Chapter 28

Kinabukasan, inaasahan ko na magrereply sa akin si Verity pero wala akong reply na natanggap o kahit seen man lang. Sad life. Sa mensahe ko kasi doon nalang sa lesson plan ni tatay ipalagay ang sagot.

"Good morning 'tay!" Bati ko sakanya ng makita ko siya paglabas ko. Si nanay ay naka-upo na sa sofa sa may sala. Naka-maternity leave na rin siya dahil ngayong buwan na ito ang expected delivery niya. Excited na akong makita ang kapatid ko. Atlast hindi na ako magiging lonely sa bahay at may ibang pagkakaabalahan.

Nilapitan ko si nanay at hinalikan ang pisngi niya. "Good morning 'nay, good morning baby!" Nilagay ko sa tiyan ni nanay ang kamay ko at naramdaman kong sumipa si baby kaya napahagikhik ako. "Mukhang taekwondo ang hilig ni baby ah! Siguradong paglabas nito black belter na kaagad!"

Tumawa si nanay sa sinabi ko. "Huwag mong i-influence ang kapatid mo sa hindi magagandang bagay Greg ha."

"Syempre po 'nay. Ayaw ko rin na lumaki ang kapatid ko na bad boy," sagot ko sakanya. Baby boy ang magiging kapatid ko. "Anong ipapangalan mo sakanya 'nay?" Sana hindi kagaya sakin na Gregorio!

"Naisip ko na maganda ang Justiniano at Crisostomo!" Masayang bigkas ni nanay. Like what?!

"Mas maganda kapag modern name ang ipangalan sakanya 'nay. Nasa twenty first century na tayo ma," pag-alma ko.

"Anong masama roon? Ako ang ina kaya wag kang epal anak. Ako ang masusunod," pagalit na sabi ni nanay at wala na akong magawa. Umagang-umaga, maha-highblood na ata siya sa akin.

Gamit ang bike ay tumulak na ako papuntang school. Hindi ako kaagad pumasok sa campus dahil hihintayin ko pa ang pagdating ni Rose Ann. Simula ng maging kami, palagi ko na itong ginagawa kapag walang quiz o exam na mangyayari sa unang subject.

Nakatanggap ako ng message niya na malapit na siya kaya ay umayos ako ng tayo. Gamit ang cellphone ko bilang salamin, sinuklay ko rin ang buhok ko gamit ang mga daliri.

Kinawayan ko kaagad siya ng makababa siya sa sinasakyang jeep. "Rose!" Tawag ko sakanya at nagmamadali siyang lumapit sa akin na parang bata na nakita ang papa niyang may dalang color pink na cotton candy.

"Yiiiieee good morning babe," mahina niyang bulong sakin na nakangiti na parang buang hehehe cute ng jowa ko. Kinurot ko ang pisngi niya, "Cute cute mo talaga!"

Kung kami lang baka nakagat ko na pisngi niya. Para talaga akong naglilihi kapag nakikita ko siya. Ang sarap kasi niyang kagatin.

Holding hands while walking kami ng pumasok sa gate.

"Kitakits later love," sabi ko at kiniss siya sa cheeks. Mas una kasi ang Education building kesa sa Business Administration building at hindi ko siya hinahatid sa room niya dahil kulang sa time. Kung pwede lang mag-adjust ang time eh at hintayin kami.

Nag-discuss lang si mam at kaming lahat ay busy sa pag-jojotdown ng notes. Hindi rin maiwasan ang mga kaklase kong chika ng chika sa tabi.

"Mam!" Naagaw ni Michael ang atensyon namin pati kay mam kaya natigil ito sa paglelecture. Mukha na sanang mababadtrip si mam dahil kay Michael pero tinuro kaagad ni Michael ang butones ni mam sa kanyang blouse na nakabukas.

"Ah hehehe.. ganito talaga pag nagmamadali nakakalimutan mah-butones," sagot ni mam pero tahimik lang kami. Sa totoo lang, natatawa kami pero sa sarili lang baka magquiz kami bigla.

Pinapunta rin kami ng library ni mam pagkatapos ng 30 minutes discussion para maghanap ng mga references sa mga libro na pinareresearch niya.

Hindi ko inaasahan na makikita ko si tatay sa library. Lumapit ako kaagad sa kanya at tinitignan ang lesson plan ni tatay pero wala akong mahanap.

Tanga at bobo ka Greg! Hindi na uso ang lesson plan ngayon!

