Chapter 20

Napakamot nalang ako sa ulo ko ng gisingin ako ni nanay ng alas dos sa umaga. Humikikab pa ako dahil inaantok pa.

"Greg bilisan mo ang pagluto ng biko ha. Ayokong pinapahintay mo ko."

Ano? Magluluto ako ng biko sa kalagitnaan ng gabi?! Bakit pa kasi binuntis ni tatay si nanay eh ako pa ang napupurwisyo.

"May mga ingredients na diyan sa mesa. Gusto ko panggatong ang gamitin mo sa pagluto at hindi sa gasul. Bilisan mo ha kasi nagugutom na ako."

"Opo nay."

Grabe. Hindi ko pa mabuka masyado ang mata ko dahil inaantok pa talaga ako. Kinuha ko yung kaldero para lutuan ng malagkit rice. Gusto ko nalang magmura dahil hindi malinis iyong kaldero kaya hinugasan ko pa.

Gamit nga ang panggatong, gumawa ako ng apoy. Tsaka isinalang ang kaldero. Pagkatapos ay kumuha ako ng niyog, yung color brown para kuhanin iyong nakacoat sa coconut shell. Madali ko naman iyong natapos tsaka hinati ang coconut shell. Nagkudkod pa ako gamit ang kaguran tsaka sinala ang coconut milk. Katabi ng pinaggawan ko ng apoy sa malagkit rice ay gumawa ako ng panibagong apoy at nilagay ang malaking kawa doon para maglatik. Hinalo ko ang gata at mascovado. Ang mga skills sa paggawa ng apoy at pagbunot ay natutunan noong boyscout pa ako.

Umabot sa dalawang oras ang pagluluto ko ng biko. Alas quatro na ng madaling araw at nawala na rin yung antok ko. Matapos kong haluin yung malagkit rice sa latik ay tinabunan ko iyon gamit ang dahon ng saging. Ngayon ay okay na kaya gigisingin ko si nanay.

"Nay tapos na po akong magluto. Nakahain na po sa mesa ang biko sana magustuhan niyo po."

Umiba ang timpla ng mukha ni nanay. Naiintindihan ko naman siya dahil nga buntis.

"Nakita mong natutulog ako Greg tapos ginising mo ako! Sana minadali mo ang paggawa para nakakain ako agad. Ayaw ko ng kumain ng biko mo paniguradong hindi yun masarap dahil nangangamoy usok ka. Maligo ka na nga!"

Hay naku. Gustuhin ko mang magreklamo, hindi ko magawa dahil nga buntis si nanay at ganun naman talaga ang buntis madalas magmood swing. Naligo nalang ako dahil gising na gising na ang diwa ko. Tsaka tama si nanay na ang baho baho ko na.

Naglagay ako sa  tupperware ng biko para ibigay ko mamaya kay Rose Ann. Isang kilo kasi ang ginawa ko kanina kaya sinabihan ko si tatay na magdala rin para sa mga co-teachers niya.

Hindi mo ba bibigyan si Verity?

Tumaas bigla ang balahibo ko. May narinig ba akong parang nagsasalita? Minamaligno ata ako! Baka nagkasala ako doon sa kahoy na naputulan ng sanga noong nakaraang linggo. At bakit ko naman bibigyan si Verity? Sabi ko sa utak ko. Ano kami, friends? Eh schoolmates lang naman kami.

Palagi ka niyang sinasagip!

"In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, umalis ka!" Totoo ba yung may narinig ako? O resulta lang ng kulang sa tulog? O minamaligno ako doon sa puno?

Mag-aalay ba ako ng pagkain doon sa puno? Gusto rin ba niya ng biko? Pero sabi ng isang pari na kakilala ko ay bawal daw ang mag-alay. Magsisimba nalang ako mamaya!

Tinext ko si Rose Ann na magkita kami sa cafeteria. Madalang na rin kaming magkita dahil simula na ng hell week, examination week at maraming projects na kailangan ipasa.

"Hi babe!" Sabi niya pero walang boses. Nababasa ko lang ang sinabi ng bibig niya. Kahit nasa malayo pa siya ay kinawayan niya na ako at kumaway ako pabalik.

"Upo ka muna Rose.. may ipapatikim ako sayo." Hindi ko talaga siya kayang tawaging babe kapag personal pero sa text ay chat ay palagi. Hehehehe.

"Ano abs mo? May abs ka na ba?"

"Oo a big stomach. Hahahaha."

Binuksan ko ang tupperware at pinakita sa kanya ang biko. "Wow biko!" Sa sinabi palang niya ay natuwa na ako. "Patikim ha? Ng marami. Hehehe."

"Para sa'yo talaga ang lahat ng yan."

"Ay ang sweet ni Greg! Hahaha. Sino nagluto nito?"

"Syempre ako." Kumindat pa ako para ipakitang ako talaga. Naglagay siya ng malaki sa kutsara niya at nginuya iyon.

