Chapter 26
GREG
Bigla akong kinilabutan sa napanaginipan ko kaya nagising ako at pawis na pawis.
Anong klaseng drama yun? Romantic Drama? Nakakakilabot eh. Hindi ko ma-imagine na ganun akong klase na lalaki na sweet at kay Verity pa talaga. Kung kay Rose Ann may pag-asa pa ata.
Napatingin ako sa digital alarm clock sa side table ko at 3 am na pala. Devil's hour! Kaya pala. That explains everything. Joke hehehe.
Babalik na sana ako sa tulog ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at tinatawag ang pangalan ko ni tatay.
"Bakit po 'tay?" Ni minsan hindi ko narasan ang ganitong sitwasyon. Yung kakatok si tatay dahil ang nakasanayan ko si nanay.
"Ang bilis mo atang nagising?"
"Mag-ccr po sana ako. Hehehe." Pagsisinungaling ko at kinarma naman kaagad dahil na-iihi ako.
"Aalis kami ng nanay mo ngayon at pupunta kami kina papa. Mamaya pa sana kaso nagising ang nanay mo na gustong gusto ng umalis."
"Ano pong gagawin niyo dun? At mukhang biglaan ha?"
"Namiss niya raw kasi ang lolo at lola mo." Nagkamot siya ng buhok. Halatang nabigla rin sa pasulpot sulpot na desisyon ni nanay. Nakaayos na pala si tatay at ready to go na pati ang kotse ay umaandar na.
"Okay ka lang ba dito?"
"No problem tay. Mag-uumaga na naman eh."
Umalis na kaagad si tatay at nilock ko ang pinto. Hindi na ako nakapagpaalam kay nanay dahil hindi niya pinapansin ang pagtawag ko sakanya. Isang buntis na snob ang nanay ko!
Pumasok ulit ako sa kwarto at nag-cr sa cr ko. Biglang may umihip na hangin sa loob kaya naging stiff ako ng ilang segundo. What is the meaning of this? Huhuhu
Minadali ko ang pagsira ng zipper ko pero nahihirapan akong isara ito kaya no choice at kumaripas ako ng takbo patungo sa kama at nagtalukbong ng kumot. Doon ko na inayos sa pagkakazipper ang shorts kong suot.
Nanginginig ako ng kunti. Pabigla bigla ba namang humangin sa loob ng cr na wala namang bintana at electric fan? Naka-aircon ang kwarto ko at hindi stand or ceiling fan ang gamit ko.
Paano na ako makakatulog nito?
"Edi matulog ka hehehe." Nabigla ako kunti sa narinig ko pero medyo nawala dahil pamilyar na siya sa akin. Nasanay na ako.
"Huwag ka namang manakot!"
"Hindi kita tinatakot ah. Binabantayan pa nga kita eh."
"Ikaw ba ang nagdala ng hangin sa loob ng cr?"
"Hehehehe ako nga. Pasensya na at doon pa ako napunta. Nandoon ka kasi eh."
"Stop talking! Matutulog na ako."
"Matulog ka lang."
"Umalis ka na nga! Dinidistorbo mo ko eh."
Isang himala at nagkaroon ako ng lakas para ipagtabuyan siya. Sino bang makakatulog sa lagay na ito? Masyado siyang epal sa pagtulog ko at kung iisipin, alas tres pa ngayon ng madaling araw. Sugo ata ito ng madaling araw!
"Nice joke Greg! Hahahaha." Narindi ako sa halakhak niya dahil sobrang todo at bigay na bigay.
Nakatalukbong pa rin ako sa kumot at mukhang baliw dahil nagsasalita at kinakausap ang isang hindi matukoy na nilalang na hindi ko naman nakikita.
"Hindi ako natutuwa sa'yo ha.. magsalita ka pa at ngayon ngayob din tatawag ako ng pari para ipagtabuyan ka. Marami kaming stock ng asin at garlic!" Ginawa kong matigas ang boses ko para tunog nananakot talaga. Sana maging effective!
"Sa lahat ng binanggit mo, walang nakakatakot diyan. Kaya pagbibigyan na kita. Sleep well! Magkita sana kayo ni Verity ulit hehehehe."
Dalawang pares ng sandwich with ham at milo ang kinain kong agahan. Medyo nalate ako ng gising kaya hindi na kayang magluto pa. Isa pa, mag jejeep ako dahil kung bike ang gagamitin, paniguradong late ako.
Nakarating akong school at 5 minutes late na ako for my first subject. Pagpasok ko ay nagsimula ng mag-attendance ang aming teacher at pasalamat ako dahil unang apilyedo palang ang tinawag ni mam.