Sinapo ko ang noo ko dahil sa kapalpakan. Nakapagmessage na ako ng napakahaba kay Verity pero palpak pa! Sana maisipan niyang sa class record iipit!

Tinignan ko rin ang class record ni tatay pero walang akong nakita roon. Baka dahil lesson plan ang sinabi ko, hindi na niya ilalagay sa iba.

"Ano bang hinahanap mo diyan Greg?" Tanong ni tatay na nagtataka. "Baka may mawala pa sa mga gamit ko."

"May hinanap lang 'tay," sagot ko nalang at lumabas na sa library dahil wala naman akong napala.

Papunta na sana ako sa room ng second subject namin kaso nakita ko ang mga kaklase kong naglalakad pabalik.

"Greg walang pasok!"

"Sigurado ba kayo?"

"Syempre naman. Nagtanong na rin kami sa mga guards kong nakapag-log in ba si teacher at sinabing hindi."

Nagpasalamat ako sakanila at kinuha ang cellphone ko para ibalita kay Rose Ann na wala kaming pasok. Kaso hindi siya nakapagreply. Paniguradong may klase pa yun.

Ba't ako biglang nagugutom?

Tinahak ko ang daan papuntang cafeteria at bumili ng milkshake at pizza para magamutan ang gutom kong tiyan.

"Pahingi naman Greg!"

Naibuga ko ang iniinom ko na milkshake dahil sa hindi inaasahan na tinig. Napakamot ako sa batok ko dahil sa kahihiyan. Pinunasan ko ang mukha ko pati ang lamesang natapunan ng milkshake.

"Nakakagulat ka ah!" Sabi ko unconsciously na nakasigaw. Hindi ko namamalayan na pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob ng caf. Oops! Tinig lang pala ang kausap ko at walang physical body! Bakit hindi ako nag-iisip?

"Pasensya na Greg kung nagulat kita hehehehe."

"Isa kang badtrip alam mo ba iyon?"

Mukha akong tanga. Sa isip ko nga siya kinakausap pero yung facial expression ko sumasabay sa sinasabi ko sa utak ko.

"Oo alam ko. Matagal na. Hindi mo ba alam?"

"Niloloko mo ba ako?"

"Hindi ah! Bakit naman kita lolokohin baka hindi na ako makaakyat sa langit kapag nangyari yun."

"Ang tanga mo. Boses ka lang. Wala kang paa kaya hindi ka makakaakyat."

"Ang witty mo Greg ah! Valedictorian na ang ganap mo panigurado."

"Pwede bang shut up ka nalang? At huwag mo akong kausapin kapag andito sa school."

"Type kong kausapin ka eh."

Pinipilit kong pinapagana ang utak ko na huwag siyang kausapin. May power kaya ako dahil nakakarinig ako ng isang tinig? Kaming dalawa ni Verity may powers? Ibig sabihin super heroes kami na magsasave ng world?

Kung ganun nga, dapat ko talagang kausapin si Verity para matanong kung may nararamdaman siyang kakaiba maliban sa tinig na naririnig namin.

Nagpunta ako sa comfort room ng caf namin at pumasok ako sa isang cubicle. Pumikit ako at pinapakiramdaman kung may kakaibang daloy ba akong mararamdaman habang mahigpit ang dalawa kong kamao. Wala akong maramdaman nung una kaya inulit ko ulit.

"Hoy tinig don't confuse me! Wag kang makisabay sa uso na let's confuse kids nowadays dahil hindi naman ako kid!"

Sa pangatlong pagkakataon ay sinubukan ko. Unti-unti ay may nararamdaman ako. Baka ito na yun..

"Sht!" Napamura nalang ako ng bigla akong makautot ng malakas! Pakiramdam ko at tae na ang susunod sa utot na yun! Badtrip akala mo meron na akong mararamdaman.

Umupo nalang ako sa trono at pinalabas ang mga kayamanan ko.

---

Lunch time na at hinihintay ako ni Rose sa cafeteria. Mas nauna kasi siyang natapos ang last period. Nagulat pa ako dahil pagdating ko ay may mga foods na sa table namin.

"My treat!" Masigla aabi niya at hindi na ako nagtaka pa. Palagi kasing ako ang nanlilibre eh hehehehe.

