Chapter 10

Pinaupo sa harapan ang mga 1st year education students, BSED at BEED. Katabi ko ang mga kaklase ko at excited na excited na sila para sumali sa mga sports na gaganapin sa Intramurals.

"Good afternoon students from College of Education!" Wika ng isang fourth year BEED student. Siya ang nagsisilbing emcee sa meeting. Makikita mong confident siya sa ginagawa niya at nakakatuwa. Ganun naman siguro ang mga bakla sobrang talented nila.

"Welcome to all the education freshmen students! Thank you for choosing Pazdeña State College! Alam na ng mga dating students kung ano ang meeting agenda ngayon pero sa mga bago palang let me tell you what is this about. Nandito tayo ngayon for a meeting to select our players and representatives for the upcoming intramurals."

Umingay ang AVR sa sinabi ng emcee.

"Sino kaya ang pipiliing maging representative sa department natin for Mister and Miss Intramurals? Sana sina Courtney at Alvin!" Rinig kong wika ng second year sa likuran ko. Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niya pero maganda at gwapo siguro yun. Halos lahat ng nasa loob ng AVR ay may ipagmamalaking mukha.

"May sasalihan ka bang sports Greg?" Tanong ni Michael sa akin. Okay naman ang pakikitungo niya sa akin matapos ang nangyari sa amin. Di niya siguro yun binigdeal talaga. Sadyang nadala lang sa bugso ng damdamin.

"Balak kong sumali sa badminton o di kaya'y chess. Mag-tratry out muna diba bago talaga masali?" Seryoso kung sagot.

"Akala ko wala kang sasalihan. Hindi halata sa'yo na may alam ka pala sa mga sports na yan. Hahahaha. Napagkasunduan kasi namin na sumali sa tug-of-war o patintero. Rerecruit sana kita."

"Bakit doon ka sasali? Wala ka bang interes sa basketball?"

"Hindi masyadong masaya yun eh. Nung nabalitaan ko na may Filipino sports na isasali ay di ko na kinonsider ang basketball."

May isip din ang isang 'to pero sayang naman. "Pwede kang maging varsity ng school Kel."

"Nakakapagod kasi kapag varsity. Tutal ay free tuition naman san ko pa gagamitin ang pagiging varsity? Ang pag focus sa pag-aaral ang gusto ko."

"Sa bagay tama ang sinabi mo."

Nakinig uli kami sa sinasabi ng emcee. Medyo nabusy lang kami dahil sa pag-aattendance.

"Makinig ng mabuti para hindi na ulit magtanong pa para mabilis tayong matapos dito. I will announce the sports na pwede niyong salihan. Okay, so ang mga sports ay basketball, volleyball, badminton, sepak takraw, table tennis, lawn tennis, athletics, track and field, chess, chinese checker, chinese garter, langit-lupa, patintero, tug-of-war, luksong-baka, tinikling, tumbang preso ."

Isinulat sa white board ang mga sports na pwede naming salihan pati na ang mga estudyanteng maglelead ng iba't ibang sports.

"Below the names of the sports ay ang mga taong responsable sa paglilista ng mga gustong sumali pati narin ang kanilang cellphone numbers para maging easy ang contact niyo sa isa't isa. May sports na limitado dahil hindi na kailangan ng try out at meron ding hindi limitado dahil mag-tratry out pa kayo. Nasa white board narin ang mga iyon para iwas tanungan. Tanging kooperasyon sa mga mata lang ninyo ang kailangan. Pwedeng pwede rin na sa tatlong sports kayo magpalista na hindi limitado. Take note ha HINDI LIMITADO. Baka kasi di kayo matanggap ay meron pa kayong option. Sa mga sasali sa LIMITADONG SPORTS, please lang dapat SURE NA SURE na kayo ha?At sa lahat ng freshmen, please huwag kayong mahiya okay? Mababait ang mga future educators dito! Hahahahaha. Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para itext ang head ng sport na gusto niyo. Kung tapos na ang ten minutes na binigay ko ay wag kayong mag-alala. Meron pa mamaya pagkatapos ng meeting natin. Sige at magpapahinga muna ako kasi natuyo ang lalamunan ko kakachika sa inyo. Bilisan niyo ha at marami pa akong announcements."

Thankful ako kasi nakaplan ang cellphone ko kaya makakapagtext o tawag ako kaagad. May nag-disseminate ng isang bondpaper kada row na may nakasulat ng information sa mga head ng sports kaya hindi na ako nahirapan pa. Kinuha ko ang numero sa head ng badminton at chess. First option ko ang badminton kaya kung hindi ako matanggap ay may last chance pa ako sa chess. Napagsabihan din kami ng P.E instructor namin na kung maaari ay dapat magparticipate kami sa Intramurals dahil may extra points.

"May load ka ba Greg? Makikitext sana ako dahil wala akong load." Pakiki-usap sa akin ni Michael at sumang-ayon  ako. At dahil narinig ng iba kong kaklase si Michael ay nakiusap din sila sa akin. Wala naman akong magawa dahil ayaw kong magdamot kaya pumayag ako.

