. Isang bata nga lang ay hindi na niya mabantayan ng maayos, dalawa pa kaya? Baka dumating ang araw na sa dami ng pagkakamali niya ay umabot sa one million ang babantayan niya.

"Isa kang guardian angel at makakaya mo ito. Kaya ka naging guardian angel dahil nakitaan ka na may taglay na talino at responsable."

Medyo naiintindihan naman ito ni Raziel dahil ang mas nakakatanda sakanya na mga guardian angel ay may limang binabantayan hindi dahil may mga kasalanan ito kundi gusto nilang makatulong sa mga tao.

"Ruler, maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Maasahan niyo pong aayusin ko na ang trabaho ko at hindi na ako mapapagod."


"Matindi ang kaparusahan ang naghihintay sa iyo Raziel kapag pumalpak ka."

"Isasapuso ko po ang aking trabaho. Ayaw ko pong maging fallen angel."

"Mabuti. Mabuti. I-sealed na natin ang kasunduan ngayon."

Inilagay ni Raziel ang kanang kamay niya sa libro na hawak hawak ng Ruler. "Pumikit ka Raziel at sabihin mo ang pangako mo sa Kanya."

Pumikit ng mariin si Raziel at ibinigay niya ang kanyang pangako sa Kanya.

"Sana ay ayusin mo na talaga ang trabaho mo. Balita ko pa naman na gusto mong malaman ang buhay mo dati."

Natahimik si Raziel sa kanyang narinig. Hindi niya akalaing bukod sakanya, may iba pang may alam sa pinakagusto niyang malaman. Well, hindi na kataka-taka kung bakit alam ng Ruler ang gusto niya.

Pagkatapos ng pakikipag-usap ni Raziel sa Ruler ay bumalik na siya sa pinagtitipunan ng mga guardian angel na parehong nagkasala rin dahil hindi maayos binabantayan ang kanilang dapat bantayan.

"Kamusta Raziel?" Sinalubong siya ng tanong ng isa sa mga guardian angel.

"Pina-realize ako ng Ruler na kailan kong gawing mabuti ang pagiging guardian angel." At para malaman ko na kung ano at sino ako dati bago ako humantong sa pagiging guardian angel.

"Magpapahinga muna ako Raphael." Pagpapaalam niya. Naglakad siya papunta sa kwarto niya para makapagpahinga. Hindi rin kasi maaaring gamitin nila ang kanilang pakpak kapag nagkasala sila.

Sana dumating ang araw na malaman ko kung sino ako noong nasa lupa pa ako.

Naalala niya bigla ang araw na napunta siya sa lugar na ito. Sa pakiramdam niya ay nagising siya sa mahimbing na tulog. Wala siyang ideya kung anong klaseng lugar ang napuntahan niya.

Nilapitan siya ng isang nakakatanda at nagpakilala ito bilang isang Ruler. At walang patumpik-tumpik na sinabihan siya nito bilang isang guardian angel. Wala ring ideya si Raziel na isa siyang dating mortal na naninirahan dati sa lupa. Hangga't sa mapadpad siya sa isang pagtitipon ng mga guardian angels na sa tingin niya ay matagal ng naglilingkod sa Kanya.

"May bago na naman daw na guardian angel.. matagal tagal din bago magkaroon ulit," sabi ng isang guardian angel na lalaki.

"Ayun siya oh!" Tinuro siya at ang lahat ng nagtipon ay tumingin sa kanya. Sobrang hiya ang nararamdaman niya at ang tanging nagawa lang niya ay ngumiti na parang bata sa harap nila.

"Halika! Saluhan mo kami! Kaya pala may pa-handa dahil may bagong guardian angel na darating!" Anyaya sa kanya ng isang lalaking guardian angel na ang buhok nito ay hanggang balikat.

"Mabuti't nadagdagan na tayo!" Maligayang bati ng iba sakanya.

Hindi niya inaasahan na tatanggapin siya nito ng buong galak. Sa pagkakataong iyon ay medyo nawala ang hiya niya at naging komportable siya sa mainit na pagtanggap sakanya. Tuwang-tuwa ito na makita siya at nagpapahayag ang iba ng kanilang saloobin.

"Panigurado'y wala kang alam tungkol sa sarili mo?" Napahinto siya sa pagnguya ng tinapay ng may nagtanong sakanya. Gustuhin man niyang aalahanin kung sino siya pero kahit na anong alaala ay walang pumapasok. Para itong isang papel na blanko.

"W-wala.." mahinang tugon niya dahil ayaw niyang tanggapin ang katotohanan na wala siyang maalala.

Napatango ang ibang mga guardian angel sa sagot niya. Sinabihan siya nito na ganoon din ang kanilang sitwasyon at hanggang ngayon ay kinukwestyon pa rin nila ang kanilang pag-eexist.

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa narinig. Hindi pala siya kakaiba sa lahat dahil silang lahat ay nasa parehong sitwasyon.

"Wala na akong pake kung sino man ako.. basta ang importante isa akong guardian angel at sa tingin ko'y naging mabuti akong tao noong nasa lupa pa ako.." kumunot ang noo niya ng marinig ang sinabi ng kapwa guardian angel.

"Tao? " Tanong niya. Wala man siyang maalala pero may nararamdaman siyang kakaiba tungkol nang marinig ang salitang iyon.

"Wala ka nga talagang alam.. tayong lahat na nandirito ay naging tao.." simula ng isang nakakatandang guardian angel na sa tingin niya'y matagal na ito sa pagiging guardian angel. "..at hanggang doon lang ang alam ko."

Lahat sila ay nagbigay ng samu't saring pagkadismaya sa sinabi. Akala kasi ng iba na mayroong bagong alam si Zadkiel.. ang pinakamatanda sa lahat ng guardian angel.

"Pasensya na at yun lang talaga ang alam ko.. kahit ako ay naghahanap din ng kasagutan tungkol sa pagiging guardian angel ko."

Napatayo silang lahat sa pagkakaupo ng narinig nilang tumunog ang bell ng tatlong beses.

"Ayan na si Ruler! Sure ako na tungkol sa'yo bro ang i-aannounce niyan!"

"Oo nga nagpapakita lang yan kapag may bago o di kaya'y sobrang importante. Madalas ay nagpapa-utos lang siya para ipadala ang mensahe."

Tumahik silang lahat at naghihintay sa kung anong sasabihin ng Ruler nila.

"Isang magandang araw sa inyong lahat!" Bati nito sakanila at binalik naman nila ang pagbati sa Ruler na may kasamang pagyuko.

"Nakilala niyo na ang bagong kasama niyo bilang guardian angel.. sa tingin ko'y maganda na ang impresyon niya sa inyo."

Nanatili lang silang nakakinig at walang planong disturbohin ang Ruler na nagsasalita.

"Nandito ako para bigyan siya ng pangalan.. hindi na ako magpatumpik-tumpik pa.. ikaw.." tinuro niya si Raziel na hindi pa pinapangalanan. Humakbang siya papalapit sa ruler at inilagay ng Ruler ang kamay nito sa ulo niya.

"Simula ngayon, ikaw ay tatawaging Raziel.. ang anghel ng misteryo."

Umugong ang ingay dahil sa pagkagalak. Matapos ay sabay sabay nilang isinigaw ang pangalang Raziel.

"RAZIEL!"

"RAZIEL!"

"RAZIEL!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top