Nagkaroon kami ng group work kaya pinapunta kami sa library para doob gawin ang aming group work. Apat lang kami sa grupo at puro seryoso ang nga kasama ko kaya madaling natapos. Ako na ang nagpresentang magpass kay mam sa gawa namin. Nakakahiya kung sila pa eh puro sila babae. Gentleman din ako kahit papano.
Hawak ko rin ang aking cellphone baka kasi tatawag si nanay o tatay at masagot ko kaagad pero wala silang kahit isang mensahe na pinadala simula ng umalis sila. Hindi nila sinabi kung nakarating na ba sila o hindi.
"Thank you mam," sabi ko. Binigyan niya kami ng plus ten points dahil kami ang unang nag-pass na group. Sa susunod na meeting pa sana ang deadline kaso ang mga kagrupo ko ang nagpush na gawin na namin yun ngayon para hindi na sila gagawa sa bahay. Nakakatamad din naman yun. Yung kayang gawin sa school, sa school nalang gawin para pag-uwi okay na at ibang school works nalang ang aatupagin.
Eksaktong paglabas ko ng room at tinawagan ako ni nanay na nakarating na sila kanina pa. Kinamusta ko lang ang byahe nila at sina mama at papa.
"Mag-absent ka nalang bukas Greg at mamayang hapon, bumyahe ka patungo rito," sabi ni nanay sa kabilang linya. Nasa two hourse din kasi ang byahe at nakakapagod.
"Baka may mga importanteng gagawin bukas nay. Sa weekend nalang po."
Binaba ko na ang tawag at naglakad papunta sa room kung saan ang second subject namin. Halos wala pa naman lahat ng mga kaklase ko kaya pinikit ko muna ang aking mga mata dahil medyo inaantok ako.
Sa kasamaang palad, ang panaginip ko kagabi ang nakikita ko. Hindi ko naman yun naiisip o naiimagine pero bakit ganun? Kailangan ko ng tulog magmumukha akong panda nito.
Discuss ng discuss ang teacher namin at nagbigay siya ng quiz pagkatapos. Naging masaya rin si teacher dahil kaming lahat naka-perfect score.
"Proud na proud talaga ako sa section niyo. Puro matatalino kahit na may ibang mundo ang iba tuwing nagdidiscuss ako pero alam kong walang nangopya sa inyo kaya walang quiz sa susunod na week!"
Akala ni mam masisiyahan kami. Walang quiz sa susunod na week kaya asahan nalang namin na sobrang dami ng quiz niya sa susunod na susunod na week.
"Sus si mam, baka umabot ng 200 items yang quiz niya sa susunod eh," reklamo ng iba kong mga kaklase ng nakalabas na kami.
"Gusto niya yatang siya ang maging favorite teacher natin," sabi naman nung isa.
"Malapit na kasi birthday ni mam baka gusto ng surprise?"
"Sige, I will collect 5 pesos para makabili tayo ng cake for her."
Nagpunta ako ng cafeteria matapos ang last subject for this morning. Nag-order ako ng dalawang serve ng rice at isang fried chicken at chop suey.
Naupo ako sa dati kong pwesto at nagsimula ng kumain ng may makita akong pamilyar na babae. Si Rose Ann! Nakalimutan ko siyang kontakin simula kahapon. Nagsimula akong makaramdam ng guilt kaya dinungo ko ang ulo ko at pasekretong nagtatype sa cellphone ko ng mensahe para sakanya.
Natanggap niya yata ang mensahe ko dahil nakatingin siya sa kanyang cellphone at iniscan ang paligid. Kinawayan ko siya at nakita naman niya kaagad ako at kinawayan niya ako pabalik.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong niya at tinignan ang plato kong kunti pa lang ang nakain.
"Ngayon ngayon lang din. Dito ka na umupo," pagprepresenta ko sakanya. Nilagay niya ang kanyang bag sa vacant chair at bumili ng pagkain.
Sa tray niya ay leche flan lang ang tanging laman at coke in can. "Hindi ka maglulunch?"
"May baon ako kaya ito lang binili ko." Nilabas niya ang kanyang lunchboxes. Isang may laman ng kanin at dalawang may laman ng dalawang klaseng ulam.
"Kuha ka lang Greg, ako nagluto niyan."
Kumuha ako at nasarapan sa humba na niluto niya nasnob ko na ang binili kong pagkain. Pati ang pinakbet niya ay masarap.
"Sana you contacted me earlier para mapaalam ko sayo na hindi mo na kailangang bumili ng ulam. I waited you know.."
Muntikan na akong mabulunan sa sinabi niya. Yung pakbet ba nginunguya ko ay naging mapait. Nakaramdam ako ng kahihiyan habang kinakain ang niluto niya. Parang wala akong karapatang kainin ang niluto niya kahit na sinabi niyang kumain ako.
