Chapter 29
Chapter 29 na mga ka-Greeeeeeg!!
Congrats sa mga nandito na at welcome future Chapter 29 readers :)
--
Third Person POV
"Badtrip!" Inis na reklamo ni Verity habang naghihintay kay Greg. Ang tagal kasi ni Greg at kinakagat na siya ng lamok tapos medyo mabaho dahil ang nakita lang niya na vacant room ay stockroom ng iba't ibang klaseng fertilizer at kasama na roon ang mga dumi ng mga hayop na ginagawang fertilizers.
"Yuuuuuck!" Sigaw niya ng may matampal siyang lamok na busog na busog ng dugo niya. "Bakit ako pa ang nagmukhang murderer dito? Tsk.."
Marami-rami ring dugo ang nalagay sa kamay niya dahil dalawang lamok pala ang sumipsip sakanya kanina.
"A-anong ginawa mo?" Hindi napansin ni Verity na nahanap na pala siya ni Greg. Medyo nagulat si Greg dahil may nakita siyang dugo sa kamay ni Verity. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at ang kanyang mga mata ay aligaga. Tinitignan kung may ibang tao sa loob ng stockroom bukod sakanila.
"Hinihintay ka. Isn't it obvious?" Sarkastikong sagot ni Verity na walang kaalam-alam at hindi nakakasense sa nararamdaman ni Greg.
Napalunok nalang si Greg dahil sa mabilis niyang pag-assume ng bagay.
"Pinapunta pala ako dito ni.." naputol ang sasabihin ni Greg dahil hindi niya alam kung anong sasabihin na pangalan. "I mean pinapunta ako dito ng boses na naririnig natin pareho."
"Sinabihan din niya ako.. asan na siya?" Mukhang tanga na tanong ni Verity. Bakit niya tinatanong kung nasaan ito diba?
"Hehehehehehehehe." Napahagikhik nalang si Greg sa tanong ni Verity. "Lintik na boses na yun. Minsan nagmumukha tayong baliw diba?"
Agad na napatango si Verity sa napagtanto. "Sana magkatawang tao siya para matorture natin!"
"May naisip ako.. bigyan natin siya ng pangalan para hindi tayo puro boses, tinig, o voice ang sinasabi natin," pagsusuggest ni Verity at sumang-ayon naman si Greg sa naisip nito.
"Anong magandang ipangalan sakanya?"
"You're question is wrong Greg. Dapat, anong pinakapanget na pangalan ang ipangalan natin sakanya?"
Itinaas ni Greg ang kamay niya para makipag-high five sana kay Verity kaso hindi ito napansin dahil busy ito sa pag-iisip kung ano ang pinakapanget na pangalan.
"May naisip ka na ba Verity?"
"Wala akong maisip at nakakapagod ng mag-isip. Ang dapat sakanya ay hindi inaaksayahan ng panhahon so we should name him OGRE. Na-iimagine ko kasi sakanya si Shrek eh."
Natawa si Greg sa naisip ni Verity. "Ogre huh?"
Puno ng tawanan ang loob ng stockroom. Natigil lang sila ng bigla umalingasaw ang baho ng fertilizer na dumi ng hayop.
"Karma strikes.." napangiti ang dalawa ng marinig nila si Ogre.
"Nagustuhan mo ba ang pangalan na binigay ni Verity sa'yo? Hahahahaha," tanong ni Greg kay Ogre gamit ang kanyang boses. Malaya silang dalawa ni Verity na kausapin ito gamit ang kanilang speaking voice dahil sila lang naman ang nandoon.
"You should be grateful Ogre dahil binigyan ka namin ng pangalan," sabi ni Verity na may mapanuksong ngiti na parang may nakikita siya kahit wala naman.
"Kaya nga Ogre dapat maging masaya ka nga dahil may pangalan ka na. Wala ka bang pakain jan?" Sabi ni Greg na tawang-tawa.
Sa hindi malamang dahilan, nagmistulang nasa isang comedy show sila at nagpapalitan ng tawanan. Mukha rin silang takas sa mental dahil pinagtatawan nila si Ogre na hindi nag-eexist physically.
"Bully kayo ha!"
"Isa ka kasing malaking badtrip eh!" Sigaw ni Verity na parang nang-didiss sa kalaban niya.
"Sige tawagin niyo na akong Ogre! Salamat dahil pinangalanan niyo ako."
"Tuwang-tuwa pa ang Ogre ha?" Sabi ni Greg.
"Syempre binigyan niyo na ako ng pangalan eh."
Pagkatapos sabihin yun ni Ogre ay bigla nalang nalaglag ang isang sako na fertilizer sa upuan. Dilat na dilat ang mga mata nila dahil sa nasaksihan nilang hindi makatotohanan. Ang upuan ay tumatalon na tila ba nagagalak silang makita.
"AAAAAAHHHHHHH!!!!!" Hindi napigilan ni Verity ang hindi mapatali. "What the hell is going on! Sht Greg the chair is jumping!!!"
