Chapter 2
Lumipas ang isang linggo simula nung araw na yun. Wala namang nagbago sa akin at walang kakaibang nangyari sa buhay ko sa loob ng isang linggo.
Huwebes ngayon kaya alas nuebe ng umaga ang una kong subject. Hindi ako nakasabay kay Tatay kasi maaga siya. Kapag ganitong TTH ay nagbibike ako papuntang school para ehersisyo narin upang lumakas ang resistensya ko.
Bago ako makarating sa school dumaan muna ako sa isang optical clinic upang bumili ng bagong reading eyeglasses. Ewan ko ba kung bakit ko naisipang bumili ng bago. Nadala siguro ako dun sa sinabi ng babae sakin nung nakaraan. Hinubad ko ang suot kong salamin at ang bago ang sinuot ko kasi mas mura naman ito kumpara sa palagi kong gamit.
Tinahak ko ang daan papuntang school at wala pang alas nuebe y media ay nandun na ako. May sariling pinagpaparkingan ang mga bisikleta sa paaralan namin kaya kampante ang mga estudyante. Dalawang taon palang sakin ang bisikleta kong si Tikling na kulay itim. May pangalan ko pa nga ito na kulay asul.
"Good morning mam." Bati ko sa teacher ko sa isang subject.
"Good morning too Greg."
Dumating ako sa classroom at hindi pa pala tapos ang klase ng na unang kurso. Kaya naisipan ko nalang na magtambay sa mini park kasi mas maapit ito kaysa sa library.
Gustuhin ko mang may kaibigan na makakasama ay wala akong magawa. Isa kasi akong mahiyaing tao pero kahit na ganun ay maganda naman ang performance ko sa klase. Puro kasi mga babae ang mga kaklase ko at lima lang kaming lalaki ang 2 ay bakla.
"Hello Tay." Pangungumusta ko sa tatay ko na tumawag sa akin.
"Nasa school ka na ba?"
"Yes Tay. Bakit po?"
"Naiwan ko kasi yung class record sa faculty room. Pwede mo bang kunin para sa akin? May pinapagawa kasi ako sa mga estudyante ko."
"Sige po. Anong room po ba kayo?"
"Nasa high school building ako. 4th floor room 13. Senior High kasi ang tinuturuan ko. Dapat yung Senior High na class record ang kunin mo ha."
"Okay po."
Dumeretso naman kaagad ako sa faculty room. Binati ko yung ibang teachers na naroon at sinabi kong ano ang kailangan ko. Wala namang naging problema at nagsimula na akong maglakad sa high school building. Medyo malayong lakaran pero hindi naman masyadong pagpapawisan kasi di pa naman sikat ang araw.
Bumuntong hininga ako nang marating ko ang 4th floor. Mabuti nalang at nasa loob ng classroom ang mga estudyante. Nang nasa tapat na ako ng classroom ay kakatok na sana ako kasi nakaclose ang pintuan. Pero may bumukas kasi lumabas sya kaya dumeretso na ako sa likuran kung saan nakaupo si papa. Wala akong lakas na loob para igala ang paningin ko sa classroom.
"Hi Kuya Greg!" Napatigil ako ng may sumigaw. Nang lingunin ko ito ay si Annabelle. Ngumiti ito ng malaki sa akin at kinawayan ako. Kinabahan naman ako bigla at nag-flashback ang isa sa mga bulung bulungan na tumatak sa isip ko.
"Baka di pa yan nila gagalawin kasi nahanap na nila ang unang biktima."
Nanlamig bigla ang palad ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at prente lang ang mata ko kay Annabelle.
Lord help me please! Ke lalaki kong tao natatakot ako sa isang magandang babae na wala namang ginawa kundi ang batiin lang ako. Nababaliw na ata ako.
"Greg." Dun lang ako natauhan nang marinig ko ang boses ni tatay. Salamat naman sa Dios at biglang tumino ang isip ko.
"Eto na po sir." Sir ang tawag ko kay tatay kapag nasa loob kami ng school lalong lalo na kung nasa classroom kami kagaya ngayon.
"Salamat anak. May nakakakilala pala sayo dito?" Tanong niya.
"Ah.. eh.. Nag-nagkatable po kasi kami nung last Wednesday sa cafeteria. Sa table ko nalang kasi ang may bakante kaya po ako nakilala ni A-a-nnabelle." Pagpapaliwanag ko.
