Chapter 21
Tuwang-tuwa kami sa pagkain dahil panay ang biro ni Rose tungkol sa kung ano ano at parati rin siyang kumukuha ng litrato naming dalawa.
"Gumawa kaya ako ng vlog?" Sabi niya habang hawak ang kanyang cellphone at tumitingin doon. "Peram ng cellphone mo Greg. Yun nalang ang gamitin natin kasi maganda ang quality diba? Hehehe."
"Ano yung vlog? Blog lang kasi ang alam ko." Diniinan ko ang pagsabi sa v sa vlog at b sa blog. Sorry Rose marami akong hindi alam sa mundong ito. Millenial ba talaga ako?
"What the?! Seryoso ka ba Greg? Hindi ka ba nanonood sa youtube?" Gulat na gulat siya na parang hindi makapaniwala. Parang alam ko na kung saan 'to patungo. Mapapahiya ako.
Slow motion ang pagtango ko. Nagsisisi ata siyang maging kaibigan ako eh! Kung ako rin siguro hindi makikipagkaibigan sa taong Java!
"Ano ba kasi ang pinapanood mo? Wag mo sabihing nanonood ka ng porn ha?" Pinanlilisikan niya ako ng mata at parang sasaksakin ako sa kutsilyong hawak niya na para lang sa paghiwa sa pizza.
"Hey tone down your voice. National Geographic ang pinapanood ko at iba pang educational." Pagdedefend ko sa sarili ko. Baka akalain pa ng ibang tao na manyak ako!
Yung mata niya ay parang kinikilatis ako. Naging instant x-ray machine ang kanyang mata at feeling ko pati kaluluwa ko ay nakikita niya na. "Sige na nga. Nanonood ako pero hindi palagi. 4 months na ata akong hindi nakapanood?" Umamin na ako kaysa sabihin pa niyang naglilihim ako at indenial. Ano pang silbi ng paglilihim? Lalaki ako at normal yun.
Tumawa siya ng malakas kaya yung pinya sa kinakain niyang pizza ay natapos sa akin. Ayan na nga ang sinasabi ko, tatawanan lang ako.
"Eh ikaw?" Pabalik ko na tanong sakanya. Gusto ko lang siyang ijoke.
Napa-ubo siya at nabilaukan ata. Did I get her? Pati pala siya ay nanonood! "Seryoso ka? Ang isang Rose Ann Tan nanonood ng porn?" Hindi ako nagulat kundi namangha. Manghang-mangha lang ako 😂.
"Yung boses mo naman ang hinaan mo Greg!" Suway niya sa akin at halata sa mukha niya ang pamumula. Hahaha. Sobrang nahihiya siya sa natuklasan ko.
"Okay. Kailan ka huling nanood?" Pabulong kong wika. Wala naman talagang makakarinig sa amin dahil apat na table lang ang may tao at medyo malayo rin sa amin.
"Wag mo ng alamin!"
"Ang unfair! Sinabi ko sayo kung kailan ako last nanood."
"Ang awkward kasi Greg.." mahinang bulong niya at ayaw tumingin sa akin. Why so guilty babe? "Kung ang tanong mo sana ay kung kailan ako last nanood ng Upin and Ipin, masasagot ko yun dahil hindi awkward."
Ayaw ko siyang tigilan kaya paaminin ko siya. Wehehehe. "Bakit mo naman ikakahiya? At ba't ka makakaramdam ng awkwardness? Magkaibigan tayo ng sa ganun ay maging strong ang friendship natin." Sana mapersuade ko siya. Hahaha.
"Sige na nga! Noong isang araw lang.." ramdam na ramdam ko ang kahihiyan na nararamdaman niya. Wala rin akong masabi at hindi ko siya magawang tuksuhin. "Oh okay na?"
"Okay na po. Hahaha." Tumawa nalang ako para mawala ang awkwardness sa ere.
"Kumain na nga lang tayo dahil kung saan saan na umabot ang isapan natin. Hahahaha." Suhestiyon ko.
"No! Mas magandang marami tayong maishare na kwento sa isa't isa." Suggest din niya. Maganda rin yun dahil panay kalokohan lang din naman ang laman ng texts at chats namin. Wala masyadong personal.
"Eto nalang, magtatanong ako tapos sasagutin mo. And vice versa okay?"
"Okay! Gets ko na yan."
Nilagay niya sa kanyang baba ang pointer finger niya na parang nag-iisip.
"Here's my first question! Bakit Gregorio ang pangalan mo eh ang old ng dating tapos George ang sa papa mo? Bakit ganun?"
"Dahil George si tatay at ipinanganak ako noong araw na ipinanganak din si Gregorio del Pilar." Sagot ko.
