Chapter 27

Happy 500 reads! Aaaaaahhh!!
Thank u so much TG_AOT dahil ikaw ang nagmamahal sa akin sa mundong ibabaw!!

Here's an update!

--

Gabi-gabi ko nalang napapanaginipan na palagi kaming magkasama ni Verity at ang sweet sweet ko sakanya! At ang gabi-gabi na yun ay umabot na ng one month! Sobrang nakakainis dahil feeling ko nagchecheat ako kay Rose Ann. Oo, kami na. Niligawan ko kasi siya dahil naiinis ako kapag may ibang lalaking umaaligid sa kanya at ayaw ko siyang makitang masaktan. Dalawang linggo pa lang kami at masasabi kong masaya kami sa relasyon namin. Nakakapag-adjust na rin ako sakanya para hindi siya palaging mainis sa akin dahil sa pagiging slow ko. Tinigil ko na rin ang pag-ggym ko.

"Lumaki man ang braso mo o hindi, magka-abs ka man o hindi, hindi yun ang batayan ng pagmamahal ko sa iyo. Kung ano ka at sino ka, yun ang minahal ko sa'yo. Bonus nalang yung pagiging gwapo at matalino mo," napaka-genuine ng pagkakasabi niya. Lalo na yung ngiti niya na nakakahawa rin kaya napapangiti rin ako.

Nasa loob kami ngayon ng skating rink dahil nagyaya siya at gusto niyang lumabas. Katatapos lang kasi ng examination namin at masarap sa feeling dahil makakahinga kami ng maluwag.

Bumyahe pa kami ng dalawang oras para makapunta dito. Sabado ngayon kaya sa bahay nina mama at papa kami matutulog mamayang gabi.

Bigla nalang kasi nangyari ang lahat. Napag-usapan namin ang pag-ggym ko. Tinutukso kasi niya ako na payatot kahit na nag-ggym eh. Kaya ang ginawa ko binuhat ko siya habang nagskaskate.

"Greeeg! Put me down! Baka matigok ako kapag nahulog ako. Wala akong tiwala sa'yo dahil ang payat payat mo!"

Mas lalo ko lang binilisan kaya tawa at sigaw ang ginawa niya. Confident ako sa ginagawa ko kaya wala siyang dapat ikabahala. I won't harm her or put her in danger. I will never be the reason of her pain. Ang dapat sakanya ay punuin ng pagmamahal. She's so bona fide. Just seeing her makes me happy. Just seeing her makes my heart thump. Just seeing her makes my day. Kaya ano pa ang dahilan para hindi ko siya gawing akin? I may look like a loser to everyone pero nagmamature din ang tao, nagmamature ako araw-araw, thanks to Rose.

"I'm sure you want me to die!" Sigaw niya sa akin ng binaba ko siya at nakakapit kami ngayon sa railings. Hingal na hingal ako at siya naman ay sigaw ng sigaw lang.

"Papatayin kita ng aking pagmamahal.. hehehe," pabiro kong sabi at doon na nagsimula ang lahat. Iyon ang simula ng pag-uusap namin hanggang sa naging kami.

"Sige, I will stop going to that gym. H'wag mo kong ipagpalit ha dahil wala akong abs. At h'wag mong pagsisihan na walang abs ang boyfriend mo."

Ramdam ko ang pagiging sincere niya habang sinasabi iyon. Kaya nakapagdesisyon akong itigil ang pag-ggym at ayaw ko rin na yun ang magiging dahilan ng away namin. Alam kong ayaw niya akong makipagkita kina Evianna, Annabelle o Verity. Kahit sino sakanila dahil nakakaramdam siya ng selos.

Lumabas kami ng mall na magkahawak ang kamay. So this is the first day of us being officially dating. Marami na rin kaming litrato sa cellphone ko dahil iphone x nga.

"Gusto mo bang kumain ng ice cream?" I guess hindi na masama ang tanong ko. Yun kasi ang nakikita ko sa mga movies at ibang tao. Binibilhan nila ng ice cream ang girlfriend nila.

Pumasok kami sa isang ice cream parlor at doon kumain. Pagkatapos naman ay niyaya ko siyang kumain sa pastry house kung saan maraming masasarap at matatamis na cakes at cookies na binebenta. Nagstop-over din kami sa isang café at uminom ng milk tea. Buong araw ay puro matatamis lang ang kinain at ininom namin.

