Chapter 24
Bumaba ako sa hagdan mula sa second floor ng bahay namin. I was awaken by loud knocks on my room by Ate Dina dahil nasa baba na ang mga kaibigan ko. She told me that they're already here for almost 2 hours at kanina pa ako nila ginigising by knocking. They weren't able to open my room dahil naka-lock iyon and no one has a spare key of my room. Tanging ako lang ang meron. I took a bath before stepping out on my room, nakakahiya naman diba kung amoy laway ako sa harapan nila? I just wore my floral sleeveless dress.
My eyes widened in astonishment when I realized who's sitting on our sofa at our living room. I ran as fast as I could at dinamba siya. "Good to see you Drew!"
We're in awkward position and I don't mind but he minds it. Tinulak niya ako dahil nahihirapan na pala siyang huminga mula sa yakap ko.
"Habang tumatagal mas lalo kang gumaganda bes!" He scanned me from my head to toe and I just shrugged with confidence.
"And you haven't been upgrading Drew! Like what the hell? You're living in Australia yet you still look like the same frog from before!" I teased him with all my might. His face became dark after hearing my words. Ayaw na ayaw niya kasing tawagin ko siyang palaka. I'm just joking on what I said. Kahit na nakaupo siya, I can tell that he grew taller at mas lalo siyang kuminis.
"VERITY!!!" Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Chakadoll. I can smell sweat from our distance at mukhang haggard ang kanyang mukha. She's about to hug me when I stepped back, avoiding her big hug.
"What?" Iritado niyang sabi at hindi gets ang sinasabi ko. Amoy usok din kasi siya.
"Bakit amoy kalsada ka?" Umupo ako sa tabi ni Drew habang siya'y nakatayo pa rin na naka-cross arms. Mukha siyang tanga dahil inamoy niya ang kanyang sarili and her armpits too! Obvious namang amoy kalsada siya pero inamoy niya pa rin. So sad, I've got an abnoy friend.
"Eto ang amoy ng isang taong nagsusumikap," she blurted like she did something significant, while the two of us who were sitting were just disappointments of this beloved country.
"Hindi mo parin maitatanggi na amoy kalsada ka. This is the first time na naamoy kitang ganyan. Ano bang ginawa mo? Naghirap ka na ba at nagbenta na ng tempura sa labas?" Pinatid niya ang binti ko that made me groaned. Nabato ko siya kaagad ng suot kong fluffy slippers kaya tinawanan kami ni Drew.
"For your information madame Verity, nagluluto ako ng biko. Kaya nga nagtanong kanina kung may dwarf coconut kayo diba?"
"Edi sorry na!" Natutulog kasi ako kanina kaya medyo lumilipad ang utak ko. Where's Evianna?
"Nasaan ang isang babae?" Tanong ko sakanilang dalawa. Nagkibit balikat lang si Drew. Hindi niya ata napansin dahil focus na focus siya sa paglalaro ng cellphone niya. I peeked on his phone at nakitang binack niya kaagad ito pero I saw what app he used. He's using Tantan, like wtf?
Sinagot naman ako ni Chakadoll. "Kaya nga ako narito para tanungin kong nakita niyo ba siya. Bigla nalang nawala ng parang bula eh!"
At dahil sa sinabi niya, isang dahilan lang ang alam ko. Nasa bahay namin sila kaya ano pang gagawin dito ni Evianna? Malamang kasama ang kapatid ko na si Kuya Diego!
"I assumed I already know where is she," sana naman wala sila sa iisang kwarto diba na sobrang narrow at mainit. "Naluto na ba ang bikong niluluto mo?"
"Not yet. Naglalatik pa kami," my forehead creased upon hearing the word 'kami'. Ah! Maybe one of our helpers helped her.
"Gusto mong sumama sa likod? Wag masyadong maarte ha? Panggatong kasi ang ginamit sa pagluluto kasi sabi niya na it's more delicious to cooked it with firewoods."
"Naglalaway na ako sa sinasabi mo ha!"
Sinabi ko sakanya na susunod lang ako dahil iinvite ko si Frinco dito ngayon. Para na rin magkita kaming apat ulit at lalo pa't nandito si rainbow friend, Drew!
Lumabas ako ng bahay para pumunta sa bahay nila. Nagdoorbell ako ng two times at siya ang nag-open ng pintuan ng gate.
"Do you want to hang out in our house today? Nandoon kasi sina Evianna at Annabelle and I will introduce you to our friend who came all the way from Australia."