"May history din pala. Akala ko kasi dahil George ang papa mo. To be honest, nakaka-turn off ang Gregorio. Hahahaha."
Putulin ko dila niyan!
Medyo napaatras ako dahil may biglang nagsalita. Kinamot ko nalang ulo ko kahit walang makati. "Napapangitan din naman ako pero medyo bawi yung explanation nila."
"Bakit Rose Ann ang pangalan mo?"
"Rosalinda si mama at Anthony naman si papa kaya ganun."
"Bakit education ang kinuha mong course?"
"Dahil na-inspire ako sa parents ko at gusto ko ring magturo."
Naputol ang usapan namin ng tumunog ang cellphone niya. "Sasagutin ko muna 'to." Tumayo siya para sagutin ang tawag niya. Ako naman ay inubos nalang ang natitirang halo-halo sa baso ko.
Bumalik si Rose Ann na nakasimangot. "Greg kailangan ko ng umuwi. May pupuntahan pa kaming birthday party." Nanghihinayang na sabi niya.
"Okay lang yun. Sila naman ang kasama mo." Sabi ko para gumaan ang loob niya.
"Mas gusto kong ikaw ang kasama ko eh. Hahahaha." Nakitawa nalang din ako.
Siya ulit ang nagmaneho at nakayakap ulit ako sakanya. "Saan ba ang inyo?" Tanong niya.
"Sa may crossing." Iisa lang din ang crossing dito kaya malalaman niya kaagad. "Wag mo nalang akong ihatid baka malate ka pa."
"Sige. Sorry talaga ha."
Hininto niya ang scooter niya sa harap ng waiting shed. "Salamat sa libre Greg."
"Thanks for the ride too." Binigay ko sakanya ang helmet na suot ko. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho."
"Sure! Magkita ulit tayo bukas!" Kumaway pa siya kahit nakatalikod na. Napagpasyahan ko na maglakad nalang pauwi. Noong elementary pa ako ay naglalakad lang ako pauwi sa school kasabay ng mga batang taga samin. Medyo nakakamiss lang ang mga panahon na yun.
Pagkarating ko sa bahay ay wala pa si nanay at tatay. Nagbihis muna ako at nagsaing bago ako nag-aral. Hindi na ako nahirapan dahil napag-aralan ko na nga ito. Nirereview ko nalang para mas mafamiliarize ko pa ang mga topics.
Nagmano ako kay nanay at tatay ng makauwi na sila. May dalang chocolate cake si nanay na nilapag sa round glass table namin kaya lumapit ako roon para tumikim. "Off limit ka diyan Greg. Exclusive lang yan para sa akin at sa tatay mo."
Nakita kong tinawanan ako ni tatay. Grabe naman talaga si nanay! Kung dati ay palagi niya akong pinakain ng dala niya pauwi, ngayon ay nagdadamot na siya. Magiging madamot din kaya ang magiging kapatid ko?
Naglock ako ng kwarto at sinaksak ang headphone ko para hindi ko marinig kung tatawagin nila ako. Tapos naman akong magsaing kaya okay na yun at busog na busog pa naman ako.
Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili. Magwork out kaya ako? Tatanungin ko muna si Rose Ann kung maganda ba ang pagwowork out.
Naghanap ako sa internet kung may malapit ba na gym dito sa amin at may nakita ako na nasa loob ng subdivision. Ito ang pinakamalapit sa lahat ng nahanap ko kaya kung okay kay Rose Ann ay magpaparegister ako doon.
Maya-maya pa ay tunog ang cellphone ko. Hindi ako nakaconnect sa wifi namin kaya paniguradong si Rose Ann yun at hindi nga ako nagkamali.
Babe ♡
Good evening!
Magandang gabi rin sayo!
Tapos ka na bang kumain?
Busog pa ako sa kinain natin kanina. Ikaw?
Katatapos lang.
Kunti lang ang kinain
ko dahil busog pa ako.
Baka maging baboy
pa ako bigla at iwan
mo ako eh. Hahaha.
Hindi ko yun magagawa.
Neveeeeer!
Ows?
Oo maniwala ka babe!
Ikiss mo nga ako!
Wala ka naman dito eh.
Sige pupuntahan kita jan.
Seryoso ka?
Oo. Ikaw ba hindi?
-
Nalilito na ako sa pinagsasabi niya at hindi ko na siya magets pero nagreply pa rin ako.
-
Seryosong seryoso! 😉
Joke lang yung sakin.
HAHAHAHA
Ang layo kaya ng bahay niyo.
Sabi ko na nga ba. 😂
Paasa ka ha. 💔
Naubos gasolina ko kanina!
Di naman kita pinapaasa.
