Chapter 11


"So ganun nalang yun?" Napalingon ako sa likod at nagulat akong makita si Verity. Anong ginagawa niya dito at mukhang nakikinig siya sa usapan namin ni Divine.

"Nililigawan mo ba yun kaya hindi mo magawang pagsalitaan siya pabalik?" Luh? Nababaliw na ba siya? Ako nanliligaw kay Divine? Ako manliligaw sa isang babae? Hindi ako marunong nun!

Hininaan ko lang ang pagkasabi ng la kang iphone kanina kaya di niya narinig. Tsk tsk tsk. Pakialamera at chismosa pa la ang isang to?

"Wala ka ng pake dun at isa pa, wag kang chismosa." Cool kong sabi at parang nahimasmasan siya sa sinabi ko. Sa bagay, babae, natural lang na maging chismosa.

Iniwan ko siya at di na nagpaalam. Gaya ng plano ko, dumaan ako sa optical clinic na malapit lang din sa school. Nagpasukat nalang muna ako at bukas ko na babalikan.

Nakauwi ako ng bahay na pagod. Chinarge ko kaagad ang cellphone ko. Lowbatt na lowbatt talaga. Simula bukas wala ng manghihiram ng cellphone ko kasi hindi na ako magpapahiram!

Kinabukasan ay lumapit kaagad si Divine sa akin.

"Akin na." Alam ko ang ibig niyang sabihin pero nagmamaangan lang ako.

"Ang alin?"

"Akala ko ba matalino ka? Edi yung cellphone mo!" Inis na wika niya. Magkasalubong pa yung kilay. Pasensya na classmate pero dinelete ko na at di na ako magpapahiram sa mga taong kagaya mo.

"Aanhin mo yung cellphone ko? May cellphone ka naman ah."

"Bobobobohan lang tayo dito Greg? Nakalimutan mo ba yung sinabi ko sayo kahapon Gregorio na ipapasa ko yung pictures ko na nanjan sa cellphone mo. Wag mong sabihing lowbatt yan at pinahiram mo sa iba?"

"Sorry nadelete ko na yung picture mo. Niformat ko kasi yung phone ko kagabi. Pasensya." Pagsisinungaling ko.

"Grabe ka naman Greg! Akin na nga yang phone mo at magseselfie ako ulit. Nag-download ka ba ulit nung mga camera apps?" Halos sumabog na siya sa galit at gigil na gigil ang mukha niya. Gusto niya ata akong sabunutan kong babae pa ako.

"Hindi."

"Anong hindi?! Wow Greg ha just wow. May wifi naman kayo ba't hindi mo na-download!" Wika niya na parang hindi makapaniwala dahil sa ginawa ko.

"Cellphone KO kasi to kaya ako ang magDEDECIDE. AKO ang may-ari. AKO ang gagamit. Bakit ko pa aalahanin ang ibang tao?"

"Para kang babae Greg! Bading ka ba? Umamin ka nga! Yung iba nating kaklaseng lalaki nagpapahiram at hindi inaalala kung isasauli ba o hindi tapos ikaw ang damot. Kahitt naka-iphone ka hindi mo naman ikinagwapo yan."

"Divine gusto mo ba ng realtalk? Bakit ka dito nagseselfie sa cellphone ko kung may cellphone ka naman? Para pandagdag points sa pagiging famewhore mo? May pa-mirror selfie ka pang nalalaman! Para ano? Para akalain ng mga tao na may iphone x ka? Cherry mobile gamit mo pero iphone ang pinagseselfie mo. Ang mga tawag sa mga katulad mo ay mapakunwari. Tigilan mo nga yang kahibangan mo at wag kang umasta na parang ikaw yung tama at ako ang mali. Ako ang nagmamay-ari nito kaya ako ang magdedesisyon. At wala kang respeto sakin. Akala mo ikaw ang nagmamay-ari ng cellphone ko. Nanghihiram na nga, ikaw pa yung nagrereklamo. Binili to para sa akin hindi para hiramin niyo. Ang kapal ng mukha! Edi magpabili ka sa mama mo ng iphone. Problema ba yun? At kung di mo afford, wag kang magpa-as if na meron. Nakakahiya eh. Makontento ka sa kung anong meron ka. Wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano. Tignan mo muna yang sarili mo bago ka magreklamo okay?"

"Ang lakas mo namang mangutya Greg porke't mayaman ka eh iinsultuhin mo na ako!"

"Hindi yun pang-iinsulto, realtalk yun! Kung tinamaan ka edi mabuti para gumising ka sa kahibangan mo. At wag mong isali dito kung mayaman ako dahil hindi naman ako mayaman. Sadyang nagsumikap lang talaga ang mga magulang ko para magkaroon ng magandang trabaho para matustusan nila ako ng maayos."

