Chapter 31

Sa isang hindi pamilyar na lugar, nakatayo ako at nakatanaw sa isang ibon na lumilipad.

"How can birds fly freely when I can't?"

Mas nilibot ko pa ang paningin ko and I could see flocks of bird freely flying like they're living in a democratic air with no rulers and rules to be followed!

"They have wings while you don't."

I turned around to see who's talking but I can't recognize him.

"How about you?" I asked nonchalantly and even raised my left eyebrow to him. He just give me a sheepish smile and answered my question smoothly.

"Ofcourse I can."

Paulit-ulit kong ini-imagine ang napanaginipan ko kagabi. Simula kaninang magising ako at hanggang ngayong 11 am na siya yun parin ang iniisip ko. I am so preoccupied by that dream! Curious lang kasi ako dahil sa tinagal ba ng panahon, biglang nag iba ang laman ng panaginip ko. Like it feels so odd that I didn't dream about Greg.

The man's face in my dream is so vividly visible but now I don't think I can remember even the color of his hair. I am so bemused on who is he kasi alam kong my dreams aren't just dreams.

"Girl mabuti nalang walang quiz kundi bagsak ka," pabagsak na nilapag ni Chakadoll ang dalawa niyang kamay sa desk ko and I almost scream dahil I thought she was that horrible doll Annabelle!

"Wag mo na sanang ulitin yun ah? Kasi baka mapakasal kita kay Chuckie ng wala sa oras eh," I turned my head sa isa naming kaklaseng panay ang sipsip ng Chuckie.

"May taste din naman ako Verity!" Pinagpag pa ng gaga ang shoulders niya na parang may dirt na nakakapit doon.

"The chocolate drink Chuckie has a sweet taste Annabelle kung hindi mo alam."

We headed to the cafeteria after our morning class. Napansin namin na may isang stall na pinagkakaguluhan ng lahat at mahaba pa ang pila.

"It's a new stall of Korean foods that's why." Evianna answered my thoughts. Napaka-gossip girl naman nito. Char lang.

I saw students giggling after they bought their bibimbap and was heading for a table.

"Mukha rin silang kinikilig. Aren't you curious?" Tanong ko sa dalawa and they both looked curious too kaya hindi nila ako nasagot.

Lumapit kami sa stall na may nakalagay na Taste Korea sa tarpaulin nila. Medyo mahaba ang linya at crowded din ang harapan kaya nahirapan kaming tumingin.

Napatingin ako sa gilid ko and was stunned dahil may camera na nakalagay sa tripod and while roaming my eyes, my mga camera men sa loob ng caf! What's happening?

"Gooooosh!!! They're filming in our school!" Bulong na sigaw ni Annabelle sa amin ni Evi. And Evi being Evi, dali daling kinuha ang cellphone niya to look at her reflection. Maganda ka na bes. Kahit kalbo ka pa maganda ka pa rin.

"Kaya pala kinikilig ang ibang students dito?" I asked Annabelle but she shook her head while smiling.

"Artista kasi ang nagtitinda girl! I recognize him dahil I saw him portraying a character in a Korean drama," sagot niya and I was like.. eh? Gustong gusto kong makita so I ask for excuses tsaka nakalapit na ako ng bongga while Annabelle was left behind.

Dalawa sila exactly or not? Baka kasi nasa labas pa yung iba diba? Or I don't know. They're both male at bigla akong napalunok dahil yung isang tinibok ng puso ko kaagad when our eyes meet.
Yea! I'm gonna buy this whole damn stall!! You don't deserve to sweat so much baby! You better rest now!!!

"Verity! Verity!" I could hear Annabelle's voice calling my name pero busy ako sa panonood ng baby ko. I guess he is the one who will help me in my weird problems with Ogre and Greg. They're slowly fading in my memories and this guy right here is consuming my system! I badly want to know his name.

I saw a rectangular badge on his t-shirt and was about to read it when I realized it is engraved in Korean way of writing! What an actual sht?

Mabilis akong umalis doon at lumapit kay Annabelle na panay ang kamay sa akin. "What's the name of that handsome guy right there?" Tinuro ko talaga kung sino ang ibig kung sabihin.

"Yan ang sinabi ko sa iyo kanina. He is Yang Sejong! Yung Kdrama na Duel ang napanood ko."

"Why didn't you tell me?"

"Kasi ayaw ko ng may kahati?"

Inirapan ko muna siya bago batukin.

