Chapter 15

Umayos ako ng pagkakaupo sa kama matapos makalabas si Verity. Kinuha ko ang i.d kong nakalagay sa side table. May kabaitan din pala siyang taglay na hindi ko inaasahan pero ayaw ko na talagang maulit 'to. Kung pwede ko lang siyang iwasan, ay iiwasan ko siya. Not only her pero pati ang dalawa niyang kaibigan. Napahiya na ako ng una kong makilala silang tatlo, mas lalong napahiya ako noong tinulungan ko ang matanda at may side effects pa na nangyari sa akin- sinuntok at inaway- at ngayon ay nandito ako dahil kay Annabelle. Isa itong message na tama na. Na hindi na akong pwede pang makipaghalubilo pa sakanila kasi wala namang magandang kalalabasan ang paglapit ko sakanila. Their presence is a disaster. Ayokong ma-experience ang pagiging Yolanda nila baka hindi na ako makabangon pa.

"Hello 'tay? Opo okay lang po ako dito tsaka dineliver na po iyong ration ko. Opo opo kakain na po ako ng hapunan. Sige po 'tay thank you."

Binaba ko na ang cellphone ko tsaka kumain ng hapunan. Hindi naman ako masyadong nahirapan. Matapos kong kumain ay nag-cr ako at nagsepilyo na rin.

Eksaktong pagkalabas ko ay may nurse na naghihintay sa akin. "Magbibigay lang po ako ng antibiotic sir. Pwede po bang umupo o humiga kayo?"

Pinili kong mahiga. Ang antibiotic ay sa iv ko pinadaan doon siya in-inject. "Thanks po." Umalis na siya at ako nalang ang naiwan. Umilaw ang cellphone ko at tinignan.

Naka-on pala ang data kaya nakatanggap ako ng chat galing kay Rose Ann. Napangiti ako ng malaki ng mabasa ang mensahe niyang "Hi! 😊"

Nagreply ako ng hello at tsaka nagrequest siya na mag-video call daw kami.

Me: Nakakahiya naman! Tsaka nasa hospital ako eh. 😔

Siya: Hala!😱 What happened to you?

Me: Nag-collapse kasi ako kanina kaya napunta ako rito. Lalabas na naman daw ako dito bukas o sa makalawa.

Siya: Hindi ka ba kumain? Kumain ka ng marami! Sinong kasama mo?


Me: Ang dami ko ngang kinain sa chowking kanina eh. Ako lang mag-isa ngayon kasi umuwi si tatay.

Siya: Pwede ba kitang dalawin ngayon? May sasabihin din akong good news. Hehehehehe.

Me: Sure!
-

Gusto ko sanang lagyan ng heart emoji yung reply ko kaso baka sabihin niyang manyak ako.

7pm pa kaya medyo maaga pa para bumisita siya rito. Malapit lang din daw ang bahay niya rito walking distance lang kaya maglalakad lang siya. Nasabi ko na sakanya ang room number ko kaya okay na.

Bumukas ang pintuan at iniluwa siya rito. Ngumiti ako para ipahiwatig sakanya na masaya akong nakikita siya.

"Umupo ka muna Rose." Bumangon ako tsaka umupo nalang sa kama at hinawakan ang upuang malapit sa akin.

"Thank you Greg. May dala akong banana. Iyan lang kasi ang nakita ko kanina."

"Nag-abala ka pa! Salamat."

Nahiya pa ako kasi nagbalat siya ng isang saging para sa akin.

"Heto kumain ka para hindi ka na mag-collapse." Gustuhin ko mang tumanggi dahil nakapagsipilyo ako ay hindi ko magawa. Nag-effort siya para sa akin kaya malaking bagay yun. Malay niyo ako palang ang napagbalatan niya ng saging bukod sa sarili niya.

Inubos ko ang saging at nang maubos ay pinagbalatan na naman niya ako hanggang sa makaubos ako ng lima.

"Busog na busog na ako. Kumain ka rin Rose ikaw ang bumili niyan tapos hindi ka kakain."

"Hindi na. Marami akong kinain sa bahay. Ano kulang pa ba?" Aakma sana siyang kukuha ulit kaso pinigilan ko.

"Gagawin mo 'kong baboy eh. Hahahahaha!" Nagtawanan kaming dalawa. Hindi ko akalain na matagal palang matapos ang tawa niya kaya natawa ako sa tawa niya.

"HAHAHAHAHA sana hindi ka maturn-off sakin HAHAHAHAHAHA ganito kasi ako tumawa HAHAHAHAHA matagal matapos HAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHAHAHA."

"Mas nakakaturn-on nga yun eh. Hehehehe." Bulong ko sa sarili ko para hindi niya marinig. Tinanong niya ulit ako kung bakit  ako na-confine at kinwento ko naman sakanya pero hindi ko na binanggit ang pangalan ni Annabelle at Verity.