Masayang kaming kumain ng lunch dalawa. Simula ng maging kami ay wala akong napapansin na kahit na sinong kaibigan ang tumatawag kay Rose Ann. Matagal ko na rin iyong pinagtatakahan pero hindi ko nalang sinabi baka ma-offend siya. Parehas lang naman kami eh. Wala kaming mga kaibigan and we found each other kaya siguro ayun, may mga similarities kami na naging dahilan para mahulog kami sa isa't isa.

Naglalakad na kami patungo sa botany garden ng mahagip ko ang sina Verity, Evianna at Annabelle na naglalakad papunta rin sa botany garden. Mas nauna sila sa aming dalawa ni Rose Ann.

"Ex squad mo babe oh. Hehehe," sabi ni Rose Ann sabay turo sakanila. Pati pala siya ay napansin sila. Well, sino ba namang hindi makakapansin sakanila? Kahit likod lang ang makikita mo ay makikilala mo na kaagad sila. Ganyan kalakas ang aura nila.

"Hehehehe.. hindi ko nga sila squad dati kaya hindi kami ex squad."

Nagdadalawang isip na tuloy ako kung tutuloy ba kami sa botany garden o hindi.

***

VERITY

Badtrip yung tinig na naririnig namin ni Greg dahil sabi niya pumunta raw akong botany garden.

"Why did you bring us here Riri?" Evi asked. Panay kamot ang ginagawa niya sa sarili niya. Ang arte lang ng kaibigan ko. She didn't even touch a single leaf or kahit dahon na sumayad sakanya ay wala rin!

"Stop scratching Evi! Nagmumukha kang tanga okay? And ewwww, why are you even scratching?" Si Chakadoll na medyo naiinis na rin.

Sorry girls! Kung sana may physical body lang yung boses na naririnig ko ay kanina ko pa siya ipinaharap sa inyo para bugbugin!

"Maraming oxygen dito and the air is filtered. Ayaw niyo ba?" Sabi ko sakanila. Bigla bigla ko nalang kasing hinila sila papunta rito without explaining why we're coming here.

"Are you out of your mind Verity? There are many kinds of worms and flies here! There might be bees too! I don't want bees to sting me!"

"No Evi, I'm not. I just want to discover a new place here in our school para naman may new hang out tayo diba and look, tayo lang ang tao rito."

Inirapan lang ako ni Evi at nauna siyang naglakad sa amin ni Chakadoll. Nakakita siya ng bench na gawa sa semento at doon siya naupo habang naka-cross arms at nakabusangot.

"Badtrip na badtrip ah. Baka nag-lq sila ng kuya mo?"

"I don't know Chakadoll," tanging sagot ko. Balik na ulit ako dati sa bahay. No more Miss Davien and Kuya Diego dahil bumalik sila sa Prague and it's been a month. Hindi nalang ako nag-abalang kontakin sila. Mamita is in touch with them naman and that's the most important thing. Hindi ko lang alam kung si Evi and Kuya Diego are still contacting each other.

"Namiss siguro ang abs ni Kuya Diego? Hehehehe.." pinalo ko sa braso si chakadoll dahil kung ano-ano lang ang iniisip. Sana nama'y wala talagang kababalaghang nangyari sakanila ni Kuya jusko!

Tumabi kami sakanya. Walang nagsalita sa aming tatlo. Kanya kanya lang ang mga mata naming patingin-tingin kung saan. Here in the garden, there are many vines and green leaves and flowers that I can't name. Evi is right, maraming insects na lumilipad but they didn't try to come near us.

I saw two people walking while their hands are intertwined. Medyo natatabunan lang ang mukha nila dahil sa mga dahon. They're walking to the bleachers na hindi namin nakita kanina. Hindi kasi kami lumilingon eh. And the bleachers are in front of us pero pinapagitnaan ito ng mga plants.

I saw them climbing up the bleachers at umupo sa ikatlong palapag nito. Their faces are now clear at nakilala ko kaagad ang lalaki, it was Greg. Dumungo kaagad ako at takot na makita niya ako. Why are you even scared huh Verity?

Pilit kung pinapakalma ang sarili ko. It's been a month since I always see him in my dreams. I find it weird at nakakabahala. Bakit siya lang ang napapaginipan ko? Bakit parating kaming dalawa lang?

I also received a message from him but I shrugged it off. Ayaw kong sagutin iyon kasi hindi na kaya uso ang lesson plan ngayon. I want to confront him too pero I don't know how and where. Baka mailang lang kami sa isa't isa dahil baka we will remember our dreams!

