Chapter 18

GREG

Magmula ng mangyari yung earthquake ay palagi na kaming nagchachat ni Rose Ann. Yung lindol ang mas nagpalapit pa sa amin. Kung hindi dahil sa lindol, hindi ko siya mayayakap.

"Greg.. huhuhuhu.. natatakot ako." Nang maramdaman ko na nag-uumpisang lumindol ay isa lang ang nasa isip ko, ang sagipin si Rose Ann! Kaya ayun, kinuha ko siya mula sa backstage na nagtataka para makalabas kami. Kami ang unang nakalabas ng gymnasium bago pa nagpanic ang lahat.

Nasa malaking ground na kami ng school na palagi naming pinapractisan tuwing nag-e-earthquake drill.

"Tahan na Rose.. please. Wag kang magpadala sa takot. Nandito lang ako para protektahan ka." The next thing I knew ay niyakap ko siya. Wala na akong pake sa nakapaligid sa amin basta ang importante, I can make her feel that she's safe.

Mugtong-mugto ang mata niya ng pauwiin na kami. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ang takot sa mukha niya. Pati rin naman ako ay natatakot sa earthquake dahil mararadaman mo talaga ito.

Magka-iba kasi kami ng route pauwi kaya hindi ko siya masasamahan at isa pa nakabike lang ako.

"Natatakot ka pa rin ba?" Nilapitan ko siya at mahinang hinimas ang likod niya para maibsan ang takot niya. Tumango siya bilang sagot at dahil sa bilis ng reflexes ko ay niyakap ko siya kaagad. "Ihahatid nalang kita para hindi ka na matakot. Okay ba yun?" Sumilay ang magandang ngiti sa labi niya. Ito ang Rose Ann na kilala ko, palaging nakangiti. Malakas akong napatawa kaya binigyan niya ako ng masamang tingin.

"Alam kong ang pangit ko na dahil ramdam ko na nagkalat ang make-up sa mukha ko kaya huwag mo na akong pagtawanan pa."

"Sorry na-cu-cute-an lang ako sayo."

"Sa tingin mo bibilhin ko yang sinasabi mo? Wala akong perang dala okay." Lumayo siya ng kunti sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kailan pa kaya ako masasanay sa kanya? Yung tipong hindi ako tutubuan ng kaba sa tuwing mapalit siya sa akin at sa tuwing ginagawa niya ang bagay na'to tulad ng paghawak? Fan ata siya ng skinship. Lumunok ako at inayos ang salamin tsaka giniya siya papuntang parking ng mga bike.

"Sa tuwing uuwi ka, anong sinasakyan mo?

"Nag-jejeep lang ako parati. Papunta at pauwi. Don't worry malapit lang yung amin. Mga 20 minutes kapag bike. HAHAHAHAHA."

Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

"Ano nagdadalawang isip ka bang ihatid ako gamit ang bike mo?"

"Hin.. di naman," kahit na ang totoo ay nagdadalawang isip nga. Hindi ko pa naman hanay ang daan papunta sakanila.

"Tingin mo pababayaan kitang magbike habang ako naka-angkas tapos 20 minutes ang biyahe?" Hep hep. Dahan dahan lang Rose! "I'm not that selfless, Greg. Mamamatay pa ako kakaisip kung nakauwi ka ba ng safe lalo na't may natural calamity."

Whew. Talo pa ako nito kay Rose Ann. Magprapractice talaga akong magsalita.

"Okay po ma'am," binigyan ko siya ng isang makahulugang ngiti at bigla siyang lumingon. Mas lalo akong napangiti. Gusto ba niyang tawagin ko siyang ma'am? Hehehe.

"Lika nga dito," hinila ko siya papalapit sa akin na ikinagulat ng mata niya. Nakita ko pa siyang lumunok. Pati ako ay nababaguhan sa sarili ko. Nilabas ko sa bulsa ang malinis kong panyo at maingat na nilinisan ang mukha niya. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko pero pinipigilan ko lang para hindi niya mahalata. Iniiwasan ko ring tumingin sa mata niya baka ay matumba pa ako. Medyo nawawala na rin yung nakakalat na make-up niya kaya tumambad sa akin ang maganda niyang skin sa mukha. Nasa pisngi niya na ako at nasagi ko ang lips niya. Dalawang lunok ang nagawa ko. Bakit ba pulang lipstick ang ginamit sa kanya?

"Gr-greg.." nauutal niyang sabi marahil ay naramdaman niyang matagal akong nakatutok sa mapupula niyang labi. Huminga ako ng malalim para mawala ang kung ano mang nararamdaman na hindi maganda.

Ngayon ko lang din napansin ang suot niya. Isang kulay army shorts tapos sports bra. Bakit hindi ko to napansin kanina?