Si Greg naman ay ikasampung beses ng napalunok pero tinatagan niya lang ang sarili niya para hindi mapahiya sa harap ni Verity baka masabihan pa siyang bakla.
"From Ogre then to this chair? Tell me what's going on?! Are we living in a fantasy world?" Nalilitong saad ni Verity at tila maiiyak na anumang sandali. Naguguluhan na talaga siya sa mga nangyayari sa buhay niya. "Anong nagawa ko to be in this situation?!!"
"Ke-keep calm *gulps* Verity!"
"Don't tell me to fcking calm Greg dahil ikaw mismo hindi mo magawang kumalma! Your face is shouting fear and you're pale! You don't have the right to tell me to calm!" Pilit na winawaksi ni Verity ang kanyang frustrations pero hindi niya magawa dahil parang bumubuhos ito sakanya na parang isang falls.
Natameme nalang si Greg dahil totoo ang sinasabi ni Verity.
"Guys chill! This is Ogre!" Agad silang napatingin sa upuan na tumigil sa pagtatalon at ngayon ay nagsasalita na. Isang malutong na mura ang pinakawalan nilang dalawa.
"Teka-teka! Bakit anjan ka sa upuan?" Tanong ni Verity na hanggang ngayon ay aligaga pa rin at pilit na iniintindi ang sitwasyon sa kanyang sistema.
"Maawa ka.. wag mo na kaming lokohin at takutin pagod na pagod na kami.. ang gusto lang naman naming malaman ay bakit kaming dalawa pa sa lahat ng tao? Bakit napapanaginipan namin ang isa't isa? Bakit parang pinaparusahan kami? Marami akong katanungan pero kahit isa man lang sa mga tanong ko ay masagot mo Ogre.. hindi biro itong pinagdadaanan namin. Sige pagtawanan mo ako ngayon pero sino bang matinong tao ang hindi mababaliw kung ang isang tulad mo na hindi matukoy kung ano ay bigla nalang mag-exist sa buhay namin?"
Napaluhod si Greg habang ang kanyang luha ay tumulo. Wala siyang pake kung nakasalamin siya dahil hindi rin siya nag effort na kunin ito at pahirin ang kanyang luha.
"Please have mercy on us! Just a single pull of the trigger will make us go crazy! Sana.. sana may konsensya ka Ogre.." maluha luhang sabi ni Verity sa harapan ng upuan. Hindi na nila inisip na baka may makasilip sakanila dahil hindi naman secluded masyado ang stock room. Pasalamat nalang sila dahil walang bintana roon, walang makakasilip.
Umalog muli ang upuan tsaka nagsalita. "Greg.. Verity.. pasensya na kayo. Pero kayo ang dahilan kung bakit ako napunta sa upuan na'to."
Kumunot ang noo ni Verity. "Wow so kami pala ang may kasalanan? You're a freaking impossible Ogre! Don't trap us in your imagination please! Nakakapagod na!"
"I'm telling the truth. Walang halong biro. Dahil binigyan niyo ako ng pangalan, malaya akong makakasanib sa kahit ano mang bagay."
"That's shit! Stop lying you--" natigil si Verity dahil hindi alam kung ano ang itatawag niya kay Ogre. "You ugly chair! Stop making lies! You doesn't exist that means you are not valuable in this world!"
"Mali ka Verity, I'm existing."
"No you're not!"
"TUMIGIL NA KAYO PLEASE!" Sigaw ni Greg na tila na-a-out of place na sa bangayan ng dalawa. "OGRE PLEASE TELL US THE ULTIMATE TRUTH! WAG NG MAGPALIGOY LIGOY PA!"
"Okay okay. Kumalma muna kayo," sabi ni Ogre na tumatalon pa.
"Just say the main point okay?" Si Verity na gigil na gigil na sa katotohanan.
Nakaharap na ngayon si Verity at Greg sa harapan ni Ogre habang naka-cross arms.
"The truth is, ako ang guardian angel niyong dalawa."
Sa di malamang dahilan, sabay na napatawa si Greg and Verity.
"Are you kidding us? How can you be our guardian angel if you keep on confusing us! Your job is to protect us from harm but here you are giving us dozens of shock!"
"Ogre huwag ka ng magsinungaling please. Baka maging si Pinocchio ka pa. Kung guardian angel ka namin, bakit isa kang upuan kung ganoon?"
"You should have wings right? Nasaan na iyon? Stop with your bullshit Ogre at ilapag mo na ang katotohanan. Maybe you are just using us to be a human! You're evil and you can't persuade us to believe you."
Malapit ng pumutok ang ulo ni Verity at Greg dahil sa nalaman tungkol kay Ogre. Napapailing sila sa katotohanang imposible. Paano ba nangyari na magkapareho sila ng guardian angel at isa pa kung anghel talaga ito ay bakit pinosess niya ang upuan? Bakit hindi ito lumiliwanag at bakit wala itong puting pakpak?