"So sinasabi mo na hindi nagtratrabaho ng maayos ang mga magulang ko? Grabe ka rin!"

"Ang tanga mo alam mo ba yun? Sinabi ko bang hindi nagtratrabaho ng maayos ang magulang mo? Baka nga todo papakahirap sila sa pagtrabaho para sayo pero anong ginawa mo? Hindi marunong rumespeto at magpasalamat!"

"Hindi ka kasi karespeto-respeto at hindi bagay sayo ang pasalamatan! Sa'ting dalawa ikaw yung kawawa kasi wala kang kaibigan dito at ako meron!"

"So anong pinaglalaban mo? Baliw ka na."

Lumabas na ako ng classroom dahil tapos na ang klase sa umagang ito. Dadaan muna ako sa optical clinic para kunin ang bago kung salamin.

"Nagawa na po ba?" Tanong ko sa babaeng assistant. Tumango naman siya at pinasukat muna sa akin ang salamin. Komportable  siyang suotin katulad lang ng dati.

"Eto po yung bayad tsaka manghihingi po ako ng resibo."

Nilabas ko ang wallet ko at kinuha ang limang libo. 5,000 kasi yung presyo ng salamin ko. Mabuti nga eh may laman ang atm ko kaya nakabili ako.

"Ayaw niyo po ba ng contact lens? Para hindi siya sagabal at mas comfortable po kayo."

"Oo nga po ano ba't di ko yan naisip. Sa susunod nalang po pag may pera ako. Salamat po."

Lumabas ako ng clinic na suot suot ang salamin. Wag kang mag-alala, simula ngayon ay aalagaan kita ng mabuti.

Saka na ako bibili ng contact lens kapag magkikita kami ni mama at papa dahil sakanila ako hihingi ng pambili hehehe.

May isa't kalahating oras pa akong natitira bago magsimula ang susunod na klase kaya naisipan kong sa Chowking nalang kumain. Ang paborito kong pork chaofan na may apat na siomai at isang pinapple juice. Walang tao masyado rito kaya madaming available na mauupuan.

"Hi!" Bati sa akin ni Annabelle. Napalunok ako kasi bakit niya ako binati? Bakit sobrang friendly niya sa akin at ang laki laki pa ng ngiti niya? Kinikilabutan ako! Idagdag mo pa na Annabelle ang pangalan niya. Na-imagine ko tuloy yung doll na si Annabelle.

Pasimple akong tumingin sa likod niya para malaman kung may kasama ba siya. Napahinga ako ng kunti mga 20% lang.

"Hi kuya Greg!" Bati niya ulit sa akin pero hindi naman ako makatingin ng diretso sakanya. Nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at nagmamadaling umalis sa harap niya na hindi man lang siya binati pabalik o nginitian man lang.

Hoo! Kinabahan ako dun ah? Bakit ba ako kinakabahan?

"Sht!" Hindi ko sinasadyang mapamura. Ewan ko ba kung bakit ako nagmura eh hindi naman ako mahilig magmura!

Bahala na kung nagmukha akong tanga o katawatawa o buang sa harap niya kanina basta ang mahalaga ay lumisan kaagad ako.

*peeeep peeeep peeeep peeeeep*

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng may paparating na sasakyan sa akin. Nasa gitna na pala ako ng kalsada ng hindi ko namamalayan. Mamamatay ata ako ng maaga dahil lang kay Annabelle!

Para akong nababaliw sa gitna ng kalsada kasi di ko alam kung ano ang gagawin ko. Lunok lang ako ng lunok baka itong paglunok pa ang sanhi ng kamatayan ko kung hindi ako aaksyon kaagad dito pero hindi ko kayang umalis dito. May rugby atang dinikit sa sapatos ko para hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Unti-unting lumalabo ang paningin at pandinig ko habang ang tibok ng puso ko ay pabilis ng pabilis. Ramdam na ramdam ko ang pawis sa mukha at leeg ko. Pati ang kaming mga kamay ay nanlamig pa idagdag pa ang tuhod kong nanginginig.

*peeeeeeep peeeeeeep peeeeeep*

Ang gusto ko lang gawin sa oras na ito ay sumuka. Oo gusto kong masuka! Malapit ng lumabas ang pork chao fan na kinain ko kanina. Nafefeel ko na siyang gumuguhit sa lalamunan ko. Sayang yung kinain ko at ngayon pa talaga ako mamamatay!