The girl with him seems so familiar.. ah! Siya pala yung kasali rin sa Mr. and Ms. Intramurals. I forgot what department she represented. They're busy talking. Yung babae lang yung nakikita kong dumadaldal habang si Greg ay parang hindi nakikinig dahil parang may hinahanap? They're talking pero parehas silang nakaharap kaya hindi mapapansin noong girl.

"Hello Verity!"

"WHAT?!" I almost jumped out of nervousness! Mapagkamalan pa akong baliw ng mga kaibigan ko. I wish that this voice will have a phsyical body para mahampas ko ng dos por dos.

"Easy.. easy.. wag mo naman akong saktan! Besides, hindi natin alam kung magkakaroon ba ako ng physical body. Baka kung mangyari ang wish mo, maglalaway ka sa abs ko dahil hindi kita papansinin."

"You're face.. I mean your voice is so makapal! I'm 10000 percent sure na you have the most hideous face kaya hindi ka binigyan ng physical body!"

"It hurtch! Paano ka nakakasigurado ha?"

"Nakakainis ka alam mo ba yun? Ano bang kailangan mo? Spill it para mabigay ko kaagad. Nakakabwisit ka kasi."

Mabuti nalang at nasasanay na akong kausapin siya. Medyo ang creepy kasi noong una dahil kinakausap ko siya sa isip ko at ang weird! Yung ang sarap niyang sigawan but you couldn't kasi ikaw ay magmumukhang tanga?

"Wala naman hehehe.. nabobored kasi ako eh.."

"What the hell? Pinapunta mo lang ako dito dahil bored ka? Shit! Bakit ba ako nagpauto sayo?"

"Don't cuss! That's bad!"

"Wow so you know how to speak English too. Do you know Spanish?"

"Si Señor!"

"Paano ka ba idispatsa ha? It has been my long desire to murder you.."

"I'm just joking Verity! Wag mo naman akong i-murder baka mapunta ka sa hell. Do you like it baby?"

Kinilabutan kaagad ako sa sinabi niyang baby! Lahat ng balahibo ko ay tumayo at gustong gusto ko ng sumabog! Sana totoong tao siya so I can kick his balls out of this world and cut out his talkative tongue!

"Alam mo yung salitang joke? Hehehe syempre kay Greg ka lang.. hindi ako mang-aagaw no!"

"Blablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablablabla!!!!!!!!!!"

"Sige magseseryoso na ako ayaw kong maparusahan!"

"Good.. natatakot ka rin pala so what's your purpose on bringing me here?"

"I want you and Greg to talk.. may sasabihin ako."

"Sige sabihin mo na."

"No.. dapat kayong magkasama ni Greg.. wala akong kakayahan na kausapin kayo na malayo sa isa't isa eh. Hehehe dapat magkalapit kayo."

"Teka lang Verity ha? Kakausapin ko lang din si Greg heheheh."

"Wait! Paano ang mga kaibigan ko and Greg's girl? They will be confused kung makikita nilang magkasama kami diba?"

"Don't worry.. a pixie dust will help us at ako na ang bahala. So move your feet now and find a vacant room."

"Wow so ako pa talaga ang maghahanap?"

"Syempre, I'm just a voice.. I don't have eyes you know.."

"If you're just a voice why can you hear me?"

"Because you're not talking using your tongue. Now please stop asking questions and find a vacant room. Get the pixie dust beside you and sprinkle it to your friends.."

Is he Peterpan? Baka pagalitan kami ni Tinkerbell kapag gagamitin ko ang pixie dust niya! Hahahahaha. Pixie dust? Lol who is he kidding?

I can't explain why I'm hearing him.. but I'm sure that I'm just imagining him. He's just a product of my imagination. Therefore he doesn't exists so do with the pixie dust. Pero sino nga ba ang niloloko ko? A pixie dust exists! Nakalagay ito sa maliit na bote with an engraved words of Pixie Dust na nakaglow.. like what the hell? Bakit ang bongga ng imagination ko?

I smiled at Annabelle first. Nagsmile naman siya pabalik. Binudbod ko sa kamay ko ang pixie dust. Muntik na akong hindi maniwala dahil wala naman akong nakikita but I can feel something on my palm. I sighed in I don't know what reason.

I sprinkled it first kay Chakadoll then to Evi.. then they closed their eyes and they drift to sleep. Agad na akong tumayo at naghanap na kaagad ng vacant room dito sa Agriculture department.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top