Naghintay lang ako kung kailan nila isasauli ang cellphone ko pero nakita ko na busy pa ang mga babae kong kaklase sa pagseselfie. Sa susunod dapat bayaran nila ang paggamit sa cellphone ko kada minuto para yumaman ako. Sila ang nakakalowbat sa cellphone ko at parati akong nagchacharge. Mahal kaya ang kurente dito sa Pazdeña!

Muling humarap sa amin ang emcee. "Everyone let's all welcome the dean of College of Education, Mr. Jonas L. Royo!"

Buong ngiting humarap sa amin ang Dean. Nasa 40 plus pa siguro ang edad nito at medyo may kunting kembot. Pumalakpak kami para batiin siya.

"Hello students! Dumadami ang mga first year taon-taon and I'm thankful with that kasi marami ang gustong maging educator. Alam niyo na kung para saan ang meeting na ito diba? Well, narinig ko kanina ang ina-announce nito ni Earl dahil nasa likod lang ako at ang mga faculty na under ng college natin. May kulang pa sa inannounce niya. Ano kaya iyon?"

Hinarap niya ang microphone sa mga students at naghihintay ng sagot.

"MISTER AND MISS!"

"CHEERDANCE COMPETITION!"

"MODERN DANCE COMPETITION!"

Pumalakpak siya na parang tuwang-tuwa sa sinagot ng mga kapwa ko estudyante.

"As expected, the students of College of Education are all smart! You guess it right students! I will give the floor again to Earl. I hope all of you will participate. Uupo muna ako dito sa gilid."

Binigay niya ang wireless mic pabalik kay Earl. Hanggang ngayon ay di parin nakabalik ang cellphone ko. Baka nakalimutan ang daan pauwi sa akin. Wag naman sanang nakawin yun!

"Sinong nakamiss sakin?!"

"Kamiiiiiii!!!!!!!" Sagot namin sa tanong niya. Akala mo naman parang matagal nawala. Hahahaha.

"Charot lang. Hahahaha. Nagrequest sa akin si Dean na kumanta muna para raw hindi kayo mabagot kaso nahihiya ako. Shy akong pagkatao guys kaya kailangan niyo muna akong pilitin!"

Umingay muli ang AVR at puro sigawan ang nangingibabaw.

"Kanta na dretso Earl! Wag nang pakipot. Hahaha."

"Go Earl dapat birit na birit!"

"EARL! EARL! EARL! EARL! EARL!"

"HOY MGA BESHYWAPS WAG NIYO KONG MAUTO-UTO HA!" Pabalik na sigaw ni Earl sa amin.

"Kakanta naman talaga ako 'no! Hindi ako madamot sa talento ko. Gusto kong madiscover mga beshywaps kaya gorabells ako sa kantahan. Okay maestro!"

Tumayo siya sa gitna at umindak-indak pumalakpak at nagsigawan kaming lahat. Mabilis niyang binigkas ang mga liriko ng marinig ang tugtog.

"Kiki do you love me?" Ang ibang students ay sumabay sa kanta niya habang ang iba, kasali na ako ay pumalakpak lang.

Feel na feel niya ang pagkanta at kinokopya ang dance moves ni Drake. Oo alam ko kung sino ang kumunta ng Kiki do you love me. Napanood ko kasi sa MTV kagabi at In My Feelings pala ang title. Buong akala ko ay kiki do you love me. Hehehehe.

"Ang galing ko diba?!!!!!!!"

"OO PINAKAAAAAA!!!"

"SIGE KAYA TULOY NA TAYO SA ANNOUNCEMENTS!

"Ahem. Baka akalain niyo na walang cheerdance competition. Meron kaya! Sa mga gustong sumali mag-audition na pagkatapos nito. Ako kasi ang magiging leader ng cheerdance for this year. Kung marunong kayong magsplit, tumbling at magbali ng katawan na hindi nababali ang buto, you are all welcome! Basta audition kayo later ha?"

"Maximum of 30 members lang kaya sorry sa hindi matatanggap. Pero mukhang lahat ata ay matatanggap kelan din namin kasi ng magbabantay at extra para matulungan sa props! HAHAHAHAHAHA!!! Sa modern dance ay kay Dale kayo mag-audition. Hoy Dale halika dito."

Lumapit sakanya ang isang katangkarang lalaki. Nagpakilala itong siya si Dale at 9 members lang daw ang kukunin niya kasi hanggang 10 members lang.

Excited na excited na yung iba para mag-audition sa cheerdance. Pati ang mga kaklase kong bakla ay gustong-gustong sumali. Umingay ang AVR kaya pinatahimik lahat.

"And now, nandito na tayo sa inaabangan ng lahat! Who will be our next representatives for mister and miss intramurals? Pick your bet now at parampahin dito sa gitna! If you're willing, mas maganda iyon! Don't be shy ladies ang gentlemen punta na kayo sa harapan!"

Samu't saring pangalan ang binabanggit ng mga estudyante dito.

"Michael bagay na bagay ka sa mister i-try mo!" Wika ng isang kaklase namin.