Lumipas ang iilang segundo ay nasuka na talaga ako. Suka lang ako ng suka. Wala ng pake kung may sasakyan ng gustong bungguin ako basta ang mahalaga ay sumusuka ako.

Sa aking panlalamig ay may naramdaman akong mainit na humawak sa akin. Mahirap siyang idescribe kasi nanlalabo ang mga mata ko.

"Gising Greg!" Klaro sa pandinig ko ang boses niya pero hindi ko ito kilala. "Dadalhin kita sa hospital!"

****

Nagising akong hinang hina ang sarili. Kinapa ko kaagad kung intact pa rin ba ang bagong bili kong eyeglass.

"Nasan ang salamin ko?!" Wala sa sariling napaupo ako at kinapa ang katawan ko para hanapin ang salamin. Hindi ito deja vu! Malas na malas lang talaga ako kasi nangyari ulit ang bagay na 'to. Karma ko ba 'to kay Divine? Sabihin niyong hindeeeee. Magpapahiram na ba ako ng cellphone?

Naalala ko ang nangyari kanina. Anong tawag dun? Carphobia o truckphobia? Hehehe.

Walang taong nandito kaya nagtataka ako. Sinong nagdala sakin dito? Wala akong maalala na pwedeng tumulong sakin kasi wala akong kakilala na nandun. Posible kayang si Annabelle? Imposible. Baka nga hindi niya yun nakita. Alam ko na! Isang concerned citizen ang tumulong sakin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng isang lalaking nurse sa akin. Chineck niya ang IV fluid na nakakabit sa akin na ngayon ko lang din napansin.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. "Okay naman po pero medyo nahihilo ako at nakakaramdam ako ng parang nasusuka ."

Sinusulat niya yung sinasabi ko. "Ano bang nangyari sayo? Hindi kasi alam nung nagdala sayo ang nangyari. Ikaw nalang daw ang tanungin namin."

Sinaysay ko ang nangyari sakin kanina na may moves pa para maging realistic. Patuloy lang siya sa pagsulat para siguro ay masabi niya sa doctor kung anong nangyari.

"Pwede bang hingin ang information details ng magulang o guardian mo para matawagan namin." Binigyan niya ako ng papel at pina-fill up ng tungkol sa akin at tungkol sa magulang ko.

"Kilala niyo po ba kung sino ang nagdala sa akin dito?" Tanong ko ng aakmang aalis siya. Mabilis naman siyang ngumiti at parang may nakikita siyang ibang tao dito bukod sa akin kasi kumikinang ang mata niya. Hindi ako bakla ha, marunong lang talaga akong magdescribe.

"Hindi siya nagpakilala at hindi ko narin natanong kasi sayo nakatuon ang atensyon namin. Pero kahit na ganun, nakuha niya pa rin ako. Iba ang kagandahang taglay niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakalimutan kung anong itsura niya. Perpekto siya sa paningin ko at napakaswerte mo dahil tinulungan ka niya at salamat din sayo dahil ikaw ang naging daan para makilala ko siya."

Posible kayang si Annabelle ang tinutukoy niya? Madalang lang din kasi ang magaganda rito sa amin. Napaka-imposible kasing may magandang tumulong sakin eh hindi naman ako gwapo. Mga matatanda lang ang may pusong tumulong dito.

Sobrang ngiti ang pinapakita niya na kikilabutan ka na. Gwapo siya kaya hindi masyadong nakakakilabot. Konti lang para na kasi siyang baliw eh. And hindi ako bakla okay.

"Thanks nurse."

"Hintayin mo nalang ang doctor. Hindi ka pa kasi pwedeng palabasin namin. Bibigyan ka din ng medical certificate para mapakita mo sa teachers mo. Tatawagan ko na rin kaagad ang parents mo. Sa ngayon ay magpahinga ka muna."

Nanatili akong nakaupo sa kama. Nakita ko ang bag ko kaya hinalukay ko ito. Nandito pala sa loob ang salamin ko. At wala ring nawala sa mga gamit ko. Salamat sa tumulong sa kin kundi mas malala pa ang nangyari sa akin dito.

Kinuha ko ang cellphone at agad kong tinext si tatay. Ayokong malaman ni nanay baka mapano siya may baby pa naman. Hindi na siya nagtanong pa at sinabing pupunta siya kaagad dito. Humiga nalang ako upang matulog. Napagod ako sa araw na ito. Sana hindi na ulit yun mangyari. At sana makilala ko rin ang taong tumulong sa akin makapagpasalamat man lang sa kabutihang pinakita niya. Kahit sino ka man, thank you. Ang swerte ko lang kasi may mga taong tumutulong sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top