"Huwag ka talagang magpapabaya sa pagkain. Iyong mga masusustansya katulad ng gulay ang dapat mong kainin," sabi niya na may pag-alala. Natuwa ako sa sinabi niya.

"Mahilig kaya akong kumain ng gulay," pagdedefend ko sa sarili ko.

"Sige, kung may papayag ka na sabihin ang schedule mo sa akin at kung may pareho tayong vacant ay ipagluluto kita. I mean magluluto ako sa bahay tapos kapag vacant nating dalawa ay papakainin kita. Game?"

Natameme ako sa sinabi niya. Totoo ba siyang tao? Bakit ganito ang trato niya? Sobrang gaan at komportable ang pinapakita niya sa akin. This is new to me. Wala pang kahit sinong tao ang gumawa sa akin nito except sa family ko.

Matagal akong nakasagot kasi nahihiya ako. "Si-sige sure."

Natawa ako dahil agad niyang pinalagay sa note sa cellphone niya. Pati ang schedule niya ay pinalagay ko na rin sa cellphone ko.

"Sabi mo may good news ka, ano yun?" Tanong ko na nakangiti para ma-encourage siyang sabihin sa akin at para ma-feel niya na excited akong malaman.

"Nakakahiya pero ako yung representative ng College namin for miss intrams," tinabunan niya ang kanyang mukha kaya kinuha ko iyon para sabihing wag siyang mahiya.

"Anong ikinahihiya mo? Ang ganda ganda mo Rose Ann kaya dapat maging confident ka. Wag kang mag-alala, hindi ko i-chicheer ang representative namin dahil ikaw ang i-chicheer ko. Sisisgaw ako ng GO ROSE ANN! GO ROSE ANN!"

"Oyyy ang sweet mo naman! Aasahan ko yan ha at wag mo kong pipintasan dahil sinasabi ko sayo ngayon palang na hindi ako perfect!" Pagalit niyang sabi pero pa as if lang naman.

"Pwede kang umasa sakin. Hindi kita bibiguin. Hahahaha." Biro ko sabay kurot sa pisngi niya. Ang kyuuut niya lang kasi. May taglay ang kagandahan niya ng cuteness.

"Ouch ha! Nananakit ka pala? Pwedeng umasa sayo pero nananakit ka naman? Huwag na lang!" Biro niya sa akin pabalik at nagdrama pa. Mas lalo tuloy akong nakyukyutan sakanya.

"Pwede ko ba kayong maistorbo muna?" Napahinto kaming dalawa sa ginagawa naming kulitan kasi may nurse na dumating.

"Sure po." Sagot ni Rose Ann.

Dala ang kanyang thermostat, lumapit ang nurse sa akin at kinuhanan ako ng temperature sa tenga ko. "36.4 ang temp mo."
Pagkatapos ay pinulsuhan niya ako at nakita kong sumusulyap siya kay Rose Ann.

"Akala ko ay girlfriend mo ang dumalaw kanina hijo. O baka daladalawa ang girlfriend mo?" Nakita niya si Verity kanina?

Napatingin ako kay Rose Ann tsaka humahalakhak siya. Baliw na babae.

"Naku hindi po ako ganun! Tsaka schoolmate ko po yung kanina."

"Ah so ibig sabihin ay ito ang girlfriend mo? Maganda din ang batang 'to. Lapitin ka ata ng magaganda ha?" Dinidelubyo po ng magaganda.

Tinatawanan ko lang ang sinabi niya. Tawa lang ang katapat sa mga ganong klaseng tanong. Dapat alam niyo rin yun.

Nagpaalam na yung nurse at naging awkward tuloy ang pakiramdam ko kay Rose Ann. "Grabe ha sinong school mate natin ang dumalaw sa'yo?"

"Estudyante ni tatay. May pinapaabot kanina." Pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin sakanya na si Verity ang dumalaw sakin dito kanina baka kung anong isipin niya.

"Weeeh? Pakita nga kung anong pinapaabot niya?" Wala akong ligtas sakanya. Ganito ka pala Rose? Hihihi.

"Ano kasi.. mensahe ang pinapaabot niya. Akala niya kasi ay nandito pa si tatay, may ipapass sana siyang project tapos nagkasalisihan sila. Iiwan niya sana ang project niya pero sabi ko huwag baka mawala kaya ayun." Pagpapaliwanag ko habang pinipigilan ang hininga. Hindi ako marunong magsinungaling kaya sana ay nadala siya sa sinabi ko. Totoo namang estudyante ni tatay si Verity kaya kunti lang ang aking lies.

"Siguraduhin mo lang ha kundi patay ka sakin." May halong awtoridad na pagkakasabi niya.