"Baka magkaroon ako ng tonsilitis nito ah at yun pa ang maging dahilan ng pagka-hospitalize ko for the first time!" Biro niya sa akin ng kumakain kami ngayon ng cotton candy. Isa lang ang binili namin at share lang kami. Ang galing ko talagang dumiskarte. Hehehehe.

"First day natin kaya dapat binyagan ng sweet foods para forever sweet tayo sa isa't isa. Hehehe."

"Nilalapitan kaya ng mga ants ang matatamis. Ang kati nun kapag nangangagat!" Alam kong iba ang ibig niyang sabihin kaya parehas kaming natawa.

"Magdadala tayo palagi ng insectecide para hindi tayo lapitan ng ants o kahit na anong makati o mangangagat babe." Kinilig siya ng marinig niya ang word na babe at kiniligin din ako.

"I will never allow na mawala ka sa akin Rose. Gagawin ko ang lahat to be your Jack pero hindi ako mang-iiwan I swear. I will nit give up just like Jack. Kakayanin ko ang lahat para hindi ka mawala sa akin at makasama ka pa ng matagal," sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Eto talaga ata kapag inlove ka. Gagawin mo ang lahat para hindi siya mawala sa'yo at hindi ka mahihiyang sabihin sakanya ang tunay mong nararamdaman.

"I'm so thankful dahil sa'yo ko ito unang naramdaman. Napakasaya ko dahil ikaw ang unang taong inibig nito," kinuha ko ang kamay niyang hindi bitbit ang cotton candy at nilagay iyon sa dibdib ko sa bandang puso. "Ikaw ang unang tinibok nito Rose at alam kong ikaw lang. Please don't hurt my heart okay? Kasi ako siguradong hindi kita sasaktan. Masaktan lang kita, hindi ko na kayang sikmurain pa. Ako na ata ang pinakagagong tao sa mundo kapag ginawa ko iyon. Tandaan mo, my heart only belongs to you Rose. Ikaw lang ang tinitibok nito at ikaw lang ang titibukin nito. I swear to our love." Hinalikan ko ang kamay niya at napansin kong lumuluha pala siya. I know, her tears are tears of joy and tears of love kaya napapangiti ako.

"You cried because of happiness and love. Thank you for crying na ako ang dahilan. It's a privilege Rose. Yung makita kang umiiyak dahil alam kong ramdam na ramdam mo ang sinseridad ko. Hindi mo lang alam kung paano mo kinompleto ang pagkatao ko. I am not a talkative man. I am not an expressive man pero dahil sa'yo, I am able to express my love for you."

Gamit ang palad ko ay pinunasan ko ang mga luha niya. Those tears.. hindi yun dapat punasan ng panyo. Those tears should be feel by me. I kissed her forehead and her wet cheeks.

"Greg naman eh.. bakit mo ako pinapaiyak? Magmumukha akong panget nito at nakakahiya sa mga taong makakakita sa akin."

"Cry, hindi ka naman pumapanget sa paningin ko Rose. I love you."

Niyakap niya ako ng napakahigpit. "Thank you Greg.. thank you for choosing to love me. Salamat dahil sa lahat ng tao sa mundo, ako ang minahal mo. Ako ang napili ng puso mo and I'm so grateful about it. I love you too."

Punong-puno ng pagmamahal ang mga mata niya. I know in my heart na siya lang at wala ng iba.

Umuwi kami sa bahay nina mama at papa at binalita ang magandang nangyari samin. Lahat sila ay natuwa at walang pag-aalinlangan kay Rose. Close na close nga sila eh at parang apo na rin nila ang girlfriend ko. Pati kina nanay at tatay ay binalita ko kaagad. Ayoko ng patagalin pa baka may makaharang pa. Naging masaya rin ang response nina nanay at tatay. Sabi pa ni nanay ay hindi na talaga ako baby at dapat lang dahil may bago na siyang baby!

Syempre sa separate kami na kwarto natulog. Maaga rin kaming gumising para maagang makauwi.

"Sasabihin ko na rin sa mga magulang ko babe para maging legal na talaga tayo sa mata ng lahat at wala ng proproblemahin. Mabait ka at paniguradong magugustuhan ka ng parents ko."

Sa loob ng two weeks, tuwing vacant ay palagi kaming magkasama. Palagi niya rin akong nilulutuan ng ulam pang lunch at ako naman ay dinadalhan siya ng biko na gawa ko twice a week kaya bale apat na beses ko pa lang siya nadalhan. Doon din kami palaging tunatambay sa botany garden kung walang assignments o quiz na mangyayari kapag hapon.