"Sure! Let's get it on!" Natawa ako dahil hindi man lang siya nag-abalang magbihis ulit o di kaya'y magpaalam sa parents niya. "Kung mawawala man ako, they will probably ask you first kaya I'm not worried."
Mabilis kaming nakarating sa bahay at pinauna ko muna siya sa dirty kitchen dahil dadaan muna ako sa room ko para kunin ang aking cellphone. Kakatukin ko din ang kwarto ni Kuya Diego para ma-confirm kung kasama ba niya doon si Evianna.
While heading to his room, madadaan muna ang gym ng bahay namin na gawa ang wall sa glass kaya makikita kung sino at ano sa loob nito. Nakita ko silang dalawa habang nakatukod ang dalawang braso sa railings ng balcony. Wala silang ginagawang kababalaghan so why bother them?
Pagkababa ko ay nakita ko si Frinco na nasa baba. "I never thought your friend from Australia knows how to cook biko!" Mangha ang pagkakasabi niya. So si Drew ang nagluto talaga nun? Bakit prenteng nakaupo lang siya sa may sofa kanina? Well, baka tapos na siya sa share niya at si Belle nalang ang nagtapos.
"Tara na sa kusina," dinig na dinig ko ang tawanan mula sa dirty kitchen namin. Boses iyon ni Drew at Belle na mukhang nagtutuksuhan kaya ang lakas ng tawa nilang dalawa.
"I already found Evi, nasa maganda siyang kalagayan. We don't need to worry. By the way, this is Frinco our Indonesian friend. I assume na magkakilala na kayo Drew?" Binalingan ko si Drew para sabihing makipagkamay siya kay Frinco.
"Anong pinagsasabi mo? Ngayon lang kami nagkita nitong gwapong batabells na ito ano! Nag-cr ako kanina," explain niya.
"Oh? Is he Drew? I thought Drew is that boy," may tinuro siya na nagmimix sa kawa. Sino yan?
"Ah! Si Kuya Greg yan, Frinco. Schoolmate namin siya, I mean natin. Sa PSC din siya nag-aaral bilang first year college."
What?! Si Greg? At bakit naman siya napunta dito sa bahay namin? May online shop ba siya na pinagbebentahan niya ng biko at siya mismo ang pupunta sa bahay ng magppagawa para home made talaga?
"Magkano naman ang fee natin diyan kay Greg kung ganon?" Tanong ko dahil gusto kong ilibre sila. "Ako na ang bahala sa bayad."
"Salamat sa libre mo Verity pero walang bayad yan. Libre ang talent fee niya sa paggawa ng biko. Diba Kuya Greg?" May kahinaan ang boses namin nung nag-uusap kami kanina. At ngayon ay nilakasan na ni Chakadoll para marinig ni Greg.
"Ah eh oo!" Sagot niya na hindi man lang kami nililingon. "Annabelle, pwedeng paki-alalay nitong malagkit rice sa dito sa pinaglalatikan ko?" Ayun, sumunod si Belle pati si Frinco. Si Drew ay bumalik ulit sa cr dahil naiihi na naman siya. Napagdesisyonan ko na lumapit din sa kanila.
Amoy palang ng biko masarap na. What more if I'm gonna taste it diba? May talent pala itong si Kuya Greg sa pagluluto. I thought he can only do is shout LA KANG MAMA like a crazy dog.
Si Frinco ay busy sa pagbibigay ng compliments kay Greg.
"Kuya Greg, you're very awesome! Lalaki ka tapos biko pa ang specialty mong lutuin! Talo sayo sina Verity at Annabelle. Ang cool diba? The girl that you will like is the luckiest girl in the world. How to be you po? Hahahahah."
I can feel the awkwardness Kuya Greg felt. Oo, tatawagin ko na siyang Kuya Greg dahil isa akong polite na tao. Tumatawa lang si Greg sa umpisa pero habang tumatagal nakakasagot na siya sa mga tanong ni Frinco at nakakasabay na rin sa mga kalokohan niya. Well, boys are boys. They easily understand each other.
Lumipas ang ilang minuto ay sinabi ni Kuya Greg na hahayaan muna daw namin iyong kawa at pag isang oras na, pwede nang hainin iyon.
We decided to just stay in our round wood dining table sa dirty kitchen namin para hindi na masyadong malayo.
"Ano bang bagay na drinks sa biko Kuya Greg?"
"Wala akong masyadong alam diyan Annabelle, pero sa tingin ko ay tsokolate o yung cocoa."
"What do you guys think?"