"Eto naman! Nananakit! Kailangan mo bang malaman ang lahat ng ginagawa ko beshywap? Invasion of privacy na yun!" Sigaw niya at nginusuan ako. Bastos na chakadoll!

Hinawakan niya ang kamay ko. "Where's our prettiest friend?"

Sabay ang mga mata namin sa paghahanap kay Evi. Halos libutin na naman ang buong cafeteria pero wala maskin anino, kahit strand man lang ng kanyang buhok wala, wala rin kahit libag man lang niya.

"Minsan talaga sakit sa ulo yang babae na yan eh. Masyado kasing maganda!"

Pinaypayan namin ang mga sarili namin dahil naiinitan kami sa panahon. Kailan kaya uulan? Matagal tagal na rin noong huling pumatak ang ulan. Namamatay na nga halos ang mga bermuda.

"Tara muna sa restroom chakadoll. Kailangan mo ng ultimate retouch para magkasing-ganda na tayo," hinila ko siya sa pinakamalapit na restroom na nasa covered court lang. Nakita ko siyang tinaas ang middle finger niya kaya tinaasan ko rin siya.

"Pengeng Victoria Secret mo," binuksan niya kaagad ang bag ko na parang siya ang may-ari. Haaaay sarap putulin ng kamay.

"Afford mo naman yan pero bakit ka palaging nanghihingi? Sampung spray pa ang ginagawa mo t'wing nanghihingi ka. At ilang beses kang nanghihingi sa akin?"

Nakaharap kami ngayon sa salamin. Walang ibang tao kaya nakaya kong batuhan ng mga charot na words si Annabelle.

"When you said the words, AFFORD MO NAMAN YAN, I felt it," agad ko siyang siniko.

"Badtrip ka talaga! Hahanapin pa natin yung prettiest beshywap natin kaya isang spray lang dapat okay?"

Nag-focus na kami sa pag-aayos ng sarili. Ako ang unang pumasok sa cubicle para umihi tapos sumunod naman si Annabelle. Nagsusuklay na ako ng buhok ko at balak i-ponytail iyon dahil sobrang naiinitan talaga ako.

"Owww.. ba't sabit ang buhok ko?"

Nang sinubukan ko for the first time na suklayin ang buhok ko ay super sabit. Like nooo!!! Baka maturn-off sa akin nito si Yang Sejong 😭.

Natapos na ako sa pagsusuklay ng buhok tsaka pa lumabas si Chakadoll. "Tumae ka no?"

"Mas badtrip ka!" Nilapit niya ang kaliwang kamay sa akin at pilit akong pinapaamoy.

Panay hakbang patalikod ang ginagawa ko hanggang sa nasandal na ako sa pader. "Stop it! You're so gross!" Sigaw ko pero hindi natibag si Chakadoll. She smiled like a devil at mas nilalapit niya ang kamay niya sa akin. "Wag ka ngang ganyan! It's not funny okay? Kung ayaw mong sukahan kita, you should stop letting me smell your filthy hands!" I cried.

"HAHAHAHAHAHAHA!!! Look at your self Verity, you look constipated and I swear you look so ugly! HAHAHAAAAHAHHAHAHAHAHAHAH!!!"

It's so funny to have an angel talking inside my head and a demon friend. So wow.

***

Naka-upo kaming dalawa ni Annabelle sa ilalim ng acacia tree habang nagpapa-unahang inumin ang binili naming chuckie kanina sa caf.

Malapit ng maubos ang akin kasi tumutunog na yung pagsipsip ko sa straw meaning malapit ng maubis at hangin nalang ang nandun.

"Winner!" Tinaas ko ang box ng chuckie habang may malaking ngisi. It feels so good to win kahit na walang kwenta ang ginagawa naming paligsahan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

Why is she laughing? Diba dapat clap ang ibibigay kapag may nananalo?

"Nagiging bobo ka na ah. You should applaud me instead of laughing. My gosh! Why am I even friends with you?" I rolled my eyes in disgust tsaka tinapon ang basyo ng chuckie sa ground.

"Kasi maganda ako?" Wala akong pake kung makukulong ako. Gustong-gusto ko ng kalbuhin ang babaeng ito juskooo.

"Excuse me po, pakipulot po ng basyong tinapon niyo po," sabi ng isang babaeng naka-uniporme ng pang-college student. I looked at her face at napagtanto kong girlfriend pala ito ni Greg. I guess she's an SG Officer.