🍑🍑🍑🍑🍑

VERITY

I enhaled and then exhaled deeply. Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko. Just act natural Verity. Don't push yourself para hindi ka kabahan.

Nasa gymnasium kami dahil ngayon na gaganapin ang Mr. and Ms. Intramurals 2018. We are eight pairs in total coming from the high school, senior high, college of education, college of technology, college of arts and sciences, college of business and administration departments.

My adviser is with me together with a gay make-up artist at ang kanyang assistant na bakla rin. I'm already wearing my boots, denim short and spaghetti for the production number na mangyayari later on.

"Oh my gee! Do your best Verity ha! Manonood kami." Biglang pumasok si Annabelle at Evi. Ang bawat candidate ay binibigyan nila ng space at hinahati ito gamit ang kurtina para may privacy na rin.

"Alangan namang dito lang kayo sa backstage diba? Bobo." Pambabara kay Chakadoll. Hinampas niya ako bilang protesta sa sinabi ko.

"Basta magtiwala ka lang sa sarili mo and have confidence. That's the important things na dapat mong baunin." Evi adviced. "Dapat ka talagang manalo kasi manonood ang dalawa mong kapatid. I invited them!" Maligayang sabi niya. Noong nakaraang araw kasi ay hindi na sila umuuwi sa bahay namin. May mga condo rin kasi silang pag-aari kaya baka doon sila nagstay. Kaya hindi ko na nabanggit sakanila ang tungkol dito pati kay mamita dahil nag-out of the country siya kasama ang kanyang mga amiga.

"Saan sila naka-upo?"

"Nasa pinakaunahan kami kaya dapat na hindi ka kabahan dahil kitang-kita mo lamang kami."

"Oh sige sige mamaya na kayo mag-usap dahil magsisimula na!"

Nagpaalam silang dalawa at ako ay naging busy na sa pagpapakalma sa sarili ko.

We, the candidates are standing now in a queue. Bale dalawa ang linya para sa babae at lalaki. Magkalinya ang bawat pares.

Rinig na rinig ang hiyawan sa labas para icheer ang paborito nilang kandidata. Some of the candidates were chatting to each other on how nervous they are. Habang ako ay sinasarili lang. Hindi ko sila kilala at ang tanging kilala ko lang ay ang aking kapares na kaklase ko. We never had the chance to get to know each other kasi palagi akong wala tuwing nag-eensayo sila. Sana ay hindi iyon magresulta ng negatibo sa akin.

Natapos na ang welcome address ng dalawang emcee, na mga teachers din. Unang lumabas ang number one ng mag-umpisa na ang music tapos kami ng partner ko ang sumunod. Kahit na ang lakas lakas ng music ay maririnig pa rin ang hiwayan ng mga tao.

Kitang kita ko sa harapan ang mga kapatid at kaibigan ko. Mas lalo tuloy akong ginanahan sa pagsasayaw. Tama lang din ang kakayahan ko sa pagsayaw kaya hindi na ako umaasa pang mananalo bilang best in production number.

"GO NUMBER 1!!!"

"FIGHTING NUMBER TWOOOOO!"

"ANG GALING NIYO NUMBER THREEEEE!!!"

"HOY NUMBER FOUR KYAAAHHH!!"

"NUMBER FIVE! NUMBER FIVE!"

"LET'S GO NUMBER SIX!"

Natapos na ang music na sinasayaw namin at napalitan na ng panibago pero mas mahina kumpara kanina. Tumayo kami sa  lugar kung saan dapat kaming tumayo at ang number one ay nagpakilala na.

"Good morning ladies and gentlemen!" Sabay na wika ng number 1.

"I am Daisy Jane Perez.."

"And I am Marky John Antonio.."

"We are proud to represent the high school department!"


Matapos nilang maglakad ay kami ng partner ko ang sunod lumapit sa microphone stand. Dinig na dinig ko ang matinis na sigaw ni Annabelle pati kay Evianna. Pumalakpak naman ang dalawa kong kapatid.

"A pleasant morning everyone!" Sabay naming wika.

"My name is Verity Mireille Deza.."

"And I am Craig Ian Valdez.."

"Proud and honor to bring the name of SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT!" We both shouted it wholly and proudly. Bigay na bigay kaming pareho and we both smiled widely showing our perfectly set teeth.

Kasabay ng pagtalikod namin ay pinutok ni Annabelle ang dala dala niyang confetti kanina. Naghiwayan ang mga tao at sinisigaw ang pangalan namin. I believe it came from the senior high students.

Sunod na tinawag ang pangatlong contestant.

"Make this day a nice day everyone! I am Irrah Jhaia Torres.. and I am Michael Ryle Cuevas.. ultimately proud to bring the name of the College of Education!!!" Kumpara sa amin at sa contestant number 1 sila ang may pinakamalakas na hiwayan. Future teachers are really on a different level.