Baka ako yung pinapaasa mo?
HAHAHAHAHAHA
I-full tank natin yan bukas!
May pera naman ako.
Wow mayaman talaga.
May future na ako sa'yo.
Kahit hindi na ako mag-aral.
Hahahahaha.
Baka ako walang future sa'yo
dahil hindi ka na mag-aaral? 😂
Ang hilig mo sa emoticons ha.
Bakla ka ba?
Babae lang ba dapat ang gumagamit ng emoticons?
Oh para sa babae itong
cellphone ko?
Namali ata ng pagbili si
nanay?
HINDI KA MABIRO GREG
ALAM MO BA YUN?
Galit ka ba? Hehe ✌
-
Nag-isang oras na ay hindi pa ako nakatanggap ng reply niya kaya lumabas ako ng kwarto para kumain ng hapunan. Tapos na palang maghapunan sina nanay at tatay tsaka busy sa panonood ng Ang Probinsyano.
Hinugasan ko ang pinggan ko pero nabasag iyon. Nakita kong nakatayo si nanay sa gilid ko at mukhang galit.
"Hehehehehe." Yan nalang ang naging reaksyon ko dahil baka mas lalo pa siyang magalit.
"Akala ko iyong platong binili ko sa España ang nabasag mo. Tandaan mo Greg iyong made in China lang ang pwede mong gamitin." Sabi niya na may awtoridad. Nakakatakot palang magbuntis si nanay! Tsaka hindi ko alam kung saan ginawa o binili itong mga plato namin. Baka may nakasulat sa made in China ang ibang mga plato kaya iyon nalang ang gagamitin ko. Wala rin kaming plastic dahil ayaw ni nanay. Nakakasama daw yun. Iyong mga tupperware lang ang plastics namin.
Pumasok na ako ng kwarto ko dahil ayokong pagalitan ni nanay. Kinonek ko ang cellphone ko sa wifi namin at mabilis na nagpop-up ang chat head ng groupchat namin.
Panay lang sila ng tanungan kung ready na ba bukas at kung tapos na bang magreview. Hindi ko nalang pinansin dahil hindi namention ang pangalan ko.
Nakita kong nag-online si Rose Ann kaya nag-hi ako sakanya. Kung ano ang contact name niya sa cellphone ko ay yun din ang nickname niya sa messenger.
BABE 💃
Sorry kung hindi ako
nakapagreply kanina!
It's fine.
Naubusan kasi ako ng
load. Unlike you na naka-plan.
HAHAHAHAHA di naman
May future talaga ako sa'yo
eh. Nakaplan na ang lahat
tungkol sa'yo 😂
Gusto mo ako future mo?
YAAAS 💯
Future sabi mo ha.
Maghahanap muna ako ng
present dahil
nasa present
pa naman tayo 😂
DI KO YUN INAASAHAN AH!
SAN MO YAN NAKUHA GREG!!!
Sa isip ko!
GRABE KA RIN!
ANG TALINO MO
HAHAHAHAHAH
AKO PA BA?
WTF. NAKIKI-CAPSLOCK
RIN 😂
PWEDE BA MAGING PRESENT MO?
ANYTIME. ANYWHERE
WTF HAHAHAHAHHA
SERYOSO AKO
STRICT PARENTS KO
BAKA TAPUNAN KA NG IHI SA ARINOLA NILA
AT HABULIN KA NG ITAK NG TATAY KO
NOT SCARED. THAT'S A PIECE
OF CAKE BABY
MAG-IIGIB KA NG TUBIG SA BALON
MAGSISIBAK KA NG KAHOY
MAG-AARARO KA
MANGINGISDA KA
EASY PEASY. KAYA KO
YAN LAHAT NO.
SIGE UMPISAHAN MO BUKAS
HINDI AKO WEAK!
PWEDE KONG UMPISAHAN NGAYON!
OKEH COME TO OUR
HOUSE BABE
AYAN NA HAHAHAH
MALAPIT NA HAHAHH
BALIW KA NA ATA
BALIW SAYO
PAKITA NGA
PUNTA KA DITO
SABI MO MALAPIT KA
NA SAMIN
MALAPIT LANG TALAGA
DITO PALA YUNG MAY
BIRTHDAY EH 😂
YUNG BAHAY NILA
KAHARAP AY YUNG
WAITING SHED NIYO
WTF TALGAAAA
SERYOSO KA BA?
OO MAGKITA TAYO!
Gabi na eh
WOW GAANO BA
KASTRICT ANG PARENTS MO?
Ilalagay ka nila sa
kumukulong tubig.