"Seryoso ka bang ikaw ang nagluto nito? Ang sarap eh. Hindi nga ako marunong, tapos ikaw marunong? Rich kid ka kaya!"

"Rich kid ka jan! Ako talaga ang gumawa niyan. Specialty ko ang biko at biko lang din ang alam kong lutuin na kakanin. Natuto ako kay mama sa pagluluto niyan. Iyong mama ko ay lola ko yun. Ginising kasi ako ni nanay kaninang madaling araw para magluto."

Para siyang hindi makapaniwala sa narinig niya. Amaze na amaze ang mukha pero hindi pa rin siya tumigil sa pagkain at malapit na ring maubos.

"Bakit ka naman gigisingin ng nanay mo ng madaling araw? Ano siya buntis?" Tumango ako bilang sagot. Nanlaki pa ang mata niya na parang hindi makapaniwala.

"Kaya pala mukha kang panda ngayon."

"Ang sakit mo naman magsalita. Baka natuturn-off ka na sakin ha."

"Never! Hindi yun mangyayari no lalo na dahil marunong ka palang magbiko. Eto lang ba ang dala mo? Hehehehehe."

"Oo eh pasensya na. Dinala lahat ni tatay yung iba."

Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil may meet up pa sila ng kagrupo niya at ako ay may exam mamayang ala una kaya sa library ako magtatambay. Art Appreciation at Mathematics ang exam ko mamaya.

"Greg anong sagot sa number fourteen?" Bulong ng katabi ko. Hindi naman ako gaanong madamot kaya binigyan ko siya ng sagot.

Maraming nanghingi ng sagot ko pero isang classmate mga dalawang tanong lang ang tinatanong sa akin. Ako ang naunang natapos sa Art Appreciation at lumabas na para pumunta sa classroom ng mathematics teacher namin.

Di nagtagal ay complete na kami kaya nagsimula na rin ang exam. Marami sa mga kaklase ko ang magaling sa math at isa na ako doon. Lahat kami ay nagtutulungan para makapasa. Kahit iyong sina Divine ay marunong din sa math. Nakapag-grouo study kasi kaming buong section para sa matagumpay na exam ngayong linggong ito.

Maganda talaga kapag nagkaka-isa kayong magkaklase lahat. Isasantabi muna ang personal issues niyo at magtulungan para makapasa ang lahat. Isang magandang memory ang makekeep mo. Yung kahit na hindi kayo palaging magkasundo pero kapag examination time na, kayong lahat ang nagtutulungan.

Masaya kaming lumabas sa classroom matapos ang examination namin sa Mathematics. Nag-usap muna kami saglit ng mga kaklase ko, pinapalabas namin ang feels namin sa exam. Bukas ay last day na ng examination pero tapos na namin yung pag-aralan kaya self-study nalang sa natitirang subjects para bukas.

Alas quatro pa kaya tinry kong tawagan si Rose Ann.

"Tapos ka na?"

"Oo katatapos lang. Bakit?"

"Ililibre sana kita kung okay lang sa'yo?"

"Ang sabihin mo, miss mo ko Greg! Hahaha. Sige sa labas ng gate mo nalang akong hintayin. Mwa mwa!"

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Ako yung parati niyang pinapakilig sa mga sinasabi niya. Kaya sa libre nalang ako bumabawi.

Hindi pa ako nakakalabas ng gate ay may umakbay na sa akin. At isang tao lang naman ang gumagawa sakin nun at pamilyar ako sa bango niya.

"Tumakbo ka ba?" Pawis na pawis kasi siya at hinahabol pa ang hininga. Tumango siya bilang sagot at kinuha ko ang panyo para punasan ang mukha niyang napapawisan. "Alam mo bang mukha kang haggard?" Biro ko sakanya at ngumisi lang siya sakin. Alam niya talaga. Hahaha.

Nagpasilong muna kami sa ilalim ng puno para makapagpahinga saglit. Sa mga nakaparadang motor kami umupo. Magkaharap kami. Pinahawakan niya sa akin ang maliit niyang salamin para makapagretouch daw sya. Naglagay siya ng face powder, lip tint at nagkilay. "Ano okay na ba?"

"Mukha kang white lady." Biniro ko siya at tinawanan niya naman ako. Naks! Bentang-benta ang joke ko ah.

"San mo ko dadalhin babe?" Naglalakad na kami para pumunta sa terminal ng tricycle. Natural lang na inakbayan ko siya dahil napapansin kong maraming nakatingin na lalaki sakanya. Medyo nagulat ko rin sya sa ginawa ko dahil minsan lang talaga ako gumawa ng action na ganito.

"Sa isang mountain resort babe kakain lang tayo dun. May exam ka pa ba bukas?" Habang tumatagal ay mas lalo akong nagiging komportable kasama siya.

"Oo meron pa kaya dapat maaga tayong umuwi."

"Yun din ang plano ko dahil meron din ako."