I smiled awkwardly dahil sa kahihiyan at walang ano-ano'y pinulot ko ang basyo at tinapon sa basurahang katabi lang namin kaya mas lalo pa akong nahiya. Mabuti nalang talaga at hindi niya kinuha ang pangalan ko baka ma-guidance office pa ako.

As expected, tumawa na naman ng pinakabongga ang magaling kong kaibigan.

"ANG SARAP MONG VIDEOHAN KANINA! HAHAHAHAHAHA. MAS MAGANDA SANA KUNG MA-GUIDANCE KA DIBA?"

Sasagot na sana ako kaso may dalawang college students na lalaki na naglalakad. "Kuyaaaa!!!" Tawag ko sa atensyon nila at napalingon naman silang dalawa kaagad. Ngumingiti pa ito at nagsisikuhan. Well..

"Naghahanap po ng forever ang kaibigan ko.. baka pwede kayo?" Seryoso kong saad pero deep inside natatawa na ako habang yung mukha ni Annabelle mukhang constipated. 1-1 na ang score namin.

"Uh.." siniko nung may medyo may mukha yung kasama niyang mas maliit kesa sa kanya. Tumikhim muna ito bago magsalita. "My name's Dominic.. and you are?"

He extended his arms para kay Annabelle at tila badtrip na badtrip ang kaibigan ko pero nakipagkamayan parin siya.

"Kate.. my name is Kate," sagot niya at kinunotan ko siya ng noo. Aba'y nagsinungaling pa! Demonyo talaga ito.

"Oh.. what a beautiful name. Bagay na bagay sa maganda mong mukha," hindi pa rin tinatanggal nito ang kamay niyang nakahawak kay Annabelle. I saw her signalling me to help her pero I just gave her a mock smile.

Tumabi kaagad siya sa kay Annabelle at umupo. "Upo tayo."

Naupo naman kaming apat at sinimulan ng lalaki ang kwentuhan. "Hindi ko inaasahan na papansinin niyo kami," simula niya, "alam niyo naman siguro na kilala kayo sa buong campus pero hindi ko lang talaga alam ang mga pangalan niyo. Salamat dahil nakita niyo ng potensyal naming dalawa ni Jonathan."

Habang tumatagal ang pag-uusap naweweirduhan na ako sa dalawa. Panay ah at oh at tango lamang ang ginagawa namin ni Annabelle.

"Minsan labas tayong apat?"

"Sorry pero medyo busy kami these days?" Sagot ko at bigla akong kinabahan noong akbayan niya si Annabelle. Oh sht.. this prank gone wrong! Someone help us! Ogre maging tao ka!

"Kapag free kayo pwede yun.. sige na?" Gusto kong suntukin siya sa mukha ng akbayan niya rin ako. Pasekreto kaming nagsisikuhan. Malas pa dahil may mga taong dumadaan at may pasekretong pinicturan kami. Talk of the town na naman kami nito panigurado.

I made up my mind at susubukan ang plano ko. I will look at my watch at sasabihin na may klase na kami tsaka tatayo at tatakbo palayo sakanila and I will pray na never na magkikita ang landas namin. Though it sounds so rude na pagbintangan sila na manyak or any affiliated term of manyak.

I was already standing at bumagsak ang braso ng umakbay sa akin dahil tumayo ako. I grabbed Annabelle's hand at itatayo na rin sana siya when unexpectedly Greg arrived.

Hinawakan niya ang wrist ko kaya napatayo rin si Annabelle. "Nag-away lang tayo naghanap ka na kaagad babe?" Sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin kundi sa lalaking nakaakbay sa akin. "At ikaw naman bunso, ano gusto mong isumbong kita kay mommy?"

Our tongues backed off at walang nasabi. We're both speechless and I regretted so much on calling these two kuyas.

"Sorry bro but this girl right here is mine," kinalas niya ang kamay niyang nakahawak sa wrist ko at inakbayan ako. "While this one is not for you," turo niya kay Annabelle.

Ang dalawang kuya naman at napanganga nalang. "Sorry bro akala kasi namin gusto nila kaming makilala.."

"Honestly, I'm just pranking Kate but ayun na nga.. sorry rin mga kuyas."

"Kakaibiganin ko muna itong boyfriend mo para pagdating ng araw okay na siya sa akin para sa kapatid niya. Hahahaha.. right bro? Mag-hang out naman tayo minsan."

"Sensya na bro kaso strict 'tong girlfriend ko eh.. right babe?" I turned on my actress mode and said yes. "Mauna na kami. Thanks for being their company for a while at sana hindi ko na kayo makita na nakikipag-usap sa two precious girls ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top