Tumango naman siya. "Akala ko marunong ka ng manligaw. HAHAHAHA." Biro niya. Wala namang nakarinig sa amin kasi mahina lang ang boses namin pareho. Napakamot nalang ako sa ulo.
"Excuse me sir!" Napasandal ako sa pader ng lumapit sa amin si Eviana.
"I-papass ko na po yung papel ko." Matapos niyang sabihin iyon ay sumulyap siya sa akin. "Hi kuya Greg! We meet again. Hihihihi." Napangisi naman ako ng hilaw. Sana hindi niya iyon halata.
"Akala ko ba ay si Annabelle lang ang nakakakilala kay Greg. Pati pala ikaw Eviana? Wala akong kaalam-alam na matinik pala ang anak ko." Gusto kong umalis nalang nang sabihin iyon ni tatay. Sana nararamdaman niya na hindi ako komportable sa pinagsasabi niya.
"Hahahaha. Sino pong hindi makakakilala sa anak niyo sir. Attractive naman siya oh! Mana sayo sir!"
"Hahahahaha. Sige bumalik ka na sa upuan mo at ichecheck ko na itong papel mo."
"Yes sir. At tsaka see you around kuya Greg!" Narinig ko naman siyang humahagikhik pagtalikod niya.
"Aalis na po ako sir. Mag aalas nuebe na rin baka malate ako."
Naupo ako sa upuan ko na nasa harap. Nagsimula ng magreport ang isa kong kaklase sa harap. Tinuon ko talaga ang pansin ko sa mga sinasabi niya dahil medyo lumilipad ang isip ko. Iniisip ko kung anong maging posibleng mangyari sa akin sa paaralan na ito. Kung may katotohanan ba yung mga sinasabi ng mga nagbubulungan nung nakaraan o kaya'y pinagtritripan lang nila ako. Baka trip lang yun kasi akala nila nerd ako at lalampa lampa dahil sa suot kong salamin. Porke't nakasalamin ay pwede na nilang ibully o ijudge? Hindi ba pwedeng nakasalamin kasi may sakit sa mata? Mga bobo.
Matapos magreport ang kaklase ko ay binigyan kami ng quiz. 20 items lang naman tsaka dalawa lang ang mali ko. I'm an attentive student and I can understand easily kaya ako ang valedictorian ng batch namin noong senior high.
Wala akong ginawa buong araw sa klase kundi ang makinig ng mabuti. Kaya nang sumapit ang 4 pm ay dumeritso na ako sa parking lot ng mga bicycles. Kinuha ko ang kaha ng bago kong salamin sa bag tsaka nilagay ito pabalik at iyong dati kong salamin ang sinuot.
Lumapit ako sa bike ko tsaka maingat na pinalabas ito. Sumakay ako tsaka nagsimulang magpedal pero napahinto ako ng mahagilap ng mata ko si Verity na kausap ang lalaking nakatabi ko noong nakaraan sa library.
Malaki ang ngisi ng lalaki. Habang si Verity naman ay walang ekspresyon ang mukha. Humawak ang lalaki sa bewang ni Verity kaya naman napagdesisyonan ko na magpedal nalang ulit. Bago pa mawala ang tingin ko sakanila ay nakita ko kung paano pinaikot ni Verity ang braso nung lalaki. Masasabi kong masakit iyon kasi ekspresyon palang nung lalaki, namimilipit na siya sa sakit. Si Verity naman ay wala paring ekspresyon.
Ang lakas niya ha? Nagawa niya yun sa isang lalaki?
Natatakot ako para sa mangyari ni Verity. Baka kung anong gawin sakanya nung lalaki. Baka bastusin ito, ang ikli pa naman ng skirt niya. Bakit ba ganun ang uniporme dito hindi ba nila naiisip na pwedeng mabastos ang mga estudyanteng babae dito?
Pwedeng pwede ring gantihan nito si Verity.
"Ano ka ba Verity! May panahon tayo diyan. Umalis ka na nga at magshoshopping pa tayo." Sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Annabelle kasama si Evianna at patungo papunta kay Verity. Tamang distansya lang naman ang kinaroroonan ko kaya hindi masyadong halata na nanonood ako.
Walang sinabi si Verity at sumunod nalang sakanila. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok pakaliwa at nakadagdag yun sa kagandahan niyang taglay.
Bakit kaya ganun nalang ang sinabi ni Annabelle?
Nang makalayo ang tatlong babae ay sumunod naman kaagad ang lalaking kausap ni Verity kanina at isa pang lalaki.