Pupunta talaga ko jan seryoso
Wala akong maipapakain sayo
Tapos na naman ako
Hindi ako patay gutom
Sige hintayin kita sa labas
ng gate namin
WOW MAY GATE
HAHAHAHAHHA
-
Lumabas ako ng bahay namin pero hindi ko na inabala pang i-on ang ilaw. Hindi naman strikto ang mga magulang ko ganito yata sila dahil lalaki ako?
Eksaktong pagkalabas ng gate ay dumating na siya. Bumaba siya at agad na niyakap ako.
"H-hoy!" Naaamoy ko na amoy alak siya.
"Uminom ka ba?" Tumango lang siya bilang sagot dahil nakayakap pa rin siya sa akin.
"Bakit ka nagdrive?"
"Gusto kitang makita eh. Hehehehehehe. Pasok na tayo sa bahay niyo!" Hinila niya ako papasok sa gate namin pero mas hinila ko siya kaya hindi niya ako nadala papasok.
Alas diyes na ng gabi kaya tahimik na ang paligid. Dito sa amin, kunti lang ang bahay kaya madilim talaga pero may mga streetlights naman. Pumasok nalang kami sa gate dahil baka lamukin kami sa labas. May duyan at bench naman kami sa bakuran namin kaya doon nalang kami. Pinaupo ko siya sa duyan at ako ay naupo sa bench.
Hindi naman siya ganoon kalasing. Kunti lang siguro ang nainom.
"Baka hanapin ka ng parents mo?"
Humiga siya sa duyan kaya dinuyan ko siya pero mahina lang. "Nakapagpaalam naman ako. Sumang-ayon nga sila para hindi na ako makainom." Pikit niyang sabi.
"Good. Inaantok ka ba?"
"Sobra pero mamaya na ako matutulog pag-uwi ko."
Hinayaan ko lang siyang dumuyan. Mas mainam nga na makatulog siya para mahimasmasan. Ilang sandali pa ay narinig ko na siyang humihilik. Malakas pala itong humilik! Parang hindi magandang babae.
Pati ako ay dinadalaw na rin ng antok dahil malapit ng mag-alas dose. Hindi ko kasi tinanggal ang relo ko kaya alam ko ang oras.
"Rose.. Rose.." Tinapik tapik ko ng mahina ang pisngi niya. Mabuti nalang at nagising na rin siya.
"Hala bakit ka nandito?!" Gulat na tanong niya. Baka nawala na ang alak sa sistema niya. "Ay oo nga pala! Sorry nakalimutan ko." Madali niyang naalala kung bakit siya nandito at nagsmile lang ako.
"Salamat sa pagbabantay mo sa akin. Sorry dahil naistorbo pa kita."
"Okay lang. Ano? Uuwi ka na ba?"
"Malamang! Gusto mo bang tumira ako dito sa inyo?" Kinurot niya ang pisngi ko at hinawakan para lumabas na.
"Good night future. Hahaha. Okay lang na maghanap ka ng present basta ako ang future mo."
"Confident mo naman miss. Haha. Mag-iingat ka pauwi ha. Chat mo ko kung nakauwi ka na." Binigyan niya ako ng approve sign tsaka nagwink.
"Greg!" Nagtaka pa ako dahil parang na-excite siya.
"What?"
"Anong mabibigay mo para secured na talaga na ikaw ang magiging future ko?" Nababaliw na ata ang babaeng ito. Natawa ako sa sinabi niya at napa-iling-iling.
"Gawan kita ng account sa BDO? HAHAHAHAHA."
"Luuuhhhh bongga! Hahahaha."
"Pero ito talaga Greg, ikiss mo ko." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at naningkit pa ang mata ko. Seryoso ba siya? Hoy! Yung puso ko kumakalabog na parang may magnanakaw na gustong kunin ang baul ko na puno ng ginto!
"H-hindi yan magandang biro.." mahina kong sabi at nilihis ang paningin ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kanya.
"Maganda ang mga mata mo. Masaya ako na sa ilalim ng gabi na dinesenyohan ng kumukutitap na mga bituan ang buwan ay nakikita ako ang dalawa mong mga mata." Napalunok ako sa pinagsasabi niya. Hindi ko ito inaasahan at siya pa ang gumagawa kahit babae siya!
Nagsalita ulit siya pero hindi ko narinig. Lumilipad kasi ang isip ko at may iisang tinig akong naririnig.
Ikiss mo na nga yan dahil gusto ko ng matulog!
Hindi tulad ng dati ay hindi ako kinilabutan at gusto ko lang gawin kung ano ang sinabi nito. Nakita ko pang nagsasalita pa si Rose Ann pero I cupped her face that stopped her from talking. I slowly move my face towards her face to meet her lips. Binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon para maramdaman ang labi niya. And there, I succeeded.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top