"Mas gusto ko ang fruit shake. Bahala na kung hindi bagay basta ay makainom lang ako ng fruit shake solve na ako!" Sabi ni Drew na gustong gusto talagang uminom ng fruit shake.
"Don't worry, we have varieties of fruits in our fridge. Pumili ka nalang doon and make a shake for all of us," Drew gave me an approve sign na mabilis pumasok sa bahay namin.
"Tulungan nalang kaya natin siya? We'll do the peeling!" Suhestiyon ni Belle and we hastily ran towards the door of our house.
"Verity! Naubusan kayo ng milk. Ano bang klaseng bahay ito?" Reklamo ni Drew. Sa palagay ko ay si Miss Davien ang nakaubos sa gatas dahil palagi iyong gumagawa ng kung ano anong pagkain. "Sige bibili muna ako. Sinong isasama ko?"
May iilan pa kasing out of stock sa bahay namin. Katulad ng ice at gusto nilang kumain ng fries. Patay gutom ata itong mga 'to.
"Kuya Greg can you please accompany Verity?" Muntikan na akong matumba dahil sa suggestion ni Frinco. Gooooosh! Busy kasi siya sa pagbabalat ng pinya habang si Belle ay naghugas ng blender.
Hindi ko pinansin kung ano mang sagot ni Kuya Greg at naglakad lang ako palabas sa bahay. Hindi sa ayaw ko siyang kasama, hindi lang talaga ako komportableng isama siya ngayon kasi amoy usok siya! Maawa naman kayo sa ilong ko!
Nakita ko siyang sumunod sa akin. Binigay ko sakanya ang isang helmet at napansin kong nagbihis pala siya ng damit at medyo bumango siya kumpara kanina.
Are you happy now Verity?
Napatalon ako dahil sa gulat. What the hell is that?
Don't hell me Verity!
Shit! Nababaliw na ata ako. Nagmamadali akong sumakay sa scooter at hinintay muna si Kuya Greg na sumakay bago paandarin ang scooter. Nakakabaliw ang boses na iyon ha? Naririnig ko na iyon dati pa pero hindi pa rin ako komportable sa tuwing maririnig ko ang tinig na iyon dahil tungkol kay Kuya Greg ang sinasabi ng boses na naririnig ko. Katulad lang noong may sumuntok sakanya, yung malapit siyang masagasaan sa kalsada at yung sanga na naputol.
Hindi na ako mapapagod sa kakabantay sa inyo!
Nahinto ko bigla ang scooter kaya nauntog ang helmet ni Kuya Greg sa helmet ko.
"Sorry Verity!" Sabi niya pero sinabi ko namang wala siyang kasalanan at ako ang may kasalanan.
"Bakit ka biglang nagpreno? Mabuti nalang at wala tayo sa national highway kundi sisitahin tayo ng MMDA." Binalewala ko lang ang sinabi niya at muling pinaandar ang scooter.
Sana palagi kayong magsama Greg and Verity para hindi na ako mahirapan. Hehehehehehe.
Ano ba yan?! Kailangan ko na bang magpatingin sa isang Otolaryngologist o sa isang Psychologist para malaman kung anong problema ko? Hindi na kasi maganda ang naidudulot ng boses na naririnig ko dahil nawalan ako ng balanse! Mabuti nalang at walang nangyaring masama sa aming dalawa ni Kuya Greg o sa akin kundi isa na namang perwisyo at malalagot na naman ako kay Mamita! I want to avoid incidents like this!
"Ayos ka lang ba Verity? Okay lang naman kung maglakad nalang tayo. Hindi naman masyadong malayo ang tindahan na bibilhan natin ayon sa sinabi nila." Kuya Greg looked so worried about me. "At parang namumutla ka rin. If you don't mind pwede bang magtanong?" Tinanguan ko lang siya dahil tinatamad akong sumagot.
"Naririnig mo rin ba siya?" My eyes squinted on his statement. Naririnig niya ba rin ang naririnig ko? God! What's happening?
"Narinig ko siya kanina at pagkatapos bigla kang nagpreno, ngayon ngayon lang ay narinig ko ulit siya pagkatapos ay nawalan ka ng balanse. Ang sinabi niya ay, sana palagi nalang daw tayong magsama para hindi na siya mahirapan."
Napatakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig. This is incredulous! What on earth is happening to us? Can someone please explain what's really going on? Nababaliw na ba kaming dalawa.
I just found myself burst into tears in Kuya Greg's arms. If this is a joke, it's not funny!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top