"Mag-motor nalang kaya tayo?" Suhestiyon niya. Wala pa akong lisensya kaya ayokong magmotor baka madisgrasya pa kami.

"No. Hindi yun safe tsaka wala pa akong lisensya."

"Ako ang magdridrive! Marunong ako at may student's license ako." Pinakita niya sa akin ang lisensya niya. Gusto ko sana na magtricycle nalang kami pero pinilit niya ako dahil hindi niya mafefeel na magkasama kami dahil may iba pang nakasakay.

"Tsaka dala ko ang motor ko."

"Nagmomotor ka pala? Bakit di mo sinabi kaagad?"

"Ano kita jowa? Hahahaha." Tinawana ko nalang yung joke niya. Medyo masakit. Hahaha.

Bumalik kami sa parking lot ng mga motor at sumakay siya sa isang kulay grey na Mio. "Sigurado ka bang aangkas ako?" Naguguluhan na tanong ko. Baka hindi siya komportable na siya ang magdrive tapos nakasakay lang ako.

"Trust me Greg. Magaling akong magdrive." Hinagis niya sa akin ang isang kulay itim na helmet na pareho lang ang itsura sa helmet niya.

"Palagi bang dalawang helmet ang dala mo?"

"Oo kapag nakikihitch minsan ang pinsan ko."

Mabilis niyang napaandar ang motor at pinaharurot iyon kaya muntikan na akong mawalan ng balanse. Napansin niya yata kaya tumawa siya.

"Wag mong bilisan Rose baka magka-violation ka pa." Nagsisisi tuloy akong pinagbigyan ang gusto niya!

"Jinojoke lang kita! Moderate lang talaga ang pagmamaneho ko. Kaya kung takot ka, kumapit ka sa akin." Seryosong medyo takot ako dahil baka magjoke na naman ulit siya at mahulog pa ako. Humawak ako sa balikat niya.

"Hoy Greg! Matalino ka diba? Bakit ka sa balikat ko kumapit?! Wrap your arms on my waist!"

Nagdadalawang-isip pa ako kung ilalagay ko ang kamay ko sa bewang niya pero doon ako kumapit na parang nakayakap sakanya. Naaamoy ko tuloy lalo ang pabango niya at medyo nang-iinit ako kaya napabuga ako ng hininga.

"G-greg..!"

"Bakit?"

"Wag.. wag kang huminga please?!" Baka ikamatay ko yun? "I mean wag kang huminga na ibubuga mo yung hininga mo okay?!"

Nagets ko yung sinabi niya at sa ilong ko nalang pinapadaan ang hininga ko. Malayo-layo rin ang pupuntahan namin dahil 20 minutes ang byahe. Iyong daan kung saan ako dumadaan pauwi ang tinahak namin pero straight lang kami. Paliko kasi iyong sa amin.

Tahimik lang ang buong byahe namin at naging komportable ako sa pagyakap sakanya. Kung siguro alam ng ibang tao na wala kaming relasyon, sasabihan talaga ako ng maswerte sa mukha kong 'to. Inaamin ko naman na maswerte ako. Hehehe.

"Dito na yun," sabi ko kay Rose at pinahina niya ang pagpapatakbo. "Sige ihinto mo na."

Bumaba ako sa motor dahil magpapark pa siya. "Mauna ka na Greg at maghanap ng table."

Walang bayad sa entrance ang mountain resort na 'to. Dapat lang talaga bumili ka ng pagkain. Hindi gaanong marami ang tayo kaya maraming available na table. Pinili ko yung tanaw ang ibaba ng lungsod ng Pazdeña. Nilapitan kaagad ako ng waiter para kunin ang order ko at sakto rin ang pagdating ni Rose Ann. Umorder kami ng isang medium na hawaiian pizza tsaka halo-halo.

"Nakakaginhawa dito!" Nakatayo siya doon sa may steel railings habang tanaw ang kabuoan ng Pazdeña. "Salamat sa pagyaya mo sakin dito Greg. Itong view palang eh solve na solve na ako."

"No problem. Deserve natin ang ganito para maibsan ang stress sa school."

Napag-usapan namin ang tungkol sa exams. May nahihirapan din siya sa ibang subjects pero nakaya niya naman daw dahil nagpapakopya ang katabi niya. Pati ang tungkol sa pagkaka-isa namin ng mga kaklase ko ay kinwento ko. Naiinggit pa siya dahil malabong mangyari yun sakanila.

"Wala eh. Sobrang feeler ng iba kong kaklase tapos yung mga lalaki ay panay tagay ang nasa isip."

"Mabuti na nga lang at natulungan kita ng madapa ka kundi wala talaga akong friend sa school. Deserve mo ang madapa Greg!"

"Naisip mo pa talaga yun ha? Siguro nga ay may meaning ang pagkadapa ko at ikaw yun. Hahaha."

"Pareho rin kasi tayong walang barkada kaya nagkaclick tayo." Makahulugang sabi niya. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso.

"Stay strong sa ating dalawa!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top