Chapter 33

Another chapter mga ka-Greeeeg!!!
Happy Flores de Mayo sana pero June na ngayon. Hahaha 😂

Goodluck sa mga may pasok na! Ayusin niyo pag-aaral niyo especially kay TG_AOT na pinakamaganda sa balat ng wattpad! Sana happy ka sa daang tinahak mo. Wag mo sana akong iwan sa ere okay? HAHAHA

---

Muntikan na akong mabangga sa poste mabuti nalang at hindi natuloy. Ang bigat bigat kasi ng pakiramdam ko at tinutulak ako nito pailalim. Sobrang sakit kahit limang minuto pa ang lumipas. Paano pa kaya kung isang araw ang lumipas? Sobrang sakit na siguro yun.

Lumakas ang ihip ng hangin at dala dala nito ang lamig. Symmetrical lang sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na darating kami sa puntong ganito. Yung makiki-usap siya na hindi muna kami mag-usap.

Pinatunog ko ang kotse tsaka sumakay na ako at pinaandar ito. Wala pa akong balak umuwi at wala akong alam kung saan ako pwedeng pumunta.

"Naranasan mo na rin ang first heartbreak Greg. Congratulations!"

Naghahallucinate na siguro ako dahil naririnig ko ang boses ni Ogre. Natawa ako bigla dahil sa ginawa ko kanina.

"Makyu Ogre. Ikaw ang may kasalanan nito." May pagkainis na sabi ko.

Siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung hindi lang niya ako sinabihan na nasa panganib si Verity ay siguradong masaya ako sa kama ko ngayon habang ka-video call si Rose Ann.

Pero mali ba ang tumulong? Kahit sino namang tao na may tamang pag-iisip at nakita ang sitwasyon nila kanina ay gagawa rin ng aksyon panigurado.

Bawal na bang tumulong sa ibang babae kapag may girlfriend ka na?

Kahit saang banda ko tignan, walang mali sa ginawa ko. Magkakaroon pa nga siguro ako ng award sa ginawa ko. Most courageous. Most brave. Most helpful. Lionhearted.

Ang hindi ko lang maintindihan ay ang naging reaksyon ni Rose Ann sa ginawa ko. Kung malalaman ng mga magulang ko yung pagtulong ko kanina ay magiging proud sila sa akin. Bakit si Rose Ann hindi? Bakit galit na galit siya? Bakit kahit nag-effort ako at nag-explain nagawa pa rin niya akong saktan?

Tinulak niya ako at pinahiran niya ang kanyang labi gamit ang kanyang palad. Magkasalubong ang kanyang kilay at mas lalo ko pa ata siyang ginalit.

"How can you say that I deserved your kiss? I don't deserved it Greg! Hindi ko deserve ang mahalikan ng isang taong sinaktan ako!" Tinalikuran niya ako at hindi ko na siya nagawang pigilan.

"Hindi mo deserve ang makausap ako Greg. Now please go out silently at wag mo muna akong kausapin. Pakilinis na rin ng kalat na ginawa mo." Pumasok na siya sa kwarto niya at naiwan akong nakatunganga.

Sa pagtatalo namin magmula pa kanina, pinagdarasal ko na na sana huwag munang dumating ang parents niya dahil wala akong mukhang maihaharap.

Matapos kung kunin ang kalat na nagawa ko ay lumabas na ako ng bahay niya na walang kahit isang sinabi. May nakita akong malaking basurahan paglabas ko kaya doon ko nilagay ang bulaklak. Sayang naman kung itatapon ko pati itong nutella at slicebread. Iuuwi ko nalang ito sa amin para may makain ako.

Hindi ko tinahak ang daan pauwi kundi dumiretso ako sa kung saan nakaharap ang sasakyan nung nakapark ito. Wala pa akong alam sa lugar dito banda kaya it's time to explore. Nakakaguilty din umuwi dahil wala ako sa mood. Baka mabadtrip ko lang si nanay at tatay pati si baby.

Hininto ko ang sasakyan ng may makita akong signage na neon blue ang ilaw.

The Satellite Beach Bar ang nakalagay dito at may arrow din na nakaturo sa isang daan. Yun siguro ang daan patungo sa beach bar na nakasaad sa signage.

Chineck ko muna ang wallet ko kung may cash pa ba ako at fortunately, may isang one thousand ako. Kaya tinahak ko na yung daan. Hindi umabot ng isang minuto ang byahe ko papasok pero sa pagpark lang ako natagalan. Bumaba na ako sa sasakyan at sumalubong kaagad sa akin ang maalat at malamig na simoy ng hangin at ang maingay na kantahan.

Sinundan ko ang ingay at nakita ko ang entrance. "Good evening sir," pagbati sa akin ng guwardya. Binati rin niya ang ibang mga taong kasabay kong pumasok.