"Nilalamig ka ba?" Tanong ko pero hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Hinubad ko ang checkered ko na longsleeves at pinasuot sa kanya at ako pa ang nagbutones. Kailangan ko talaga siyang ihatid pauwi.

Napuno na ng dumi ang panyo ko at wala akong tissue o wipes. May nakakalat pa rin na make-up sa mukha niya kaya ginamit ko ang t-shirt na pamahid kaya mas lalo siyang napalapit sa akin. Mas lalo ring dumadagundong ang tibok ng puso ko. Kalma ka lang heart baka ito pa ang ikamatay ko at hindi lindol.

Nakabend ang kanyang mga tuhod para maayos ko na mapahirahan ang mukha niya. Nang sapat na sa akin ang linis ng mukha niya ay inihinto ko na.

"Tapos na mukha ka ng tao Rose," tapos na nakita ko na ang kagandahan mo.

Sinimangutan niya lang ako. "Tara sa terminal ng jeep papunta sa amin. Ihatid mo nalang ako dun tapos ay makakauwi ka na." Di ako papayag na ikaw lang umuwi.

Tinulak-tulak pa niya ako papalabas ng jeep nang tumabi ako sakanya. "Okay na nga ako. Medyo gumaan na ang loob ko at hindi lang ako ang mag-isang sasakay dito Greg."

"Wag na kasing matigas ang ulo. May pera akong pamasahe."

"Bahala ka na nga!"

Instinct niyang nilapag ang shoulder bag sa hita niya. Mabuti nalang at mautak din ang babaeng 'to. May lalaki kasing nakaupo sa harap namin na kanina pa tumitingin kay Rose Ann. Naging instinct din ng kamay ko na akbayan siya para masabihan ang lalaki na OOPS OFF LIMIT.

Tinignan ko muli ang lalaki at nakita kong umirap ito at pumilantik ang daliri. Oops fake news Greg. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko ng sumandal siya sa akin. Sana ganito nalang palagi.

Bumaba kami sa jeep at ako na ang nagbayad sa pamasahe namin. Dumaan muna kami sa isang makipot na daan bago makarating sa bahay nila. Kulay pula ang kanilang yero tapos puti ang bahay. Wala rin silang gate.

"Ayaw mo talagang pumasok? Para makapagpahinga ka naman kahit papano."

"Di na talaga. Nakakahiya naman baka nasa loob ang parents mo."

"Wala pa yata sila. Don't worry mababait ang parents ko. Baka mamayang gabi pa yun umuwi. Tuloy ka muna habang magbibihis ako."

Wala na akong nagawa. Ayoko namang ako lang mag-isa ang pumara sa daan. Kahit na lalaki ako ay natatakot pa rin ako. Baka may masasamang tao.

Binigyan niya ako ng fresh orange juice tsaka saging para daw hindi ako himatayin. Naalala ko na malapit lang pala sakanila ang hospital. Baka ilang lakad lang.

Lumabas siya ng kwarto na basa na ang buhok at nakapagbihis na. "Kumain ka rin muna."

"Wag na baka magtagal ka pa dito. Hahahaha." Matapos niyang tumawa ay nakaramdam kami ng lindol. Aftershock to sa lindol kanina.

Rumehistro na naman sa mukha niya ang takot at hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya. "Ssshhhh hindi na yan kasing lupit ng kanina." Narinig ko ang paghikbi niya. Paano ko ba 'to maiiwan?

"Sigurado ka ba?"

"Oo. Di ka ata nakikinig sa Science teacher mo dati."

Nagstay pa ako ng 20 minutes tsaka ko napagpasyahan na umuwi na. Sabay kaming naglakad at kumakanta pa siya.

"Ingat ka Greg ha? Gusto pa kitang makita." Ano ba tong pinagsasabi niya? Pero kinikilig naman ako kahit papano. Gusto niya rin ata niyang kiligin.

"Sure babe. Hahahahaha." Akala ko magugulat siya pero nahiya siya.

"Umuwi ka na nga lang Greg!"

"San kiss ko babe. Hahahahaha." Ewan ko kung saan ko nahugot ang lakas na loob para sabihan siya ng ganun. Unting-unti nang nawawala ang mahiyain at mahinang Greg at dahil yun kay Rose Ann.

Di ko inasahan ang sunod niyang ginawa dahil kiniss niya ako sa cheeks.

"Bye babe!" Kaway niya sakin ng makasakay na ako ng jeep. One point for Greg na ba?

***

Parati ko pa rin na tinitignan ang mga pictures na kuha ko mula sa aking DSLR nung Mr. & Ms. Intrams 2018. Wag niyong isipin na nangmamanyak ako ha dahil nakakahanga lang kasi talaga ang kanyang ganda. Nakakabighani. Siya na ata ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong earth.