"Magandang umaga Pazdeña State College! We are from the College of Business and Management!"

"The name's Rose Ann Tan and Wilhelm Stump!"

Mas lalong lumakas ang sigawan ng magpakilala iyong Wilhelm kasi siya lang ang may foreign looks dito. Half siguro yun.

"What's up PSCiaaaaans!" Magiling na sigaw ng lalaki. "She is Mary Rose Austria and he is Dirk Shaun Bandico.. we came from the land of the future, College of Technology!" Tawa at sigawan ang naging tugon ng crowd sakanila. Pati ako ay napapalakpak sa kanilang introduction.

"We believe that this is the rise of the College of Arts and Sciences! My name is Genevieve Lorenzo and I am Ricky Sitones. Thank you!"

Matapos nilang magpakilala ay rumampa ulit kami pagkatapos ay tumungo sa "dressing room" namin para makapagbihis ng sports attire. Inulanan kami ng papuri ng aming make-up artist at adviser. They said that we have potential to win kaya super natutuwa kami.

Nagbihis kami ng partner ko ng attire na pang drag racer. Nilugay ko lang ang aking buhok at binitbit ang helmet ganun din si Craig.

Tinawag na kami ng matapos na ang contestant number 1. Nandoon pa rin sila sa stage at nakatayo na.

Sabay kaming dalawa lumabas habang finifeel ang moment. May naririnig akong tumawag ng pangalan ko at binibigyan ko yun ng pansin. Minsan ay nagflaflying kiss pa ako. Nang makarating na kaming pareho sa parang dulo ay nagpose si Craig na parang nagmamaneho habang ako ay isang hot na babaeng nakasakay katabi niya.

"Hoy Verity akin ka nalang!"

"Wag mong ipagdamot ang sarili mo please!"

"Anakan mo ko Verity!"

"Verity marry me today!"

Parang nawala na sa pansin ko ang aking fam bam dahil nakatutok talaga ako sa performance ko. Inayos ko talaga ang pag pose at paglalakad para matuwa sila sa akin.

Eto ang mga theme ng bawat contestant:
1. Cow Boy , Cow Girl
2. Drag Racers
3. Dance Sport
4. Firing Squad
5. Gymnasts
6. Boxers

Pinahinga muna kami saglit dahil question and answer portion na at hindi na kami magpapalit ng damit. Parehas lang ang tanong ng lahat kaya nilagyan kami ng headphone isa isa. Pero magkaiba ang tanong ng lalaki at babae.

"Just calm yourself on answering. Huwag niyong madaliin kasi wala namang timer. And always remember, be precise and get straight to the point. If possible, don't stutter." Paghahabilin ng aming adviser. "Ilabas niyo na ang lahat ng kaba niyo. Shake it off on your system. If you're afraid of the crowd, isipin niyo nalang na hindi sila nag-eexist but still look on them. Just don't mind their existence."

Pinatayo na kaming dalawa dahil kami na raw ang susunod. I feel a bit pressure but I composed myself immediately.

"Oh hello candidate number two!" Bati ng emcee namin. Nag-hi kami pabalik. "You two look good and dashing. Lalo ka na Ms. Verity, I always hear your name lalo na sa mga boys. What do you think about it?" Nabigla ako sa tanong ng emcee. Ano nga ba ang dapat kong sabihin?

"Uh.. I think.. it's okay?" Awkward na sagot ko. The crowd laughed at my answer. Wala akong ibang maisip eh. Alangan namang sabihin ko na "Hindi na yun kataka-taka. I'm beautiful that's why."

Unang tinanong si Craig na ikinasaya ko naman but I'm praying na sana ay makasagot siya ng maayos.

"So here's your question mister candidate number two. I'll just say it twice okay? Are you ready?"

"I'm confidently ready sir." I smiled on his answer.

"Do you think one billion trees are enough to help lessen the different environmental problems? I repeat, do you think one billion trees are enough to help lessen the different environmental problems?"

"As a child who grew up on a family who is advocate of planting trees, my answer would be no. One billion trees are a lot of help but let us look outside the box.
How can one billion trees help to stop pollution from the water? How can one billion trees help to stop the pollution from the air? How can one billion trees help the entire world? One billion trees are enough but is the availabily of the land that can be planted by trees, especially in the cities are enough too? The point here is, it will never be enough to help the entire world. People should do their own tasks to help save the mother earth. Let's not just stop on one billion trees if it is possible to make it into billions. That would be all thank you!"

I clapped my hands just like how the crowd. Napamangha aaqko sa sagot niya at bigla akong tinamaan ng kaba dahil ako na ang susunod.

"Impressive answer!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top