"Nagalit yun panigurado sa ginawa mong pagpost ng picture niyo pare!"
"Ang mga ganung kilos pre, nagpapahard to get lang yun. Magtiwala ka sakin, sa susunod na linggo kami na nun ni Verity. Hahaha." Sagot ng lalaking nakaharap ni Verity kanina.
Mga walang magawa sa buhay. Wala ba silang nanay o kapatid na babae para mambastos sa isang babae? Porket gusto nila ay pwede na nilang gawin. Kailangan nanghingi muna siya ng permiso kay Verity bago niya ipost ang picture na sinasabi nila.
Wala kasi akong social media accounts kaya hindi ako updated sa paligid ko. Kahit naka-iphone ako, wala pa rin akong balak na gumawa ng sns accounts. May text at call naman kaya okay na. Nakaplan din naman ako kaya walang problema.
"LA KAYONG MAMA!" Sigaw ko na kahit ako rin ay hindi inaasahan. Mabilis akong nagpedal para hindi nila ako makilala.
Nakauwi ako na wala pang tao sa bahay. Pagkatapos kong magbihis ng pambahay ay binuksan ko ang ref para uminom ng malamig na tubig. May dinikit na note si nanay sa pintuan ng ref na ako nalang muna daw ang mag grocery kasi wala siyang oras. Nag-iwan naman siya ng lista at pera kaya hindi na ako nahirapan pa.
Pumara ako ng jeep para makasakay papunta sa tiangge. Okay naman na magbike kaso masyadong marami ang pinapabili.
Doon ako dumeretso sa tindahan ng tita ko na pinsan ni nanay. Lahat ng gulay at iba pang pinamili ay nandun na sa tindahan.
"Ta, iiwan ko po muna dito 'tong pinamili ko."
Malapit lang ang mall kaya naglakad nalang ako. Pinabili kasi ako ni nanay ng mga gagamitin niya sa school. Alam niyo na, maraming cheche bureche ang mga teachers.
"Ano pong atin sir?" Tanong sakin ng saleslady na syang nakatoka sa mga ballpen at pentelpen.
"Dalawang pilot na pentelpen iyong broad. Tsaka isang red at black na g-tech. Yung point 5." Sinunod naman niya ang sinabi ko at binigay sa akin. Nilagay ko iyon sa cart na tulak tulak ko.
"I'm sorry!" Hingi ko ng paumanhin sa isang lalaking nabangga ko ng cart.
"Tss." Yun lang ang tanging sagot niya.
Pumunta na ako sa counter para magbayad. "May loyalt card po ba kayo?" Binigay ko ang hinihingi niya. Iniwan rin sa akin yun ni mama para hindi masayang ang points na malalagay sa card.
"Seven hundred sixty two and forty centavos po lahat." Inabot ko naman ang isang libo.
"Your change is two hundred thirty seven and sixty centavos sir. Thank you."
Dahil nauuhaw ako, pumasok ako sa isang cafe dito sa loob at umorder ng pineapple shake. Yun lang kasi ang pinakamura dito.
"I didn't know that Verity is a silent whore. Akalain mo yun nagtransfer lang pabalik sa dati niyang school biglang naging pokpok? Gosh!"
Bakit ba kahit saan ako pumunta ay maririnig ko ang pangalan niya?
"Your words can make you lampa Rita! We never know biglang mag-gragrand entrance siya here and make sabunot to our hair!"
"What I said was real. Nakita mo yung picture with your own mata Daisy. Sila ang dapat ma-scare! We did nothing to her kaya we should not make worry to our hairs."
Gusto kong isuka ang iniinom kong shake kaso sayang naman at mali ang isuka ang shake. Baka dumating ang araw na wala na akong mainom na kahit na anong shake!
Bakit ba ang arte magsalita ng mga babaeng ito? Tumayo ako at nagsalita sa harap nila.
"Lagot kayo." Puno ng awtoridad ang pagkasabi ko. Parehong nakakunot ang noo nila at nagtatanong ang mga mukha. Nagtataka siguro kung sino ako at bakit ko nabigkas ang mga salita na yun. Ginawaran ko sila ng isang masamang tingin. Inayos ko ang salamin ko at habang bitbit ang pinamili ko, tumalikod ako at tsaka naglakad palabas ng cafe.
"Who's that creepy guy?! He's such a nerd!"
"But Ritaaaaa gooosh he is kinda cute naman! I wanna see him ulit here. I hope he will make balik dito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top