Chapter 3
VERITY
Salubong ang kilay kong humarap kay Joshua pero parang wala lang sakanya ang pagkainis ko. Halatang masaya siyang kaharap ako. I made a blank expression para hindi niya mabasa kung ano ang saloobin ko. First day palang ay naaasar na ako sakanya. Hindi sa pagmamayabang pero sikat ang mukha at pangalan ko sa iba't ibang schools. I don't have any idea kung bakit nila ako nakilala.
"Namiss mo ba ako Verity babe? O gusto mong icontinue natin ang nangyari sa cr noong nakaraan?"
I almost puke after hearing those words. Anong akala niya sakin CHEAP?! At tsaka babe? Yuck! Saan naman kaya niya iyon pinulot?
Ang dahilan kung bakit ako napasok sa cubicle kung saan siya naka-occupy ay gusto kong umihi. Wala akong choice kasi ihing ihi na ako kaya pumasok na ako sa comfort room ng mga lalaki. Alam ko kasing maaga pa kaya confident akong pumasok sa loob at doon ako pumasok sa pinakahuli para hindi mahalata na may pumasok na babae. Sa kasamaang palad, may tao pala dun. I'm very lucky kasi pagpasok ko ay siya namang pagzipper niya pataas ng pantalon niya! Parehas kaming nagulat and my mind went blank. May narinig akong click at I'm very sure he took a photo na magkasama kami. Wala akong maisip na paraan kundi ang alamin ang pangalan niya. Mabuti nalang at nakasuot siya ng id kaya tinanong ko kung anong pangalan niya. I conclude na he assumed that I know his name on the very first place. Bahala siya kung ano ang isipin niya. I immediately went out on the cr kasi baka may tao na at machika pa kami.
Hinawakan niya ang bewang ko at gustong gusto kong putulin ang kamay niya.
"Don't you dare put your filthy hand on my waist!" And I twisted his arm. Bwisit na lalaking 'to! I smiled secretly when I saw his face in pain.
"Siguraduhin mo lang na mawawala na yung picture na ipinagkalat mo bukas na bukas din kundi lagot ka sa akin!" Sindak ko sakanya. Mabuti nalang at tinawag ako ni Annabelle kaya wala na akong ibang bagay na nagawa sa kanya.
Wala akong kasiguraduhan na mawawala yun bukas. Parang wala lang naman sakanya ang sinabi ko. He thinks that I'm playing with him at nagpapansin lang. Nakakainis mang isipin pero wala akong magawa. I really need a miracle.
Inis akong sumunod sa dalawa kong kaibigan na pakembot kembot sa paglalakad. Tss.
"Verity, why did you confront him? Ang mga ganung klaseng tao hindi pinag-aaksayahan ng oras." Maarte na sabi ni Evianna.
"Kung hindi ko ginawa yun, who will do it ha? Mag-isip ka nga." Inis kong saad. Tinaasan lang niya ako ng kilay at naglakad ulit.
"Paano na yan? Baka malaman ng mamita mo ang nangyari!" Histeryang saad ni Annabelle.
"Wala akong pake. Kayo na bahala magpaliwanag kung aabot man yun sakanya, okay?"
Tumango silang dalawa at napangiti ako. Kahit na medyo may nawawalang turnilyo sa utak ni Annabelle at maarte ang utak ni Evianna, nagpapasalamat pa rin ako na sila ang naging kaibigan ko.
"Kuya let's go na po!" Sabi ni Annabelle tsaka sumakay kami sa kotse niya.
Sumandal ako sa balikat ni Evianna at pinikit ang mata ko. Sana lang talaga na hindi makarating kay mamita ang nangyari. This will be the very first time that I will disappoint her. Okay lang sana kung bagsak ako sa exam pero ang pagkatao at repustasyon ang nakasalalay dito.
I calmed when Evianna patted my head. Alam na alam nilang dalawa na magiging problema ito.
Umayos ako ng upo nang huminto ang sasakyan. "Mam Belle, pwede na po kayong bumaba sa parking lot nalang po ako maghihintay."
"Okay kuya. Don't worry bibilhan naman kita ng pagkain." Ganyan si Belle. She is thoughtful and kind.
