Chapter 13
Sinamahan nila ako sa bahay para raw magsimula ng magrehearse. Napapayag naman namin si Ma'am Veradio na sa amin nalang magrehearse kesa sa school. Si Evi ang nag-insist na huwag ako sa school magpractice para hindi ko makumpara ang sarili ko sa iba. Ganun din daw ang ginawa niya.
"Nasaan ba si miss Davien para siya ang magturo sa'yo!" Wika ni Annabelle. Pagkarating namin, hinanap kaagad namin siya kaso wala siya pati si kuya Diego.
"Sinabi ba sa'yo ni kuya kung saan sila pumunta?" Tanong ko kay Evi pero inirapan niya lang ako. Wow may LQ agad?
"Kayo nalang muna magturo sakin. Yung mga heels ko nasa kwarto. Saan niyo gustong magpractice?"
"Sa kwarto mo nalang para private na private."
Ayun, nasa kwarto ko na kami. Hindi problema kasi malaki ang kwarto ko malaki laki pa sa classroom namin. Kinuha ko ang tatlo kong 5 inch heels para makapili.
Lumapit sa akin si Evi para tignan ang mga heels ko. "You almost forget na Miss Intramurals ang sasalihan mo. You will not be wearing heels on the event but practicing it will make your walk more stable and graceful."
Oh! I'm glad. Sanay akong magsuot ng heels pero nakakapagod pa rin.
"Your height is okay and you won't need an insoles in your shoes. May boots ka naman jan for your sports look. Kaya I conclude na hindi nalang tayo magpractice. May tiwala kami sayo." Salubong ang kilay ko habang nakikinig kay Chakadoll. Ang practice kuno na pinunta namin dito ay paniguradong mauuwi sa pagmomovie marathon.
"Eww Chakadoll you're so gross."
Lumabas ako ng kwarto upang kumuha ng snacks para sa amin. Mamita's not around kaya pwede kaming makapag-ingay. Nakita ko si ate Dina kaya nagrequest nalang ako na siya ang maghanda ng snacks para sa amin.
Nakita ko ang bags naming tatlo na nasa sofa sa may living room. Kung makikita ito ni mamita na nakakalat lang dito ay paniguradong sermon ang ibibigay niya sa amin. Kinabit ko sa magkabila kong braso ang bags namin at tinahak ang hagdan papunta sa kwarto ko. Bago ko pa marating ang kwarto ko ay may nalaglag mula sa aking bag. Namutla ako bigla ng makita kong ano ito. Identification card ni Greg bakit napunta sa akin ito? Oo nga pala! Kinuha ko to mula sakanya nang magtanong ang nurse tungkol sa personal information niya. Bakit hindi ko ito nasauli kaagad? Muli kong tinignan ang i.d niya at gusto kong mag evil laugh dahil sa pangalan niyang Gregorio Constantine F. Condez at sa mukha niya sa i.d na ang awkward ng smile! May pa Greg Greg pa siyang nalalaman. If I know, malaking GORYO ito sa bahay nila.
"Aalis muna ako. Nakalimutan ko kasing isauli itong i.d ni Greg kanina sa hospital."
"Alright! Hindi na kami sasama ni Evi ha baka mabadtrip pa ako kapag sumama ako." Si Belle na halatang naiinis pa rin habang si Evi ay out of the world ang itsura.
"I don't know where's my siblings kaya you better know it Evi. Joke hehehe."
Sinuot ko ang helmet bago sumakay sa scooter ko. Sinabit ko nalang sa leeg ko ang i.d ni Greg para hindi mawala. Tinahak ko ang daan patungong hospital at nakarating na ako after 20 minutes.
Sa emergency ako dumeritso para magtanong. Nakita ko kaagad ang nurse na nag-entertain sa amin kanina but he looks busy entertaining other patients. Tinignan ko nalang ang buong emergency pero wala na si Greg doon. Maybe he already went home?
Sakto namang papalapit sa gawi ko ang nurse kaya nilapitan ko kaagad siya. "Hello! Remember me?"