Limang araw na ang nakalipas at limang araw na ring babe ang tawagan namin. Limang araw na ring puro cellphone lang ang inaatupag ko. Naalala ko pa na sobrang nag-alala sakin si tatay nung araw na yun dahil di niya ako mahagilap at macontact.

Babe ♡

Sana magkita na tayo diba hahahahahahaha

Darating din tayo jan :)

Epal na lindol kasi :<

Wag mo siyang sisihin pls

Bakit baaaaabe

Dahil sakanya naging
babe kita hahahaha

Kikiligin na ba ako jan?

Opo babe babe babe

Matulog ka na rin pls

Parati na kasi tayong
phone lang ng phone

Ayaw mo na ba akong
kachat babe? ㅠㅠ

Gustong gusto ❤

Pero mas gusto kong
makasama ka babe

Eeehhh may kiss ka
sakin sa pasukan babe

Ilan ang gusto mo? Hehehe

Yung mamamatay na ako sa sweetness babe

Hahahahahaha

Oyy di ko akalain na
ganito ka pala babe

Akala ko kasi lampa ka

HAHAHAHA sorry

Akala ko rin lampa ako
forever

Kaso kiniss mo ko kaya ayun
may strength na babe

Lalanggamin ako Greg!

Babe pala 😗

Good night see u in my
dreamsssssss

Dun nalang kita ikiss

Hahahahahaha

Good night!

Pakasaya ka sa piling ko babe
sa panaginip mo hehehehe

Alas dose na pala. Limang araw na rin kaming puyat dahil palagi kaming nagchachat. Sana magpasukan na eh! Pero salamat sa lindol. Dahil sa kanya, may babe na ako. Hehehe.

Hinubad ko ang glasses ko at nilapag sa table. Sana ay makita ko siya sa panaginip ko.

Nakita ko siya sa tapat ng sementeryo. Teka bakit nasa sementeryo ang setting ng panaginip ko kay Rose Ann?

Nakatayo siya sa ilalim ng puno na may dalang bulaklak. Nilapitan ko kaagad siya at niyakap patalikod.

"You smells good babe." Sabi ko para humarap siya sa akin. Hindi mukha ni Rose Ann ang nakita ko kundi kay Verity. Pero kahit na si Verity ang nakikita ko, sobrang natutuwa pa rin ang puso ko ng makita siya at hindi sumagip sa isip ko si Rose Ann.

"Wag mo nga akong lokohin Goryo. Wala akong ligo no." Goryo? Ako si Goryo? Pero hindi talaga nag-exist ang ganong tanong dito sa panaginip ko.

"Pero bakit ang bango mo pa rin babe? Hindi ka amoy ligo ng perfume yung natural na amoy."

"Loko-loko ka talaga kahit kailan babe."

Nilapag niya sa lupa na ang bulaklak na hindi ko naman maaninag masyado ang pangalan.

"Hi tita. Ang bango po talaga ng anak niyo." Sabi ko.

"Palagi po akong inaamoy ni Goryo my. Baka maubos ako nito. Hahahahahaha." Yung tawa niya ay parang musika sa pandinig ko. Nararamdam ko rin na sobrang hulog na hulog ako sakanya.

"Pero mahal mo naman Verity diba?" Pinaharap ko siya at sinandal sa puno. Humagikhik lang siya na ikinakilig ko. Alam ko naman ang sagot eh.

"Bakit ba ang gwapo gwapo mo?" Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang kanang kamay niya at hininto iyon. "Nakakaadik talaga itong lips mo eh. Bakit palagi ako nitong tinatawag?" Walang ano anoy nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako. Hinapit ko ang bewang niya para mas mahalikan pa siya. Nakabuka ang mata ko habang siya ay nakapikit. Damn! I am so lucky to have this beautiful girl. Mas lalo pang lumalim ang halikan namin at nagawa pa niyang kagatin ang labi ko.

"Ano yun?!" Napabalikwas ako ng bangon at sobrang pawis na pawis. Nagising akong kagat ang ibabang labi. Bakit si Verity ang nasa panaginip ko at bakit ganun ang trato ko sakanya?! At napanaginipan ko pa talagang naghahalikan kami na mukhang totoo. What a nightmare! Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang 3 am na pala. Devil's hour kaya pala ganun ang panaginip ko. Ayoko na iyong maulit. Kahit sa panaginip ay ayoko siyang makita o kahit isa sa mga kaibigan niya. Please lang. Iisa lang ang babe ko at si Rose Ann yun, hindi si Verity.

--

[🍒]
Isa lang rin ang babe ko 😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top