Suot pa rin ang school uniform namin, pumasok kami sa loob ng mall para makapaglibang. Ngumingiti kami kapag may nakitang kakilala.
"I think we should eat first mga girls." Suggest ni Evianna.
"Makakapaghintay ang tiyan Evi pero ang pera ko gusto ko nang iwaldas!" Maarteng reklamo ni Belle na sumigaw pa kaya yung ibang atensyon ng tao nakuha niya.
"Hoy chakadoll! Tone down your voice. Ang oa mo na talaga. Alam mo ba yun?" Sabi ko. Inakbayan naman ako ni Evi na nagsasabing agree siya sa akin.
"Well well well. Napaka-affirmative ng sinabi ni Verity para sayo chakadoll. I'm maarte but hindi ako kailanman nakalapit sa summit ng kaartehan."
"Wag ka ngang magmalinis Evi. Wala tayong tubig at sabon dito."
Naghalakhakan kaming tatlo. Mas lalo kaming natawa dahil matagal matapos ang pagtawa ni Belle.
"Kumain muna tayo. Makakapaghintay naman siguro ang pera mo ano? Kung hindi ikaw magbayad. Okay. Today's meal is Chakadoll's treat!" Sigaw ko at sumimangot naman si Annabelle. Ayaw na ayaw niyang tawagin siyang chakadoll pero kasalanan ng pangalan niya yun. Hahahaha.
Nagpresinta si Evi na siya nalang ang pupunta sa counter. Ewan ko ba kung bakit hindi kami sa resto pumasok kung saan lalapit lang ang waiter para kunin ang order namin.
"Masaya ka ba na lumapit sa school namin?"
"Yup. Ba't mo naman yun natanong? Diba it's your wish na magkasama tayong tatlo?" I asked her back.
"I really thought na hindi mo yun icoconsider at kami nalang ang yayain mong lumapit."
"Gusto ko rin naman ng new environment and besides, palagi ko na kayong makakasama. Mas maganda na yung isa lang ang mastress kesa sa dalawa." Nagtawanan kaming dalawa ni Belle sa sinabi ko.
"Happy talaga kami ni Evi na na-persuade ka namin upang lumapit. Kung hindi, kami talaga yung mapapalipat at sayang naman yung pambayad sa tuition. Kasi yung teachers naman ng PSC ay mas better naman sa teachers sa former school mo."
"Maganda rin naman dun. Tsaka kung ikokompara natin sa PSC, mas marami talagang activities dun at bawat estudyante, magaling sa dalawang instruments at isang sport. Pero nakikita ko ngayon na magaling magturo ang mga teachers natin."
Bumalik na si Evi na nakasimangot.
"Anong problema bes?" Tanong ko. "Badtrip! Ako yung nakapagbayad. Nakalimutan kong manghingi ng pera ni Chakadoll. Ang dami kong inorder kaya nakakastress!"
"Mayabang ka kasi Evi. Kaya yan ang bagay sayo." Natatawang sabi ni Annabelle. Hindi nagtagal ay dumating na yung order namin. Sakto namang mag-sisix pm na kaya hapunan na rin namin 'to.
"Magtatagal ata tayo dito. Papaakyatin ko nalang si kuya Jose para kumain."
"Sa restroom mo nalang siya tawagan. Para makapagretouch tayo."
Kaya ayun pumasok kami sa restroom at naghugas ng kamay, nagretouch ng foundation at liptint.
Lumabas kami at dumeretso sa isang cosmetic shop. Naghahanap kasi kami ng bagong liptinit.
"Grabe na talaga ang mga high schooler ngayon no? Marami ng afford! Pati mamahaling lipstick binibili."
Humagikhik kaming dalawa ni Belle sa narinig. "High schooler daw tayo girls. Ano ba yan. Hahahaha." Saad ni Annabelle na hindi matapos tapos sa pagtawa.
"Mukha ba tayong bata para tawaging high schooler? Ha! Di ako makakapayag." Halata sa mukha ni Evi na na-annoy siya. Madalas kasi nitong dinidibdib ang sinasabi ng iba. Okay lang naman kay may dibdib naman siya. 36 A charot. Hahaha.