"Good night babe! Dream of me ~ hihihihi," sabi ni Rose sa kabilang linya. Doon lang ako natauhan ng nabanggit niya ang dream.

Kahit na medyo nag-aalinlangan ako sa isasagot ko, sinagot ko nalang din siya. "Surely babe I will," I lied. "Sino bang aayaw na mapanaginipan ka? Hehehe. Dream of me too. I love you babe. Ikaw lang at wala ng iba."

I am true to my words pero feeling ko hindi. Feeling ko peke ang mga sinasabi ko kahit hindi naman. Nalilito na ako! Not my feelings towards my babe but my dream. May panaginip bang paulit ulit na isang tao lang ang makikita mo? I guess that's impossible! Yung parati lang kaming dalawa ni Verity? Heck! May problema na ata pero hindi naman ako nakaka-experience ng side effects. Sakto lang ang tulog ko at wala talaga. Wala talaga! Tsaka hindi ko na nakikita si Verity matapos kong makapunta sakanilang bahay. Nakareceive din ako ng invitation para sa birthday niya pero hindi ako pumunta. Iyong boses ay paminsan-minsan nalang din. Eto lang talaga ang problema ko, VERITY IN MY FCKING DREAMS!

It seems like someone is manipulating it pero urban legend lang yung mga ganun. At hindi makatotohanan. Before I sleep, parating si Babe lang naman ang nakakausap at naiisip ko pero bakit si Verity pa rin?

I am not two-timing Rose pero why does it feels that way? I want her in my dreams so bad pero hindi nangyayari. Nagrosaryo at nagdasal na rin ako ng napakaraming beses pero wala talaga.

Baka nasa dalawang magkaibang mundo ako? The reality world and the dream world? Pero hindi ko naman dream si Verity bakit siya nasa dream world ko? Aish!

Sorry babe pero you were never in my dreams. I hope it was your hand I held, you face I caressed and your lips I kissed.

Palagi akong nagkaka-goose bumps tuwing nagigising ako. Totoong totoo kasi yung pagiging sweet ko sakanya sa panaginip eh. May payakap yakap pa ako, nagmukha tuloy akong manyak! Ninanakawan ko pa siya ng kiss. Hinahabol ko rin siya sa may damuhan. Pinipiggy back ko rin siya. Sinusuklay ang buhok. Nilalagyan ng bulalak ang kanyang tenga at marami pang iba na baka mangyari sa susunod ko pang mga panaginip!

Katatapos lang naming maghapunan nina nanay at tatay. May isa lang kaming assignment ay yun ang paggawa ng reaction paper sa movie na pinanood namin na A Clockwork Orange. Tinapos ko kaagad yun. Mabuti nalang at nakacomprehend ko kaagad ang tungkol sa movie kahit na medyo disturbing.

"Matutulog na naman ako," napabuntong hininga ako ng mahiga ako sa aking kama. I tried calling Rose pero hindi siya sumasagot. May mga times na ganito siya dahil naka-silent ang phone niya minsan.

Limang ring ang hinintay ko pero hindi pa rin niya nasasagot. Nakatulog ata yun ng maaga. Hindi na bago sa akin. Mag-aalas onse na rin. May message naman siyang good night at I love you kaya hindi na ako nag-alala.

Pinikit ko ang mga mata ko at inimagine ang mukha ni Rose. Nagbabakasakaling siya ang mapanaginipan ko. Gusto ko ng matigil ang kahibangan na ito. Mababaliw na ako!

Walang ano-ano'y kinuha ko ang cellphone ko at chinat si Verity. Hindi siya naka-online pero gusto kong maliwanagan. Sigurado akong mababasahan ito ni Rose kung hindi ko idedelete kaya dinelete ko kaagad ang message ng nasend na ito.

To Verity:

Alam kong napag-usapan na natin 'to dati yung tungkol sa boses na naririnig natin. May isa pa akong tanong, huwag mo sana akong pagtawanan dahil hindi ito nakakatawa o nakakatuwa. Pati ako'y gulong gulo na sa nangyayari. Napapanaginipan mo ba ako? Dahil ako, tuwing gabi kita napapanaginipan. Noong una, palaktaw-laktaw pa pero ngayon, straight na isang buwan na kita napapanaginipan. Please answer me and don't find this message as absurd. Teacher niyo ang tatay ko sa history. I just need a YES or NO. Pakilagay nalang sa lesson plan ni tatay ang sagot mo. May it be written or iipit mo nalang ang papel. Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top