May signage rin ulit na nakakabit sa itaas na binuhol sa magkabilang niyog. Malaki ang espasyo ng beach bar. Pagpasok ko kaagad ay nanalaytay na kaagad ang amoy ng beer, usok ng sigarilyo at vape sa ilong ko. Ganito pala ang isang bar.

Walang bubong ang The Satellite kaya kitang kita ko ang bituin at buwan sa langit. May mga cottages na pwedeng tambayan at mayroon ding mga lamesa at bangko lang.

Lahat ng taong nakikita ko ay hindi pamilyar sa akin kaya gumaan ang loob ko. Pero mabigat pa rin ang loob ko dahil kanina. Mas lalo pang bumigat ng marinig ko ang lyrics na kinakanta ng bokalistang lalaki ng banda.

"Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umalis...
Umalis"

At dahil mas tinolerate pa ng kanta ang sakit na nararamdaman ko, lumapit ako sa bar counter at determinadong uminom ngayong gabi. Iniscan ko muna ang mga inumin na nakalagay sa shelves at binabasa kung anong brand ng wines ang nandoon.

Lumapit sa akin ang isang bartender kaya sinabi ko na kaagad ang gusto ko. "Dalawang shot ng Moncigale," nilapag ko ang isang libo ko tsaka naghintay ng shot ko. May pa exhibition pang nalalaman ito kaya medyo nalibang ako.

"Here's your first shot sir!" Masigla niyang ibinigay sa akin ang unang shot na nilagay niya sa wineglass. Kung may ibang cash pa sana ako baka makainom ako ng todo dito.

Takot kasi akong magwaldas ng pera at magtaka sila kung saan ko ito ginasta at kapag natrack na binili ko lang ito ng alcoholic drinks, baka palayasin ako.

Iba na ang kinakanta ng banda ngayon. Maraming nakakarelate kaya marami ang tumayo malapit sa stage at nakipag-jam.

"Lapit ng lapit ako'y lalapit!" Sigaw ng mga tao kasabay ng pagkanta ng bokalista.

Naubos ko ang unang glass ko. "Mamaya ko na babalikan yung pangalawang shot ko." Tumayo ako at naki-agos sa dagat ng tao na nakapaligid sa banda.

"O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo'y mag usap, teka lang, ika'y huminto
'Wag mo kong iwan, aayusin natin 'to,"

Nakipagsabay na rin sa ako sa lahat ng tao. Mas maganda ang isigaw ang nararamdaman kesa iinom.

"TAYO'Y MALABO!!!!!!" Nahigit ko ang hininga ko matapos kong isigaw sa linyang iyon ang aking nararamdaman.

"WOOOOW! HUGOT NA HUGOT!" Sigaw ng isang lalaki sa akin at sabay kaming humalakhak. Hugot nga pare. Malalim na hugot.
Bumalik ulit ako sa bar counter at kinuha yung last shot ko.

Pinagpagan ko ang pantalon ko na may buhangin. Tumayo ako at nakipag-jam ulit sa banda. Wala namang nakakakilala sa akin dito kaya walang hiyaan na'to. WOOOOH!!!

Matapos ang kantang iyon ay sinundan naman kaagad ng isang English song.

"Sa One Direction 'to!" Sigaw ng katabi ko na mas lalo pang naging hype.

Umpisa pa lang ay hindi na ako pamilyar sa kanta pero ang unang linya pa lang ay tagos na sa akin.

"It's inevitable everything that's good comes to an end
It's impossible to know if after this we could still be friends, yeah"

Imbes na mawala yung sakit na nararamdaman ko, tinutusok ito ng paulit-ulit ng kanta. Wrong move ata na napadpad ako rito.

"Hey, hey, hey
Oh, why did you have to walk out of my life
Hey, hey, hey
Oh, even though it's over you should stay tonight
Hey, hey, hey
If tomorrow you won't be mine
Won't you give it to me one last time"

Sa pagkakataong ito, mas pinili ko na umalis nalang kesa makipag-jam ako roon. Ang ibang tao, kaya nilang macontrol at ma-manipulate yung feelings nila para hindi sila masaktan nung kanta pero ako, hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.

Sinasalubong ko ang hangin na nagmula sa dagat. Kahit nanlalagkit na ang balat ko dahil sa maalat na hangin, mas lalo lang akong lumalapit sa dagat.

The sound of the waves and the band complements. Malaya silang naririnig ng mga tao. Malaya nilang naipapahiwatig ang kanilang tunog. Nakakainggit dahil malaya sila pero ako masyadong malabong dinggin ang aking tinig.

Ngayon ko lang napagtanto na kahit gaano pa kabait ang isang tao. Kahit gaano pa sila umunawa. Kahit mataas ang kanilang pasensya, umaabot din sa punto na manghihina sila. Na kahit simpleng bagay lang, lalagyan na nila ng malisya kahit na binigyan mo na sila ng explanation.

Sana bukas pag gising ko, okay na kami.