Nakuha ko ang atensyon niya at tumitig siya sa akin. "Ofcourse I do! Sinong gustong makalimot sa mukha mong maganda?"
Flirting inside the emergency, wow! I just shoved away his thoughts at deritsong tinanong ang gusto kong itanong. "Nasaan po iyong pasyente kaninang sinamahan ko?"
"Ah! Pinalipat na iyon ni Doc. Just ask the information beside the emergency to ask for his room number." I smiled dahil sumagot siya kaagad at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Before I can say thank you ay nawala na siya sa harapan ko. He's busy helping the patient who just arrived and I guess is in the critical stage. I immediately vacate the emergency dahil I'm afraid na tubuan ako ng kaba sa mga taong naroroon.
It wasn't difficult to find the information kaya nakapagtanong ako kaagad. The receptionist told me that he's in a private room in the fourth floor. Pedia pa raw kasi ito dahil hindi pa 19. I said my thank you and went to the elevator just few steps away from the information.
May mga iilang doctor at nurses ang kasama kong naghihintay para sumakay sa elevator. When the door opened, lumabas muna ang nasa loob at pumasok kami. There's a patient na sinakay sa wheel chair na hindi pa tinusukan ng iv at kinausapan ng isang nursing service ang ibang pasahero ng elevator na sila muna raw ang pasakayin. Iyong iba ay umalis but I remained kasi nasa pinakasulok ako. Wala ng space para makalabas.
Nakarating na ang elevator sa 4th floor and I instantly look for his room number. A nursing student assisted me to find his room and was thankful that he helped me. I became anxious at hindi nakakatok agad.
Nang kumatok ako ng limang beses ay walang response. Sa tingin ko ay pwede namang pumasok nalang diba?
"Hello?" Wika ko na para bang pumasok sa loob ng isang bahay at naghahanap ng tao. Walang sumagot sa akin kaya napilitan akong ihakbang ang mga paa ko papaloob.
Medyo katamtaman lang ang laki ng room pero malaki na para sa isang pasyente. Airconditioned ang room tapos may flat screen tv pa. Mayroon ding katamtamang laki na lamesa na pinagigitnaan ng isang flowervase. Ang upuan naman ay kutson. Nakita ko ang iv at lumapit ako rito.
Greg is peacefully sleeping at nakasisiguro akong wala siyang kasama rito. Nasaan ang bantay niya? Nakatagilid siyang natutulog kaya hindi ko makita ang mukha niya. Iyong bed niya kasi ay dinikit sa pader.
Anong gagawin ko? Iiwan ko nalang itong i.d niya sa table? I shake off my thoughts kasi parang ang rude kung ganoon nga ang gagawin ko. I might as well look after him habang wala pa siyang kasama rito.
Hindi ko muna tinanggal ang i.d niya na nasa leeg ko. Mamaya ko na ito ibibigay kapag uuwi na ako. Naupo lang ako sa tabi niya at tinitignan ang dextrose na tumutulo. I wonder how it feels like to be in the hospital? I mean how it feels like to be a patient? Never ko pa kasing na-experience ma-confine at wala akong balak i-experience ito.
Maya-maya ay may dumating na nurse upang magcheck ng temperature niya at ang iv niya. Ngumiti ito sa akin kahit na nakamask siya. Sa tingin ko ay may edad na rin ito dahil sa kulay ng buhok niya.
"Ang sweet mo hija." Napuzzle ako sa tanong niya. Paano ako naging sweet? Binigyan ko ba siya ng regalo?
"Ang ibig kong sabihin ay sweet ka dahil binabantayan mo ang boyfriend mo. Hehehe." Napangiti nalang ako ng hilaw sa sinabi niya at hindi na nakapagsalita hanggang sa umalis na ang nurse.
Sana pala ay hindi ako pumunta rito para hindi ako mabadtrip! Pero naguiguilty ako baka kasi papasok na siya sa school bukas at walang i.d.