"I guess updated si Satan. Nagsusubaybay ata kayo ng mga drama sa buong mundo eh. Kuhang kuha niyo ang plot ng ibang drama sa Korea! Sana'y kasing pogi ka ni Nam Joohyuk eh para ako ang maging Bride of the Water God mo! O di kaya'y katulad ka ni Kim Saeron sa Hi School Love On para si Greg ang Nam Woohyun mo!" Naaasar na saad ni Verity. Wala siyang ibang maisip na rason at yun lamang.
"May point naman siguro ako diba? Baka tinatangkilik ng mga kampon ng kadiliman ang KDrama sa panahon ngayon kaya may mga nagagawa silang ganitong kababalaghan," sabi ni Verity sa kanyang isipan. Sa kabilang banda naman ay napapaisip si Greg kung paano kaya kung totoo ang sinasabi ni Ogre?
"Guys.. please hear me out. Kung gusto niyo pa ng further explanation ay tumahimik muna kayo at pakinggan niyo ako ng sa ganun ay maging reasonable yung pagiging anghel ko," pagmamakaawa ni Ogre.
(A/N: just imagine na yung upuan na pinag-uupuan niyo ay si Ogre at kinakausap kayo hehehe)
"Fine! But make it clear okay?"
"Sige ba basta don't interrupt me. I will only entertain questions after my litany. Doubt me if you want but what you will hear is the truth and only the truth. I will not lie. Nasa sa inyo nalang yan kung maniniwala kayo o hindi."
Natihimik ang dalawa at pilit na tinatagan ang loob sa katotohanang maririnig.
"I'm a guardian angel sent from above to guard Greg. Simula ng ipinanganak ka Greg, ako na ang guardian angel mo pero hindi mo pa ako naririnig dahil hindi ako nagsasalita at ang duty ko lang naman ay bantayan ka. Minsan wala ako sa tabi mo dahil bumabalik ako sa langit para magpahinga. Nakakapagod din kayang magbantay! Akala lang ng mga magulang mo na sila yung napapagod kakabantay sa'yo tuwing gabi dahil hindi sila masyadong nakakatulog pero hindi nila alam may iba pa palang nagbabantay sayo na wala talagang tulog. Kaya kapag nadadapa ka, wala ako sa tabi mo ng mga oras na yun."
"So pinapagalitan ka ni God kapag ganun kasi hindi mo ako binabantayan?" Tanong ni Greg na gustong malaman ang katotohanan dahil curios na curios siya.
"Nope! Katulad niyo na mga estudyante, kung may break kayo, meron din kami. May iba pa kaming gawain bukod sa pagbabantay sa inyo lalo na dahil outnumbered kami dahil ang iba hindi nakakapasok sa langit kaya medyo kulang talaga kami para sa mga tao sa buong mundo." Sagot ni Ogre. "Ay teka nga Greg! Diba mamaya na ang mga tanong?"
"Pero baka makalimutan ko e hehehe. Sige na hindi naman masyadong out of the world ang mga tanong ko."
"Fine, fine! Sige itutuloy ko na. Truthfully, may mga pangalan kaming mga guardian angels pero hindi namin ito dapat ipagsabi kasi confidential. Maswerte nalang kami kung may magpapangalan sa amin and iyon ang nangyari sa akin ngayon. You gave me name kaya nagkaroon ako ng kakayahang magpossess ng mga bagay. We can only possess things and not humans because it is forbidden. So thank you sa inyong dalawa kasi malaya na akong makakapasok sa mga bagay."
"And your greatest question ay tungkol sa inyong dalawa right?" Tumango sina Verity at Greg.
"Atlast.. malalaman na namin ang totoo. Makakatulog na ako ng mahimbing at hindi binabagabag ng aking mga panaginip." Sabi ni Verity sa kanyang isipan.
"Sorry, but I don't have any idea on what's going on with the two of you. I don't know why you are in each other's dream. My confessions are I'm your guardian angel Greg and you too Verity. Ako ang nagbabantay sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyari Verity, nung bumalik ako sa langit, agad na inutos sa akin na ako na raw ang magbabantay sayo."
Dismayado ang kanilang mga mukha dahil sa hindi inaasahan na katotohanan. Matagal na nilang gustong malaman ang katotohanan.
"Sigurado ka ba jan sa pinagsasabi mo? Liars go to hell alam mo yun," pagbabanta ni Greg pero ang upuan na sinaniban ni Ogre ay lumingo-lingo.
"Gusto niyo ng katotohanan kaya katotohanan ang sinabi ko sa inyo. Isang malaking parusa ang maghihintay sa akin kung ako'y magsisinungaling. I'm so sorry," mahinahong sabi ni Ogre at biglang tumunog ang bell ng scuelahan nila. Nagising na ang kanilang mga kaibigan at nawala na rin si Ogre sa upuan.
⚊🌸🌸🌸⚊
Don't forget to
subscriiibe! lol
Hope y'all click
the star button :>
THANK YOU!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top