"At bigla kong makikita sa facebook ang picture niyo nina Annabelle.. hmm, close pala kayo? Wala kang binanggit sa akin."
"Uh, nag-ggym kasi ako that time at ano.. nakita nila ako then ano.. sinali nila ako sa.. sa usapan nila kaya may nangyaring ano picture picture," pag-eexplain ko na medyo kinakabahan. Nakakatakot palang mainterrogate.
"Okay lang yun.. ang sa akin lang sana sinabi mo diba kaagad. I waited for your messages pero walang dumating but it's fine. Kaya ko naman. Sige kain ka lang."
Kahit na awkward na awkward ako ay nagawa ko pa ring kumain. Kawawa ako pag ako hindi kumain baka liparin ako ng hangin mamaya paglabaa dito sa cafeteria. Kahit medyo mahirap lunukin ang pagkain, kinaya ko parin.
May nakita akong dumi sa mukha niya kaya nilahad ko ang panyo ko. "Pwede mong gamitin 'to."
Nakakahiyang sabihin na may dumi siya. Syempre babae, macoconcious talaga siya kapag mga ganung bagay. Medyo nagulat siya at nagmadaling kinuha ang panyo ko at ginamit ang cellphone niya bilang salamin.
"Ihatid na kita sa room mo," naglalakad na kami palabas ng cafeteria. Medyo maulap kaya hindi mainit. Sakto lang ang klima ng panahon ngayon.
"Okay lang ako. Baka may meet and greet pa kayo ng new squad mo eh," sa pagsabi niya nun ay diretso ang tingin niya sa harap. Nakita ko si Evianna na naglalakad mag-isa.
Akala ko ay magkakasalubong kami pero lumiko siya ng daan at mabilis ang paglalakad parang nagmamadali. Sinusundan ko pa rin siya ng tingin hanggang sa maglaho na siya.
"See? Concern ka sa new squad mo kaya hindi mo pansin na nahuli ka na sa paglalakad. Mukhang may gathering sila dahil nagmamadali, hindi ka ba na informed?" Bakas sa boses niya ang pagiging sarkastiko. Mga three meters away na rin kaming dalawa. Mabilis lang ata siyang naglakad dahil malayo na ang agwat namin.
"Hindi ko sila squad," sabi ko nalang at hinila siya ng naabutan ko siya sa kinatatayuan niya.
Dinala ko siya sa isang tahimik na part ng school. Dito sa may botany garden ng agriculture students kami. May iilang bleachers din dito na may roof kaya doon na kami naupo.
Mayroon pa kaming two hours vacant para sa susunod na subject. Timing na kaming dalawa lang ang tao dito. Tsaka maganda din ang view at hangin kasi paniguradong hindi polluted dito kahit pa may umutot dahil puno ng halaman.
"So?"
"Anong so?" Tanong ko pabalik.
"Dinala mo 'ko dito eh, akala ko may gusto kang sabihin," nakita ko siyang umirap kaya napabuntong hininga ako. Ano ba ang pwede kong sabihin? Think Greg.
Hoy munting boses help!
Nagbilang ako ng one to sixty pero wala paring nagreply na boses sa akin.
"Bakit medyo sarcastic ka sa akin ngayon?"
Magkatabi lang kami sa iisang palapag. Siya yung malapit sa railings at nakahilig ang ulo niya doon. Nakalugay din ang kanyang buhok.
"Bakit tinatanong mo pa yan? Hindi ba halata?" Tanong niya pabalik sa akin na malditang maldita ang boses.
"Wala naman talaga akong alam eh."
"D'yan! Mga lalaki talaga parating walang alam except sa papa ko! Halatang halata Greg pero hindi mo alam?"
Lumakas na yung boses niya pero hindi ko pa rin gets. Huhuhu. Sana walang taong dadating kundi mapapahiya ako. Mukha akong pinapagalitan ng nanay!
"NAGSESELOS AKO. IYON 'YON!" Sabi niya at tumayo na at nagmamadaling umalis. Nadapa pa nga siya eh mabuti nalang at nakarecover siya kaagad.
Nagseselos siya? At halatang halata? Saan banda?
Naiwan akong nakatunganga at pilit na inaanalayze kung saan banda ang pagseselos ni Rose Ann. Kaya pala medyo iba ang tono ng pagsasalita niya kumpara dati na medyo sweet. Greg you're so naïve, insensitive and slow!
Nakita ko nalang ang sarili kong tumatakbo para sundan si Rose Ann. Naaaninag ko pa siya kaya hindi problema at mahaba haba pa ang oras.
I just realized something.. I don't want her to get hurt.
END!
--
Another update for today (April 29) kasi buhay na buhay ang katawang lupa ni TG_AOT . Let's take advantage HAHAHAHHAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top