"I can't focus on what needs to get done
I'm on notice hoping that you don't run
You think I'm tepid but I'm misdiagnosed
'Cause I'm a stalker I seen all of your posts
Ah~"
Hindi ko namalayan na kumakanta na pala ako dahil sa boredom na nararamdaman ko.
"And I'm just tryna play it cool now
But that's not what I wanna do now
And I'm not tryna be with you now, you now
You make it difficult to not overthink
And when I'm with you I turn all shades of pink
I wanna touch you but don't wanna be weird
It's such a rush, I'm thinking wish you were here
Ah ~ "
I felt the silence kaya mas lalo akong ginanahan kumanta.
"And I'm just tryna play it cool now
But that's not what I wanna do now
And I'm not tryna be with you now, you now ~"
I saw him moved a little bit but he remains snoring and that's the cue that I should continue what I'm doing. Mahina lang din ang pagkanta ko kaya I don't think he'll wake up because of it.
I fixed my eyes on him para malaman ko kung gigising na ba siya para hindi ako mapahiya. And because of the song's impact on me, I was lost.
"But I could be your crush, like
Throw you for a rush, like
Hoping you'd text me so I could tell you I been thinking 'bout your touch like
Touch, touch, touch, touch, touch
I could be your crush, crush, crush, crush, crush ~"
Because of being lost, I wasn't able to feel that he was already facing me. Nakatingin ako sakanya habang kinakanta ang mga lyrics na iyon pero nakatingin lang ako dahil hindi ko ramdam ang presence niya.
"I got a fascination with your presentation
Making me feel like you are my island, you're my permanent vacation
Touch, touch, touch, touch, touch
I could be your crush, crush, crush, crush, crush ~"
Doon ko lang narealize na nakatingin siya sa akin matapos kong makanta ang buong chorus.
"Sorry ~" nasabi ko pa rin ang last word sa chorus and I think akala niya na nagsosorry ako dahil kumakanta ako.
Sobra akong nahihiya! He might think that the song is for him. Oh no please! Stop him from assuming things dear angels! At bakit ko pa siya naka-eye to eye noong part na ng I could be your crush, crush, crush, crush, crush.
Aaaaahhhh! Wala sa sariling napatakip ako ng mukha. Help me! I don't know what to do.
"Ahem.. ah eh he-hello?" I slowly removed my palms from my face. He looked and sounded awkward when he tried to communicate with me.
"Hi." Tipid kong sagot at naka-sideview pa. Yung parang may stiffneck? Hawak hawak ko ang kamay ko at pinipisil ito para may magawa man lang.
"Bakit ka nga pala nandito?" From his question up to his face, he looked so perplexed. The way he spoke was soft para ata hindi ako makaramdam ng rudeness.
Bumuntong hininga muna ako. Dapat ko bang sabihin na ako ang tumulong sakanya?
"Bakit nasa sa'yo ang i.d ko?!" He asked me, panickining na para bang may gagawin o ginawa akong masama sakanya. I directly pull out the i.d sling from my neck at binigay sakanya. "I'm here para isauli ito." Sabi ko but he's not contented.
"Huh? Paanong napunta ito sayo?"
"Ako kasi ang tu-- nagdala sayo dito sa hospital." I get rid of the word tumulong para hindi siya tumanaw ng utang na loob sa akin.
"IMPOSIBLE NAMAN!" May tumalsik pa na laway sa aking pisngi. Yucks! Masyado siyang maingay para sa isang lalaki at kung maka-imposible ay parang wala ako rito sa harapan niya. Hindi siya makapaniwalang tinulungan ko siya. Mukha ba akong demonyo?
Nakaramdam ako ng kakaiba ng makita ang reaction niya. Biglang kumirot ang puso ko at hindi matanggap ng isip ko ang sinabi niya. I've been a good person sa mga taong maganda rin ang pinapakita sa akin. "Am I not capable of helping?" Mahina kong sabi pero alam kong narinig niya dahil napatingin siya sa akin. Binaba ko ang tingin ko at naramdaman ang kung anong naramdaman ni Belle kanina noong magkaharap sila.