"Alangan namang sa miss siya bagay diba bobo hahaha." Pangungutya ni Mara kay Vincent.

Chineer ng section namin si Michael kaya tumayo siya at pumunta sa harap. Siya ang pinakaunang pumunta dun kaya ininterbyu muna siya.

"Hello everyone. Ako nga pala si Michael Santos at first year BSED. Dito ako nakapag-senior high kaya hindi na ako bago sa school na ito. Yun lang po. Salamat!"

"Wooohoooooo Go Michael!" Malakas na sigaw namin.

Limang babae ang pumunta sa harap at dalawa lang ang nadagdag na lalaki. Lahat sila ay nagpakilala at pinarampa isa't isa. Sa tingin ko ay si Michael talaga ang bagay sa pagiging representative habang sa babae ay iyong si Irrah ng 3rd year.

"Para maging fair ang botohan ay ang mga teachers ang boboto kasi sila ang nakakaalam talaga. Kaya heto na ang result! Congratulations to tantananan... Michael and tantanananan EARL!"

Napahagalpak kami sa tawa dahil ang sarili niya ang ginawang representative sa pagiging miss.

"Joke lang. Hahaha. Who's your bet sa girls?!" Hinarap niya sa amin ang microphone.

"Debbie!"

"Irrah!" Isa ako sa mga sumigaw.

"Wilma!"

"Lovely!"

"Anna!"

"And our representative will be ........ Irrah! Congratulations to the both of you." Nang marinig ko ang pangalan niya ay pumalakpak kaagad ako. Akalain mo yun nahulaan ko silang dalawa. Yeeeeeeees!

Tinapos na kaagad ang meeting at isa-isa na kaming lumabas. Nawala sa isip ko yung phone ko kaya ng malapit na ako sa gate tsaka ko pa lang ito naalala. Hindi na talaga ako magpapahiram sa susunod!

Bumalik kaagad ako sa loob at hinahanap ang iba kong kaklase. Sana ay hindi pa sila nakauwi!

"Micah! Alam mo ba kung nasan ang iba nating kaklase? Nakita mo yung phone ko." Sana may makuha akong sagot sa kanya. Isa siya sa mga mababait na kaklase ko at di ko pa siya nakikitang nakikipyesta sa phone ko.

"Sa tingin ko bitbit yun ni Kyzelle kanina. Magkatabi kasi kami tapos siya yung pinahawak nina Divine para makapagselfie. Baka nasa kay Divine yun?"

"Ganun ba? Tsk. Manghihiram na nga lang hindi pa marunong isauli."

"Ganun talaga yun sila. Mga pafame kasi yun sa facebook. Ang ganda ng quality ng pictures pero nakikihiram lang pala. Hahaha."

"Sige salamat Mic! Hahanapin ko pa sila." Palinga-linga ako sa paligid para hagilapin si Divine. Dinukdok ko ang ulo ko. Sana pala ay nakitawag ako kay Micah at sana may kakilala akong pwedeng pakiusapan dito at pahiramin ako ng phone.

5 pm na at dadaan pa ako sa optical clinic. Nagdadalawang isip  ako kung aalis na ba o hindi pero baka iwala nila ang phone ko.

"Michael! Michael!" Lumapit kaagad ako sakanya at tinanong kung nakita niya ba si Divine at ang cellphone ko.

"Kanina ka pa rin hinahanap ni Divine para isauli yung cellphone mo. Sabi niya ay pupunta siya sa faculty room baka nandun ka."

Wala akong sinayang na oras at nagmadaling pumunta roon. Baka si tatay ang makaharap niya at pagalitan ako pauwi. Mabuti nalang at nahabol ko siya kaya hindi na kami umabot sa faculty room.

"Naku Greg! San ka ba kasi sumusuot? Napagod tuloy akong hanapin ka para isauli tong phone mo. Badtrip! Kinuha mo sana kaagad para hindi na ako nahirapan pang hanapin ka. Saka magpapapasa ako ng pictures bukas wag mong idelete. Nalowbat kasi kaya di ko na naipasa sa cellphone ko. Ba't ba kasi hindi mo yun chinarge ng pinahiram mo? Magpapahiram pa nga lang ay iyong malapit ng madeadbatt. Feeling ko magdadamot ka Greg eh porke't ikaw yung mas nakakaangat sa buhay sa buong klase natin. Sige ha ipasa mo bukas. Ayokong sa messenger kasi pumapanget ang quality. Haay alas sinco na tuloy!"

Ang lakas niyang sabihan ako ng ganun! Siya na nga ang nanghiram siya pa ang may lakas mang-insulto. Hindi na ako nakasagot sakanya kasi kumaripas siya ng takbo. Gusto ko rin sana siyang insultuhin pabalik. Parang hindi babae!

"La kang iphone." Iniba ko na baka kasi ay hindi na trend yung la kang mama. Mas mabuti ng palitan iyon.

---

A/N:

Ako po talaga yung nakapanood sa MTV at doon nalaman ang title ng kiki do you love me na kanta :">

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top