Chapter 17
Morning came and I was sleepless. We all are sleepless except for Miss Davien who's sleeping like sleeping beauty.
Naghanda na ng agahan sina ate Dina para sa aming lahat. Maaga ring napa-video call si mamita and thank God bumalik ma ang kuryente.
"Jusmiyo!" Iyon lang ang parating sabi niya. She's still in her bed though.
"We're fine mamita and ate Dina scanned the whole house to see if there's crack or falling debris but there's none."
"Okay just stay intact with each other. Mas mabuting magkasama kayo parati and don't leave the house if not necessary. Oh God!"
May mga guards din na nag-roroving from time to time. Nakinig lang din kami ng balita time to time para ma-update. So ang nangyaring earthquake kagabi ay mas malakas sa nangyari kahapon kaso hindi umabot ng isang minuto ang kagabi. Kung nagtagal daw yun ay baka may madamage talaga. Nasa ibang bayan ang epicenter. Apat na bayan pa mula sa Pazdeña.
"Ayaw mo talaga sa Prague?" Tinabihan ako ni Kuya sa sofa at binigyan ako ng sapin-sapin. Siguro ay nabili niya ito dun sa kapitbahay namin na nagbebenta ng kakanin.
"I'll just stay put here and besides, I don't want to leave my friends."
"You can ask them to come. My treat!" He smiled widely at alam ko kung bakit.
"Your smile won't buy me. Gusto mo lang masolo si Evi eh! Ayoko nga baka kung anong gawin mo dun sakanya at iwala mo pa."
"Sa tingin mo magagawa mo yun? Trust me I won't do anything to her." He pleaded like a lost child. Meh. Don't me.
"Why so noisy?" Nakalimutan namin na nasa kabilang sofa pala si Miss Davien at naistorbo namin ang tulog niya. Sisihin mo si Kuya Diego! Umalis kaagad ako at dumeritso sa kwarto ko. Magbabangayan na naman yun for sure.
Belle told me to open my email dahil naisend na niya raw ang mga pictures na kuha niya. She's very good in taking photos or the subject is just so beautiful?
Nagpaalam ako na lumabas para pumunta sa isang convenience store na nasa loob lang ng subdivision namin. I used my scooter to go there dahil malayo iyon at malaki ang subdivision namin. Nakapag-usap na rin kami ni Evi. Sa kanilang dalawa ni Belle ay siya ang mas inaalala ko. Sabi niya ayos lang naman daw siya at dadalawin siya ng Kuya ko later. Habang si Belle ay nasa kanila pa rin. Malayo nga lang kami sa isa't isa dahil nasa ibang subdivision siya nakatira.
I opened the glass door of the store at agad na tinignan muna kung may vacant seats at meron nga kaya bumili ako ng yogurt tsaka brownies.
"Pwedeng makishare ng table?" A familiar voice asked at bigla akong kinilabutan. Kahit na suot ko ay isang makapal na sweater at naiinitan ako kanina bigla akong nanlamig. Is this real? Siya ba talaga 'to?
Mabuti nalang at nakayuko ako at may suot na cap. Binigyan ko lang siya ng thumbs up at nagmamadaling ubusin ang brownies ko.
"Aaaaackkk," dahil sa pagmamadali ay nabilaukan ako. "Dho dho dho," may kasama pang pag-ubo. Wala akong tubig! Kung tatayo ako ay makikita niya ang mukha ko pero mamamatay ako kung hindi ako maghahanap ng tubig. Tatayo na sana ako ng ilapit niya sa akin ang isang box ng Vitamilk. I need to drink this liquid kahit na ayaw ko ng taste nito dahil kung hindi ay mamamatay talaga ako.
"Thanks," kumuha ako ng fifty pesos sa bulsa at nilapag malapit sakanya.
"Anything for you ate Riri," sabi niya na ikinagulat ko. Wait tama ba ang narinig ko? Nakilala niya ako? And he still called me ate like he used to.
"Uh.."
"Sorry nagulat kita," I smiled fakely at sana hindi ako nagmukhang tanga. Gusto ko na sanang umalis pero magmumukha akong rude dahil wala akong masabi sa kanya. "Kanina pa talaga kita nakita at sinundan kita rito. I'm sorry."
Parati na lang ba akong magugulat sa araw na'to? I sighed feeling defeated. I faced him habang pinipilit na itago ang hiya na nararamdaman ko.
"I guess it's fine because you didn't harm me?" Sagot ko na patanong. He laughed like I was throwing a joke.
"I won't really harm you. Hahahaha. Baka ikaw pa itong may matagal na binabalak na masama sa akin." Binigyan ko siya ng matatalim na tingin. He didn't change afterall. He's still the same person I know.
"Matutunaw ako niyan ate Riri." Nagpakita siya ng isang boyish smile. He literally grew up sa five years na hindi namin pagkikita.
The thought of him being an Indonesian, yet he's very fluent in Filipino doesn't make sense at first. Nang malaman ko na dito pala siya ipinanganak at lumaki, it made sense na.
