Chapter 32
Nang makalayo-layo na kami kinalas ko ang kamay ni Greg na nakaakbay sa akin.
"Thanks for saving our lives," I smiled awkwardly matapos kong magpasalamat. I really don't like his stunt kasi sa lahat ng pwede niyang gawin bakit yun pa ang ginawa niyang script? I was about to make my move pero umepal siya! Kwits na kami dahil ako ang palaging tumutulong sakanya.
"It's really my fault. I was just pranking Verity and I wasn't aware na ganoon sila kauhaw sa ganda namin. I already know our capabilities as godesses but it just that.."
Siniko ko si Annabelle dahil nagjojoke na naman. Joke ang araw na ito eh, hindi Thursday kasi Jokeday.
"Pasensya na rin kayo kasi ganun ang ginawa kong paraan.. wala na kasi akong ibang maisip sa sobrang pagmamadali kakahanap sa inyo," mahinahon niyang sabi na mukha pa ring nag-alala. Thanks for the care.
"May klase pa kami Greg. Mauna na kami ah? Salamat sa ginawa mo."
Gusto kong matawa kasi sakanya ko ginamit ang strategy na gagawin ko sana kanina. Baka sila ang destiny at hindi yung mga manyakis na yun.
Kinawayan muna siya ni Annabelle bago kami tumalikod at nagpunta sa classroom namin.
"No need to reprimand me Verity. I already learned my lesson. Just please don't rant kasi I can't take it. If you don't want to see your friend hanged in a rope, shut your mouth okay?"
Tahimik lang akong naupo sa upuan ko and scanned my notes. Wala pa rin sa loob si Evi and I don't know where she is. Wala rin akong ganang tignan ang cellphone ko. I'll just let her be.
"Pasensya na rin kayo kasi ganun ang ginawa kong paraan.. wala na kasi akong ibang maisip sa sobrang pagmamadali kakahanap sa inyo."
"Wala na kasi akong ibang maisip sa sobrang pagmamadali kakahanap sa inyo."
"..sobrang pagmamadali kakahanap sa inyo,"
Napadilat ang utak ko matapos ma-analyze ang sinabi kanina ni Greg. Hinanap niya kami? Our only communication is that unidentified angel. Siya siguro ang nagsabi kong nasaan kami and that we really need help. Thanks Ogre..
***
GREG
Gabi na pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nirereplyan ni Rose Ann. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Naka-150 dials na ako pero walang sagot akong natanggap. Kinakabahan na ako.
"Pahiram ng sasakyan Tay."
"Saan ka pupunta? Bike mo nalang ang gamitin mo para hindi ka makadagdag sa air pollution."
May point si Tatay pero kung magbibike ako, baka abutin ako ng bukas bago makarating sa bahay nina Rose Ann. Kaya in-explain ko kay Tatay ang pakay ko at sumang-ayon naman siya kaagad. Nasa bahay lang din kasi si Nanay dahil naka-maternity leave.
Isang buwan na rin akong marunong magmaneho ng sasakyan dahil ayaw ni Tatay na siya lang ang marunong. Kapag magka-emergency atleast may katuwang siya.
Tinext ko na rin siya na on the way na ako para hindi siya masorpresa sa pagdating ko. Nag-stop over muna ako sa isang flower shop at bumili ng tatlong roses. Yung instinct ko kasi sinasabi na bumili ako ng chocolate and flowers kaya huminto rin muna ako sa convenience store na katabi at bumili ng nutella at slice bread.
Nahihiya akong ipasok ang sasakyan kaya pinark ko nalang ito sa tabi tsaka pumasok sa daan papunta sakanila. Habang naglalakad ako, sobrang kumakabog ang puso ko. Kinakabahan ako bigla na parang may ginawa akong masama. Greg kalma alam mo namang wala kang ginawang masama.
Kumatok ako sa pintuan ng kanilang bahay. Alas siete na ng gabi at sa tingin ko'y wala ang mga magulang ni Rose Ann dahil ang tahimik ng bahay. Walang nanonood ng tv.
Kumatok lang ako ng kumatok at hindi nalang nagsalita baka kasi kung marinig niya ang boses ko ay hindi niya ako pagbuksan. Alam kong nasa loob siya dahil naka-on ang ilaw ng kanyang kwarto at nagpapatugtog siya ng music.
"TEKA LANG PO!!!" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses niya. Halatang hininaan niya ang volume ng speaker dahil hindi ko na marinig ang music.
Naka-polo pa ako ng Lacoste na naka vertical stripes tsaka naka Uniqlo na pants at Nike na rubber shoes at Michael Kors na relo habang Aficionado ang pabango. Na-iimagine ko na ang sasabihin ni Rose Anne sa akin.
"Babe! Ang bango mo sobraaaa!" Inamoy niya ang buong katawan ko habang nagtwitwinkle ang mga mata. "At pormang porma pa! Hindi ganito ang pormahan mo kapag may ibang tao. Nahahalata ko na na pumuporma ka lang kapag tayong dalawa," sabi niya na sobrang lawak ang ngiti.
Natigil lang ako sa pag-iimagine ng bumukas ang pintuan. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at hindi ako inaasahan. Ngumiti ako at iaabot na yung bulaklak na nakatago sa likod ko pero tumigil lang ang kamay ko sa ere dahil sinirado niya ulit ang pinto kaya nagkaroon ito ng malakas na impact kaya tumalon ang puso ko.