"Excuse me po. We are not high schooler okay? We are Senior High School students from PSC and I'm 18 by the way. Mukha ba kaming bata sa paningin niyo? Pwes thank you! Pero nakaka-insulto yung tinatawag niyo kaming high schooler. The appropriate words should be HIGH SCHOOL STUDENTS! WAG KAYONG JEJEMON! We may look young pero hindi kami yung mga batang nag-eedad ng twelve na feeling 16!"
Mataas na ang litanya ni Evi kami wala kaming nagawa ni Annabelle kundi ang hilahin siya palabas. Nakakahiya kasi kapag bumalik kami dito at makilala pa kaming gumawa ng eskandalo.
"Evi?! What did you do? Nasa summit ka na ng kaartehan. Kinarma ka kaagad bes." Si Annabelle na nag-alala.
"Tama si Belle, Evi. Mukhang lumampas ka na sa line and matatanda yung kausap mo. Remember that we respect all kinds of people basta ba walang ginawang masama." I explained.
"Naalala ko na man yun. Walang masama yes. But they did something horrible!"
"Err. Your reason is childish. Ikaw ang pinakamatanda satin dito. You should know that." Bwelta naman ni Annabelle.
"Kaya nga ako nagalit kasi nga 18 na ako pero tinawag pa rin akong high schooler!"
"Kasi naman po, high school pa rin naman ang senior high. Hindi pa tayo college."
"Ugh! Whatever. I think I'm getting ugly na!" She walked faster than us. Nagkibit balikat naman kami ni Annabelle.
"BAKIT MO KO BINANGGA B*TCH!"
Halos mawalan ng kulay ang mukha namin ni Annabelle dahil alam naming kay Evi ang boses na yun. Gosh!
"EVI BEING ANNOYED IS OKAY. BUT EVI BEING ANNOYED TIMES TWO IS NOT OKAY!" OA-ing sigaw ni Belle.
HAVING A SUPER MAARTE FRIEND IS NOT OKAY AND HAVING A SUPER OA FRIEND IS NOT NOT NOT OKAY. JOKE HEHEHEHE
"Manonood nalang ba tayo dito Belle?"
"Anong gusto mong gawin natin? Awatin siya?"
Nagdalawang isip naman ako bago sumagot. "Manood nalang tayo? Hehehe."
Sa ganitong level ng pagka-annoyed ni Evi, wala na kaming power to stop her. Ilang beses na nangyari 'to noon. We tried to stop her but lalong lumevel-up ang kung ano mang nararamdaman niya and we end up being pushed by her! Dumugo pareho yung ilong namin ni Annabelle.
So lumapit kami at doon kami sa side sa taong naging dahilan kung bakit naging monster *lol* si Evi. Pero hindi pa namin siya na identify kasi may iilang tao ang naki-usyoso. Mga lima siguro?
"Pulang pula na ang Evianna natin Verity. What to do what to do?! She might explode bigtime!"
Evi being annoyed on the nth level has no antidote. It's the reality and it sucks.
"Why not ask the victim to run away? This is the only solution I have in mind Belle."
"Oh we have the same thing in mind! So let's find out muna kung sino ang kawawang victim."
"Let's make it faster bago pa dumarami ang tao at makapag-isip na videohang ang pangyayaring ito."
Lumapit kami talaga upang makilala ang biktima at upang makuha rin namin ang atensyon ni Evi. Para sa ganun ay baka mahimasmasan siya.
"Evi stop it!" Belle tried to catch her attention at nakuha naman niya ito. *Claps*
"SHUT UP CHAKADOLL!" Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. We are really helpless! Our Evi is blinded by the monster inside her and she can't recognize Belle's plea.
"YOU SHUT UP MARIA EVIANNA! CALM DOWN!" I tried my best to scare her by shouting.
"THIS OLD MAN POUR HIS HOT COFFEE ON ME! AND YOU HAVE GUTS TO TELL ME HOW TO CALM DOWN? HA! HOW CAN I EVEN CALM DOWN?! THIS DOPEY OLD HAG WILL GONNA PAAAAAAAY!!!! HE WILL GONNA PAAAAAAAAAAAAAY"
Sumigaw siya ng sumigaw na parang nagwalala dahil hindi niya mahanap ang we bare bears friends niya. Her words were too sharp, unrespectful and inappropriate. At isa palang matandang lalaki ang pinakitaan ni Evi ng kawalanghiyaan niya. Alam niya bang pwede siyang karmahin ng bongga dahil dito?!