"Why were you like hiding to me earlier?" Ooh.. I just remembered my reason. Four years ago nagpaalam sila ng pamilya niya na aalis at babalik ng Indonesia. Magkapitbahay lang kami as in kaya nagtaka ako kung bakit hindi ko napansin na nandito sila. He was like my little brother slash playmate at the same time. Ang kaso, he confessed to me na may gusto siya sa akin and when he'll be back he'll marry me. I was 13 and he was 11. Kahit na 11 na siya nun ay isip bata pa rin yung pag-iisip niya na parang 8 years old. Kaya ako naman, bilang isang mapagmahal na ate I said yes.
"H-ha?! Don't accuse me of something I didn't do!" Inirapan ko siya. Honestly, I don't know how to treat me. Magkaiba na kasi sila nung dating FRICO at FRICO ngayon. He let out a sheepish smile. Pati siya ay hindi rin alam kung ano ang gagawin. Well, time makes people change.
"By the way, how are you?" Tanong ko sakanya.
"I guess you were aware of what's my case before right? My mental growth was slow and was really behind on my age. So MAMA and PAPA decided to take me to America to treat me. We barely stay in Indonesia."
"And now you're treated," I said in a statement.
"You sound so sure.." he wiggled his brows as if saying he's still a child. But I remained my serious face. "Very sure and you're right. You know, I have now my escapades."
Yucks! Ano bang pinagsasabi nito? "Mukhang mas advance na rin ang utak mo kumpara sa edad mo. Ilang taon ka nga ulit? 16? And here you are talking about your escapades."
"Alam mong hindi yang nasa utak mo ang ibig kong sabihin."
"Alam mong alam ko ang ibig mong sabihin. Don't me. At teka, why are you still fluent in Tagalog?"
"Nagtatagalog kasi sila eh.." that explains why.
Nagpasya na kaming umuwi and I found out that he was walking when he went here. Wow just wow.
"I'm working on my abs." His explanation.
I invited him na sumakay na sa scooter ko besides magkapitbahay lang naman kami. I was expecting him to say, ako na ang mag-dridrive, but I failed. Tinanong ko siya kung marunong ba siya pero sabi niya hindi. Hindi nga rin to marunong magbike dati eh.
Tahimik ang buong paligid. Marahil ay nasa loob lang ng kanilang bahay dahil natatakot sa earthquake.
"Teka di niyo ba alam na nag-earthquake? Bakit kayo umuwi rito?"
"We were already home five days ago pero sinekreto lang muna namin. May inaayos pa kasi sila eh."
I dropped him off in their house at dumeritso kay Evi para kamustahin siya. Kinamusta ko lang siya dahil nagmamadali akong umuwi. Nag-quake na naman kasi at dapat stay put lang talaga sa bahay.
Kaya puro cellphone ang atupag ko buong araw. Wala rin kasi akong ibang magawa dahil nga baka mag-earthquake ulit.
Kinabukasan ay ganun pa rin. May mga iilang aftershock kaming na-eexperience at umabot yun ng isang linggo.
"Nag-aaral ka ba?" Nasa park kami ngayon ng subdivision ni FRINCO kasama si Evi.
"Ofcourse, doon ako sa school niyo mag-aaral. I'm staying here for good."
"Okay so you will be a grade 10 student?"
"Nope. Nagtake ako ng acceleration exam dati kaya mas nauna ako sa mga dapat kong ka-batch. Grade 11 na ako."
Dumating si Evi na may dalang siomai at fries na binili niya sa tapat. Dati ay magkakilala na silang dalawa pero hindi gaanong close at na-kwento ko lang siya kay Belle.
Panay ang tanungan nila sa isa't isa. I'm happy dahil nagkakasundo sila. Sila rin lang naman ang kaibigan ko. Para na silang may sariling mundo. I called Belle through video call para hindi niya ma-miss ang moment na'to. Gustong gusto niyang dumalaw sa amin kaso ayaw siyang payagan.
Nagkwentuhan din sila ni Frinco at parang hindi sila strangers dahil nag-click kaagad.
"Hoy kayo ha! Wag niyo akong ine-echos echos porque wala ako jan!" Full force na sigaw ni Belle. Feel na feel niya talagang magkasama kaming apat.
"Please lang Annabelle, wag kang dumalaw sa bahay mamayang gabi ha?" Pati si Frinco ay tinutukso si Belle bilang si Annabelle na chakadoll.
Iniinggit din namin siya sa kinakain naming siomai at fries. Bumili rin ng iba pa si Frinco para mas lalong maglaway ang chakadoll naming kaibigan.
"Do you want to join our squad?" Tanong ni Evi kay Frinco at kami naman itong todo tutok sakanya inaasahan na sana yes ang sagot.
"HELL YEAH!"
From now on, I guess we will not be called as EVA cos we got a new squad member.
"LET ME LEAD THE ENUNCIATION RIGHTS FOR OUR ROOKIE WHEN WE GET BACK TO SCHOOL OKAY?" Pahayag ni Belle na may evil smile. Oh no!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top