Masakit palang isipin at damhin na nagpapakita ka ng magandang bagay sa isang tao pero iba ang iniisip nito. Kagaya ni Belle, naging friendly lang naman siya kanina pero anong ginawa ni Greg? Natakot at tumakbo. Muntikan na ngang mabunggo mabuti nalang natulungan ko kaagad siya. Tapos ngayon, sasabihan niya lang ako ng imposible. Imposible bang makatulong ako? Tao ako na may kakayahang tumulong!
"Oy.. Ve-veri .. oy oy.." tinusok tusok niya ang balikat ko. Hindi man lang masabi ang pangalan ko ha! Napigilan ko ang luha kong gustong lumabas. He's not even worth it to see me crying.
Tumayo ako bigla. Natumba pa ang inuupuan kong silya. Tinignan ko siya gamit ang galit kong mga mata. "WALA KANG SILBI SA EARTH!" Sabi ko tsaka tumalikod. Binagalan ko lang ang pag-alis ko. May utak naman ako no baka matisod o mabangga pa ako dahil sa pagmamadali.
"Sorry na! Uwi ka na di na ko galit!" Sabi niya na nakatayo na pala habang tinutulak ang lalagyan ng iv. Gusto ko siyang sampalin para magising siya sa sinasabi niya. Ang weird talaga niya!
"Hindi ako mahilig magmura pero what the fck?"
"Sorry ulit. I don't know what to say. Baka mukha na akong weird sa isip mo. Kapag wala akong masabi talaga eh yung mga nasasabi ko ay iyong nakikita ko sa internet." Nagkamot siya sa ulo niya at nadapuhan ata ako kaya napakamot din ako. Parehas kaming nakatayo malapit sa pintuan. Mabilis ko iyong nilock para walang nurse na magiging distorbo sa pag-uusap namin. May gusto kasi akong ipamukha sa mukha niya at ipa-intindi sa utak niya.
"Una sa lahat, tao ako. Kompleto ang body parts ko at may boses ako. In short, pwede akong tumulong sa kapwa ko kagaya ng ginawa ko sayo. Hindi iyon imposible okay?" Naging mahinahon na ako ngayon.
"Pangalawa, wag kang mag-react ng sobra na parang hindi ka makapaniwala kasi sabi ko nga diba kompleto ang body parts ko kaya meron akong HEART slash PUSO na nakakaramdam. May feelings ako alam mo ba yun?" Pinanlilisikan ko siya ng mata at dahang dahang lumalakad papalit sa kanya. Ang dahilan nito ay gusto ko siyang paupuin sa kama niya dahil nangangatog yung mga tuhod niya.
"Pangatlo, kung may feelings ang isang tao syempre nakakaramdam iyon ng lungkot diba? Anong naramdaman ko ng magreact ka jan? Gusto kong maiyak dahil pinaparamdam mo na wala akong kakayahang tumulong!"
Panay ang lunok niya. Binabantayan ko naman parin siya dahil baka matalisod may iv pa namang nakasabit sakanya. Successful iyong pagpapa-upo ko sakanya.
"La kang mama!" Napasigaw siya ng hindi niya inaasahang napaupo siya. Hindi ko na dinibdib ang sinabi niya baka kasi lumaki pa lalo ang dibdib ko lol. Expression niya lang iyon kaya no worries ako.
"Look, sorry talaga sa mga actions ko. At ano.. thank you." Wala siyang suot na salamin kaya nang napatitig ako sakanya ay para akong naninilip. "Sorry if I don't believe at first. Imposible kasing tulungan mo ako kasi we're not friends." I smirked with his excuse. Anong utak ba ang meron siya at parang may paniniwala siyang magkaibigan lang ang pwedeng magtulungan?
-
🌻 Thanks for reading! If you have time, please read my friend's story MY ONLY VISION by Agatesapphire ! Thank you uwu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top