Alas dose na sa relo ko pero gusto ko pa ring magstay dahil nagiging komportable na ako sa pagtayo habang nakatanaw sa dagat kahit hindi ko naman nakikita ng klaro. Bakit ang hilig nating mag take risk kahit walang kasiguraduhan? Yung tipong alam mo ng wala kang makukuha sa huli pero tumaya ka pa rin.

Para sa akin, mas mahirap sumugal sa bagay na klaro at hindi malabo. Masasaktan ka lang sa huli kapag yung nakikita mo para sa bagay na yun ay hindi magkakatotoo. Nag-expect at nag-assume ka na everything will flow smoothly according to what you perceive. It's sad but it's true.

Sinipa ko ang buhangin papunta sa dagat dahil unting unti akong napupuno.

"Mahirap pala pag first time," sabi ko sa sarili ko.

Nasan na ba si Ogre at ng may makausap naman ako. Baka may maipayo siya sa akin. Dapat ako ang priority niya ngayon dahil ako yung may pinagdadaanan at hindi si Verity. Maghihintay ako na tulungan niya ako. Akala niya ha!

"Ahem. Ahem." Napatalon ang puso ko sa gulat. At literal na napatalon ako nang makita si Verity sa tabi ko. Anong ginagawa niya rito sa ganitong oras?

"Ayaw ko man, pumunta ako rito dahil nakokonsensya ako at tinulungan mo rin ako kanina," pag-eexplain niya. Napabuntong hininga ako.

"Kung ayaw mo, hindi ka na sana pumunta. Hindi ko kailangan ng taong nakokonsensya. Ang kailangan ko ay isang taong makakausap at makakaintindi sa akin."

Wala akong balak na barahin siya o kung ano man pero yun kasi ang totoo. Alam ko rin na si Ogre ang nagpadala sakanya rito katulad ng pagtawag ni Ogre sa akin kanina para tulungan siya.

"Paano mo ko matutulungan kung hindi ka willing at napilit ka lang naman diba?" Sabi ko sakanya na nakaharap pa rin sa dagat. Mas lalo lang akong nainis at bumigat ang pakiramdam ko.

"Naaawa ka lang ba sa akin?" Sunod ko na tanong. "Hindi ko kailangan ng awa. Mas mabuti pang umuwi ka na sa inyo at matulog. Nakakadistorbo ata ako sayo."

"Te-teka lang naman Greg.." naririnig ko ang yapak niya na tumatakbo. Naglalakad kasi ako dahil nabadtrip ako sakanya.

"Umuwi ka nalang kasi. Baka nakasira pa ako sa beauty rest mo."

"BAKIT ANG OA MO?" Sigaw niya sa akin dahil malayo layo na ang distansya naming dalawa. "IKAW ANG OA!" Sagot ko pabalik tsaka huminto na sa paglalakad ng makakita ako ng niyog na may ceres light at nakasuper bend ito na pwedeng maupuan.

"FYI Greg, baka mag-assume ka na nag-effort ako para puntahan ka rito. Sadyang kanina pa ako nandito. Busy si Ogre kaya pinadala niya ako." Napipi ako sa sinabi niya. Masyado talaga akong nag-expect. Nakkahiya.

"Oh eto para mas lalong bumigat ang pakiramdam mo," inabot niya sa akin ang isang flavored beer in can. Meron din pala siya at nabuksan na niya kaagad yun tsaka ininom.

"So anong problema?" Tanong niya kaagad na parang wala lang.

"Ikaw ang problema."

"Bakit naman ako?"

Akala ko tatabi siya ng pag-upo sa akin kaya umusog ako pero doon lang siya na upo sa isang lumang kahoy na napadpad sa baybayin. Ako na assuming.

"Tinulungan kita kanina diba tapos nakita ng girlfriend ko kaya ayun ayaw na akong kausapin."

"In-explain mo naman siguro ang nangyari?"

"Syempre. May utak naman akong gumagana."

"Inexplain mo naman diba kaya baka may ibang problema at hindi ako."

Binuksan ko na rin yung akin tsaka tinungga.

"Alam kong ikaw ang problema namin. Halata masyado na nagseselos siya dahil sa ginawa ko kanina," maharan kong sabi na ikinatawa niya.

"You really insist na ako ang problema huh? Nakakasakit ka na ah."

Narinig ko ang tunog ng lata na tinapakan niya. Naubos na pala yung flavored beer niya tapos yung akin nasa kalahati pa lang.

"Sorry to burst your bubble Greg. Hindi ako ang problema kundi ang girlfriend mo. Wala akong makitang dahilan para maging sanhi ng pagkasira sa relasyon ko. Payong parehong-naririnig-si-Ogre lang ah, umuwi ka na at matulog."

Tumayo na siya at pinagpagan ang sarili tsaka naglakad kaya nakatalikod na siya sa akin pero huminto muna siya. "Una na ako Greg. Drive safely!" Tapos tinaas niya ang kamay sa ere.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top