Nagulat ba siya sa kapogian ko?
May napapanood akong mga videos na ganito rin ang scene. Na kapag ang lalaki ay gwapo at nagpakita sa babae kinikilig ito kaya sinirado muna niya ang pintuan at mangisay sa kilig.
Ang dami kong alam no?
Dumaan ang malakas na hangin kaya medyo nasira ang ayos ng buhok ko. Nakakabadtrip!
Dumaan din sa harapan ko ang isang butterfly kaya napangiti ako. May dumaan din na langaw at pumatong sa bulaklak kong dala. Tinaboy ko ito gamit ang paghinga. Hindi naman ako bad breath.
Dumaan din ang ilang minuto pero hindi niya ako pinagbuksan ulit. Wag sanang mamatay sa kilig ang babe ko.
"Umalis ka na," malamig ang tono ng pananalita niya at ang mata niya'y sinisipat ako.
Di ko muna pinansin ang sinabi niya at pinakita ang dala dala kong bulaklak at nutella at slice bread. Nagbabasakaling biglang magtwinkle ang mga mata niya sa regalo kong dala.
"Hindi ako patay at nakakasira ng ngipin ang chocolate kaya umalis ka na."
Akmang isisirado na niya ulit ang pinto pero napigilan ko ito dahil pumagitna ako. Mabuti nalang at hindi ako na sandwich!
"Pwede kitang kasuhan ng trespassing. Aalahanin mo, hindi kita binigyan ng karapatang pumasok sa loob ng pamamahay ko," pasigaw na sabi niya at binibigyan niya ako ng death glares.
"Bakit noong dati kahit hindi mo sabihin ay pumapasok pa rin ako at hindi mo ako pina-blotter?" Halata sa akin na sinusubukan kong magbiro nagbabakasakaling bumenta sakanya iyon.
"Greg pwede ba? Stop acting like an innocent kid! Pwede ka ng makabuntis kaya ayusin mo yang sarili mo!"
"Teka teka.. chill babe. Hindi kita maintindihan kasi.." mahinahon kong sagot.
"Umalis ka na nga lang! Nababadtrip ako sayo!"
"Eto kasi yun.. hindi ka nagrereply sa akin kaya nag-alala ako. Kaya nandito ako sa harapan mo." Hanggang ngayon bitbit ko pa rin ang bulaklak at chocolates. Yung ibang mga petals nahuhulog na rin.
"Shut up Greg! Tignan mo oh," turo niya sa sahig. "Nagkalat ka lang eh! Hindi ka pumunta rito para sa akin. Pumunta ka rito para magkalat! Badtrip!"
Napakamot nalang ako sa ulo. Mayroon ata itong babe ko kaya masyadong mainit ang ulo.
Nakita ko siyang kumuha ng dustpan at walis kaya napakamot ulit ako sa ulo. Sana naunahan ko siya sa pagkuha para hindi siya mabadtrip!
Dahil sa kakaisip ko natapos na pala niyang mawalis ang nagkalat na petals.
"Pwede ka ng makakaalis."
"Saan ko pwedeng ilagay ang mga regalo ko sayo? Hehehehe.." mahina kong tanong at naghahanap ng pwedeng ilagay.
"Ilagay mo sa bahay niyo. Ayoko ng mga basura sa loob ng bahay. Nakakadagdag problema. Magsama kayo ng mga regalo mo!"
"Babe naman.. basura ba ito? Hindi pa nga nalanta itong bulaklak at in-unwrap ang chocomate eh kaya this is not a garbage."
"Sana naman ay gamitin mo yang dalawang tenga mo at ipasok mo sa kokote mo ang narinig ng tenga mo." Lumapit siya sa akin at akala ko'y bubulong siya pero sinigawan lang niya pala ako.
"UMALIS KA NA!" Buong lakas ang pagsigaw niya at bigla akong natauhan. Takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon na parang huhukuman ako ng Panginoon.
Wala na akong pake at nilaglag sa sahig ang mga dala ko. Madali lang naman yun linisan.
Hinawakan ko ang palapulsuhan niya. "Hindi talaga kita maintindihan babe.. ipaliwanag mo naman sa akin kung bakit ka nagkaganyan."
"At ako pa ang magpapaliwanag? You thick face man! Ang kapal ng mukha mo! Baga kag nawng! Ikaw yung dapat magpaliwanag at hindi ako! F*ck this cliché quarrel!"
Nanigas ako dahil may napagtanto ako. Hindi kaya'y narinig at nakita niya iyong kanina? Malamang Greg! Hindi yan mag-aalburoto kung wala kang ginawang masama.
"Your eyes are very evident. Napagtanto mo na ano? So c'mon ang get out!" Tinulak niya ako palabas ng bahay pero hindi ako nagpatinag. Hinawakan ko ang kamay niyang tumutulak sa akin.
"Sorry.. sorry babe! Hindi ko naman iyon sinasadya. Tinulungan ko lang sila dahil nakita ko na medyo inaagrabyado silang dalawa nung dalawang lalaki."
"Stop fooling around. You don't deserve a praise you deserve this!" Kasabay ng pagsigaw niya ang pagdampi ng palad niya sa kanang pisngi ko. Masakit ang sampal niya kaya alam kong nasaktan ang kamay niya. Napangiti nalang ako.
"You don't deserve to get hurt but you deserve this." Wala na siyang nagawa when I cupped her face at hinalikan siya sa kanyang mapupulang labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top