Chapter 30

VERITY

"Bakit pulang pula ka? At saan ka nanggaling kanina?" Tanong sa akin ni Annabelle. Nandito na kami sa loob ng classroom naghihintay na pumasok ang subject teacher namin.

"Syempre mestiza?" I lied pero totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko lang sinabi ang totoong dahilan.

"Why do I feel like something weird happened to me kanina? Pero I can't even name it gosh!" Tumahimik nalang ako sa tabi. I envy my friends dahil hindi sila nakaka-experience ng super weird.

Papalabas na kami ng campus at balak naming magstroll sa mall upang makapag-unwind. Syempre kay Evi 'to na idea. Sumakay na kami sa kanya kanya naming nga scooter. Hindi na kami nagpapahatid sa mga service namin dahil sayang ang high school life kung hindi lubos lubusin ang experience.

"Ugh! Look at my hair it's sabit again!" Reklamo ni Evi. Ewan ko ba dyan kung ba't yan nagrereklamo eh this is her idea. 1 out of 10 people ata nag nagkakaroon ng kaibigan na katulad niya.

"Reklamo ka ng reklamo hindi naman nababawasan ang kagandahan mo!" Sabi ko at napangiti siya.

"That's the thing that I like the most to you Verity!" Aakma sana siyang yayakap sa akin pero dumistansya ako.

"Char lang yan Evi oa mo kasi," pangbabara ni Annabelle at unang naglakad papunta sa entrance.

Kami ni Evi ang sabay na pumasok dahil mas nauna talaga si Chakadoll.

Papalapit na kami sa kinaroroonan ni Chakadoll ng may nakasalubong kaming mga jejemen. Pansin kaagad ito na Evi at nag-aact na parang nasusuka. Kung ibang tao ako, ijujudge ko na siya. Porke't maganda't mayaman, may karapatan ng mag-inarte pero sad lang kasi parehas kami ng budhi. Hehehe. Nag side step ako ng dalawang beses habang hinihila si Evi. Iyong isa sa mga jejemen ay biglang kumanta at halatang para sa aming dalawa yung kanta niya.

"Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay!"

Imbes na mainis ay napatawa kaming dalawa. "Sheeeet hahahahahahhaha."

"Did I hear it clearly? Hahaha.. parang sinasabi niyang siya ang ibigin natin.. oh gosh super witty!"

Nilingon namin yung kumanta at nakatingin pala sa amin dahil narinig ata ang tawanan naming dalawa. Ngumingiti ito na parang nanalo ng lotto dahil napansin namin siya. Kitang-kita pa namin ang ngipin niyang perfect set! Jejemen pero perfect set of teeth at shiny pa!

"Afford niyang magpa-dentist," bulong ko kay Evi na nagtaka kaagad sa sinabi ko. Tumawa naman siya in return. "Jejemen are not bad at all! Hahahaha."

-

Pumasok kami sa isang dessert place kung saan nakita naming pumasok si Chakadoll.

"Tagal niyo ah.." sabi niya at agad na nilahad ang mesang nireserve niya. "This is Calle Amigos and kaka-open lang nito this week." Dugtong niya like anong pake namin?

"Err.. ba't ganyan kayo makatingin? Not interested?" She asked what is obvious. Tumango kami at naupo na.

"Paano kung sasabihin kong sa akin ito?" Pahabol pa niya.

"Shut up Chakadoll. As if naman na we will be shocked? Ofcourse you can afford to run a business and that's not a flash or a shocking news!"

Sa katunayan ay sakanya pala nakapangalan ang ownership ng Calle Amigos. Kinwento niya na akala niya mashoshock kami pero sad to say nga ay hindi.

"Ano ba kayo.. wala akong maaasahan sa inyong dalawa kaya may bayad yang kakain niyo!" She warned us pero tinawanan lang namin.

"French toast and tangerine with friends in red wine," sabi ko sa waiter na nag-jojotdown ng orders namin.

"I'll just order the same," matamlay na sabi ni Evi habang nakatingin sa phone niya. Baka hindi siya nirereplyan ni Kuya Diego?

Dumating na yung order namin at panay ang sabi ni Chakadoll na hindi yun libre dahil hindi kami nashock. Binalewala lang namin siya dahil she's just joking.

"Happy eating Verity.. hehehe.." kinabahan ako bigla hindi dahil naririnig ko naman siya pero sa kadahilanan na baka pinossess niya ang fork na ginagamit ko!