"What the?" Napalingon ako kay Belle dahil sa sinabi niya. Akala ko kasi shock siya sa kung ano ang sinabi ni Evi but I'm 1000000% wrong. Ang ikinagulat niya ay ikinagulat ko rin. Iyong lalaki sa school na nakasabay naming kumain ay binato si Evi ng barya at papel na pera.
"So he will be paying?" Bulong ko sa sarili ko.
Dumukot pa siya sa wallet niya at naglabas ng barya at bente pesos. Wow rich kid.
"Omgeeeee. Si kuya Greg yan! What is he doing? Bakit niya sinasayang ang pera niya?" What the fck? Minsan talaga walang stable internet connection ang utak ni chakadoll.
"Diba sabi ni Evi na magbabayad ang lolo? Ayan yung bayad. Siya na ang nagbayad baka kasi naaawa siya sa lolo."
Bumaling naman ang ulo ni Evi doon sa kuya Greg na sinasabi ni Belle kaya nagkaroon kami ng chance para tulungan ang matandang lalaki.
Naunang magsalita si Annabelle nang medyo makalayo kami sa eksena kanina. "Huhuhu. Kami na po ang humihingi ng sorry po sa kabastusang ginawa ng kaibigan namin sa inyo. May sakit po kasi yan sa utak eh kaya ganyan. Nakalimutan niya ata ang meds niya kanina. Sorry po lolo huhuhu."
"Alam ko pong wala po kayong maling ginawa sa kaibigan namin. Pasensya na po talaga at wala ata sa tamang hugis ang utak niya ngayon. Nadamay tuloy kayo lolo. Sana po hindi po kayo magtanim ng galit sakanya. Nakakasama po yun sa heart. At promise po kapag nasa tamang lagay ang utak niyan, makakapag-sorry yan sa inyo ng taos sa puso." Sabi ko tsaka hiningi ang information ni lolo para kapag gustong magsorry ni Evi ay alam niya na kung saan ito hahanapin.
Binalikan namin si Evi pero nakipagbangayan pa pala siya. Todo siya putak ng putak at yung lalaki ay walang imik at patuloy sa paghagis ng barya kay Evi.
"Will you stop?"
"I said stop!"
"Bingi ka baaaa!!!!"
"Ang panget mo manong!" At BOOM! Nagulat ang mukha ng lalaki.
"Mama mo panget!" Sigaw pabalik ni kuya Greg. Errrr parang di bagay sa kin na tawagin siyang kuya Greg *vomits*.
"What the fuck?!"
"Mama mo fuck!" Doon ako nagulat sa sinabi niya. Does he even know what is he saying? Is he trying to insult Evi's mama?!
"Baliw ka na!"
"Mama mo baliw!"
"The hell! You die!"
"Mama mo hell!"
"Sumagot ka nga ng matino!"
"Mama mo matino!"
"Wala ka talagang magawang matino."
"LA KANG MAMA!"
Kalma ka lang Verity. Hindi mo to away. Wag kang manghimasok sa gulo nila baka lumaki pa lalo. Inhale. Exhale. Gayahin mo nalang si Annabelle na super entertained sa panonood. Sige Verity kaya mo yan. Fighting! Fighting!
Bago pa siya makatalikod upang tumakbo ay agad ko na siyang in-uppercat. May tumalsik na laway at dugo mula sa kanya at nahulog ang salamin niya. Tinapakan ko ito ng ilang beses.
Gulat na gulat ang mukha niya sa ginawa ko.
"MAMATAY KA NA!" Bulyaw ko sakanya.
Gusto kong matawa ng malakas at baliin ang buto niya ng magawa pa niyang sumagot sakin at kumarepas ng takbo dala ang pinamili niya.
"LA KAYONG MAMA!"
And because of the last words he said, it may be the reason of his suffering. Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na kapwa maiiyak at alam kong sa sarili ko na maiiyak na rin ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top