"Ogre! Don't you dare try to possess something here dahil magwawala talaga ako!"

"Sureness.. I'll behave now at si Greg na naman ang bwebwisitin ko. May date kasi yun eh hehehe.."

"Friend, why is your forehead creased at mukha kang galit?" Tanong ni Chakadoll at lumingon lingon pa na hinahanap ang dahilan kung bakit ako nagkaganun. Imbes na sagutin ang tanong niya ay tinanong ko siya pabalik.

"Do you believe in angels?"

"Ooohh.. bakit mo natanong and why so ramdom? But yes naniniwala ako."

"I don't believe in angels.. tss," bitter na pagkakasabi ni Evi and we understand why kaya hinayaan na namin siyang hindi sumali sa usapan namin.

"Bakit ka naniniwala Chakadoll?" I asked her with full attention. Naranasan niya kaya ang nararanasan ko? Andito sila palagi sa tabi ko pero I can't even tell them because I'm afraid na masabihan na nababaliw.

"According to what I read in Merriam-Webster dictionary, there's this celestial heriarchy. It is a traditional hierarchy of angels ranked from lowest to highest 
into the following nine orders: 
angels, archangels, principalities, powers, virtues, dominions, 
thrones, cherubim, and seraphim."


Napa-isip ako. Saan kaya sa nine na yun nabibilang si Ogre?

"Dahil lang dun naniwala ka na?"

"Nope."

"Then how? Paano ka napaniwala?" Kunot-noong tanong ko sakanya habang iniinom ang tangerine.

Ngumiti siya ng simple. "May mga bagay na hindi dapat malaman Verity."

"Eww.. di bagay sayo magsalita ng ganyan Chakadoll though you have a point. Hindi natin mapipilit ang isa't isa to say something na tayo rin ay sobrang unsure tungkol dito, we tend to hide things just to keep others away from danger."

"It's like a flower. When we picked it, it's life is dependent to the picker. The picker might put the flower to a vase for decoration purposes or the picker might give it to someone he affectionates and that's the flower's fate for the meantime. Once time passes, the flower will wither and lose it's value until it fades away and be forgotten," sabi pa niya na mukhang seryoso.

"Anong pinagsasabi mo? Wala naman atang connection yun sa pinag-uusapan natin right?"

"I don't know?" Patanong na sagot niya habang may minamasdan sa labas kaya napatingin din ako sa tinitignan niya. There I saw Greg with his girl, holding each other's hand.

"Bagay sila," komento ko dahil feeling ko dapat akong magsabi tungkol sa nakita ko. Nilingon ako ni Annabelle tsaka tinaasan ng kilay. "I'm just telling what I feel. Masama bang magkomento tungkol sa kanila?"

"There's nothing wrong. It's just that I can feel something strange sa relasyon nila. Look at Greg, he's walking a bit ahead than the girl and his hand is not holding tightly to the girl's hand and it means something."

"So now you're good in deducing? Wanna be detective ang peg?"

"Kinda.. I'm slowly studying the art of deductions," sabi niya while wiggling her eyebrows. Inirapan ko nalang siya and continued sipping my tangerine.

***

Umuwi ako sa bahay at nadatnan si Grandma na nakaupo sa rocking chair habang nagbabasa ng magazine.

"Hey," I greeted her and kissed her cheeks. Binaba niya ang kanyang salamin para matignan niya ako without filter. She smiled to me sabay sabing, "God bless you Verity and your good soul."

This is the first time that I heard those words coming from her. Like me? A good soul? Nah. Hindi ako masama hindi rin ako mabait. I guess sa purgatoryo ang bagsak ko?

After our normal dinner, niyaya ako ni Grandma na magsayaw ng waltz. I gave her my yes kasi sino ba naman ako para tumanggi sakanya? She's everything that I have.

Pumasok kami sa dancing hall tsaka pinatunog niya ang isang pamilyar na tunog. Naalala ko to. This song was our first dance. Dahil dito ako ay natuto.

"Your face screams like you remember this hija?"

"Yup! How can I forget?"

Bago ang lahat, I bowed at her first at siya naman. We were like trees dancing to the wind's direction ang kaibahan lang, we were dancing because of the music.

We only dance that one song tapos wala na dahil biglang sumakit ang likod niya. Signs of aging.

"Thank you for your time hija," she swiftly comb my hair.

"Basta ikaw Grandma, you will be always in my priority list."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top